Share

Chapter 4

Chapter 4

Huminto ang sasakyan sa may tapat ng Market. Ipinark na ni Ken ang kotse sa may tabi lamang at naunang bumaba. Hinawakan ko na ang buksanan ng pinto ng kotse para ‘di na siya mag-abala pang pag buksan ako kaso mabilis siyang kumilos.

“Hindi mo na kailangan pang gawin ‘yan sa ‘kin Sir— I mean, Ken.”

“Kusa kong ginagawa ‘to. Whether you like or not, wala kang magagawa kung ‘di hayaan akong gawin ang bagay na ‘to sa ‘yo.”

Wala sa sariling napahawak ako sa ‘king leeg, ‘di ko alam kung ano’ng dapat ko pang sabihin sa kanya. Kada may imik ako, may kaya siyang isagot.

“Let’s go.” he said softly. Hindi siya muna naglakad hangga’t ‘di pa ako nalapit gaano sa kanya.

Do’n lamang siya naglakad nang tumabi na ako sa kanya ng kaunti, sabay kaming pumasok sa loob ng Market. Ang mga babae ay panay ang tingin kay Ken.

‘Di ko sila masisisi, kahit saang anggulong tignan ay gwapo talaga siya. May iilan na masama ang tingin sa ‘kin pero ‘di ko na lang sila pinapansin pa.

“Sa’n muna tayo?” huminto siya sa paglalakad at tumingin sa ‘kin.

“Do’n.” tinuro ko sa kanya ‘yong stalls ng mga biscuits. “Magsimula muna

tayo ro’n bago umikot. Teka, kukuha lang akong-”

“Basket? Ako na.” mabilis niyang wika. Naglakad na siya papunta sa kuhaan ng basket at kumuha ng isa, ‘yong de hila na. Pagkalapit sa ‘kin ay pinauna na niya ako ro’n sa tinuro ko.

“Ito, puwede?” pagtatanong ko nang makakuha ako ng isang plastic ng presto. Masarap ‘tong kainin kapag magmemeryenda na. “Saka ito.” kumuha rin ako ng isang plastic ng sky flakesat pinakita sa kanya.

“Yeah.”

Nakangiti kong nilagay ang mga ‘yon sa basket.

“Kuha ka lang nang kuha d’yan.” anito habang tulak-tulak ang basket.

Natatawa ako sa itsura niya kasi imagine, siya ang may-ari ng isang kumpanya, a

bachelor, a rich man and here he is— nagtutulak ng basket.

“Ken, ‘di bagay sa ‘yo ang magtulak ng basket.”

“I don’t care.” pagsusuplado na naman niya. “Dumampot ka na lang d’yan

ng gusto mo.”

“Sabi ko nga.” pinagkukuha ko ‘yong ibang biscuit. Siya naman ang magbabayad kaya mas pabor sa ‘kin ang ganito. “Pero ako na lang kaya ‘yong magtulak niyan?”

“Are you crazy, woman?” inis niya akong tinignan. “Ako ang lalaki, ako dapat ang nagtutulak nito.”

“Sabi ko nga talaga.”

“Puro ka ganyan. Sa’n naman ang next?”

Inaatake na naman siya ng pagkasungit niya. Dapat ang pangalan nito eh Ken Liew Masungit Del Valle, mas bagay pa sa kanya.

“Sa mga de lata.”

Marami akong pinagkukuha na cornbeef, ligo sardines (green and red) and 555 tuna.

Nakatingin lang sa ‘kin si Ken at walang imik sa mga pinagkukuha ko. ‘Di ko bilang kung ilan ‘yong mga de lata, bahala na mamaya. Umikot na kami nang umikot sa mga stalls. Dumampot na ako ng frozen foods, palaman, kape, tinapay, gatas, juice and junkfoods.

“Ba’t may junk foods?”

“Pang midnight snack.” simple kong wika.

“Hindi ‘yan healthy! Ibalik mo sa stall!”

“Isa lang! Kahit isa lang na junk food!” isang malaking cracklings lang ang kinuha ko, ibabalik pa.

“Fine! Isa lang, ah? Isa lang.” may diin niyang wika.

“Yes, Sir!”

Nagpunta naman na kami sa stall ng mga gulay at prutas. Dumampot ako ng patatas kasi balak kong mag-adobo mamaya.

“Patatas lang?”

“'Yan muna.”

“Ano’ng lulutuin mo mamaya?”

“Adobo.” sabay ngiti. Wala kaming maayos na pag-uusap noon—noong empleyado niya pa lang ako pero ngayon, nakakatuwa na mayroon na kaming gan’tong pag-uusap.

Dumampot naman ako ng prutas. Manggang hilaw, apple, orange, lemon and grapes, pina-assist ko ro’n sa babaeng tagatimbang. May nilalagay siyang resibo sa mga prutas na pinatimbang ko. Nagtungo naman na kami sa may meat section matapos niyon.

“Ikaw ang pumili ng karne.” wika ko rito sabay tingin, tumingin din siya sa ‘kin.

“Ba’t ako?”

“Wala lang.”

Hindi na siya umimik. Pumili nga siya ng karne, ‘yong malaki at pinatimbang sa lalaki. Nagulat ako sa timbang kasi umabot ng five hundred.

Papalitan ko sana ng maliit pero walang pake si Ken sa timbang ng karneng pinili

niya.

“Asukal, kumuha ka.” pag-uutos nito. Sinunod ko naman. “Yong isang kilo. Sampung gano’n!” pag sisigaw niya nang makalayo na ako sa kanya.

Tumingin ako sa kanya at sumigaw din. “Lumapit ka kaya rito!”

Akala ko naman isang asukal lang ang bibilhin! Lumapit nga siya, napatingin naman ako sa basket, punong-puno na ‘yon. Tamang-tamang, asukal na lamang ang kulang.

“Yong white na asukal ba?”

“Oo.”

“'Yong pula na lang kaya?”

“Kumuha ka na rin niyon.”

“Tig-ilan?”

“Lima sa pula, sampu sa puti.”

“Ang daming asukal! Tiglilima na lang!”

Kumunot ang kanyang noo. “Ako naman ang magbabayad, eh.”

“Sabi ko nga.”

“Kumuha ka rin ng itlog tapos mantika.”

“Parang ‘di na kasya.”

“Kukuha lang ako ng isang basket. Kumuha ka na ng itlog at mantika.”

“Aling mantika ba? ‘Yong mahal?”

“Kahit ano, basta mantika.” anito sabay alis na para kumuha ng isang basket pa. Kumuha na muna ako ng mantika tapos nilagay sa tabi ng mga pinamili namin bago kumuha ng itlog. May lumapit pa ngang lalaki sa ‘kin at gusto akong tulungan.

“Need a hand?”

“Hindi na.”

“Ah, you sure?”

“Yup!” at ngumiti ako. “Salamat na lang!” may itsura ang lalaki pero ‘di gaano’ng kagwapuhan, sakto lang ba kumbaga. At sa tingin ko, mas bata ito sa ‘kin ng ilang taon.

Ngumiti rin ito. Akala ko aalis na siya pagkatapos niyon pero ‘di pala.

“Ano, uhm... Can I get your number?”

“For what?” pagtatanong ko habang napapakunot-noo na.

“For call? Text?” at awkward siyang tumawa, napailing naman ako.

“I don’t have cellphone right now, I’m sorry.”

“Yong lalaking kasama mo kanina, ano mo siya? Asawa?”

Why did he even ask that? “Nope. Ano... kaibigan ko siya.” Great, Ali. Kahit hindi, ano?

“Really?”

“Yeah.”

“Ba’t wala kang cellphone? Hindi ka nagcecellphone sadya?”

“Nagcecellphone naman. Nasira lang.” napatingin ako sa kanyang likuran and I saw Ken, nakasimangot.

“Parating na ang kaibigan ko.”

“Okay. Bye.”

“Yeah, bye!”

Kung may cellphone man ako, ‘di ko ibibigay number ko sa kanya. Ayaw kong maging pedophile ng wala sa oras.

“Sino ‘yon?” Ken asked nang makalapit na siya sa ‘kin.

“I don’t know. Just a stranger.”

“Bakit ka kinausap?”

“Gustong hingin number ko.” kinuha ko na ‘yong basket at do’n ko nilagay ‘yong ibang asukal na hindi na kasya sa unang basket pati iyong mantika.

“Buti nasira ‘yong phone mo.” he mumbled.

“Sa’n ko ilalagay ‘tong itlog?” hindi ko na lang pinansin pa ang sinabi niya.

“Akin na.”

“Ako na ang magtutulak ng isang basket?” pagtatanong ko pa.

“Hindi.” mabilis niyang sabi. “I call a boy kanina. Siya ang maghihila ng isang basket.”

“Nasa’n?”

“There.”

Tinuro niya ‘yong lalaki na nasa may meat section at may kausap. Nang matapos ay lumapit na ‘to sa 'min. Nauna nang maglakad si Ken habang bitbit ang isang tray ng itlog at ‘yong basket na may laman na asukal at mantika.

“Dito na lang.” wika nito sa lalaki nang makarating na kami sa cashier.

“Thanks.”

“No problem, Boss!” nakangiting wika niyon bago umalis.

Si Ken na ang nag-asikaso lahat. Nakatingin lamang ako sa kanya hanggang sa matapos ng ibalot at bayaran ang mga pinamili namin. Kung magiging asawa ko man siya, siguro magiging masarap ang buhay ko. He’s nice and gentleman, mga katangiang hindi ko inaakala na mayroon sa kanya.

Hindi pa talaga patay ang chivalry.

Kumuha lang siya ng isang lalaki para magbuhat ng ibang pinamili namin. Ako na naman ang walang buhat-buhat. Nang makarating na kami sa kotse niya at nailagay na sa likuran ang mga pinamili ay nag-abot siya ng dalawang daan sa lalaki.

“Here, your tip.”

“Salamat, Boss.”

Tumango lang si Ken, at nginitian ko naman ‘yong lalaki bago umalis.

“Hey, pasok na.” tumingin ako sa kanya at nakitang magkasalubong na ang dalawa niyang kilay. “Pumasok ka na.”

“Uwing-uwi ka na ba, huh?” parang kanina lang, good mood pa siya. Ngayon eh bad trip na naman.

“Oo. Balak kong itago na lang kita sa condominium ko, pangiti-ngiti ka pa riyan.”

Napakunot-noo ako. Ano’ng masama sa pag ngiti ko? Wala naman akong nakikitang masama, ang lalaking ‘to talaga!

Mahigpit ang hawak ko sa'king seatbelt dahil sa patakbo ni Ken sa kanyang kotse. Ni ‘di alintana sa kanya na sundan kami ng mga Police dahil over the limit na ang patakbo.

“Paakibagalan ang takbo!”

Paniguradong namumutla na ako ngayon. Mahal ko pa ang aking buhay, paano kung biglang may makasalubong siyang truck tapos mabangga kami?

Ang lalaking ‘to talaga!

Hindi ko na mawari kung anong tumatakbo sa isip! Binagalan niya ang takbo ng sasakyan kaya nakahinga ako nang maluwag.

“Ba’t ka ba ganyan!? Kung gusto mong makulong, h’wag mo akong idamay! Kung gusto mong magpakamatay, h’wag mo rin ako idamay!”

“Hindi naman kita idadamay, isasama lang kita.”

Napatanga ako sa kanyang sinabi. Ano raw?

“Nakakabadtrip lang kasi.” ramdam ko sa kanyang boses ang inis. “Fuck. If I drove like this, I’m sorry. It’s just... fuck, nevermind.”

Hindi ko talaga siya maintindihan ngayon.

“H’wag mo na lang ako pansinin ngayon.” dagdag pa niya.

Nakatingin lamang ako sa kanya, hindi alam ang sasabihin. Huminto na ang sasakyan sa parking lot ng condominium. Tatanggalin ko na ang seatbelt nang biglang naglean si Ken at hinawakan ako sa ‘king kamay.

“Ako na.”

Tumitig siya sa mga mata ko habang hawak-hawak ang aking kamay. Nahigit ko ang aking hininga habang nakipagtitigan sa kanya. Umarko pataas ang gilid ng kanyang labi at sa seatbelt na tumingin. Binitawan na niya ang aking kamay at siya na nga mismo ang nagtanggal ng seatbelt.

Nakakahiyang huminga ngayon dahil sa sobrang lapit niya sa ‘kin. Siya na rin mismo ang nagbukas ng pinto. Nang makalayo siya ay bumaba na agad ako. I suddenly gasp, baka pag lumapit ulit siya sa akin ng gano'n ay ikamatay ko na agad ng maaga.

“This way.” anito.

Nauna siyang maglakad ngayon papuntang elevator bitbit ang mga gamit ko, may isang Guard do’n at binati si Ken.

“Good evening, Sir.”

Hindi umimik si Ken, tumango lamang ito kaya ako na ang umimik.

“Good evening po, Kuya.”

“Good evening din po, Ma’am.”

Napangiti ako nang makita ang pagngiti niya ng maganda, kahit matanda na siya ay maganda pa rin ang kanyang ngipin. I wonder kung nakapustiso siya o hindi.

“Nakapustiso po ba kayo?” pagtatanong ko, tumawa ang matanda.

“Hindi, Hija.”

“Nice!” napangiti ako nang malawak. “Iilan na lang ang mga matatanda ngayon na may magandang ngipin. Sana all po talaga.”

Maganda rin ang ngipin ko kaya sana, pag tumanda ako, gan’to pa rin kaganda ang ngipin ko.

“Kaya nga. Nakakatuwa kasi maganda pa ngipin ko.”

“Kaya nga po. Sana all po.”

“Puro ka sana all, woman.” pag singit ng isa. “Halika nga rito! Masyado kang malayo sa ‘kin. May ngipin ka naman na iyo pero hindi ngipin mo ang iyong pansinin.”

“Problema mo?” pagtatanong ko rito habang nakakunot-noo. Walang araw, oras at minuto akong ‘di nakakunot-noo, ah. “Inggit ka? Gusto mo rin pansinin ko ang ngipin mo?” sabay ngiti ko nang nakakaasar. “Sabihin mo lang Ken kung naiinggit ka. Papansinin ko rin ngipin mo.”

“Gusto ko kusa mong mapansin ‘yong akin.”

“Ah, sige, sa susunod.”

Nagkasalubong ang kanyang dalawang kilay, tila hindi niya nagustuhan ‘yong sinabi ko. Bumukas na ang pinto ng elevator at tumingin ako kay Kuyang Guard, nagpaalam. Hinawakan ako ni Ken sa ‘king braso at hinila papasok sa loob ng elevator.

“Aray! Kung makahila ka naman!”

Naiinis na ako sa kanya, ah! Sala siya sa lamig, sala rin sa init!

“Tsk.”

Imbis na mag-sorry eh nag-tsk lang siya, problema talaga nito? Sumimangot ako't tumingin na lang sa gilid. Walang imikan na naganap nga rito hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator sa 18th floor. Umuna siyang lumabas bago ako. Napatingin na lamang ako sa kanyang likod habang sinusundan

siyang makarating sa kanyang unit. Huminto siya sa unit 1819, pinanood ko lang siyang buksan ang pinto at nang mabuksan na ay tumingin sa 'kin.

“Mauna ka.”

Hindi ako umimik pero sinunod ko ang utos niya. Ako na ang nagbukas ng ilaw pagpasok sa unit, bumulaga sa ‘kin ang simpleng unit ng lalaking ‘to. The wall is white, walang kadesign-design. Kakaunti lang din ang gamit. Halatang ‘di pinag-aksayahan ng panahon ang pamimili ng gamit. May isang t.v na

flatscreen lang na katamtaman ang laki, may dalawang cabinet (isang malaki at maliit), may dalawang single sofa and in between them is a glass table na may mga magazine sa ibabaw. May vacuum cleaner sa tabi at trash can, may carpet naman akong nakita kahit papa’no— kulay itim nga lang.

“Ang simple ng unit mo.” pag komento ko sabay tingin sa kanya. Sinarado niya ang pinto sabay lapag ng mga gamit ko sa tabi, dumiretso siya sa sofa at naupo.

“Ang wall mo, walang painting ni isa na nakadisplay. ‘Di ka mahilig?”

“Hindi.” simple niyang wika.

“Nagmukha tuloy malungkot. Dapat naglagay ka kahit isang painting lang,

Ken.”

“Ano’ng painting naman?” tumingin siya sa ‘kin ng nakataas ang isang kilay.

Napaisip ako. “Kahit ano. Abstract na painting siguro, gano’n.”

“Then I will buy a painting tomorrow.”

“Talaga?”

“Oo.” he simply replied.

“Gawin mo ng dalawa. Ako ang maglalagay niyon sa wall.”

Hindi siya umimik, isinandal niya ang kanyang likod sa sofa at pumikit. Nagpunta naman ako sa kusina. Kakaunti lang din ang gamit pero malinis at maayos naman, mukha ring malungkot ang itsura ng kusina niya. “Yong mga pinamili natin? Kailan mo kukunin, Ken?” pagtatanong ko

habang nasa kusina ako.

“Later.”

“Di ka pa matutulog? Mukhang antok na antok ka na.”

“Hindi pa. Ipagluluto mo pa ako, remember? Kakain muna tayo bago matulog.”

“Nasa’n ang kuwarto ko?” pagtatanong ko pa. Lumabas ako ng kusina at nakitang naghuhubad na siya ng polo niya.

“Wala kang kuwarto.”

“Huh?” wala pala akong kuwarto? Lakas niyang magsabi na rito ako titira tapos wala akong kuwarto? Sa’n ako matutulog? “Saan ako matutulog mamaya?”

“Sa kuwarto ko.”

Napanganga ako sa sinabi niya. “Kuwarto mo?” Is he serious?

“Yeah. I only have one bedroom here. Malaki naman ‘yon and the bed are king size naman, so you don’t have to worry that much. Besides, nagkatabi na tayo sa iisang kama dati, 'di ba? Uulitin lang natin ulit 'yon ngayon at sa susunod na mga araw pa.”

Hindi ako makapaniwala! Hindi porket nakatabi ko siya noon sa iisang kama ay pwede ulit kaming magtabi ngayon.

“Hindi ako tatabi sa ‘yo!”

“At bakit?” at napakunot-noo siya.

“Kasi dalaga pa rin ako!” kahit na buntis niya ako, dalaga pa rin ako!

“Dalaga? Damn, woman! You’re pregnant with my child. ‘Di ka na dalaga!”

“Dalaga pa rin ako! ‘Di naman tayo kasal kaya ba’t ako tatabi sa ‘yo?”

“Ah, gusto mong idaan muna kita sa kasalan para lang tumabi sa ‘kin?” may sumilay na mapang-asar na ngiti sa kanyang mukha. “Gusto ko ‘yon, ah.”

“Pwes ‘di ko ‘yon gusto.”

“Ano’ng gusto mo? Honeymoon bago kasal? O kasal bago honeymoon?”

Na cringe ako bigla sa tanong niya. “Wala!”

Napailing na lang siya sagot ko.

“Magbibihis muna ako. You can turn on the t.v if you want.” ‘yan ang kanyang sinabi bago pumasok sa loob ng kanyang kuwarto. Napaupo ako sa sofa at napabuntong-hininga, hindi ko talaga mawari ang mood niya. Kanina bad trip na bad trip siya tapos ngayon, good mood naman,

inaasar pa ako. Sinandal ko ang aking likod sa sofa at pumikit muna. Mamaya pa ako magluluto so iidlip muna ako.

Nagising ako dahil sa amoy ng ulam. Napatingin ako sa paligid, wala si Ken sa sala kaya paniguradong nasa kusina siya. Nagtaka lang ako dahil may kumot na nakabalot sa ‘kin ngayon, mukhang kinumutan niya ako kanina. Tumayo na ako’t nagtungo sa kusina.

Naka-topless na Ken ang aking nakita. Napakagat ako sa ibabang labi nang mapagmasdan ang kanyang likod, he had a back muscle. ‘Di ko alam na may gano'n pala siya. He’s now wearing sweatpants, wala siyang apron na suot habang nagluluto.

Nang humarap siya sa ‘kin ay bigla na akong na busog. I saw how his abdominal muscles sparkled because of his sweat; his body is such a wonderland.

“Eyes on my face, woman. Not on my body.” and he smirked.

Namula ako nang tumingin ako sa kanyang mukha.

Nakakahiya!

“Ah, ano...” I gulp. “Ba’t ikaw ang nagluto? Bakit ‘di mo ako ginising?” pagtatanong ko habang pulang-pula na ang mukha.

“You look tired kaya ‘di na kita ginising.”

“Pero kahit na.” napalabi ako. Nakakahiya talaga! Ipagluluto ko pa sana siya kaso siya na ang nagluto.

“Bukas mo na lang ako ipagluto. Ngayon, kumain na tayo.” at naghanda na siya ng mga utensils.

“Ako na riyan.” wala na akong kagawa-gawa, eh.

“Ako na. Umupo ka na lang d’yan.”

“Pero—” he cut me off.

“Upo.” he commanded. Napatikom ako ng bibig at umupo na lamang.

Tahimik niya akong binigyan ng utensils. Pinagsandok pa niya ako ng kanin at ulam na siyang ‘di ko inaasahan na gagawin niya. Nakatingin lamang ako ngayon sa kanya. Lagi na lang, lagi na lang ako nakatingin sa kanya at walang ginagawa. Naiinis ako sa sarili ko pero dahil siya

may gusto nito, wala na akong palag pa. Babawi na lang ako bukas sa kanya.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status