LOGIN"Ugh..." mahinang daing ni Althea
Madilim ang buong silid. Patay ang mga ilaw at mahigpit na nakasarado ang makakapal na kurtina kaya wala siyang halos makita.Dumikit ang kanyang mukha sa malapad at matipunong dibdib ng lalaki.
Kahit hindi niya ito maaninag nang maayos, ramdam niya ang tigas ng mga kalamnan nito at ang init ng katawan nitong tila nagliliyab.
May kung anong kakaibang pakiramdam ang bumalot sa kanya, na para bang may kung anong humihila sa kanya palapit dito.
Muling narinig sa katahimikan ang malamig at malalim na boses ng lalaki.
"Sino ang nagpadala sa'yo?"
Nagulat ang babae sa biglang pagsasalita ng lalaki.Dahan-dahan siyang tumingala. Sa sobrang dilim, hindi niya man lang makita ang mukha nito, pero ramdam niya ang matalim at malamig nitong titig.
Sa isip niya ay isa itong lalaking hindi dapat basta-basta kinakalaban.
"A-ano... aalis na ako..."
Sinubukan niyang tumayo, ngunit hindi niya alam kung ano ang inihalo ni Celina sa alak na ipinainom sa kanya. Wala siyang lakas at nanghihina ang buong katawan.
Nagkakandarapa siyang ikinilos ang mga kamay upang may makapitan.Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon nahawakan niya ang malaking kamay ng lalaki. Naramdaman niya kung gaano kainit at katigas ang kamay nito.
Dapat ay bibitawan niya agad iyon, pero hindi niya alam kung bakit hindi niya ito magawa. Sa halip, lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito. Na para bang ayaw na niya itong pakawalan.
Sinubukan ng lalaki na alisin ang maliit niyang kamay, ngunit sa sandaling iyon ay tila naubos na rin ang natitira nitong lakas.
"Pwede bang umalis ka na sa paningin ko..."
Malamig sa sambit nito, ngunit bago pa nito matapos ang kanyang sasabihin. Hindi sinasadyang nasubsob ang babae, ang malambot na labi nito ay dumikit sa ilong ng lalaki.
Kasabay nito ay kumalat ang mabangong amoy na taglay ng dalaga, biglang nanigas ang buong katawan ng lalaki. Hindi na alam ni Althea ang kanyang ginagawa, marahil dahil ito sa nararamdaman niyang hilo.
Nanatili siyang nasa ibabaw ng lalaki at parang may sariling isip ang kanyang katawan. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanyang sarili. Dahil unti-unti nitong inilapit ang kanyang mukha hanggang sa marahang dumampi ang kanyang labi sa labi ng lalaki.
Miski ang lalaki ay hindi niya alam kung bakit hindi niya magawa na itulak ang babae. Mas malakas naman siya rito at kayang-kaya niya alisin ito sa pagkakadapa sa kanya. Ngunit hindi niya na rin maintindihan kung parang gusto niya ang nangyayari.
Dahan-dahan siyang tumugon sa halik ng babae, halos magulat ang babae sa kanyang ginawa. Naging mapusok na ang paglalapit ng mga labi nila, parang wala nang gustong bumitaw. Hanggang sa inalalayan na ng lalaki ang babae paupo.
Saglit na naghiwalay ang kanilang mga labi, ngunit hindi nagtagal ay muli siyang hinalikan ng lalaki.
Parang unti-unting nawawala ang natitira pang katinuan ni Althea. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanyang katawan. Ang init na bumabalot sa kanya ay lalo lamang tumitindi, na para bang may kung anong puwersang humihila sa kanya palapit sa lalaking nasa harapan niya.
Mahigpit siyang niyakap ng lalaki. Sa una ay tila gusto pa nitong pigilan ang sarili, ngunit habang lumilipas ang bawat segundo, unti-unti ring bumigay ang matigas nitong pagpipigil.
Tahimik na bumalot ang gabi sa silid.Sa labas ay marahang umiihip ang hangin, habang sa loob ay tanging ang kanilang mabibigat na paghinga ang sumasabay sa katahimikan.
Unti-unti nilang ibinaba ang lahat ng pag-aalinlangan, hanggang sa tuluyan nilang ibinigay ang kanilang sarili sa isa't isa.
...
Sa loob ng presidential suite, nananatiling madilim ang buong kwarto dahil sa makakapal na kurtina na mahigpit na nakatakip sa mga bintana. Tanging maninipis na sinag ng araw ang pilit na sumisilip mula sa mga siwang nito.
Dahan-dahang iminulat ng dalaga ang kanyang mga mata. Bahagya pa ring malabo ang kanyang paningin, at bakas sa kanyang malinaw na mga mata ang pagkalito ng bagong gising.
Ngunit sa sandaling igalaw niya ang kanyang katawan, bigla siyang natigilan.
May isang matipuno at malakas na braso na mahigpit na nakapulupot sa kanyang baywang, wari'y ayaw siyang pakawalan.
Nakahiga ang lalaki sa kanyang likuran, yakap pa rin siya nito habang nakadikit ang matipunong dibdib nito sa kanyang likod. Marahan at pantay ang paghinga nito, tila mahimbing pa rin ang tulog.
Ngunit kabaligtaran naman ang nangyayari kay Althea.
Parang kidlat na dumaan sa kanyang isipan ang mga alaalang sumisilip na pilit niyang gustong ibaon sa limot. Ang mga halik, ang init ng gabing iyon, at ang sandaling tuluyan nilang isinuko ang kanilang sarili sa isa't isa.
Unti-unting namutla ang kanyang mukha.Napakapit siya sa sariling bibig upang pigilan ang mapahikbi. Ilang sandali siyang nanatiling tulala, pilit tinatanggap ang katotohanang hindi na niya mababago pa ang nangyari.
Nanginginig ang kanyang mga kamay habang marahan niyang inaalis ang braso ng lalaki sa kanyang baywang, nag-iingat na hindi ito magising.
Pagkatapos ay dali-dali niyang pinulot ang kanyang mga damit na nagkalat sa sahig at mabilis na isinuot ang mga iyon. Hindi na siya naglakas-loob pa na lingunin ang lalaking natutulog sa kama.
Sa huling pagkakataon ay napapikit siya nang mariin bago tahimik na lumabas ng silid.Makalipas ang ilang sandali, dahan-dahang nagmulat ng mga mata ang lalaki.Bahagya siyang napakunot-noo nang mapansing wala na ang dalaga sa kanyang tabi.
Pag-angat niya ng kanyang kamay, isang maliit na hikaw na may puting perlas ang bumungad sa kanyang palad.Tahimik niya itong pinagmasdan, habang unti-unting sumagi sa kanyang isip ang mga nangyari noong nakaraang gabi.
...
Halos patakbong lumabas ng hotel si Althea.
Pagdating sa labas, agad siyang tumawag ng taxi. Pagkasakay niya, mabilis niyang sinabi sa driver ang address ng kanilang bahay bago tuluyang napasandal sa upuan.
Tahimik siyang nakatanaw sa bintana habang mabilis na umaandar ang sasakyan. Mariin niyang kinagat ang kanyang ibabang labi, ngunit hindi niya napigilan ang mga luhang unti-unting namuo sa kanyang mga mata.
Sa tuwing sumasagi sa kanyang isipan ang nangyari noong gabi, tila nagyeyelo ang kanyang buong katawan.Kagabi ang kanyang kaarawan.
Ang gabing dapat sana ay puno ng masayang alaala ang siyang naging pinaka madilim na bangungot sa kanyang buhay.
At ang mas masakit pa, ang taong may kagagawan nito ay walang iba kundi ang babae na itinuturing na niyang kapatid.
Hindi niya kailanman inakalang sasamantalahin nito ang kanyang kaarawan upang sirain ang kanyang buhay.Unti-unting napalitan ng galit ang kanyang nararamdaman.
Mahigpit niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao. Hindi niya hahayaang makaligtas ang taong gumawa nito sa kanya.Hindi nagtagal ay huminto ang taxi sa harap ng kanilang bahay.
Mabilis siyang bumaba at halos nagmamadaling pumasok sa loob.Ngunit pagsapit pa lamang niya sa may pintuan ng sala, napatigil siya.Mula sa loob ay rinig na rinig ang masayang tawanan.
"Seb, talaga ba? Ibibigay mo talaga sa akin ang pink diamond necklace na iyon? Hindi naman ako ang fiancée mo ah. Pag nalaman to ni Althea malamang magagalit iyon sakin."
Nagulat siya nang marahan siyang itinulak ng lalaki palayo. Bahagya siyang tiningnan ng lalaki, marahil nakita nito ang makapal niyang make-up kaya naman agad na kumunot ang noo nito.“Iba ang nakita ko,” malamig niyang sagot, “ikaw ang nang-api kay Althea hanggang sa umiyak at umalis na lang siya. Ano ba ang sinabi mo sa kanya para maging ganun ang reaction niya?”Nanlaki ang mga mata ni Celina, hindi siya makapaniwala na magagawa siyang hindi paniwalaan ng lalaki. “Impossible!” agad niyang tanggi. “Nakita lang niya na paparating ka, kaya naman umarte lang ‘yon na siya yung aping-api.”“Baby, baka nakakalimutan mo niloko ka na niya noon. Huwag mong kalimutan ang ginawa niya sayo apat na taon na ang nakalipas. Mukha lang siyang inosente, pero sa totoo lang…napakagaling niyang magpanggap.”Nang marinig ng lalaki ang sinabi niya, muli siya nitong niyakap. Ipinatong ng lalaki ang kanyang baba sa ulo ng babae. Ngunit hindi niya napigilang mapatingin sa payat na babae na palabas ng lobby
Naging gawain ni Althea ang dalawang beses kada linggo siyang mag upload ng mga video ng kanyang mga nilulutong pagkain. Unti-unti rin dumami ang kanyang mga followers. Ngayon, umabot na sa mahigit isang milyon ang kanyang mga followers. Dahil dito, nagkaroon na din siya ng maayos na monthly income. Ngunit noong nakaraang buwan, nang malaman nila ang tungkol sa sakit ni Jeff. Naging abala na siya sa pag-aayos ng kanilang pagbabalik sa bansa. Halos isang buwan siyang hindi nakapag-post, marami sa kanyang loyal followers ang nag-aalala at hinihintay ang kanyang pagbabalik. Siyempre, hindi rin nawawala ang mga bashers. Kasama talaga ata iyon sa pagiging sikat, kumbaga masasabi mo ng sikat ka na pag may bashers ka na. Ilan sa mga comments na nababasa niya,— Isang buwan nang walang paramdam ang ate mo gurl. Baka naaksidente na?— Simula nang gumawa siya ng account, hindi pa naman niya ipinakita ang mukha niya. Baka kamay lang ang maganda sa kanya.— Ang ganda ng mga kamay niya, pero da
Natahimik si Althea sa tinanong sa kanya ni Gerald, nagdadalawang isip siya kung sasagutin ba niya ito o hindi. Dahil sa tingin niya, wala naman siyang ginawang mali. Sinampal niya ito dahil hinalikan siya.Natural lang sa isang babae na magalit at lumaban kapag hinalikan nang walang pahintulot. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin ng babae ang sakit ng kanyang leeg. Parang sinusunog iyon sa hapdi, at ang lalamunan niya ay tila hiniwa ng matalim na patalim.Wala siyang ganang sagutin ang tanong ng lalaki. Kung tutuusin, wala siyang magandang impresyon sa lalaking iyon. At lalong wala sa kaibigan nitong mukhang mapaglaro at tila laging may binabalak. Tahimik siyang pinagmasdan ng lalaki mula sa driver’s seat. “Matigas din pala ang batang ito,” isip-isip niya.Napatingin siya sa nangingitim na bakas ng pagkakasakal sa leeg ni Althea. Naglaho ang pilyo niyang ngiti at naging seryoso ang kanyang mukha."Sa totoo lang," mahinahon niyang sabi, "hindi mo rin masisisi si Xavier kung muntik ka n
Nang marinig ni Althea ang boses ni Gerald, saka lamang niya napagtanto na nakaharap pala ang mukha niya sa sinturon ng lalaki. Agad na namula ang kanyang pisngi, marahil iba na ang nasa isip ni Gerald. Bahagyang pumikit si Xavier. Habang nag-iisip pa ang babae kung paano aalisin ang sinturon nito, bigla siyang hinawakan ng lalaki sa braso at marahas na itinayo.Hindi pa man siya nakakabawi sa gulat, malakas na siyang naitulak sa malaking salaming bintana.Kasunod noon ay idinikit ng lalaki ang matangkad nitong katawan sa kanya.Napatingala si Althea.Sa isang iglap, napakalapit na ng gwapo ngunit malamig nitong mukha.Bubuka pa lamang sana siya upang magsalita nang biglang dumampi ang malamig ngunit matatag nitong mga labi sa kanya.Mahigpit nitong hinawakan ang kanyang baywang, na para bang ikinulong siya sa pagitan ng dibdib nito at ng salamin.Walang anumang pag-aalinlangan.Mapang-angkin at mabagsik nitong hinalikan ang kanyang mga labi.Masyadong mabilis ang lahat.Nanlaki ang mga m
Walang nagawa ang babae kundi ang hayaan ang lalaki na takpan ang kanyang mga mata. Habang itinatali nito ang tela, dumampi ang malamig nitong mga daliri sa kanyang pisngi. Parang dila ng ahas ang haplos nito kaya hindi niya napigilang manginig. Nakaramdam ng kaba si Althea, pero pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Alam niyang hindi niya kayang kalabanin ang lalaking ito. Mas mabuting alamin muna niya kung ano talaga ang pakay nito sa kanya bago siya gumawa ng anumang hakbang,. Hindi niya alam kung gaano katagal ang lumipas bago tuluyang huminto ang sasakyan. Hindi rin naging magaan ang paghila sa kanya ni Xavier palabas ng sasakyan. Patuloy siyang hinila nito habang naglalakad sila. Ilang minuto pa ang lumipas bago sila tuluyang huminto. Binitawan nito ang kanyang kamay saka malamig na nag-utos. “Bigyan siya ng malinis na damit. Pagkatapos niyang maligo, dalhin mo siya sa kwarto ko.” Pagkasabi niyon ay diretso nang umakyat ang lalaki sa ikalawang palapag ng bahay. Maya-maya, m
Mabilis na sumakay si Althea sa elevator. Habang pababa, nag-message siya sa group chat nilang magkakaibigan. “Girls, kailangan ko na umuwi. Hindi na ko makakasama sa bonding niyo, biglang dumating ang monthly bisita ko. Bawi na lang ako sa susunod, ako na ang taya.”Pagdating sa ground floor, saka lang siya tuluyang nakahinga ng maluwag. Ngunit ilang hakbang pa lamang ang kanyang nalalakad nang bumukas ang exclusive elevator sa pinakadulong bahagi ng lobby. Sunod-sunod na lumabas ang mahigit sampung bodyguard na nakaitim. Maayos silang pumuwesto sa magkabilang gilid. Ilang sandali pa, lumabas ang isang matangkad at makisig na lalaki.Pagkakita ni Althea sa pamilyar nitong malamig na mga mata, biglang sumikip ang kanyang dibdib. Siya na naman!Napalingon din ang ibang babaeng nasa lobby.Hindi nila mapigilang mapahanga sa gwapo at napakalakas ng presensya ng lalaki.Talagang imposibleng hindi siya mapansin.Wala sa isip ni Althea ang humanga sa matipunong katawan o sa nakakamanghang







