Share

Chapter 4

Author: Sienna Fox
last update publish date: 2026-07-14 20:37:33

Nanginginig sa galit si Althea, taas niyang tinitigan si Sebastian. Nasaan na ang lalaking minsang naging malambing sa kanya? Ang lalaking halos sambahin siya at tratuhing parang isang pinakamakinang na diyamante?

Siya ang biktima sa nangyari kagabi, siya ang niloko at sinubukan ipahamak ng kanyang itinuturing na kapatid. Pero imbes na paniwalaan siya ng lalaki, mas pinili nitong kampihan ang babaeng hindi niya akalain na sisira sa buhay niya. Ito ba ang sinasabi nitong pag mamahal?

“Sebastian,” malamig niyang sabi. “Uulitin ko sa'yo. Si Celina ang nagplano ng lahat ng nangyari kagabi. Sino ba ang paniniwalaan mo? Ako na mapapangasawa mo o ang kapatid ko?”

“Nasaan ang ebidensya mo?” malamig na sagot ng lalaki habang hinihimas ang pisnging namula dahil sa sampal ng babae. Madilim ang kanyang mukha at nanlilisik ang kanyang mga mata. 

“See wala kang mapakita na patunay dahil wala naman talaga. Ganyan ka talaga. Malandi, pabago-bago ng lalaki, at walang hiya!”

Halos sumabog sa galit ang lalaki, para sa kanya minahal niya ang babae nang buong puso. Kahit gusto niya itong yakapin o halikan noon, pinigilan niya ang sarili dahil iginagalang niya ang kagustuhan nito.

Pero ngayon malalaman niyang binigay nito ang sarili sa ibang lalaki...

Pakiramdam niya ay niloko siya ng babaeng pinakamamahal niya. Samantalang napagtanto ni Althea na wala ng saysay ang anumang paliwanag niya. Hindi rin naman siya pinaniniwalaan ng lalaki. 

Ngayon niya nakita na pwede na pala mag artista ang kanyang kapatid, dahil sa husay nitong umarte na akala mo isang inosente at aping-api. Nagagawa pa nitong umiyak, kaya naman lahat ng tao ay kumakampi rito.

Huminga ng malalim si Althea bago mapait na ngumiti.

“Sebastian, kung ganun din naman pala na hindi mo ko kayang paniwalaan. Mas mabuti sigurong itigil na natin to, dahil mukhang wala na rin naman patutunguhan kung itutuloy natin to.” seryosong sambit ng babae.

“Sasabihin ko na lang kina Lolo na hindi na ko pumapayag sa kasunduan nilang magpakasal tayo.”

Parang tinamaan ng kidlat ang lalaki, hindi niya akalaing ganon lang kadaling bibitawan ng babae ang kanilang kasunduan. Para sa kanya ibig bang sabihin nito ay wala talaga siyang halaga sa puso ng babae?

Hindi na siya nilingon pa ni Althea, sa halip diretso itong lumapit sa kanyang kapatid at…Isang malakas na sampal ang tumama sa kaliwang pisngi nito.

“Althea, ikaw—”

Isa pang sampal ang dumapo sa kabilang pisngi.

“Althea!”

Dalawang sunod na sampal pa ang ibinigay niya. Namumula na sa galit ang babae.

“Para iyon sa lahat ng ginawa mo sa akin!”

Bago pa siya makadagdag ng isa pang sampal, mahigpit nang hinawakan ni Sebastian ang kanyang pulsuhan. Madilim ang mukha nito.

“Sige Althea! Subukan mo pa ulit saktan si Celina, hindi ako magdadalawang isip na saktan ka.”

Namaga na ang magkabilang pisngi ng babae dahil sa mga sampal na kanyang natamo. May sugat pa ang gilid ng kanyang labi, at punong-puno ng luha ang kanyang mga mata.Mukha siyang nakakaawa, pero dahil na sa harap nila ang lalaki hindi siya nangahas na gumanti.

“Kuya Seb...” umiiyak niyang sabi. “Ang sakit ng mukha ko... Hindi ko talaga pinlano ang nangyari kay Ate kagabi. Mali ang paratang niya sa akin...bakit ko naman gagawin yun sa kanya eh parang tunay na kaming magkapatid.”

Tiningnan ni Sebastian ang pamamaga ng mukha at duguang labi ni Celina.Pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin kay Althea.Kahit bata pa ang mukha nito, hindi maitago ang pambihirang ganda nito.

Ngunit nang maalala niya ang nangyari kagabi, napalitan ng matinding pagkasuklam ang kanyang mga mata.

“Walang hiya ka talaga!”

Malakas niyang itinulak si Althea bago agad niyang niyakap si Celina.Naka-high heels pa ang babae.Dahil sa malakas na tulak, nawalan siya ng balanse. Mabilis siyang bumagsak paatras, malakas na tumama ang kanyang likod sa gilid ng mesa. Halos hindi niya maintindihan ang sakit na kanyang nararamdaman.

Hindi niya napigilang maluha, hindi niya akalain na kaya siyang saktan ng lalaking mahal niya. Samantalang si Celina ay nakasandal sa dibdib ni Sebastian, palihim itong ngumiti kay Althea. Isang ngiti na puno ng pagyayabang at pangaasar.

Kinagabihan, nilagnat si Althea.Bandang hatinggabi, nagising siya dahil sa sobrang tuyot at hapdi ng kanyang lalamunan.Masakit ang buong katawan niya habang dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama.

Lumalakad siyang pababa sana ng hagdan para uminom ng tubig.Nang mapadaan siya sa master bedroom sa ikalawang palapag, napansin niyang may ilaw pa sa loob.

Hindi niya alam kung bakit, pero kusa siyang napalapit sa p***o.Paglapit niya, narinig niya ang usapan sa loob.

“Hon, hindi ka ba natatakot na malaman ni Althea na kasama ka rin sa plano ni Celina laban sa kanya?”

Mabilis na namutla si Althea, boses iyon ng kanyang madrasta. Narinig niyang tumawa ng malamig ang kanyang ama.

“Kung hindi tayo magsasalita, at hindi rin magsasalita si Celina, paano niya malalaman?”

Nanginig ang buong katawan ng babae. Hindi niya alam kung bakit tinuloy niyang makinig sa usapan ng kanyang ama at madrasta. Muling nagsalita ang ginang. 

“Siguro kahit sa panaginip, hindi maiisip ni Althea na si Celina ang tunay mong anak.” tumigil ito saglit bago tinuloy ang kanyang sasabihin. 

“Mas lalong hindi niya alam na bago mo pa pinakasalan ang nanay niya, tayo na talaga ang magkarelasyon. At pinakasalan mo lang ang nanay niya dahil gusto mong makuha ang yaman ng pamilya ng lolo niya”

Napahalakhak ng malakas si Leandro.

“Katulad lang siya ng baliw niyang ina, saksakan ng tanga. Ako mismo ang nagpalaki sa kanya para maging walang silbi, kaya imposibleng maisip niya ang katotohanan.”

Saglit na huminto ang kanyang ama.

“At kahit malaman pa niya, ano naman? Wala na rin siyang magagawa, dahil naipasa ko na sa pangalan ko ang lahat ng ari-ariang iniwan ng matanda.”

Tumango ang babae.

“Sayang lang at hindi natuloy ang orihinal nating plano kagabi.”

“Hindi man siya napunta sa lalaking inihanda natin, nasira pa rin naman siya.”

“Hindi lang natin alam kung sinong lalaki ang nakasama niya, pero sapat na iyon.”

“Hindi na tatanggapin ng mga Dela Cruz ang isang maduming babae na tulad niya bilang manugang.”

“Kapag nangyari iyon, buong puso nang mamahalin ni Sebastian si Celina.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 163

    Napatingin si Althea kay Xavier. Nagtama ang malinaw niyang mga mata at ang malalim na itim na mga mata nito na tila walang hanggan.Ilang segundo silang binalot ng katahimikan.Hanggang sa marinig ang mahinang pagtawa ni Xavier, na siyang pumutol sa tensiyon sa pagitan nila. Kaswal niyang pinaglaruan ang dart sa pagitan ng mahahaba niyang daliri bago tumingin kay Althea. Bakas sa mga mata niya ang kawalang-pakialam.“Ano naman ang dapat ikatakot ko? Babae lang naman siya. Wala namang dahilan para panghinayangan siya.”Mariing pinagdikit ni Althea ang mapupula niyang labi. Kahit pilit niyang pinananatili ang kalmado niyang anyo, hindi niya napigilang maging hindi pantay ang paghinga.Ayaw maniwala ng puso niyang talagang isasapalaran ni Xavier ang buhay niya, pero nang marinig niya ang mga salitang iyon mula mismo sa bibig nito, para pa rin siyang sinaksak nang malalim.Alam na alam niya kung gaano ka-possessive si Xavier sa kanya.Akala niya, kahit paano, may tunay na nararamdaman it

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 162

    Hindi mabasa ni Althea kung ano ba ang iniisip ni Xavier, pero may kutob siyang may sarili iyong plano kaya siya nito pinasa kay Harry. Hindi lang niya alam kung ano ba ang balak nito. Kahit labis siyang nadismaya at nasaktan sa naging desisyon ng lalaki, pinili pa rin niyang sumunod at magtiwala rito. Kung sa huli ay talagang pipiliin nitong iwan siya, ituturing na lang niya iyon bilang pagkakataong makita ang tunay niyang pagkatao!Matapos yakapin ni Harry si Althea, palihim nitong sinulyapan ang ekspresyon ni Xavier.Nakaukit sa labi ni Xavier ang isang nakakarelaks na ngiti, na para bang wala siyang pakialam sa nangyayari.Kasama si Althea, umupo si Harry sa harap ng hapag-kainan. Pagkatapos, kinumpasan niya si Xavier bilang senyas na umupo rin ito.“Mr. Xavier, hindi na tayo magpaligoy-ligoy. Hindi sapat na ibigay mo sa akin ang magandang babaeng ito para makuha mo ang antidote. Paano kung mag pustahan tayo? Kapag nanalo ka, sa iyo na ang babae at ang antidote. Pero kapag natal

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 161

    Nanlaki ang mga mata ni Althea sa gulat. Hindi siya makapaniwala sa gustong gawin sa kanya ni Xavier. Ito ba ang dahilang kung bakit simpleng makeup at pinaayos upang mag mukhang inosente, para magustuhan siya ni Harry?Huminga nang malalim si Althea at pinigilan ang kakaibang bigat na unti-unting bumabalot sa kanyang dibdib. Namumula ang kanyang mga mata nang matalim siyang tumingin kay Xavier.“Hindi ba sinabi mong ako ang babae mo? Bakit mo ako ibubugaw sa ibang lalaki? Kaya mo bang ibahagi ang sarili mong babae sa ibang lalaki?”Bahagyang itinaas ni Xavier ang mahahaba at matatalim niyang kilay. Marahang hinaplos ng magaspang niyang daliri ang pisngi ni Althea.“Kung ayaw mo ng iligtas ang Kuya Xavy mo, pwede kitang iuwi ngayon mismo. Pagkatapos nito, magiging akin ka na lang.”Mariing ikinuyom ni Althea ang mga kamay sa kanyang tagiliran.“Xavier, sinabi mong kapag kusang-loob kitang hinahalikan at niyakap araw-araw, dadalhin mo ako para hanapin ang gamot.”Ngumiti si Xavier nan

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 160

    Bahagyang hinawakan ng babae ang laylayan ng kanyang damit habang naglalakad palabas ng private room. Habang si Xavier naman ay abala sa pagbabasa ng magazine sa kanyang kamay, bahagya siyang nakayuko kaya mas lalong litaw ang pino at matitikas niyang mga katangian. Para siyang isang likhang-sining na maingat na ginawa ng isang pintor. Bahagyang nakatikom ang kanyang mga labi, na nagbibigay sa kanya ng mapang-akit na dating.Marahil ay narinig niya ang tunog ng matataas na takong sa sahig, kaya dahan-dahan niyang iniangat ang ulo. Dumiretso ang malalim at maiitim niyang mga mata kay Althea.Nakatayo ang babae sa di-kalayuan. Nang magtama ang kanilang mga tingin, biglang kumabog nang malakas ang kanyang dibdib.Hindi niya alam kung bakit, pero ngayong nag-ayos siya ng sarili, nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa tuwing kaharap niya si Xavier. Perpektong ipinakita ng puting mahabang damit ang balingkinitan at magandang hubog ng katawan ni Althea. Maputi at makinis ang bahaging nakala

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 159

    Sandaling natigilan sa paghinga si Xavier, lalong dumilim ang tingin ng kanyang mga mata habang nakatitig sa babae. “Pwede na ba tayong pumunta para hanapin ang gamot?”Mariing pinagdikit ng lalaki ang manipis niyang mga labi, ngunit hindi siya sumagot. Nakapako lamang ang kanyang mga mata sa babaeng napakalapit sa kanya. Walang anumang makeup si Althea, maputi at makinis ang kanyang balat. Isama mo pa ang magandang kurba ng kanyang kilay at ang buhay na buhay na kanyang mga mata. Maging ang ilong nito ay maganda ang pagkaka-tangos, habang ang kanyang mga mapupulang labi ay tila hindi na nangangailangan ng kahit anong pampaganda. Taglay niya ang isang dalisay at maningning na kagandahan. Nang mapansin ni Althea na hindi pa rin nag sasalita si Xavier, bahagya niyang inangat ang kanyang tingin. Nang magtama ang kanilang mga mata, nasilayan niya ang nag-aalab na tingin ng lalaki. Biglang pumalya ang tibok ng kanyang puso.***Bukod sa pagpapagawa ni Xavier ng isang indoor playground

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 158

    Talaga bang hahayaan niyang mamatay si Xavien nang wala man lang maayos na libingan? Ibig sabihin, pananakot lamang lahat ng masasakit na salitang binitawan niya kanina?Bahagyang lumingon ang babae at tumingin sa lalaking napakalapit as kanya. Agad din niyang iniwas ang mukha, ngunit sa sumunod na sandali mariing hinawakan ni Xavier ang kanyang babae. Wala siyang nagawa kundi salubungin ang malalim na mga mata nito na tila isang balon sa lalim. “Alam mo madali naman akong kausap eh, kaya ko siyang tulungan na mabuhay. Pero may kondisyon ka na dapat gawin.”Sandaling tumigil ang lalaki bago patuloy na nagsalita, “Mula ngayon, wala ka nang anuman na ugnayan sa kanya habambuhay!”Nangingibabaw ang gigil sa tono ng utos ng lalaki, bahagyang napigil ang paghinga ni Althea. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. “Sir Xavier, imposibleng pumayag ako sa gusto mo,” mahinahon at makatuwiran niyang sagot. Tinitigan siya ng lalaki, hanggang sa bigla nitong sinuntok ang pinto sa ibabaw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status