INICIAR SESIÓN
=DISCLAIMER=
2026 "Pretending, Turned Into Reality" written by Ms. Addie All rights reserved. This is an original work of fiction and the result of a mind's imagination. Any name, character, business, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidence. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way without the Author's written permission or publisher except for the use of brief quotation in critical articles and reviews. Stealing is a crime. Please avoid plagiarism. If this content is captured and published, the offender can be traced and will face the full extent of the legal ramifications stated by the law. Please follow/subscribe, comment, and add this to your library. *********************** ISANG MAKALAS na sampal ang tumama sa pisngi ni Samantha dahilan upang mawalan sya ng balanse at napa-salampak sa sofa. Doon niya naramdaman ang pangangapal nang sariling pisngi kaya nasapo niya ito. "Hindi ka namin pinalaki ng ganyan." asik ng Ina ni Sam dito. "Sunny, enough!" awat naman ng Ama ni Sam sa asawa. Ngunit imbis na huminahon lalo itong nagalit. "Bitawan mo ko.," inis na wika ng Ina at tsaka dinuro nito ang asawa habang nanlilisik ang mga mata. "Isa ka pa!," "Sunny, wala akong kinalaman dito maging ako nagulat din sa biglang pagpapakasal ng panganay natin." Agad na saad ng Ama na hindi rin makapaniwala, maging ito ay nagulat din. Wala pang nakakaaalam ng biglaang pagpapakasal ni Tristan at Samantha. Nanatili itong lihim sa publiko. Mga magulang pa lang ni Sam ang sinabihan ni Sam ngayon. "Kung di dahil sayo hindi masasangkot sa gulo ang bunso natin si Kristel,.. hindi nya maiisip na gumanti sa pamilya ng kabit mo.. At ngayon si Samantha naman ang nahuhumaling sa Tristan na `yun." Anas ng ina ni Sam sa padre de pamilya. Nagkaroon ng lihim na relasyon ang Ama ni Sam at ang Ina ng matalik na kaibigan ni Sam noon. "Darling, matagal ng tapos lahat ng namagitan sa amin ni Loida at nakaraan na `yon! Uungkatin mo naman ba?! Hindi ka ba napapagod. Hindi ko kasalanan na nagka-gusto ni Kristel sa pamilyadong lalaki at nakagawa ng masama. Maslalong hindi ko kasalanan na nagpakasal ng biglaan ang panganay nating si Sam sa Tristan na `yun!." napupunong sagot ng Ama ni Sam sa asawa nito. "Mike, ikaw ang dahilan kong bakit napalapit ang pamilya natin sa pamilya Saavedra at De Vera. At ngayon tingnan mo.. pamilya natin ang palaging argabyado.. Ang mga anak natin ang syang nagdurusa," anas ni Sunny sa asawa nito. Napahawak nalang sa sariling sintido ang padre de pamilya. Animo'y nauubos ang pasyensiya sa paulit-ulit na paliwanag at paulit-ulit na pagtatalo nila ng asawa. "Magsitigil na kayo!" singhal ni Samantha sa mga magulang. Natigilan ang lahat ng marilig ang malakas na tinig mula sa panganay na anak. Si Sam. Sa unang pagkakataon nagawa ni Sam sumabat sa away ng mga magulang. "Kayo,. Pareho lang kayong may mali. Kaya wala kayong karapatan kuwesyonin ang desisyon kong pakasalan si Tristan.." matapang na pahayag ni Sam habang pinupunasan ang masaganang luha na tumutulo sa mga mata. "Anak, I'm sorry nadamay ka sa maling nagawa ko noon. Pero ako lang ang nagkamali.. Hindi ka dapat madamay dito,. kayo ng kapatid mo.." sagot ng Ama at lumapit ito kay Sam. Ngunit matalim na tingin ang itinapon ni Sam sa Ama nito kasabay ng pag-iwas. "Talagang kasalanan mo Dad," asik ni Sam at tsaka ito tumingin sa Ina niya. "Ikaw din Mom,. kahit anong pagkakaila mo at paninisi kay Dad, may mali ka din. Kung hindi ka nagtanim ng sama ng loob at galit. Hindi lalakas ang loob ng kapatid kong gumawa ng masama. Eh di sana matagal na itong tapos!," anas naman ni Sam sa Ina niya. Natigilan ang mga magulang. Sandaling katahimikan ang namutawi anino'y nag-iisip ang bawat isa. "Anak, Sam alam kong kaibigan mo sila at malapit ka sa pamilya nila pero bakit naman sa Tristan Miller na ’yun pa!, madami namang ibang lalaki. Bakit sa kanya pa?" saad ng Ina at napa bumuntong hininga ito. "Hindi ba talaga ito matatapos!" sambit pa nito sa frustration "Tama ang Mommy mo, Sam makinig ka!, habang maaga pa lumayo kana. Kakausapin ko ang kaibigan kong lawyer para sa Annulment nyo ng lalaking 'yun. Please layuan mo na siya. Mag-simula tayong muli sa America. Tutal nalulugi na rin lang ang negosyo mo, makabubuting sumama ka sa amin ng Mom mo, kasama ang kapatid mo.." pag-susumamo ng Ama niya. "Gulo lang ang dulot sa buhay mo ng lalaking yun," gatol pa ng Ina nya. "Nakapag-desisyon na po ako. Tristan and I are already married. If you can't accept that, forget that I am your daughter." matapang na desisyon ni Sam. "Mas pipiliin mo ang lalaking iyon, nahihibang kana ba?" Asik ng Ina. "Samantha, baka hindi mo alam ang pinapasok mo. Kung magulo ang pamilya natin. Higit ang sa kanila." anas naman ng Ama. "Ano bang nangyayari sayo, Samantha hindi na kita maintindihan,. Ano bang pinakain sayo ng lalaking `yun!" Hubakbang paatras ng paa si Samatha habang napapailing at tumutulo ang luha. "Don't tell me hindi ka sasama sa`amin.. Sa amin na siyang pamilya mo." "I'm sorry, Dad.." Naiiyak na sambit ni Sam habang nakatingin sa mata ng Ama. Nang tumingin si Sam sa Ina nito maslalong bumigat ang dinadala niya sa dibdib. Parang sasabog ang dibdib niya.. Higit na malapit ang loob niya sa tinuring at kinilala niyang Ina. "Mom, please forgive me.. Nagmahal lang ako.." Pagmamakaawa ni Sam habang magkalapat ang mga palad at pinagkikiskis. Walang patid ang hula sa mata. "I am ashamed of you.. Hindi kita anak, hindi ikaw ang Samantha pinalaki at itinuring kung anak." Asik ng Ina kay Sam. Hindi makapaniwalang maspinipili ni Sam ang lalaki konektado sa pamilyang naging dahilan ng paghihirap ng kalooban nila. "Lumayas ka,." asik ng Ina at tumingin ito sa asawa. "Mike, palayasin mo ang anak mo. Simula ngayon hindi kana parte ng pamilyang ito." Halos mangibabaw ang sigaw ng Ina ni Sam sa buong bahay dala ng sobrang galit. Wala naman nagawa si Sam kundi umalis dahil maging ang tunay niyang Ama ay hindi siya kinatigan. Mabuti na rin iyon dahil tiyak ang Dad at Mom niya ang siyang mag-aaway na baka mauwi na naman sa hiwalayan. Iyon kasi ang madalas na nangyari. Mabibigat ang pahayag na binatawan ni Sam kaya labis ang naging paghihinagpis ng mga magulang niya. Lalo na ang itinuring niyang Ina. Walang nagawa ang mga ito sa naging pasya niya. Kaya tuluyan siyang itinakwil ng mga ito. Nagtungo sa America ang mga magulang ni Sam kasama ang nakababatang kapatid na si Kristel upang makaiwas sa gulo. Upang doon magsimula ng panibagong buhay at doon ipagamot si Kristel para sa lumalalang depression nito. Matapos iurong ng mga De Vera ang kaso sa kapatid niyang si Kristel hindi tumigil ang pang-ba-bash kay Kristel sa social media, hindi rin ito matanggap sa mga trabahong inaplayan dahil sa mga nangyari at issue kinasangkutan. Labis itong nakaapekto sa kapatid niya at nagkaroon ng matinding dipresyon. Habang si Sam naman ngayon ang naiwan at mag-isang pinapasan ang bigat ng hamon ng buhay. Mga suliranin na dulot ng maling ginawa ng kapatid niyang si Kristel sa pamilya ng kaibigan niya na ngayon ay pamilya na rin nya. Dahil nagpakasal siya kay Tristan Miller pinsan ni Liam De Vera na asawa ng kaibigan niyang si Dan Saavedra-De Vera. ******* Even though she felt shy and awkward, Samantha went to the hub owned by her husband. She wanted to talk to him about their marriage setup. Biglaan lang ang naging kasal nila dahil contact marriage ang meron sila. Nagpakasal sila upang makuha ni Tristan ang mana nito mula sa mga magulang at kapalit ng pagpayag ni Sam, tutulungan siya ni Tristan na maibagon ang kumpanya niyang nalulugi. Hapon pa lang kaya sarado pa ang hub para sa mga customer. Gayon pa man bukas ito at nadatingan nyang naglilinis at naghahanda na ang mga staff para sa pagbubukas mamayang gabi. "Hi ma'am, sarado pa po kami napaaga po ata kayo." ani ng guwardiya naka-duty. "I'm looking for Mr. Tristan Miller, nandyan ba sya?." tanong ni Samantha. Tiningnan siya nito simula mukha hanggang paa. "Naku ma'am wala po siya dito, ang mabuti pa bumalik na lang kayo sa ibang araw o di kaya tawagan nyo na lang po si Mr. Miller." saad ng guwardiya "Ganon ba!, I thought he was here. ." Nang akmang tatalikod na si Sam upang umalis isang tinig ang narinig nya. "Miss Samantha," Nang lingunin ito ni Sam nakita nya ang bodyguard at isa sa kanang kamay ng asawa niya. Papalapit ito sa kanya. "Hi, andito ba si Tristan?" tanong niya. "Naku ma'am sorry po akala ko isa ka sa mga babaeng tinataguan ni Sir Tristan." Mahinang paliwanag ng guwardiya sabay kamot sa batok. Sinamaan ng tingin ng bodyguard ang guwardiya. Kaya nahiya ito at tumungo nalang. "Ma'am pasok po kayo, pasyensiya na ho," aniya ng guard kay Sam. "Ma'am, ano po ginagawa nyo dito? May usapan ba kayo ni boss na magkikita?" Agad na tanong ng bodyguard. "Ah wala. I call him kase, but he doesn't answer his phone., nagbakasakali lang ako na baka nandito sya,." nahihiyang sagot ni Sam. "Sumunod po kayo sa akin." saad ng kanang kamay ng asawa nya. Pinag-intay si Sam sa isang silid. Ang sabi nito sa kanya may ka-meeting pa daw si Tristan. Lumipas ang ilang minuto ngunit hindi pa siya binabalikan ng bodyguard kaya napagdesisyonan niyang gumamit muna ng bathroom. Lumabas siya ng silid na iyon at itinanong sa isang staff na lalaki kung saan ang comfort room. "Derercho ka sa dulo, bilisan mo ikaw na ang susunod." Ani nito sa may kasungitang tono at doon niya nabatid na hindi ito strength na lalaki. May pag-irap pa ito sa kanya bago siya tinalikuran. Nagtataka man dahil iba ang dating sa kanya ng pagkakasabi nito ngunit hindi nya nalang iyon pinansin at agad tinungo ang restroom.Mabilis sumunod si Dan sa akin. "Grabe,. Excited na ko!" Dinig kong sabi ni Dan. "Ohh.. baka makalimutan mo.. Ang major project natin." anya ni Cathy kay Dan. "Oh course not,. Excited na nga ako para sa kanya." Nilingon ko silang dalwa. "Anong meron?" tanong ko dahil parang may hindi sila sinasabi sa akin. "Anong project?.." Paglilinaw ko sa narinig. Nagtinginan sila bago nila ako muling tiningnan, pero sa pagkakataong ito simula ulo hanggang paa nila akong tiningnan. Sinipat nila ang kabuoan. Ako ang pinaka simpleng manamit sa amin. Conservative si Mommy Sunny ayaw niya ng mga revealing clothes. Kaya maingat ako sa pananamit. Samantalang opposite kami ng kapatid ko. Laging napapagalitan ni Mom si Kristel at sinisita sa mga kilos nito. Dahilan ng lagi nilang pag-aaway. Pero madalas pinapaburan at kinakampihan ni Dad si Kristel kaya hindi masupil ni Mom. Sa tingin ko iyon din ang dahilan kaya siguro mas close ako kay Mom. Mas magkasundo kami. "Kasi —" "May surprise kam
ISANG malakas na kidlat ang nagpabalik sa'kin sa sarili. Napatili ako ng malakas at napayakap kay Tristan. Hindi naman ako takot sa kulog at kidlat pero magugulatin talaga ako.. Sino naman hindi magugulat nasa pinaka mataas na floor ang penthouse. Technically, the raging sky has been heard loud and clear. At kita sa may balcony ang nagngangalit na langit. Bago pa lang humuhupa ang pagkagulat ko nasundan na naman ito ng panibagong mas nakakagulat. Pero sa pagkakataong ito hindi dahil sa masungit na panahon sundi dahil nagising ang lasing kong asawa. He glanced at me. "S–Samantha, what were you trying to do, s–seduced me?" Nauutal dahil sa kalasingan niyang sabi, habang pupungas pungas ang mga mata. I completely stunned. Seduced him? Seduce na ba ang tawag dito? "In your dreams,." Napaayos ako ng upo, medyo nahihiya sa ginawa ko. "That's not my intention.. Nagulat lang ako sa malakas na kidlat kaya napayakap ako sayo," Paliwanag ko. Napatingin siya sa balcony.
Strong, Dominate, and Cold. Akma sa isang kagaya ni Tristan.. very manly. Malaki ang silid niyang ito. Halos doble ng silid ko. May isang maluwang na daan sa gilid, malamang iyon ay patungo sa comfort room at walk in closet niya. Nakita ko rin ang bookshelves na pinto, ang siyang nagdurugtong sa silid namin. Lihim akong napangiti. Naiisip ko pa lang na bigla-bigla ko siyang makikita.. na-e-excite ako. Napansin ko rin na may malawak na balcony, ngunit madiim sa bahaging iyon tanging liwanag mula sa kalangitan ang nagsisilbing tanglaw sa labas, na ngayon ay may malakas na ulan, mukhang magtatagal pa buhos nito. Naglakad ako palapit sa kama ni Tristan at naupo sa gilid. Hindi ako makapaniwala mag-asawa na kami. Parang kelan lang ng biglain niya akong ayain upang maging asawa niya. ===== Flashback ===== "You want me to pretend to be your wife.. so you can get your inheritance, huh? for real?" gulat kong tanong habang naka-kunot ang noo. `Prank ba `to? Pinagti-tripan nya ba ako?
SAMANTHA'S POVLate night nang makaalis ang mga kaibigan namin. Gusto ko sana silang ihatid hanggang sa baba ng building na tinutuluyan namin subalit pinigilan ako ni Liam at Dan. Biglang naging masungit ang panahon kahit wala namang bagyong parating, asikasuhin ko nalang daw ang asawa. Si Tristan ang ang pinaka-lasing sa kanilang apat. Mukhang ito na naman ang sumalo nang lahat ng para kay Luke. May alcohol problem kasi si Luke kaya hindi pwedeng malasing. Kaya kapag magkakasama silang umiinom inaako ni Tristan ang para kay Luke kaya ito ang palaging unang nalalasing. Maganda ang samahan ni Tristan sa mga pinsan niyang si Liam at Luke. Mga pinsan niya ito sa mother side. Nakikita kong para na silang magkakapatid kong magturingan. Parang mga bata naman minsan kong magbangayan at biruan. Pinaka-maloko ang best friend nitong si Miguel. Si Tristan ang pinaka-seryoso sa kanilang lahat."Tristan, tulungan na kita." Pagpiprisinta ko dahil halos hindi ito makalakad ng maayos. "K–Kaya ko s
Pagpasok ko ng pinto. "Sissy," malakas na tinig ng bestfriend kong si Dan ang siyang sumalubong sa akin. Lahat sila ay nakatingin sa amin. Hindi ako nagkamali narito sa penthouse ang mga kaibigan namin. Nagkakilala kami ni Tristan through common friend dahil napangasawa ng bestfriend kong si Dan ang pinsan niyang si Liam De Vera. Narito sila ngayon sa penthouse. Nandirito rin si Miguel na bestfriend ng asawa ko. Agad kaming nagbeso ni Dan. "I've been calling you all day, but you didn't answer my call.. Kaya eto napasugod kami dito" saad ni Dan. Napangiwi naman ako. "Pasyensiya na.. I faced four consecutive clients earlier.." Paliwanag ko. "Yeah,. You look so tired," sambit ni Dan. Sunod akong lumapit kay Miguel at nakipag-beso. "Congrats!" Sambit nito habang nakangisi sa akin. O–Oh my Gosh! Alam ata nila?.. pero wala naman akong pinagsasabihan.. Papaanong.. "Cas,." Si Liam iyon na nakipagbeso rin sa akin. Ano daw Cas, kelan pa naging Cas ang pangalan ko?. O
"Before we start our dinner, I want to introduce to all of you another one of my children. I just recently found out about him.. I waited for the DNA results before presenting him to the family,.. including my spouse's approval." Tumingin kaming lahat sa Ina ni Tristan at nakita namin tipid itong ngumiti. "I am sure he is my child. He is also a Miller and part of this family. I want to introduce to all of you Marco Miller, my son." Pagpapakilala ni Tito Leo sa sinasabing anak. Di ko mawari papanong ang daming anak sa ibang babae ni Tito Leo. Obviously, iba rin ang ina ni Marco. Wag naman sanang mangyari ito kay Tristan at lalo naman sa akin. Ayokong pagdaanan ang sitwasyon ng Ina ni Tristan. Mababaliw ata ako! Tahimik lang ang mga kapatid ni Tristan na naririto. Tanging ang mga matatanda lang ang nag-uusap. Paminsan minsan tinatanong nila si Marco ng mga bagay na tungkol dito. Doon namin nalaman na kaidaran pala ito ni Trina. Una lang si Trina ng dalwang buwan at same year sila
SAMANTHA'S POV "Iha ang lamig ng kamay mo," Nakaramdam ako ng hiya ng sabihin iyon ni Tita Bobot. "Tita, kinakabahan po kasi ako." pag-amin ko. Sinong hindi kakabahan kapag nakaharap si Leo Miller ang ama ni Tristan. Buti nalang mabait ang asawa nito. Sa totoo lang magkaibang magkaiba sil







