LOGINNang buksan ni Xavier ang kanyang cellphone, agad niyang nakita ang isang friend request sa kanyang Facebook. Napansin niyang ang profile picture ay isang batang nakasuot ng cap, bahagya niyang pinikit ang madilim niyang mga mata.Tinanggap niya ang request at balak na sanang ibaba ang cellphone para ipagpatuloy ang meeting. Pero ilang segundo lang ang nakalipas nang bigla itong tumunog, tumatawag sa kanya ang bata. Hindi niya balak sagutin iyon dahil nasa meeting pa siya, kaya pipindutin na sana niya ang decline. Ngunit hindi niya alam kung bakit bigla niyang pinindot ang accept, agad na lumitaw sa screen ang isang napakacute na mukha. Napatingin ng diretso sa kanyang ang malalaking mata nito. “Tito Pogi! Hello grabe ang tagal na nating hindi nagkita! Kumusta ka naman?”Gumalaw ang gilid ng labi ng lalaki, matagal? Eh ilang araw pa lang naman ang lumipas noong huli silang nagkita nito.Nang marinig nina Gerald at ng iba pang executive ang malambing na boses ng bata, halos mapatigi
Natigilan si Althea sa kanyang mga narinig mula sa kabilang linya, hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot. Nasa balkonahe siya nang sagutin niya ang tawag, ngunit hindi niya napansin na nakatago pala sa likod ng pinto ang kanyang anak. Tahimik itong nakatingin sa kanyang ina, hanggang sa marinig ng bata ang galit na sinabi nito, “Alam mo Sebastian, napaka walanghiya mo talaga!” Agad nitong binabasa ang tawag, nakita ni Jeff kung paano napakapit ng mahigpit ang kanyang Mommy sa railings mukhang galit na galit talaga ito. “Sebastian?” bulong ng bata. Naalala niya kung saan niya narinig ang pangalan na iyon, mula sa kanyang Ninang Sofia. Iniisip niya kung ito ba ang tinutukoy nila na dating mapapangasawa sana ng Mommy niya. Mabilis siyang bumalik sa kanyang kwarto at umupo sa sofa. Isinandal niya ang maliit niyang kamay sa kanyang baba habang paikot-ikot ang malalaki at bilugang mga mata, napabuntong-hininga siya. Bigla niyang pinagsisihan na binlock niya si Tito Pogi sa acc
Nang marinig ng babae ang pangmamaliit nito sa kanyang bahay, halos gusto na niya itong sipain palabas. Syempre hindi naman niya pwedeng sabihin iyon, kaya nanatili lang ito sa kanyang isip. Alam naman niya ang kanyang limitasyon, hindi niya talaga kayang kalabanin ang lalaking na sa harap.“Alam ko naman na hindi ka sanay makakita ng ganitong bahay. At mas lalong alam ko na hindi ka nababagay sa ganitong lugar, kaya kung ako sayo bilisan mo na kumain para makauwi ka na sa mansyon mo.”Mabilis na lumapit sa kanya si Xavier at biglang hinawakan ang kanyang baba, mapanganib ang naging tingin nito. “Hoy! Sinasabi ko sayo, pag ako ginalit mo lalo pasensyahan tayo hindi na kita palalampasin pa.”Namula sa galit ang babae at agad na tinulak palayo ang lalaki. Wala na siyang sinabi pa at mabilis na tumakbo papasok ng kwarto bago malakas na isinara ang pinto. Umupo siya sa sahig at sumandal sa pinto. Masakit pa rin nang kaunti ang kanyang baba kung saan siya hinawakan ng lalaki. “Bwisit na
Alam ni Althea na sadyang palabiro at mahilig siyang asarin ng lalaki, pero hindi pa rin niya napigilang mainis at mahiya. Lalo na kapag mapang-asar siyang tinitignan nito na para bang wala na siyang suot na kahit ano. “Bastos!”Mabilis na namula ang kanyang mukha at nahihiyang tinitigan ang lalaki. Bago pa ito makapagsalita, agad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at mabilis na bumaba. Ngumiti ang lalaki at sinundan siya. Natural nitong ipinatong ang mahaba niyang braso sa balikat ng babae. “Grabe ka naman, wala ka ba ibang pwedeng sabihin na hindi naman masama? Yung magagandang bagay naman sana ang lumabas jan sa bibig mo.”Naiinis na inalis ng babae ang braso nito at naglakad papunta sa elevator, natatawang sumunod si Xavier. Nilapit nito ang kanyang mukha sa tainga ng babae at isinandal ang panga nito sa balikat niya habang mahina itong tumatawa. “Ang bilis mo pa lang mahiya noh? Ano ba ang ginawa kom hhmm?”Halos nasa tabi na mismo ng kanyang tainga ang bibig nito, kaya tum
Ang lalaking kasamang kumain at uminom ni Sebastian ay isang manager ng Project Engineering Department ng isang publicly listed company sa Pangasinan. Gustong makipag tulungan ng lalaki sa kumpanyang iyon para makapag patayo ng isang malaking tourist resort sa lungsod. Ilang beses na niyang inimbitahan ang manager na makipagkita sa kanya bago ito tuluyang pumayag para magsagawa ng inspection. Pinaghanda ni Sebastian ang kanyang assistant ang contract. Matapos silang magpalitan ng ilang baso at mag-usap na parang matagal ng magkakilala, iniabot na niya ang kontrata sa lalaki. “Mr. Dela Cruz, masyado ka naman ata nagmamadali. Huwag na muna nating pag-usapan ang negosyo, mag-enjoy lang muna tayo at mag-inom.”Naiinis na isinumpa ni Sebastian ang lalaki sa kanyang isip. Ilang araw na niya itong sinasamahan at malaki na ang nagastos niya rito. Pero hanggang ngayon ay ayaw pa rin nitong magbigay ng malinaw na sagot. “Sir Gabriel, tingnan mo muna ang kontrata. Kung makikipagtulungan kayo
Marahang hinawakan ni Xavier ang braso ni Althea at hinila siya papunta sa cashier. Nang makita ng cashier ang tatlong security guard na malubhang nabugbog, bahagyang namutla ang mukha nito. Pero hindi pa rin nito inisip na may kasalanan siya, matapang nitong hinarap ang malamig at mabagsik na tingin ng lalaki. “Sir, hindi kayang bayarang ng babaeng ito ang bill. Kinausap ko lang naman siya ng maayos, pero tingnan niyo ang ginawa niya sa akin. Binuhusan niya ko ng kape sa mukha, siya na nga ang hindi nagbabayad eh.”Itinuro ang cashier ang bote ng red wine na gustong isauli ni Althea at may panghahamak na sinabi, “Saka Sir, may patakaran kami rito. Kapag na-order na ang isang bote ng alak, hindi na ito maaaring isauli.”Bahagyang ngumisi ang lalaki, binigyan niya ng madilim at malamig na tingin ang cashier. “Sige nga, buksan mo nga ang bote.”Dahil sa nakakatakot na aura ng lalaki, mabilis na kinuha ng cashier ang pambukas ng wine at binuksan ito. “Sir, pwede ko naman po kausapin







