INICIAR SESIÓNMatalik na magkaibigan ang mga lolo nina Sebastian at Althea mula pa noong kabataan nila. Dahil sa matibay na samahan ng dalawang pamilya, napagkasunduan nilang ipakasal ang kanilang mga apo sa isa't isa pagdating ng tamang panahon.
Habang lumalaki, walang naging pagtutol si Sebastian sa kasunduang iyon. Sa katunayan, dalawang taon niyang niligawan si Althea bago siya nito tuluyang sinagot isang buwan na ang nakalipas.
Pagpasok pa lamang ni Althea sa loob ng mansyon, agad niyang nakita ang eksenang bumungad sa sala.
Mahigpit na nakakapit si Celina sa braso ni Sebastian habang nakangiting tila nagpapacute.
"Kuya Sebastian, tingnan mo nga ako. Bagay ba sa akin ang kwintas na 'to?"
Hindi na nag-abalang magpalit pa ng sapatos si Althea. Diretso siyang naglakad papunta sa sala.
Nang mapansin siya ng lalaki, agad na napunta rito ang kanyang tingin.
Matangkad si Althea. Fourteen years old pa lamang siya nang matuklasan siya ng isang talent scout. Simula noon ay sunod-sunod na ang kanyang mga project bilang model sa iba't ibang advertisement at magazine, dahilan upang unti-unti siyang makilala sa industriya.
Napakaganda ng kanyang mukha, para siyang manika dahil sa puti ng kanyang kutis. Halos perpekto na rin ang hubog ng kanyang katawan. Para kay Sebastian, wala na siyang maipipintas sa panlabas na anyo ng babae.
Ngunit may mga ugali ito na matagal na niyang hindi gusto, masyado itong mailap at mahinhin. Hindi tulad ni Celina na laging malambing, maalaga at marunong din magpalambing.
Isang buwan na silang opisyal na magkasintahan, ngunit kahit simpleng yakap ay madalas siyang tanggihan ni Althea. Palagi nitong sinasabi na hindi pa iyon ang tamang panahon para sa mga ganun bagay, at kailangan nito maghintay.
Sa isip ni Sebastian, sobra naman ata ang pagiging conservative nito. Sa panahon ngayon, simpleng yakap ay ipinagkakait pa.
Habang pinagmamasdan niya ang napakagandang mukha ni Althea, lalo lamang dumilim ang kanyang ekspresyon.Napansin ni Celina na mula nang dumating ang kapatid niya ay tila wala na siyang halaga sa paningin ni Sebastian.Unti-unting namuo ang inggit sa kanyang dibdib.
“Althea, nakauwi ka na pala.” kunwaring nag-aalala ang tono niya. “Ano pala nangyari sayo kagabi? Sandali lang ako nawala para mag cr, pagbalik ko hindi na kita makita. Tapos hindi ka rin naman umuwi, saan ka ba nag punta?”
Bigla siyang napasinghap na tila may ngayon lang napansin sa kanyang kapatid.
"Naku... Althea, ano'ng nangyari sa leeg mo? Bakit ang daming pula niyan?"
Pagkasabi pa lamang ni Celina, mabilis na lumapit si Sebastian.Pagkakita niya sa mapupulang marka sa leeg ng babae, biglang nanlaki ang kanyang mga mata.Kasabay nito ay tuluyang nagdilim ang kanyang mukha.
"Althea." Halos kumalabog ang malamig niyang boses. "Ano ang nangyari sayo kagabi?"
Pagkakita ng babae sa mga matang puno ng galit at pagdududa, kumirot ang kanyang dibdib.
"Bakit hindi mo muna tanungin si Celina?" Nanginginig ang boses niya. "Baka kasi alam niya ang sagot,siya ang may kagagawan ng lahat. Siya ang nagplano para ipahamak ako."
"Kuya Sebastian!" Agad na kontra ng kapatid niya habang namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Huwag kang maniwala sa kanya. Bakit ko naman gagawin iyon sa sarili kong kapatid? Kagabi, ikaw ang inalagaan ko. Magkasama tayo halos buong gabi."
Nanatiling malamig ang mukha ni Sebastian.Noong birthday party ni Althea kagabi, nalasing siya.Si Celina ang nag-asikaso sa kanya hanggang sa matapos ang selebrasyon.Sa totoo lang, nakakaramdam pa sana siya ng kaunting konsensya kay Althea.
Ngunit nang makita niya ang mga bakas sa leeg nito, napalitan agad iyon ng matinding galit.Iningatan niya ang babaeng ito. Minahal at pinagkatiwalaan, ngunit ito pala ang ibabalik nito sa kanya?
Matalim ang tingin ni Sebastian, tila ba isa iyong matalas na kutsilyo na handang sumaksak anumang oras.Hindi na niya hinayaang makapag paliwanag pa ang babae.
"Matagal ko nang naririnig ang mga tsismis tungkol sa'yo. Sinasabi nilang mahusay kang makipaglaro sa mga lalaki,” seryosong sambit ng lalaki. “Hindi ako naniniwala noon, pero ngayon malinaw na sa akin ang lahat.”
Tumatangong nakangisi ang lalaki bago ulit nagsalita.
"Sa harap ko lang pala nagpapanggap kang mahinhin at inosente, pero ang totoo nasa loob naman pala ang kulo…"
Hindi na natapos ang kanyang sasabihin, mabilis na dumapo sa kanyang pisngi ang kamay ng babae.Napaling ang mukha ni Sebastian sa lakas ng pagka katama.
“Bakit ba ang hirap sayo na paniwalaan ako?” umiiyak na tanong ng babae.
“Hindi ako tanga, Althea. Nasa harap ko na ang ebidensya. Ano sa tingin mo ang iisipin ko matapos kong makita ang mga marka sa leeg mo?” galit na sabi ng lalaki.
“Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga iyan! Dahil kay Celina, nahilo ako at nawalan ng malay. May nilagay siya sa inumin ko. Kaya pala panay ang abot niya sa akin ng alak!” depensa ni Althea.
“Tingin mo maniniwala pa ako? Huwag mo kaming gawing tanga. Pati sarili mong kapatid, idadamay mo sa kasinungalingan mo? Ginusto mo ang nangyari, kaya panagutan mo.”
Napapikit si Althea.
Unti-unting nawala ang natitirang pag-asang maiintindihan siya ng lalaking pinakamamahal niya.
Nang muli siyang dumilat, wala na ang luha sa kanyang mga mata.
Tanging matinding pagkadismaya na lamang ang naroon.
“Kung iyon ang pinili mong paniwalaan...” mahina ngunit matatag niyang sabi, “wala na akong dahilan para magpaliwanag pa.”
Tumalikod siya at dahan-dahang naglakad palayo.
Sa bawat hakbang niya, pakiramdam niya ay tuluyan niyang iniiwan ang lalaking minsan niyang pinangarap makasama habambuhay.
Hindi niya alam...
Ang pagtalikod na iyon ang magiging simula ng pinakamalaking pagsisisi sa buhay ng lalaki.
Napatingin si Althea kay Xavier. Nagtama ang malinaw niyang mga mata at ang malalim na itim na mga mata nito na tila walang hanggan.Ilang segundo silang binalot ng katahimikan.Hanggang sa marinig ang mahinang pagtawa ni Xavier, na siyang pumutol sa tensiyon sa pagitan nila. Kaswal niyang pinaglaruan ang dart sa pagitan ng mahahaba niyang daliri bago tumingin kay Althea. Bakas sa mga mata niya ang kawalang-pakialam.“Ano naman ang dapat ikatakot ko? Babae lang naman siya. Wala namang dahilan para panghinayangan siya.”Mariing pinagdikit ni Althea ang mapupula niyang labi. Kahit pilit niyang pinananatili ang kalmado niyang anyo, hindi niya napigilang maging hindi pantay ang paghinga.Ayaw maniwala ng puso niyang talagang isasapalaran ni Xavier ang buhay niya, pero nang marinig niya ang mga salitang iyon mula mismo sa bibig nito, para pa rin siyang sinaksak nang malalim.Alam na alam niya kung gaano ka-possessive si Xavier sa kanya.Akala niya, kahit paano, may tunay na nararamdaman it
Hindi mabasa ni Althea kung ano ba ang iniisip ni Xavier, pero may kutob siyang may sarili iyong plano kaya siya nito pinasa kay Harry. Hindi lang niya alam kung ano ba ang balak nito. Kahit labis siyang nadismaya at nasaktan sa naging desisyon ng lalaki, pinili pa rin niyang sumunod at magtiwala rito. Kung sa huli ay talagang pipiliin nitong iwan siya, ituturing na lang niya iyon bilang pagkakataong makita ang tunay niyang pagkatao!Matapos yakapin ni Harry si Althea, palihim nitong sinulyapan ang ekspresyon ni Xavier.Nakaukit sa labi ni Xavier ang isang nakakarelaks na ngiti, na para bang wala siyang pakialam sa nangyayari.Kasama si Althea, umupo si Harry sa harap ng hapag-kainan. Pagkatapos, kinumpasan niya si Xavier bilang senyas na umupo rin ito.“Mr. Xavier, hindi na tayo magpaligoy-ligoy. Hindi sapat na ibigay mo sa akin ang magandang babaeng ito para makuha mo ang antidote. Paano kung mag pustahan tayo? Kapag nanalo ka, sa iyo na ang babae at ang antidote. Pero kapag natal
Nanlaki ang mga mata ni Althea sa gulat. Hindi siya makapaniwala sa gustong gawin sa kanya ni Xavier. Ito ba ang dahilang kung bakit simpleng makeup at pinaayos upang mag mukhang inosente, para magustuhan siya ni Harry?Huminga nang malalim si Althea at pinigilan ang kakaibang bigat na unti-unting bumabalot sa kanyang dibdib. Namumula ang kanyang mga mata nang matalim siyang tumingin kay Xavier.“Hindi ba sinabi mong ako ang babae mo? Bakit mo ako ibubugaw sa ibang lalaki? Kaya mo bang ibahagi ang sarili mong babae sa ibang lalaki?”Bahagyang itinaas ni Xavier ang mahahaba at matatalim niyang kilay. Marahang hinaplos ng magaspang niyang daliri ang pisngi ni Althea.“Kung ayaw mo ng iligtas ang Kuya Xavy mo, pwede kitang iuwi ngayon mismo. Pagkatapos nito, magiging akin ka na lang.”Mariing ikinuyom ni Althea ang mga kamay sa kanyang tagiliran.“Xavier, sinabi mong kapag kusang-loob kitang hinahalikan at niyakap araw-araw, dadalhin mo ako para hanapin ang gamot.”Ngumiti si Xavier nan
Bahagyang hinawakan ng babae ang laylayan ng kanyang damit habang naglalakad palabas ng private room. Habang si Xavier naman ay abala sa pagbabasa ng magazine sa kanyang kamay, bahagya siyang nakayuko kaya mas lalong litaw ang pino at matitikas niyang mga katangian. Para siyang isang likhang-sining na maingat na ginawa ng isang pintor. Bahagyang nakatikom ang kanyang mga labi, na nagbibigay sa kanya ng mapang-akit na dating.Marahil ay narinig niya ang tunog ng matataas na takong sa sahig, kaya dahan-dahan niyang iniangat ang ulo. Dumiretso ang malalim at maiitim niyang mga mata kay Althea.Nakatayo ang babae sa di-kalayuan. Nang magtama ang kanilang mga tingin, biglang kumabog nang malakas ang kanyang dibdib.Hindi niya alam kung bakit, pero ngayong nag-ayos siya ng sarili, nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa tuwing kaharap niya si Xavier. Perpektong ipinakita ng puting mahabang damit ang balingkinitan at magandang hubog ng katawan ni Althea. Maputi at makinis ang bahaging nakala
Sandaling natigilan sa paghinga si Xavier, lalong dumilim ang tingin ng kanyang mga mata habang nakatitig sa babae. “Pwede na ba tayong pumunta para hanapin ang gamot?”Mariing pinagdikit ng lalaki ang manipis niyang mga labi, ngunit hindi siya sumagot. Nakapako lamang ang kanyang mga mata sa babaeng napakalapit sa kanya. Walang anumang makeup si Althea, maputi at makinis ang kanyang balat. Isama mo pa ang magandang kurba ng kanyang kilay at ang buhay na buhay na kanyang mga mata. Maging ang ilong nito ay maganda ang pagkaka-tangos, habang ang kanyang mga mapupulang labi ay tila hindi na nangangailangan ng kahit anong pampaganda. Taglay niya ang isang dalisay at maningning na kagandahan. Nang mapansin ni Althea na hindi pa rin nag sasalita si Xavier, bahagya niyang inangat ang kanyang tingin. Nang magtama ang kanilang mga mata, nasilayan niya ang nag-aalab na tingin ng lalaki. Biglang pumalya ang tibok ng kanyang puso.***Bukod sa pagpapagawa ni Xavier ng isang indoor playground
Talaga bang hahayaan niyang mamatay si Xavien nang wala man lang maayos na libingan? Ibig sabihin, pananakot lamang lahat ng masasakit na salitang binitawan niya kanina?Bahagyang lumingon ang babae at tumingin sa lalaking napakalapit as kanya. Agad din niyang iniwas ang mukha, ngunit sa sumunod na sandali mariing hinawakan ni Xavier ang kanyang babae. Wala siyang nagawa kundi salubungin ang malalim na mga mata nito na tila isang balon sa lalim. “Alam mo madali naman akong kausap eh, kaya ko siyang tulungan na mabuhay. Pero may kondisyon ka na dapat gawin.”Sandaling tumigil ang lalaki bago patuloy na nagsalita, “Mula ngayon, wala ka nang anuman na ugnayan sa kanya habambuhay!”Nangingibabaw ang gigil sa tono ng utos ng lalaki, bahagyang napigil ang paghinga ni Althea. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. “Sir Xavier, imposibleng pumayag ako sa gusto mo,” mahinahon at makatuwiran niyang sagot. Tinitigan siya ng lalaki, hanggang sa bigla nitong sinuntok ang pinto sa ibabaw






![MISTER, YOU MESSED WITH THE WRONG GIRL [SHE'S A SOLDIER]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
