Pagkarating ko sa tennis court, agad akong nagtaka dahil walang tao roon pero bukas ang ilaw sa palibot nito. Dahan-dahan akong naglakad hanggang makarating ako sa isang bench.
Mayroong mga nakalapag na raketa roon at bola. May mga bottled water din na may bawas na. Nasaan ang mga tao rito? Mukhang kaaalis lang ng mga ito. Sa hindi kalayuan ay may taong nagwawalis.
Naglakad ako palapit doon upang magtanong.
“Ah, Manong. Maaari po bang magtanong?”
Huminto ito sa kaniyang ginagawang paglilinis upang lingunin ako. Nakita ko ang bahagyang paglaki ng kaniyang mga mata. Mukhang nagulat yata ito nang makita ako.
“Ano iyon, hija?”
Ngumiti ako rito.
“Wala na po ba ang mga naglalaro rito?”
Inilibot niya naman ang kaniyang paningin sa paligid.
“Narito lang sila kanina. Hindi ko napansin na umalis sila dahil marami akong nililinis sa likurang bahagi nitong court.”
Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay huminto ang aking mundo nang makita kong magkalapat ang kanilang labi.“Leah!” Dinig kong pagtawag ni Leander sa pangalan ko.Naririnig ko ang ingay sa palagid ko, ang nakapagtataka lang ay kung bakit na-stuck ang katawan ko sa kinatatayuan ko. At ang aking tingin ay hindi ko maalis kina Liam at Maureen.“Leah!” Mas malapit na ngayon si Leander sa akin. Nang hawakan niya ang aking balikat ay saka ako nakagalaw.“Leah, what’s wrong?” kunot-noong tanong niya.Mukhang narinig ni Liam iyon kaya agad niyang hinawakan si Maureen sa magkabilang balikat nito at saka mabilis niyang inilayo ito sa kaniya. Nanatili ang kaniyang tingin sa akin habang inaalalayan si Maureen.“Bakit, Liam? Bakit? Hindi mo ba ako gusto?” tanong sa kaniya nang lasing na si Maureen.Hindi lang ako ang napatingin sa kanila, kundi pati si Leander.
“Aray, ang sakit ng ulo ko.” reklamo ni Maureen habang naglalakad patungo sa lamesa kung saan naroon kami.We’ve decided to eat in the restaurant near the beach. Dito sa beach kung saan may naganap na party kagabi. Kanina pa hila-hila ni Mr. Prieto ang kaniyang anak. Pinagalitan niya rin ito nang malaman niya na naglasing ito kagabi. Mr. Prieto thanked Liam for taking care of his daughter. At ganoon din kay Leander na nag-uwi kay Maureen sa hotel.Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Mayroong mga taong naka-uniporme na naglilibot sa paligid at nagpupulot ng mga kalat. Mayroon ding pinapatag ang mga buhangin na nawala sa posisyon. Mukhang napaglaruan ng mga tao kagabi.“I can’t believe na uminom ka na naman. Hindi ba napag-usapan na natin iyan?” Dinig ng lahat na pinagagalitan ni Mr. Prieto ang anak. Si Maureen naman ay panay ang irap sa kaniyang ama.“Why do you care, Dad? I’m old e
“Saan kayo nanggaling?” tanong ni Mr. Prieto nang makabalik kami ng restaurant. Naroon na kasi sila pagkarating namin. Pareho silang may kaniya-kaniyang pinagkakabalahan sa kanilang phone. Kung hindi pa nga kami tuluyang lumapit sa kanila, baka hindi pa nila kami napansin.Nagkatinginan naman kami ni Leander.“Sa bandang dulo ho, Engineer. Maganda kasi ang tanawin doon. Saka may mga rock formation,” paliwanag naman ni Leander.Tumango ang matanda. Si Liam naman ay tutok na tutok sa kaniyang phone. Hindi ko napigilang isipin kung gusto ko rin nga ba siya o baka nadala lang ako ng damdamin ko dahil sa nangyari sa amin noong nakaraang araw. Umupo ako sa tabi niya at pabirong sinilip ang ginagawa niya sa kaniyang phone. Kanina pa kasi siya nagtitipa. Mukhang mayroon siyang ka-text.Nagulat ako nang bigla niyang inilayo ang phone niya sa akin.“Privacy please,”nakangising sambit niya.I rolled my
“Alam mo, ewan ko sa’yo. Andami mong sinasabi.”Nang hindi siya tumigil sa pang-aasar ay pinaghahampas ko siya sa braso. Pero imbes na mainis siya sa akin, tumawa pa siya nang tumawa.“Why? Ayaw mong ikaw ang kinababaliwan ko, Leah?”Sumimangot ako.“Puwede ba tumigil ka na. Bumalik na lang tayo sa hotel. Gusto ko na talaga magpahinga.”He shook his head.“We’re not going back to the hotel.”Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi babalik sa hotel? Eh kung ganoon, saan kami pupunta? Tanghali na. Ang aga-aga pa naming gumising kanina. Inaantok pa ako. Tapos ngayon, sasabihin niya na hindi kami uuwi? Anong uri ng joke iyon?“Pupunta tayo ng Paoay. I’m going to show you something,” he said. Kumunot naman ang noo ko.“Paoay? Saan iyon?”Instead of answering my question, he just smiled.Medyo matagal din ang
“T-teka nga lang? Bakit ka nagmamadali?” tanong ko kay Liam pagkapasok namin sa loob ng kaniyang kuwarto. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang hitsura niya, kung bakit mukha siyang galit. Alam ko namang may mali ako sa parteng hindi ko siya na-replyan o nasagot man lang ang kaniyang tawag. Kasalanan ko dahil hindi ko chineck ang phone ko.Binitawan niya naman ako at pinaningkita ako ng mata.“Hindi mo alam kung gaano ako kinabahan, Leah. Sa susunod, i-check mo naman ang phone mo.”Bumuntong-hininga ako.“Kasama ko naman si Sir Leander.”Bumuntong-hininga rin siya at saka tumalikod. Hindi ko alam kung bakit ganito siya mag-react ngayon. Parang may something sa kaniya na hindi ko maintindihan.“Nag-alala ako, Leah,” pagod niyang sambit.Tumango ako.“Alam ko, kaya nga sorry. Hayaan mo, sa susunod ay palagi ko nang hahawakan ang phone ko.”Tuma
“Puwede ba naman iyon? Hindi puwedeng alam mo lang, dapat tinatanong mo nang direkta ang isang taong gusto mo. Para kahit paano ay malaman mo ang totoo.”Tipid siyang ngumiti.“Hindi na. Isa pa, hindi naman iyon mahalaga kung sabihin ko sa kaniya iyon o hindi. Ang importante sa akin, nakikita ko siyang masaya, kasama ng taong gusto niya.”Nanatili siyang nakatitig sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. May parte sa akin na gustong isipin na ako iyong tinutukoy niya. Posible kayang ako ang gusto niya?“Puwede ko bang malaman kung sino ang tinutukoy mo? I mean kung sino ang taong mahal mo. Gusto ko lang malaman.”He laughs.“Huwag na Leah—”“Ako ba ‘yon, Liam?” lakas-loob kong tanong sa kaniya.Kung anong pumasok sa isipan ko kung bakit iyon sinabi ay hindi ko alam. Pero sigurado akong pagkatapos na pagkatapos kong sambitin iyon sa kaniya
Alam kong narito sa Ilocos Norte si Julian dahil na rin sa nasabi na ito sa akin ni Felize. Pero hindi ko in-expect na rito ko sa siya makikita sa mismong bar kung saan ako niyaya ni Maureen. Kung kailan ako napahiya at kung kailan maraming tao ang tumatawa sa nangyari sa akin, saka pa siya darating.Nang makarating siya sa harapan ko ay inilahad niya agad ang kaniyang kamay sa aking harapan.“It’s nice to see you again, Leah Katarina.”Nanatili ang tingin ko sa kaniyang kamay na nasa harapan ko. What is he expecting? Gusto niya bang abutin ko iyon at sabihin kong masaya rin ako na makita siya?Nang maramdaman niyang wala akong planong tanggapin ay nakita ko ang kaniyang bahagyang pagngisi.“Namiss kita.”Narinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang ilakas iyon. Para bang proud na proud siya na sabihin iyon sa akin.
Sa buong buhay ko, hindi ko pinangarap na maranasan ang ganito. Hindi ko ginusto na dahil sa akin ay magtatalo-talo ang tatlong lalaki na malapit sa akin. Yes, they are all special to me, kaya naman hindi ko matanggap na parang magpapatayan na sila kung makatingin sa isa’t isa.“Teka nga. Please lang, bitawan niyo ako,” sabi ko dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. Halos karamihan ay lumabas na ng bar para lang makiusyoso sa nangyayari sa amin dito sa labas.“No, I won’t let you go,” Julian said.Leander scoffed. Si Liam ay tahimik lang sa isang tabi pero nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Pinandidilatan ko siya ng mata pero hindi pa rin siya natitinag. Ano bang problema nila sa buhay?“Kung hindi bibitaw ang lalaking ito, hindi rin kita bibitawan,” palaban na saad ni Leander.Lumakas pa ang bulung-bulungan ng mga taong nasa paligid. Ang ibang naglalakad ay humihinto pa para lang pagma