تسجيل الدخولHe only wanted her womb. Sa loob ng tatlong taon, Isabella was nothing more than a contract wife. Ginamit lang siya ni Miguel para magsilang ng tagapagmana—isang batang magliligtas sa buhay ng anak ng ibang babae. He never wanted her. Kailanman ay hindi siya naging sapat. Ngunit nang tuluyan nang sumuko at maglakad palayo si Isabella, isang masakit na katotohanan ang sumampal kay Miguel: The woman he can never live without was the exact same wife he never learned to cherish. Ngayon, the most powerful billionaire will drop to his knees and do anything to bring her back. Even if… it’s too late.
عرض المزيدMahigpit na kinuyom ni Isabella ang kapirasong papel na hawak niya. Ramdam niya ang panlalamig at pamamasa ng sarili niyang palad dahil sa malapot na pawis. Tila ba pinipiga ang puso niya habang nakatitig sa papel na iyon—ang kanilang marriage certificate.
Basag ang katahimikan nang magsalita ang lalaking nakaupo sa kaniyang harapan. Ang boses nito ay kalmado, ngunit may diin na nagpataas ng balahibo niya.
“The paper has been issued. Sign the contract now,” malamig nitong utos.
Kasabay ng mga salitang iyon ay ang paglapag niya ng isang bagong print na kasunduan sa mismong harapan ni Isa. Amoy na amoy pa ang matapang na amoy ng tinta sa bawat pahina, na parang nagpapaalala kung gaano kasariwa at katotoo ang bangungot na pinapasok niya.
“The marriage will last for three years,” patuloy nito, nakatitig nang diretso sa kaniya. “As long as you give birth to a child within that time, the agreement ends.”
Napalunok si Isa nang matindi.
“During the contract period, our marriage remains a secret. Once we leave this room, we are strangers in the eyes of everyone else. Do you understand?” mariin nitong dagdag, tila nagbabala.
Dahan-dahang napayuko si Isa.
Ang mahahaba at makakapal niyang pilik-mata ay lumikha ng anino sa kaniyang pisngi, itinatago ang anumang takot at sakit na nag-uumapaw sa kaniyang paningin. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi bago pilit na pinatatag ang boses.
“Naiintindihan ko, Mr. Del Rosario.”
Bahagyang lumambot ang tono ng lalaki, ngunit naroon pa rin ang awtoridad na hindi mabubuwag. “After the child is born, I'll give you a large sum of money. Sapat na para masiguradong hindi mo na poproblemahin ang pera habang buhay.”
Sandali itong tumigil. Humugot ng malalim na hininga bago muling naging yelo ang boses nito. “But there's one condition. Kailangan mong lisanin ang Maynila nang tuluyan. Can you do that?”
Saglit na tinitigan ni Isa ang kontrata, sinusuri ang mga salitang magtatakda ng kaniyang kapalaran. Pikit-matang humugot siya ng malalim na paghinga, at nang walang pag-aalinlangan, iginuhit niya ang kaniyang pangalan sa ibabang bahagi ng papel. Wala na siyang atrasan.
“Opo.” Dahan-dahan siyang tumayo, pilit na itinatago ang panginginig ng kaniyang mga tuhod. “Sir, gagamit lang po ako ng restroom.”
Tumango lang ang lalaki. Ngunit sandaling bumaba ang madilim nitong paningin sa basang-basang damit ni Isa.
Ang telang silk ay mahigpit na nakadikit sa kaniyang balat, mas lalong nagpapalitaw sa bawat kurba ng kaniyang katawan. Sa bawat paggalaw niya, sumisilip ang makinis at mapuputi niyang binti. Basa pa ang kalahati ng kaniyang buhok, ang mga maiitim na hibla nito ay nakadikit sa namumutla niyang leeg at balikat, nag-aakit ng atensyon sa mabilis na pagtaas at pagbaba ng kaniyang dibdib dahil sa kaba.
Ang ganitong tagpo ay sapat na para mag-iwan ng kakaibang init at pagnanasa sa sinumang lalaki. Ngunit pagkatapos ng isang matalim na sulyap, mabilis na nag-iwas ng tingin si Miguel.
“The restroom is the second door across the hall,” walang emosyong saad nito.
Agad na dinampot ni Isa ang kaniyang handbag, nanginginig ang mga daliri. “Salamat.”
Mabilis ang mga hakbang niya papasok, tila hinahabol ng kung anong halimaw.
Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay awtomatiko siyang napasandal doon. Mariin siyang napapikit at humugot ng isang malalim na paghinga.
Siya 'yon!
Ang lalaking kaniyang nirehistrohan ng kasal ngayon lang. Ang lalaking pumirma sa kontratang magtali sa kanila! Totoong siya iyon!
Si Miguel Del Rosario!
Ang nag-iisang tagapagmana ng angkan ng Del Rosario. Ang kinatatakutang CEO ng Imperium Corporation. Ang pamilyang nakatayo sa pinakatuktok ng kapangyarihan sa buong Maynila. Isang pamilyang napakaimpluwensya na kahit ang media ay hindi nangangahas na banggitin ang pangalan nila.
Ang isang taong katulad nito ay hinding-hindi dapat magkukrus ang landas sa isang simpleng tulad niya. Imposible sa buhay na ito.
Ngunit nang gabing iyon bago ang kaniyang graduation... ang baliw at nag-aapoy na gabing pinagsaluhan nila…
Mabilis na umiling si Isa, pilit na iwinawaksi ang mga alaala ng maiinit na haplos na iyon. Pakiramdam niya ay sinalanta ng isang malakas na bagyo ang utak niya. Gulong-gulo ang lahat!
Sa isang iglap, nakaramdam siya ng matinding pagsisisi. Bakit pa ba siya pumayag sa kahibangan ng contract marriage na ito para lang makuha ang gusto niya?
Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Kalma, Isa.
Mabuti na lamang, base sa naging reaksyon nito kanina, mukhang hindi siya nito namukhaan. Siguro ay hindi na nito natatandaan ang mga nangyari nang gabing iyon. Sa isiping iyon, ang matinding tensyon na kanina pa sumasakal sa puso niya ay unti-unting lumuwag. Nakahinga siya nang maluwag.
Ilang minuto ang lumipas, matapos ayusin ang sarili ay maingat na lumabas si Isa ng restroom. Bumungad sa kaniya si Miguel na nakatayo malapit sa malaking bintana. May kausap ito sa telepono.
Ang suot nitong tailored suit ay mas lalong nagpatingkad sa kakisigan at otoridad nito—para itong isang haring hindi pwedeng abutin. Kahit mula sa malayo, ramdam na ramdam ang nakakapangibabaw na presensya ng isang lalaking ipinanganak para mag-utos. At ang mukhang iyon... God, he's devastatingly handsome.
Nang marinig nito ang mahihinang yabag ng sapatos niya, kaswal itong lumingon sa gawi niya. Ang kaniyang matatalim at malalamig na mata ay may dalang kawalang-pakialam. Tila ba kailanman ay walang puwang ang init o emosyon sa mundo nito.
Nagtama ang kanilang mga paningin para sa isang buong segundo.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at napayuko. Walang sa sariling mahigpit na napakapit ang mga nanginginig niyang daliri sa laylayan ng ngayon ay tuyo na niyang damit.
Ibinaba ni Miguel ang telepono. Ang madilim nitong paningin ay bumaba at nagtagal sa maamo at namumutlang mukha ni Isa. Unti-unting nagsalubong ang makakapal nitong kilay.
“Have we met somewhere before?” malamig at pamilyar na tanong nito, sapat para patigilin ang pag-ikot ng mundo ni Isa.
Dahan-dahang napayuko si Isa. Ang kaniyang mahahabang pilik-mata ay lumikha ng malungkot na anino sa kaniyang namumutlang pisngi. Pilit niyang iniwasan ang nakakapapasong titig ng lalaking kaharap niya.Mahina ngunit pilit na pinatatag niya ang kaniyang boses. “I know. Hindi nito madedelay ang kontrata.”Kontrata.Ang nag-iisang salita na patuloy na nagpapaalala sa kaniya ng totoong lugar niya sa buhay ng lalaking ito. Isang malamig na piraso ng papel na nagtatali sa kanilang dalawa. Hanggang doon lang naman kasi iyon, 'di ba? Ginagamit lang siya.Kasabay ng pagbanggit niya sa kontrata, isang pamilyar at masakit na eksena ang biglang nag-flashback sa kaniyang isipan. Si Miguel... kasama ang kapatid niyang si Cassandra Aguilar.Sa isip niya, malinaw na malinaw pa rin ang tagpong iyon. Ang matamis na ngiti ni Cassandra, ang paraan kung paano ito tumingin kay Miguel na parang pagmamay-ari nito ang buong mundo ng lalaki. At ang mas masakit? Ang paraan ng pagtingin ni Miguel pabalik. Isang
Wala sa sariling napakurap-kurap si Isa.Wala siyang ideya kung ano ang nangyari kani-kanina lang o kung bakit ganoon na lamang kagalit ang asawa niya. Dahil hindi pa rin ganap na bumabalik ang kaniyang paningin, ang buong mundo niya ay nananatiling malabo, mga hugis at ilaw lamang ang kaniyang naaaninag.Pilit siyang umupo nang maayos, mariing ipinagdikit ang kaniyang nanginginig na mga kamay.“Mr. Del Rosario,” mahinahon niyang tawag, ang boses ay paos pa rin. “N-nauuhaw ako. Can you please pour me some. T-Thank you.”Tahimik na tumalikod si Miguel. Nagbuhos ito ng isang baso ng maligamgam na tubig at walang-salitang inabot iyon sa kamay ng dalaga.Mabilis na kinuha iyon ni Isa. Sobrang tuyo ng kaniyang lalamunan at pakiramdam niya ay ilang araw siyang hindi uminom, kaya mabilis niyang nilagok iyon. Dahil sa kaniyang pag-aapura at bahagyang panginginig, hindi niya naiwasang mabulunan nang kaunti. Ang huling patak ng tubig ay aksidenteng tumapon at umagos pababa sa kaniyang kwelyo.I
Binalot si Isa ng isang malalim at mahimbing na tulog.Sa kabila ng malamig na temperatura ng ospital, tanging ang mahinang 'beep' lang ng heart monitor ang pumupuno sa tahimik na ward. Hindi man lang siya nagising o gumalaw kahit nang tahimik na naupo si Miguel sa mismong gilid ng kaniyang kama. Ang matipuno at malaking bulto ng lalaki ay nag-iwan ng malawak na anino na tuluyang tumabon sa maliit niyang pigura.Dahan-dahang umangat ang malaki at mainit na kamay ng binata, marahang hinaplos ang kaniyang namumutlang pisngi. Ngunit hindi pa rin siya nagising.Napakapayapa ng kaniyang mukha. Sobrang amo, sobrang kalmado.Walang bakas ng pagmamatigas o paglaban. She looked incredibly well-behaved. Ang kaniyang mahahaba at nakakurbang pilik-mata ay bahagyang nanginginig sa bawat malalim niyang paghinga, tila dalawang pakpak ng paru-paro na maingat na nagpapahinga.At sa pagkakataong iyon, kumunot ang noo ni Isa. Sa isang hindi inaasahang paggalaw, bahagyang umusog siya paharap. Dahil doon,
Kaba ang bumabalot kay Tan habang nagmamaneho patungo sa ospital. Panay ang sulyap niya sa rear-view mirror, patagong inoobserbahan ang ekspresyon ni Miguel.Sa lahat ng taon na nagtrabaho siya sa tabi ng lalaking ito, mabibilang lang sa kamay kung ilang beses niya itong nakitang tunay na nagalit.Si Miguel ang tipo ng tao na kahit bumagsak na ang langit at gumuho ang mundo sa paligid niya, kaya pa rin nitong manatiling malamig at kalmado. He was a master of self-control.Ang huling beses na nakita niyang nawalan ito ng kontrol ay pagkatapos ng gabing iyon—ang gabi kasama ang hindi kilalang babae.Iyon ang unang pagkakataon ni Miguel. At imbes na maging maganda ang karanasan, ang babaeng iyon ay hindi lang siya pinagsamantalahan, nag-iwan pa ito ng isang nakakainsultong sulat. Ayon sa sulat ng babae, the billionaire's skills were the worst in the world and worth only one hundred pesos.Direkta iyong sumaksak sa pride ni Miguel bilang isang lalaki, kaya naman sumabog ito sa matinding g


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
المراجعات