Nagising akong walang Ken na sa tabi ko kaya napabangon ako bigla. Nasa’n ang magaling? Napahawak ako agad sa ulo ko dahil sa biglaang sumakit ‘yon.“Ken?” I called his name, but no one answered. Bumaba na ako sa kama at may biglang naalala.“Ke—Ken...” pinamulahan na naman ako ngayon. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin sa kanya. All the words he said to me a while ago are stucked in my head.“Ang sweet ko, ano?” He moved away and grinned. “Pulang-pula na naman ang mukha mo. I love the way you blushed lalo pa’t ako ang dahilan niyan. Hindi ako magsasawang pamulahin ang mukha mo, love.”“Enough...” hindi ko na kaya pa ‘to. Mamamatay na ako sa kilig!“Ang corny ko na ba?”Umiling ako. “You’re not.” para sa ‘kin ay hindi siya corny. Hindi lang ako sanay sa paraan niya ng pagpapakilig ngayon.“Really?”“Oo.”“Feeling ko kasi ang corny ko na. But hey, I’ll do everything to make you feel love and special. A woman like you deserves that. You deserve me...”“Thank you.” dahil wala akong
We arrived at St. Luke by ten-thirty o'clock. Since malapit lang din ‘yon dito, inabot lamang kami ng ilang minuto. I was busy looking at the building when Ken grabbed my right arm and held it in a gently way.“Dito ka ba nagpatingin noon?”“Oo.”“Lalaki ‘yong Doctor?”“Hindi. Babae, eh.”“Ah.” mukha siyang nakahinga nang maluwag.“Bakit?”“Wala lang.”Napataas ang isang kilay ko pero ‘di na ako nagtanong pa. Pumasok na kami sa loob at tila parang nakakita ng artista ang mga babaeng Nurse rito. Ang reaksyon ko, nakasimangot lamang.As usual...Na guwapuhan ang mga ‘yon kay Ken. I felt possessiveness running through my veins, yet I remained quiet. Wala pa naman kaming label, nagbatuhan lang kami ng ‘I love you’ pero ‘di pa siya akin.Pero sana makaramdam ang mga babaeng Nurse na ‘yon, ano!“Taken na.” rinig kong wika ng isang babaeng Nurse na nadaanan namin.“Look, may kasama siyang babae at buntis pa. Asawa niya ata.”“Hindi ‘yan.”“Kung asawa man, puwedeng maghiwalay, ano! Magkas
Tumayo na ako at nagpaalam na sa kanya, naipagpapasalamat ko na kahit papaano ay kasama ko si Ken dito. Na libre pa nga ng wala sa oras. Pag labas ko ng clinic ni Doc. Mendoza ay nakitang nag-uusap ang dalawa— my ex and my self-proclaimed husband.Malapit sila sa fire exit at seryong nag-uusap. Nakasandal sa pader si Ken habang si Dave ay naka-crossarms na nakaharap sa kanya. Na curious ako sa pinag-uusapan nila pero ayaw kong magmukhang chismosa. Salamat na lang at ‘di nag-away ang dalawa.Lumapit ako at tumikhim, sabay silang napatingin sa ‘kin at tumayo ng tuwid.“Ali, love...”“Ali...”“Uuwi na kami.” wika ko kay Dave at slight na ngumiti.Gumanti rin siya ng ngiti sa ‘kin at tumango. “Sige, ingat kayo.”“Thanks.” tinignan ko na si Ken at sumenyas na sa kanya na bababa na kami, tumango siya at kinuha ang hawak kong vitamins. Naglakad na kami palayo kay Dave at ‘di na namin siya nilingon pa.Tahimik lamang si Ken sa tabi ko, gusto kong magtanong pero may hiya naman ako kahit papa’n
“Tatambay pa ba tayo rito, love?” Ken asked while his eyes glued on the park, may iilan lang matanda ro’n at mga bata.“Yeah... Kahit saglit lang sana.”“Hmm,” inilahad niya ang kanyang kamay sa ‘kin at ngumiti. “Alam kong nakakagulat ‘yong mga sinabi ko kanina pero ‘yon ang totoo.”Tumango ako at napalabi, hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon.“H’wag mo nang isipin pa ang mga sinabi ko kanina dahil hindi naman ‘yon kailangan isipin pa. Gan’to, feel my love and know my love. That’s all.”Napatingin ako sa kanyang kamay ng ilapit niya ‘yon lalo sa ‘kin. “Take my hand, c’mon.”I took his hand and smiled. Tama nga naman siya, hindi ko kailangan isipin pa ang mga sinabi niya kanina dahil wala naman dapat paggamitan ng isip do’n. I just need to absorb all his words earlier just to make me feel okay.Sabay kaming naglakad papunta sa isang bench kung saan malapit sa mga batang naglalaro. Naupo kami ro’n at pinagmamasdan sila.“Ano ang gender ng baby?” pagtatanong niyang muli.Iniabo
“Here.”Napahinto ako sa pagbabasa ng ‘Hold me Close’ by jonaxx nang makitang may bulaklak na nakalahad sa ‘king harapan. It was a bouquet of red roses.“Bakit....” I paused at pagkuwan ay kinuha ‘yon kay Ken. Nginitian niya lang ako bago siya umupo sa ‘king tabi. Naikagat ko ang aking ibabang labi at pinikyuran agad ang bigay niyang roses sa'kin. “Thank you, ah?”Hindi naman Valentine’s Day pero binigyan niya ako ng ganito. Kagulat-gulat lang, ‘di ko namalayan na um-order siya ng ganito. I was busy reading at my phone kaya gano’n.“Don’t thank me, love, okay? Deserve mong mabigyan ng ganyan.”“But still thank you.” I breathed at parang may mainit na kamay ang humaplos sa ‘king puso. Looking at those roses, it made my heart in chaos.I posted the picture I took earlier on Instagram and had the caption ‘Thank you for the bouquet of roses, Ken. I love you.’I didn’t add any emojis at all, okay na ‘yong caption.Nagpatuloy muli ako sa pagbabasa when I felt his arm encircling my waist
Lulan na kami ng sasakyan ngayon at papunta na sa pupuntahan naming restaurant. Nakasandal ako ngayon sa balikat ni Ken habang nakayapos sa kanyang kanang braso. Ang mga mata namin ay nasa daan at komportable ako sa posisyon namin ngayon.“Gutom ka na ba?” biglaang pagbabasag niya sa katahimikan.“Hindi pa naman.”“Okay.”“Malapit na ba tayo?”“Oo.”Napaangat ako ng aking ulo nang madaanan namin ang kanyang kumpanya. “H’wag mong sabihin na...” I paused. Lumilipad ngayon ang isip ko.“Ayaw mo bang kumain tayo ro’n sa La Ignacio?”“Hindi naman pero...” hinarap ko siya at binasa ang aking ibabang labi.“Masyadong mahal do’n, ‘di ba? Ni ang tubig ay umaabot sa halagang ₱150.00 tapos do’n mo pa ako dadalhin? Ken, mapapagastos ka na naman. Do’n tayo sa ibang restaurant.”Ang La Ignacio ay restaurant para sa mga artista, mayaman, modelo at mga taong nagtatrabaho sa Gobyerno o kasapi niyon. Masyadong mahal ang mga pagkain do’n at kailangan may room kang pipiliin. Madodoble lang ang paggastos
Nagising akong may ngiti ng nakapaskil sa aking mukha. Nag-enjoy nga ako ng sobra kagabi pero hindi huminto ang oras gaya ng gusto ko. Tumingin ako sa aking gilid at walang Ken akong nakita. Bumangon ako habang nakakunot ang noo, may nakita akong papel sa table na nasa gilid ko’t dinampot iyon.A short letter for me.Good morning, love. Sorry kung ‘di na kita ginising pa, masarap kasi ang tulog mo, tulo pa nga laway mo. Kidding. I cooked your breakfast already. H’wag magpakapagod at stay in my unit, okay? I’ll be home at seven o’clock in the evening. I love you.I smiled after reading the letter, panira lang ‘yong sinulat niya na tulo pa laway ko kahit ‘di naman! Nilapag ko muli ‘yon sa table at dumiretso sa kusina. Nakaayos na sa mesa ang kakainin ko. I looked at the wall clock, it's nine o’clock in the morning, ibig sabihin, kanina pang seven thirty o’clock nang umaga pumunta si Ken sa kanyang kumpanya.Mga bandang alas gis na ng gabi kami nakauwi na dalawa. Ang bilis nga lumipas ng
Huminto ang kotse at bumaba ang Driver. Nakita ko si Dave na nakahiga na sa kalsada habang duguan at si Callum naman ay gulat na gulat na hawak ang aso at nakaupo sa kalsada, malapit kay Dave. Callum’s alive but...Nanginginig akong naglakad palapit kay Dave pero ng makita sa malapitan ang duguan na katawan niya ay mas lalo akong nanginig, napahawak ako sa ‘king bibig at umiyak.“Kuya!”Mabilis na lumapit si Callum kay Dave at umiyak.“I already called the ambulance, kid. Don’t cry.” ani ng Driver.“No...” patuloy pa rin sa pag-iyak ang bata. “Kuya...”Lumapit ako kay Callum at hinila siya palayo ro’n. “Parating na ang ambulance. Tahan na.”“Baka mamatay na si Kuya!”“Hindi mangyayari ‘yon. Hindi mangyayari iyon.” nagpatuloy ako sa pagtahan ng bata habang ‘yong Driver ay tinignan ang pulsuhan ni Dave.Namutla ‘yon at may takot ng tumingin sa amin. Do’n pa lang, kinutuban na ako. Umiling ako, ‘di makapaniwala.“He’s dead.” mahinang wika nito.Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa