INICIAR SESIÓNNang makita ni Althea sa rear-view mirror na galit na galit at namumula ang mukha ng kanyang kapatid habang nagpapapadyak sa inis, hindi niya napigilang mapatawa. Manipis at hugis-puso ang kanyang baba, maliit at napakaganda ng kanyang mukha, at napakalinis tingnan ng kanyang mga mata. Lalo siyang gumaganda at nagiging kaakit-akit kapag ngumingiti.Ngunit nang mapansin ng lalaki ang kabilang pisngi ng dalaga na namumula at medyo namamaga pa, biglang lumabas ang lamig at galit sa kanyang malalim na mata. Bigla niya pinaliko ang manibela at saka inapakan ang preno, nagulat sang babae nang biglang huminto ang sasakyan.Hindi niya inaasahan ang biglang pagtigil nito, kaya bigla siyang napa abante. Muntik na siya mapasubsob sa kanyang unahan, mabuti na lang at mabilis siya nahawakan ni Xavier. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, napakagat-labi ang babae sa sobrang kaba.Masyado siyang nakatuon kay Celina kanina kaya nawala sa isip niya na kasama nga pala niya sa kotse ang lalaking ito. H
Wala pang sampung minuto, nakita na ni Xavier na lumabas si Sean mula sa TV station. Mukhang natapos na nito asikasuhin ang lahat ng kailangan niyang gawin. Pagtingin niya sa loob ng sports car, hindi pa rin niya maiwasang hindi bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nandoon ang kanyang amo na si Xavier, prente itong nakaupo sa driver’s seat habang suot ang kanyang sunglasses at walang pakialam na nagbubuga ng usok mula sa kanyang sigarilyo. Sa kabila ng malamig at mayabang nitong aura, hindi pa rin maikakailang napakagwapo talaga nito. Ilang taon na siyang naninilbihan kay Xavier, pero paminsan-minsan ay hindi pa rin niya maiwasang hindi mamangha sa mukha nito. Minsan pa nga ay iniisip niya na buti na lang ay hindi siya bakla. Dahil kung nagkataon na bakla siya, baka isa na siya sa mga nahuhumaling sa lalaki. Agad na tumingin sa kanya si Xavier, malamig at matalim ang kanyang mga mata.“Ano, hindi mo na ba kailangan ang mga mata mo?”Agad na nagtakim ng bibig si Sean at bahagyang umu
Kinuha na ng isa sa mga police ang kanyang posas, nang makita iyon ni Angelica tuluyan ng nablangko ang isip niya sa takot. Mabilis na nanginig ang kanyang mga labi habang paulit-ulit na dinedepensahan ang sarili. “Hindi ako ang nagnakaw ng singsing! M-mali kayo ng hinuhuli, hindi niyo ba ako kilala?! Hindi ako ang salarin kundi iyang si Isabelle!”Biglang nanghinga ang mga tuhod ng dalaga, namumula ang kanyang mga mata habang galit na galit na tinitigan si Angelica. “Tingin mo ba? Kung hindi mo ako inutusan na nakawin ang singsing at ilagay ito sa gamit ni Miss Althea. Bakit ko naman gagawin na magnakaw? Itinuturing mong kaaway si Miss Althea kaya naman gusto mong sirain ang buhay niya!”“Oo! Si Althea talaga ang nagnakaw, magkasama kami sa final interview. Sigurado akong sinamantala niya ang pagkakataong busy ako atsaka niya inilagay ang singsing ni Miss Bernadette sa bag ko!”Napailing na lang ang mga tao sa paligid, wala nang naniniwala sa mga sinasabi ni Angelica. Tuluyan na si
Halos lahat ng tao sa paligid ay natigilan, maging si Angelica ay mistulang naging estatwa sa kanyang kinatatayuan. Ang taong labis na nagulat ay si Isabelle, dahil siya ang naglagay nito sa damit ni Althea. Kaya sigurado siyang dapat si Althea ang mag mumukhang magnanakaw. Kaya iniisip niya kung paano ito napunta sa bag ni Angelica. Magsasalita na sana si Angelica nang makita niyang sumenyas si Althea kay Isabella, napansin niya rin ang bahagyang ngiti sa labi nito. Para bang silang dalawa lamang ang nakakaalam ng isang planong matagumpay nilang naisagawa. Biglang napasinghap si Angelica, may isang bagay siyang naisip kung bakit bigla siyang tinraydor ng dalaga. Marahil mas malaking kapalit ang inalok ni Althea rito kaya siya na lang ang pinahamak nito. Sa sobrang galit niya, tuluyan na siyang nawalan ng control. Masama niyang tinitigan si Isabelle. “Ikaw! Magkano ang binayad sayo ni Althea? Sinadya mong ilagay ang singsing sa bag ko, hindi ba? Bakit mo ginawa iyon? Malaki ba ang
Sa pagkakataong ito, wala nang magagawa si Meredith para patuloy na ipagtanggol si Althea. Kinuha niya ang bag at inilabas ang damit ni Althea. Tuwang-tuwa si Angelica, sa sobrang tuwa niya ay bahagya niyang nakurot ang braso ni Celina at pabulong na umimik. “Celina, magsisimula na ang climax ng palabas. Abangan natin kung paano mapapahiya si Althea sa harap ng maraming tao!”Matagal nang nailagay ni Isabella ang diamond ring sa bulsa ng damit ni Althea. Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Celina, malamig niyang tiningnan si Althea.Apat na taon man ang lumipas o ngayon, hindi pa rin siya kayang talunin ng babae. Kung iisipin, hindi na niya kailangan pang kumilos para mapabagsak ang babae. Pero malapit nang makulong si Althea dahil sa pagnanakaw at kapag nangyari iyon, halos imposible nang makabangon muli ang babae. Dahan-dahan hinalughog ni Meredith ang mga bulsa ng damit ng babae. Habang ginagawa niya iyon, pinupunasan naman ni Isabella ang kanyang mga luha habang mahigpit na
Kunot-noong nagsalita si Meredith.“Sa nakita kong kakayahan ni Althea, alam niyang malaki ang chance niyang makapasa siya sa final interview.”Huminto siya sandali bago ipinagpatuloy ang kanyang nais sabihin. “Come to think of it, kung magiging magkasama rin naman sila sa trabaho. Bakit siya gagawa ng isang bagay na alam niyang ikasisira niya?”Sa totoo lang,mataas ang tingin nito kay Althea. Kaya natural lang na tingnan niya ang sitwasyon mula sa panig nito. Ngunit bigla na namang sumingit si Trixie, puno ng panunuya ang tono nito. “Kung ang isang bagay na halos milyon na ang halaga, sino ba ang hindi magkakaroon ng interes dito?”Hindi na gusto pang magsayang ng oras ni Bernadette. Napakahalaga sa kanya ng diamond ring na iyon, naniniwala rin siyang hindi nagsisinungaling ang kanyang assistant na si Isabelle.Kung gayon.Isa na lang talaga ang natitirang posibilidad, si Althea talaga ang nagnakaw ng singsing. Sinukat ng tingin ni Trixie ang dalaga mula ulo hanggang paa. “Aaminin







