“Have we met somewhere before?” malamig at pamilyar na tanong nito, sapat para patigilin ang pag-ikot ng mundo ni Isa.Isang malakas na bagyo ang tila nag-aalburoto sa loob ng puso ni Isa. Nagwawala ang kaniyang emosyon, parang gustong kumawala ng kaniyang dibdib sa sobrang lakas ng kaba at sakit.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, pilit niyang pinanatiling kalmado ang kaniyang mukha. Humugot siya ng malalim na paghinga, itinatago ang anumang bakas ng takot, pangungulila, o pag-aalinlangan.“I've never met you before, Mr. Del Rosario,” malamig at walang gatol na lumabas sa kaniyang mga labi.Paano kaming hindi magkakakilala? sigaw ng kaniyang isipan. Parang dinudurog ang kaniyang puso. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit sa kaniya pa? Ngunit sa tanang buhay niya, kailanman ay hindi niya inakala na muli niyang masisilayan ang mukha ng lalaking ito sa ganitong pagkakataon, sa ganitong sitwasyon.Dahan-dahan siyang napayuko, iniiwasan ang nakakapapasong titig ng lalaki. Kinagat niya an
최신 업데이트 : 2026-07-02 더 보기