INICIAR SESIÓNCAROLINA WASHINGTON
Three Months later Nagkaroon ng party sa kumpanya at alam ko naman ang dahilan nito. "Ready ka na hija? Teka parang nag gain ka ng weight." tanong ni Mommy sa akin at napansin niya ang katawan ko. "Yes po Mommy. Medyo po napapadalas kasi ang pagkain ko ng mga sweets." sagot ko, dahil ayon naman ang totoo. "Ok, sige bumaba ka na para maka alis na tayo." sagot ni Mommy. "Sige po sunod na ako." ani ko sabay ayos nang aking buhok.. Hindi ko kasi pinagalaw ito sa mga stylist na nagpunta kanina. Gusto ko bagsak lang ang katawan ko. Tumayo ako at humarap sa salamin. Napansin ko nga na medyo umuumbok ang tyan ko pero hindi naman ako nangangamba. Hanggang sa---" hindi, hindi naman siguro. Talaga namang ireggular ang mens ko noon pa. Iwinaksi ko ang mga iniisip ko. Isang sulyap pa bago ako lumabas ng kwarto. --- At Heritage Park Hotel Sobrang daming tao hindi ko ganon lubusang akalain na maraming bisita ang pamilya ko. At nang nakapasok na ako sa loob tinawag ako ni daddy at mommy. Nauna kasi sila sa hotel at sumunod na lang ako. "Ladies and gentleman let us give her a round of applause our unica hija Carolina Washington the next CEO of our company." balita ni Mommy sa lahat ng taong nakasaksi roon. Isang nakakabinging masigabong palakpakan ang binungad nila sa akin. Hindi ko lubos akalain na dito pala sasabihin nila Mommy at daddy ang plano nilang pag upo ko. I couldn't imagine na darating ang araw na ito. Altough, alam ko naman na iisang anak lang ako ng parents ko kaya wala silang ibang pagmamanahan ng lahat ng mga ari-arian nila kundi ako lang rin naman. Nang makarating ako sa stage napabuntong hininga ako sa dami ng tao para akong naoover whelm hanggang sa unti-unti akong di makahinga at biglang akong nahilo at nag black-out lahat. Bago ako mawalan ng malay rinig na rinig ko si Mommy na sumisigaw. "Call the ambulance. Help us please." Yan ang huling narinig ko. Nagising ako na nasa apat sa sulok na ako ng kwarto. Wala sila Mommy at daddy. "Mom, dad." tawag ko ng magising ako na wala akong makita ni isa man lang sa kanila. Nang magbukas ang pintuan kita ko ang mga tingin nila sa akin na parang may ginawa akong mali. Gulong gulo ako kaya ng magtanong si Mommy mas hindi gumagana ang utak ko. "Buntis ka? tatlong buwan na? Si Kyle ba ang daddy ng bata?" sunod sunod na tanong niya. "Tell us hija. Hindi pwedeng malaman 'to ng mga press kundi pagpepyestahan nila ang pamilya natin." ani ni daddy na kita sa mata ang pagka disappoint sa akin. Hindi ko gusto pero nangyari naman na.. Pero ang nakakainis lang sarili pa rin niya at reputasyon ang kanyang iniisip. "Mom, I'm sorry but it's not K....Kyle." nauutal na sagot ko halos maumid ang dila ko sa labis na takot na aking nararamdaman. "W-What?" gulat na wika ni Mommy at isang malakas na sampal ang natanggap ko. Kauna unahang beses niya akong nasaktan. "Abort it." mariing wika ni daddy. Buonh akala ko kakampi ko siya pero hindi rin pala. "Nababaliw na ba kayo? Anong abort? No! This is mine." mariing wika ko at totoo naman wala silang karapatan para sa anak ko. "Kasiraan yan sa pamilya natin. Sino ba ang ama niyang dinadala mo. Nakipag sex ka sa ibang lalaki habang may boyfriend ka pa??" wika ng Mommy niya na ikinagulat niya na ganon siya husgahan. "Hindi niyo siya kilala. At kahit sabihin ko pa hindi na rin naman magbabago ang lahat." sagot ko. Gusto kong manindigan sa magiging anak ko. Hinaplos ko nag nagsisimula ng umumbok kong tyan na halata na rin naman lalo sa suot kong fitted dress. Buong akala ko nanaba lang ako. Hindi ko alam na buntis na pala ako. Nang makita ko ang mga matalim nilang tingin hindi ako makatingin sa kanila at umiwas ako. "Kausapin mo yang anak mo, Matilda." wika ng aking daddy sabay talikod at balya ng pintuan pag labas. Naiwan kami ng Mommy ko. "Hija, sundin mo na ang gusto ng daddy mo. Masisira ang buhay mo dahil sa batang dinadala mo. Kung mahal ka ng nakabuntis sayo pananagutan ka niya kaso hindi--" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. "Mommy, hindi niya alam at wala akong planong ipaalam sa kanya." final na sagot ko. "Hija, hwag matigas ang ulo mo." wika ni Mommy. At maya maya lang may mga nurse ang lumapit sa akin at ang isa ay ininjection-an ako. "Mom, anong ibig sab--" hindi ko na natapos ang lahat ng sasabihin ko ng mawalan ako ng malay. --- At Abortion Clinic Nagising ako na parang may kakaiba sa paligid ko. Nag-uusap usap sila. Hanggang sa makarinig kami ng sunod sunod na putok ng baril. "Raid! Raid! Walang kikilos na masama." sigaw ng pulis. Masakit ang ulo ko at nahihilo pa ako. "Ikaw bakit ka nandito? Nagpapa abort ka rin? Hindi ko ba alam na kasalanan yang ginagawa mo." ani ng pulis na isa-isang pinupusasan na ang mga kasama ko sa loob ng abortion clinic. "H...Hindi wala akong balak. Nagising na lang ako na nandito na ako." sagot ko kasabay nang panginginig ng boses ko. "Ha? Hindi mo alam teka diba--" hindi natapos ng pulis ang sasabihin ng magclick ang camera. Ilang anggulo nilang nakuhaan ang mukha ko bago ko natakpan. Hindi nila ako pinaniwalaan at dinala nila ako sa himpilan ng pulisya.. "Makinig nga kayo sa akin wala nga akong alam.. Bakit ba ayaw niyong maniwala sa akin." paliwanag ko kaso nanatiling bingi ang lahat. Hanggang sa nagulat na lang kaming lahat ng dumating siya. "Leave her alone." maawtoridad na wika nito. Lahat ng mga pulis ay napatigil sa pag iinterogate sa akin. Nang lumapit ito sa akin at hinawakan ang braso ko. "I pay her bailed now. Excuse us." ani ni Kenjie Taylor. Ang daddy ng magiging anak ko. Anong ginagawa niya rito? Sino ang nagpapunta sa kanya rito?? Mga tanong ko sa aking sarili na hindi ko masagot sa ngayon.Nang matapos kaming kumain.. Inaya ko na siya na maglakad lakad sa dalampasigan para naman hindi siya mabored masyado. Hawak ko pa rin ang kanyang kamay at di ko binibitawan. Napansin ko kasi na may mga matang nakatingin sa asawa ko. Ayoko lang na may umaligid pa sa kanya. "Doon tayo hon?" tanong ko muna rito at baka may iba siyang gustong puntahan kasi. "Sige, saan ba tayo pupunta?" tanong nito sa akin. "Ikaw, saan mo ba gustong pumunta?" balik na tanong ko sa kanya. "Ikaw kung saan mo ko gustong dalhin. Wala naman problema sa akin hon. Hindi naman ako pamilyar sa lugar kaya ikaw na lang ang bahala." sagot nito sabay tingin sa akin. Hawak ko pa rin ang kamay niya at sabay kaming naglalakad na dalawa. "Hon, alam mo bang maganda naman ang Balesin. Pero alam mo mas gumanda ito." banat ko rito. Ewan ko kung tatalab sa kanya. "Bakit naman hon? Saang bahagi naman ito gumanda pa lalo." seryosong tanong nito. "Syempre I love the view because maganda ka hon." sagot ko.
KENJIE TAYLOR Nagising ako na nahihimbing pang natutulog ang asawa ko. It's feel like my heart at piece. Ngayon ko lang naramdaman ito sa ilang taon kong nabubuhay sa mundong ibabaw. Masarap pala talaga kapag may asawa ka na makakasama mo sa araw-araw na gigising at matutulog ka na may katabi ka. Bumangon na ako para paghandaan ang aking asawa. Gusto kong pagsilbihan siya at hindi niya maisip na nagkamali siya sa pagpayag sa akin na mapangasawa. Naghanap ako ng mailuluto sana sa kitchen kaso naalala ko wala pala kaming stocks rito. Kaya naman bumalik ako sa kama para hintayin na magising ito at makakain kaming dalawa sa labas. Naglakad lakad muna ako habang hinihintay ko siyang magising. Nag stretching rin ako at nang makatapos ako sa aking ginagawa. Mga ilang saglit pa nagising na rin ang asawa ko. Agad akong lumapit rito. "Good Morning, hon. How's your sleep?" lambing na tanong ko rito. Naupo ako sa gilid ng kama habang hinahaplos ko ang braso nito. Her shoulders keep me t
Hindi kami nakapag honeymoon dahil buntis ako at natatakot kami parehas lalo na't nasa early stages pa ako ng pregnancy journey ko. Umalis kami ng simbahan at dinala niya ako sa building ng TGE. Hindi ko alam na may surpresa pala siya sa akin. Pagdating namin roon naglakad kami papasok ng elevator at pinindot nito ang pinaka taas na floor. Hindi ko alam kung anong gagawin namin at kung saan kami pupunta. Basta nagpatianod na lang ako sa kanya kung saan nga ba niya ako dadalhin. Nang makarating kami sa last floor. At nang bumukas ito hinawakan niya ang kamay ko. Nagtungo na kami sa labas ng floor at may hagdanan roon. Inalalayan niya ako sa pag akyat hanggang sa makarating kami ng roof top. Halos liparin na nga ang buhok ko sa lakas ng hangin. Nakita ko rin ang chopper ng mga Taylor. "S-Sasakay tayo dyan?" tanong ko at sa wakas nakapag salita na rin ako. Kanina kasi dedma lang ako. "Yes! Hindi ka naman siguro takot sumakay dyan?" Napalunok ako ng aking laway ng ilang ulit. "A
CAROLINA WASHINGTON Mabilis ang naging bawat mga araw. Heto na ang araw nang itinakda para sa pag iisang dibdib namin ni Kenjie. Nakaharap ako sa salamin at kinakausap ang aking sarili. Kung handa na nga ba ako na maging isang Mrs. Kenjie Taylor..Bigla akong kinabahan kasi na parang gusto ko na lang umatras sa kasal namin kaso nakasalalay naman ang aming kumpanya kung sakaling aatras ako. Naguguluhan ako at the same time masaya ako. Nang makarining ako ng katok. At alam ko si Mommy ito. "Pasok." sapat na ang boses ko para marinig niya. Nakita ko ang pagpasok ni Mommy. At tama ako siya nga ito. "Hija, napakaganda mo sa suot na traje de boda. Handa ka na ba? Ngayon pa lang hija, sobrang nagpapasalamat ako sayo. Alam mo ba na ok na ang daddy mo at malapit na siyang madischarged. At masaya ako na nakabalik na sa atin ang WGE. Alam mo naman kung gaano kahirap ang naranasan namin ng itayo ito. Medyo sumablay nga lang ang daddy mo pero salamat talaga anak." ani nito. Ngiti lang ang s
KENJIE TAYLOR Natapos na ang engagement party. Alam na ng lahat na ikakasal ako. Pero hindi pa rin kami naging ok nang pamangkin ko. Heto nga sumugod siya sa kumpanya.. "Lumabas ka dyan Uncle.. Sulutero ka." nagsisigaw ito sa labas ng gate ng kumpanya hindi siya pinapasok ng mga guard dahil lasing na lasing ito. "Sir nasa labas po ng TGE building si sir Kyle at nagwawala." ani ng aking secretary na si Cindy. "Hayaan niyo siya mag eskandalo kapag gumawa ng kakaiba. Ipadampot niyo sa pulis, wala akong panahon sa kanya." bilin ko. At ayoko siyang pagka abalahan dahil puro walang kakwenta kwenta lang naman ang mga pinagbibintang niya sa akin. "Ok sir noted. Thank you." sagot ni Cindy. Lumabas na ito at iniwan ako. Hindi ko gustong gawin kay Kyle ito kaso sumobra na siya. Binastos niya ako pati na ang mapapangasawa ko. Hindi ko ito tolerate ang ganya ugali na meron siya. At isa pa wala naman akong sinulot sa kanya. In the first place siya ang unang nanloko kay Carolina. Iw
CAROLINA WASHINGTON Kanina lang kabado ako na pumunta ng party dahil alam ko na pupunta si Kyle roon. Gusto ko sanang umatras kaso nakakahiya kay Kenjie dahil alam ko naman na pinag handaan niya rin ito ng ilang buwan. Alam ko dadalo sila ni Kylie pero sa kabilang banda naisip ko rin na bakit hindi ako pumunta para makita nilang dalawa na naka move-on na ako. Pagdating ko sa venue dinadaga na naman ako kaso ng makita ko si Kenjie na hinihintay ako nawala ang kaba ko. Napakagwapo nito sa suot na white suit ko. Pakiramdam ko ikakasal na kami ngayong dalawa. Nakita ko rin ang masamang tingin ni Kylie at Kyle sa akin. Marahil takang taka sila kung bakit kasama ko si Kenjie ngayon. Lalo na ng banggitin ng host ang pangalan naming dalawa para umakyat ng stage. Kita ko ang gulat sa mga mukha nilang dalawa. Hindi siguro nila akalain na matapos nila akong lokohin na dalawa ay magiging miserable ang buhay ko. Doon sila nagkakamali dahil napabuti pa at napunta ako sa isa sa pinaka mayaman







