“Lahat ito, isasalansan ko?” gulat na tanong ko kay Leander nang sabihin niyang lahat ng mga documents na pinadala niya kay Mina ay aayusin ko.
Kasalukuyan siyang nakatayo sa harapan ko pero ang kaniyang tingin ay nakabaling sa mga karton-kartong papeles na kailangan kong ayusin mamaya.
“Kailangan mong maayos iyan hanggang sa susunod na araw. Iyan ang unang assignment mo sa akin bilang sekretarya ko.”
Puno ng frustrasyong bumaling ako sa kaniya.
“Seryoso ka ba? Sir naman. Ganoon lang kaikli ang araw na ibibigay mo sa akin? Sa dami nito.”
May assignment pa siyang nalalaman, anong tingin niya sa akin, estudyante? Kumag na ito. Tumango pa siya bilang sagot.
“May lakad tayo sa Biyernes, aalis tayo patungong Vigan para sa isang business meeting na gaganapin sa Ilocos. Ayoko namang may mga trabaho akong gagawin pagbalik ng Manila sa susunod na linggo. Kaya maigi nang tapusin na natin it
PY18 Napatitig ako sa kaniya nang marinig ang kaniyang sinabi. Heto na naman, sa tuwing magkaka-moment kami, bigla na nalang bumabagal ang lahat ng bagay na dinadapuan ng aking paningin. Everything is moving in slow motion. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ganito ang nararamdam ko kapag nagiging seryoso ang usapan namin ni Leander. “Okay ka lang ba?” tanong niya. Mukhang napansin niya ang pagtitig ko sa kaniya kaya naman kumunot ang kaniyang noo. Umayos ako sa pagkakaupo at umiwas nang tingin sa kaniya. Tumango ako nang marahan bilang sagot sa kaniyang tanong. “Okay lang.” Dinig ko ang pagkapaos ng aking boses kaya naman tumikhim ako. Dama ko rin ang panunuyo ng aking lalamunan. Ano ba naman ito? Bakit naman ganito ang nangyayari sa akin? Kung kailan kaharap ko pa siya. Nakakainis. “Ayos lang ako,” saad kong muli nang makita siyang titig na titig sa akin. Nakita ko ang pasimple niyang pagngisi.
After lunch, the two of us decided to go back to work. One thing I noticed about Leander. Kapag nagtatrabaho siya, talagang naka-focus siya sa kaniyang ginagawa. Habang ako naman, ito hirap na hirap pa rin sa posisyon ko. Pero mas okay nang nakasalampak sa sahig kaysa naman umupo sa sofa. Mas mahihirapan akong mag-arrange ng files doon. Hindi ko rin naman ugaling magpabebe kaya okay na ito.Maya-maya ay may kumatok sa pinto ng kaniyang opisina. Akmang tatayo na ako nang bigla itong bumukas. Pumasok sa loob ang isang magandang babae na nakasuot ng maganda ring damit.“Coreen!” agad na bati ni Leander sa babaeng bagong dating.Tumayo si Leander at naglakad patungo rito saka yumakap. Naningkit ang mga mata ko sa aking nakita. Kung mahigpit ang yakap ni Leander sa babae, mas mahigpit naman ang yakap nito sa kaniya.Hindi ba nila nakikita na narito ako? Pakiramdam ko ay may kung anong bagay ang dumagan sa aking dibdib. Bigla nalang it
“So, kumusta ka naman?” tanong sa akin ni Felize pagkalapag niya ng inorder kong kape sa lamesa. Umupo siya sa upuan kaharap noong sa akin at nangalumbaba.Humigop ako ng mainit na kape bago tumingin sa kaniya.“Okay naman. Nakakapagod yung first day.”Felize seemed to be interested on what happened to me today. Kitang-kita ko ang pagkinang ng kaniyang mga mata habang pinapasadahan nang tingin ang suot kong damit.“Bagay ba?” alanganin kong tanong.Ngumiti siya sa akin. Itinaas niya pa ang kaniyang dalawang kamay at saka nag-thumbs-up sa akin.“Bagay na bagay. Sigurado akong in love na naman sa’yo niyang si Sir Leander.”Bigla naman nagbago ang eskpresiyon ng mukha ko nang marinig ko ang pangalan nito. Bigla akong nailang. Kung dati ay iritang-irita ako, ngayon naman ay nag-aalala ako. Kanina ko pa iniisip kung paano sasabihin kay Felize ang tungkol sa nangyari
“Okay ka lang ba? Bakit ganiyan ang hitsura mo? May nangyari ba? Sinong kausap mo?”Mabilis kong itinaas ang kamay ko para senyasan si Felize na tumahimik. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sandali kong tiningnan ang oras sa hawak kong cellphone. Kumunot ang noo ko. Alas otso na ng gabi pero bakit pumunta pa siya rito.“Hello, Leah? Are you listening? Nandito ka ba sa bahay niyo o wala pa?”Huminga ako ng malalim bago sumagot.“Nandito ako kina Felize. Malapit lang yung bahay nila sa bahay namin. Sandali lang, pupuntahan kita.”Pinatay ko na ang tawag at bumaling sa kaibigan kong nakakunot ang noo sa akin.“Si Leander, nasa labas ng bahay namin.”Felize’s eyes widened.“Talaga? Bakit daw? Omg! Pupuntahan mo siya? Sama ako!”Umiling ako. Hindi ko siya puwedeng isama. Halatang tipsy na siya at paunti-unti nang tumatama ang alak sa kaniya. Mahirap
“Did you drink last night?”Napahinto ako sa pagpasok sa loob ng opina nang marinig ang boses ni Leander. Dahan-dahan akong nag-angat nang tingin sa kaniya. Nakita kong nakatitig siya sa akin habang ang isa niyang kamay ay may hawak na ballpen.“Bakit mo natanong?” alanganing sambit ko.Hindi niya inalis ang pagtitig niya sa akin. Hindi rin naman ako nagpatalo sa mga titig niya. Wala siyang nagawa kundi maunang magbaba ng tingin sa aming dalawa at ipinagpatuloy ang ginagawa.“Next time, agahan mong pumasok. Hindi dapat nauuna ang Boss sa opisina.”I heaved a sigh and nodded lightly. Kasalanan ni Felize kung bakit tinanghali ako ng gising. Pagkatapos kasi naming uminom kagabi, hindi na ako nakauwi dahil sa sobrang kalasingan. Ang sabi ni William, siya na ang tumawag sa mga magulang ko para ipaalam na hindi ako makakauwi. Sa kuwarto na ni Felize ako nakatulog. Ihahatid daw sana ako ni William pero pin
“This is my school when I was in still studying in college. University of the Philippines, Diliman.”Proud kong ipinakita sa kaniya ang unibersidad na pinasukan ko noong ako ay kolehiyo pa lamang. Maraming tao ang nangarap na makapag-aral dito, pero pili lang ang mga nakapasok. Kailangan kasi munang makapasa ng UPCAT bago ka mabigyan ng chance na makapag-aral dito.“Yeah, I know this school. Dito rin nag-aral ang ibang pinsan ko,” aniya bago inihinto ang sasakyan sa parking area.Ang sabi ko kasi sa kaniya, mas makabubuti kung maglalakad lang kami para kahit paano ay maayos naming makita ang mga building dito sa campus. Isa sa mga magandang bagay rito, ay kahit sino ay puwedeng pumasok.Magmula parking area ay naglakad na kami hanggang sa makarating kami sa isawan ni Mang Larry. Ang akala ko ay magrereklamo siya dahil sa layo nang nilakad namin, pero nagkamali ako. Sa tuwing magtatagpo ang aming paningin ay bigla siya
The thing is, hindi ko inexpect iyon. What I was thinking the whole time is, we are going to their house to visit his mother. Because Leander is old enough to live on his own, ang akala ko ay kaya siya bibisita sa Mommy niya ay dahil minsan lang siya makauwi sa kanila.“I didn’t know—”He smiled.“It’s okay. Sinadya ko namang hindi ipaalam sa’yo. I want to see you go panic.”Sinamaan ko siya nang tingin. Pasalamat siya at narito kami sa sementeryo para bisitahin ang kaniyang ina. Kung wala kami rito, siguradong sinuntok ko na siya.Leander laughs. Maya-maya ay inabot niya ang isang kamay ko. Muntik pa tuloy malaglag yung boquet na hawak ng isang kamay ko.“Careful, ayaw ni Mommy na masisira ang bulaklak na para sa kaniya.”Ngumuso ako. Eh, kasalanan niya naman. Kung bakit ba naman kasi bigla-bigla niyang kinukuha ang kamay ko.“Let’s go,
Gaya ng sinabi ko kay Leander, maaga nga siyang gumising kinaumagahan. Ginising din niya ako kaagad para makapag-asikaso na. Pagkabangon ko sa pagkakahiga ay nakaramdam ako ng biglaang pagsakit ng ulo ko. Ito na yata ang epekto ng ilang oras lang na pagtulog. To be exact, tatlong oras lang dahil bandang alas singko ay ginising niya na ako. Hindi naman kami agad bumangon. Ilang minuto rin kaming tumitig sa kisame ng kuwarto ko. Hindi kami nag-usap. Tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya at ganoon din ako. Pagkalipas ng ilang minuto ay tumayo na rin kami para mag-asikaso ng agahan. Tinulungan ako ni Leander sa pag-aasikaso sa kusina. Ang buong akala ko ay rito siya kakain. Hinintay niya lang pala magising ang mga magulang ko para makapagpaalam sa mga ito. Nagulat din si Papa sa pagmamano nito sa kanila ni Mama. “Aalis ka na, Kuya Leander? Hindi ka na sasabay sa amin na kumain ng agahan?” tanong ni Kyle s