로그인Nakapirmi ako sa kinatatayuan ko, hawak ang dibdib kong hindi pa rin maayos ang tibok. Kapwa kami nakainum sa hub ng maghalikan kami noon. At ngayon lasing siya ulit, hindi ko gustong sa ganitong paraan kami magkalapit, kaya kailangan kong magmatigas. Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Gusto ko siya at marami na akong kahibangang nagawa para lang sa lintik na nararamdaman kong ito. Pero may mga bagay na hindi ko kayang isugal. Hindi ko hahayaan na ibaba ko pa ang dangal ko lalo't mas mahalaga sa akin na mapaibig siya, hindi ang akitin lang siya gamit ang katawan ko. “Lasing ka,” ulit ko, mas mahinahon na ngayon, pero may diin. “At kung lasing nga ako?” mababa niyang tanong. “Then this conversation can wait... Hindi ko gustong pagsisihan natin ito bukas,” dagdag ko, pilit pinapakalma ang sarili. “Ayokong isipin mong kaya lang tayo nagkakalapit dahil wala ka sa sarili mo.” Umangat ang tingin niya sa akin. “Hindi alkohol ang problema,” sagot niya, paos pa rin ngunit kontrolad
“Tristan, lasing ka… mabuti pa magpahinga ka na,” mahina kong saad habang pilit iniiwas ang tingin sa kanya.Ngunit hindi niya iyon pinansin.Kinalas niya ang suot na necktie at mabilis iyong itinapon sa gilid. Sunod naman nitong tinanggal ang ilang butones ng suot na long sleeves na para bang wala lang.Napasinghap ako nang bahagyang tumambad ang matipuno nitong katawan.Agad akong napaiwas ng tingin.Ngunit huli na.Nakita ko na kung paano gumalaw ang panga niya habang nakatitig sa akin.Tahimik siyang umupo sa gilid ng kama ko bago isinandal ang isang braso sa tuhod niya.“W-Why are you wearing that kind of clothes?” tanong niya sa mababang boses.Unti-unti akong napakapit sa laylayan ng suot kong nighty.“K-kasi…”Hindi ako makasagot dahil ang paraan ng pagtitig niya sa akin ngayon ay hindi madilim. Kundi parang may kung anong init na pilit niyang pinipigilan.“Kala ko ba manang ang style mo?” dagdag pa niya habang dahan-dahang sinusukat ng tingin ang buo kong katawan. “But look a
THIRD PERSON POV Makalipas ang ilang segundo, bumukas ang pinto ng opisina. Iniluwa noon ang bodyguard ni Tristan na si Martin, bakas sa seryoso mukha nito ang tila mabigat na balitang dala. Natigilan sina Tristan at Luke nang makitang dire-diretsong lumapit si Martin. “May problema ba?” agad na tanong ni Tristan nang mapansing kakaiba ang ekspresyon nito. “Boss… may galaw na naman ang kampo ni Romualdez,” agad nitong ulat. Biglang tumalim ang tingin ni Tristan. “What do you mean?” “Kaninang hapon, may ilang taong nakita sa paligid ng kumpanya ni ma'am Samantha. Hindi natin kilala, pero mukhang hindi ordinaryong mga tauhan.” Nagdilim ang mukha ni Tristan sa narinig. Habang sumeryoso ang mukha ni Luke. “Ilang beses ko nang sinabi na higpitan ang pagbabantay sa kanya,” mariin niyang saad ni Tristan. “We did, Boss. Pero mukhang sinusubukan lang nilang magpadala ng mensahe.” Napakuyom ang kamao ni Tristan. Ramdam ang unti-unting pagtaas ng tensyon sa loob ng opisin
THIRD PERSON POV KINAGABIHAN sa hub. Habang nag-uusap sina Tristan at Luke sa loob ng opisina, bumukas ang pinto at pumasok ang isang staff na may bitbit na tray. Nakapatong doon ang mamahaling alak, yelo, at dalawang crystal glass. Maingat nitong inilapag ang tray sa gilid ng office table bago bahagyang yumuko. “Sir, ito na po ang pinapakuha n’yo,” magalang nitong saad. “Hm. Maaari ka nang umalis,” walang emosyong tugon ni Tristan habang abala sa pagbubukas ng ilang dokumentong nasa harapan niya. “Nasaan si Andy? Bakit parang hindi ko nakikita ang paborito mong manager?” tanong ni Luke habang inaabot ang isang baso. Karaniwan kasi, tuwing nasa hub ito, si Andy mismo ang naghahatid ng alak sa opisina ni Tristan. Kilala ito ni Luke na malapit kay Tristan at isa sa mga pinagkakatiwalaan nito sa loob ng negosyo. Saglit na napatingin ang staff kay Luke ngunit agad ding nagbaba ng tingin. Tikom ang bibig nitong tumango bago mabilis na lumabas ng opisina. Naiwang nakakunot-noo si L
THIRD PERSON POV Walang gustong magpatalo sa pagitan ni Miguel at Liam. “Enough,” awat ni Tristan habang mariing tumitingin sa dalawa. “Ian, nagsisisi na si Daphne. She learned her lesson. Until now, ikaw pa rin ang mahal niya at gagawin niya ang lahat para mabawi ka. I know may lugar pa rin siya sa puso mo. Please, hayaan mong manatili siya sa tabi mo. Hayaan mong ipaglaban ka ni Daphne. She sincerely regrets leaving you and not fighting for your relationship before.” pagpupumilit na ani ni Miguel. Napailing si Liam at marahang natawa, ngunit bakas sa mukha nito ang pagkainis. “Too late,” malamig nitong saad. "Kahit magsisi pa si Daphne, kasal na sina Ian at Sam. Bakit hindi na lang ninyo hayaan maging masaya ang dalawa? Don’t act like a fool, dude.” Natahimik ang buong silid matapos ang palitan ng opinyon at mga pakiusap. Tanging mabibigat na paghinga lamang ang maririnig habang nanatiling walang imik si Ian, tila nahihirapang mamili sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan. N
THIRD PERSON POV INIS na pumasok si Tristan sa office nya nang malaman na narito si Miguel at Liam. Nag-iintay ang mga kaibigan sa pagdating niya. Alam agad ni Tristan kung bakit nandoon ang dalawa—hindi ito simpleng pagbisita. Si Miguel, nakaupo nang maayos sa sofa, parang kalmado pero halatang may gustong sabihin. Si Liam naman, nakatayo malapit sa bintana, nakatingin sa labas—pero sa sandaling pumasok si Tristan, agad ding bumaling ang tingin kay Tristan. "Dammit, Bro ano `tong sinabi ni Daphne na pinagtatabuyan mo siya, huh? Really, kapatid ko gaganonin mo!" anas ni Miguel. Boses nito ay mababa pero puno ng diin, parang pilit pinipigilan ang mas sumabog pang imosyon. Dere-deretsong naglakad si Tristan papasok ng opisina habang inaangasan siya ni Miguel. Naupo si Tristan sa swivel chair saka hinubad ang suot niyang suit coat. Niluwagan pa nito ang necktie niya bago malamig na tumingin kay Miguel. Sandaling bumigat ang katahimikan sa loob ng opisina, parang kahit hangin
TINUNGO ko ang opisina ni Tristan. Tulad ng suwesyon ni Edward tinanggal ko ang formal blazer na suot ko. Kinuha pa ito ni Edward sa akin para masiguro na hindi ko na daw ito susuotin pa ulit Sigurista siya sa bagay na yun. Suggestion niya rin na mas buksan ang blouse na suot ko, exposing my cleavag
NANG makarating kami sa mall panay bulungan si Dan at Cathy. Habang si Luke at Erick medyo malayo pero nakasunod parin sa amin. Mukhang binibigyan nila kami ng privacy. "Ano balak nyo ba talagang pagbulungan nalang ako,?" Nagtawanan sila ng sabihin ko iyon.Oblivious naman ako ang topic nila.
Mabilis sumunod si Dan sa akin. "Grabe,. Excited na ko!" Dinig kong sabi ni Dan. "Ohh.. baka makalimutan mo.. Ang major project natin." anya ni Cathy kay Dan. "Oh course not,. Excited na nga ako para sa kanya." Nilingon ko silang dalwa. "Anong meron?" tanong ko dahil parang may hindi sila s
ISANG malakas na kidlat ang nagpabalik sa'kin sa sarili. Napatili ako ng malakas at napayakap kay Tristan. Hindi naman ako takot sa kulog at kidlat pero magugulatin talaga ako.. Sino naman hindi magugulat nasa pinaka mataas na floor ang penthouse. Technically, the raging sky has been heard lo







