Share

Chapter 13

“Grabe, sis! Totoo ba?” hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Felize.

I rolled my eyes at her and nodded for the third time.

“Gagi, seryoso nga?”

Sa pagkakataong iyon ay inirapan ko na siya. Paulit-ulit lang? Kanina ko pa sinabi sa kaniya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Sinamaan ko naman siya nang tingin. Pero hindi naman siya natinag sa ginawa. Inalog pa niya ang katawan ko.

“Ano ba?!” reklamo ko saka mabilis na hinawi ang kaniyang dalawang braso na nakahawak sa akin.

“Sis, sinusubukan ko lang na alugin ang utak mo kasi baka nananaginip ka lang.” seryosong sambit niya.    

Muli ay sinamaan ko siya nang tingin. Ginawa pa ako nitong sinungaling. Ikinuwento ko kasi sa kaniya ang tungkol sa pagbabalak na panliligaw sa akin ni Leander. Wala talaga sa plano ko ang sabihin sa kaniy

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status