Share

Chapter 14

Author: Sienna Fox
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-22 22:43:26

Umalingawngaw sa tenga ni Althea ang sinabi ng lalaki. Mahaba ang huling salita nito, mabagal, malamig at puno ng banta. Habang nagsasalita ang lalaki, sumasabay sa kanyang hininga ang amoy ng isang mamahaling sigarilyo.

Bagama't puno ng mga kilalang personalidad ang VIP room, wala ni isa ang nagsalita upang ipagtanggol ang babae.Malinaw na ang lalaking yumayakap sa kanya ang may pinakamataas na katayuan sa kanilang lahat.

Hindi na siya ang dating spoiled na dalagang kayang gawin ang gusto niya
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 43

    Kinuha na ng isa sa mga police ang kanyang posas, nang makita iyon ni Angelica tuluyan ng nablangko ang isip niya sa takot. Mabilis na nanginig ang kanyang mga labi habang paulit-ulit na dinedepensahan ang sarili. “Hindi ako ang nagnakaw ng singsing! M-mali kayo ng hinuhuli, hindi niyo ba ako kilala?! Hindi ako ang salarin kundi iyang si Isabelle!”Biglang nanghinga ang mga tuhod ng dalaga, namumula ang kanyang mga mata habang galit na galit na tinitigan si Angelica. “Tingin mo ba? Kung hindi mo ako inutusan na nakawin ang singsing at ilagay ito sa gamit ni Miss Althea. Bakit ko naman gagawin na magnakaw? Itinuturing mong kaaway si Miss Althea kaya naman gusto mong sirain ang buhay niya!”“Oo! Si Althea talaga ang nagnakaw, magkasama kami sa final interview. Sigurado akong sinamantala niya ang pagkakataong busy ako atsaka niya inilagay ang singsing ni Miss Bernadette sa bag ko!”Napailing na lang ang mga tao sa paligid, wala nang naniniwala sa mga sinasabi ni Angelica. Tuluyan na si

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 42

    Halos lahat ng tao sa paligid ay natigilan, maging si Angelica ay mistulang naging estatwa sa kanyang kinatatayuan. Ang taong labis na nagulat ay si Isabelle, dahil siya ang naglagay nito sa damit ni Althea. Kaya sigurado siyang dapat si Althea ang mag mumukhang magnanakaw. Kaya iniisip niya kung paano ito napunta sa bag ni Angelica. Magsasalita na sana si Angelica nang makita niyang sumenyas si Althea kay Isabella, napansin niya rin ang bahagyang ngiti sa labi nito. Para bang silang dalawa lamang ang nakakaalam ng isang planong matagumpay nilang naisagawa. Biglang napasinghap si Angelica, may isang bagay siyang naisip kung bakit bigla siyang tinraydor ng dalaga. Marahil mas malaking kapalit ang inalok ni Althea rito kaya siya na lang ang pinahamak nito. Sa sobrang galit niya, tuluyan na siyang nawalan ng control. Masama niyang tinitigan si Isabelle. “Ikaw! Magkano ang binayad sayo ni Althea? Sinadya mong ilagay ang singsing sa bag ko, hindi ba? Bakit mo ginawa iyon? Malaki ba ang

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 41

    Sa pagkakataong ito, wala nang magagawa si Meredith para patuloy na ipagtanggol si Althea. Kinuha niya ang bag at inilabas ang damit ni Althea. Tuwang-tuwa si Angelica, sa sobrang tuwa niya ay bahagya niyang nakurot ang braso ni Celina at pabulong na umimik. “Celina, magsisimula na ang climax ng palabas. Abangan natin kung paano mapapahiya si Althea sa harap ng maraming tao!”Matagal nang nailagay ni Isabella ang diamond ring sa bulsa ng damit ni Althea. Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Celina, malamig niyang tiningnan si Althea.Apat na taon man ang lumipas o ngayon, hindi pa rin siya kayang talunin ng babae. Kung iisipin, hindi na niya kailangan pang kumilos para mapabagsak ang babae. Pero malapit nang makulong si Althea dahil sa pagnanakaw at kapag nangyari iyon, halos imposible nang makabangon muli ang babae. Dahan-dahan hinalughog ni Meredith ang mga bulsa ng damit ng babae. Habang ginagawa niya iyon, pinupunasan naman ni Isabella ang kanyang mga luha habang mahigpit na

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 40

    Kunot-noong nagsalita si Meredith.“Sa nakita kong kakayahan ni Althea, alam niyang malaki ang chance niyang makapasa siya sa final interview.”Huminto siya sandali bago ipinagpatuloy ang kanyang nais sabihin. “Come to think of it, kung magiging magkasama rin naman sila sa trabaho. Bakit siya gagawa ng isang bagay na alam niyang ikasisira niya?”Sa totoo lang,mataas ang tingin nito kay Althea. Kaya natural lang na tingnan niya ang sitwasyon mula sa panig nito. Ngunit bigla na namang sumingit si Trixie, puno ng panunuya ang tono nito. “Kung ang isang bagay na halos milyon na ang halaga, sino ba ang hindi magkakaroon ng interes dito?”Hindi na gusto pang magsayang ng oras ni Bernadette. Napakahalaga sa kanya ng diamond ring na iyon, naniniwala rin siyang hindi nagsisinungaling ang kanyang assistant na si Isabelle.Kung gayon.Isa na lang talaga ang natitirang posibilidad, si Althea talaga ang nagnakaw ng singsing. Sinukat ng tingin ni Trixie ang dalaga mula ulo hanggang paa. “Aaminin

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 39

    Nagmistulang na sa isang palabas sila sa dami ng nanunuod. Halos lahat ng mata ay nakatutok kay Althea. Alam ng mga empleyado ng station kung gaano kasama ang ugali ni Bernadette kapag walang camera. Kapag nagalit ito sa isang tao, siguradong hindi magiging maganda ang kahihinatnan nito. Kaya naman, marami ang naghihintay na mapahiya si Althea. Habang sa hindi kalayuan, nakatayo sina Celina at Angelica. Pareho silang nakangisi na puno ng pangungutya.“Celina,” mahinang tawag ni Angelica, “hintayin mo lang. Kapag nalaman na ni Direk ang ginawa ni Althea kay Miss Bernadette, sigurado akong agad niya itong sisibakin.”Hindi pa rin niya alam kung paano nakilala ni Althea si Michael Cinco. Ngunit dahil sa pinahiya siya nito sa harap ng sikat na designer, hindi niya hahayaang maging masaya ito. Ganoon din ang iniisip ni Celina. Inaasahan niyang makitang itataboy ang babae palabas ng TV station habang hinahamak at hinuhusgahan ng lahat. Iniisip pa palang niya ang mga pwedeng mangyari, pak

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 38

    Mabilis na hinila ni Celina si Angelica sa isang tabi at nagkunwaring nagulat. “Anong ibig mong sabihin na may paraan ka para mapaalis si Althea sa TV station?Malapit ang dalawa sa isa’t isa, dahil si Celina ang current girlfriend ng kuya niya. Kaya naman wala siyang balak na itago ang plano niya rito. Isa-isa niyang kinwento ang inihanda niyang patibong. Habang nakikinig ang babae, umiikot ang mata nito sa pagiisip. Maya-maya pa ay napapalakpak siya sa tuwa. “Grabe! Hindi ko akalain na ang talino mo pala!”Hindi niya maitago ang pananabik sa kanyang mukha. “Kapag naging successful ang plano mo, habang buhay nang may lamat ang pangalan ni Althea. Kahit saan TV station pa siya mag apply wala ng tatanggap sa kanya.”Malamig na ngumiti si Angelica, isang ngiti na punong-puno ng kumpiyansa. Malakas ang loob niyang isipin na siya ang mananalo. Para sa kanya, si Althea ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang lalaking minahal niya.Dahil din dito, napahiya sila ni Celina sa harap ng

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status