Home / Romance / Pretty You / Chapter 4

Share

Chapter 4

Author: Iya Perez
last update Last Updated: 2022-01-22 10:13:29

Hindi lang ako ang nagulat sa nagawa ko, pati na rin mismo ang lalaking nasuntok ko na nagngangalang Leander. Mas lalo akong nagulat nang ma-realize na ito ring yung taong nakita ko kaninang umaga at taong pinatid ko kanina.  Huh! In all fairness, maganda ang pangalan niya at mukha rin siyang mayaman dahil na-afford niyang pumunta rito sa bar at uminom ng mamahaling alak. Pero kahit na. Maganda nga ang pangalan niya at mayaman siya pero yung ugali niya naman ay walang kasing pangit. Hindi bale nalang.

 Bahagya akong napaatras nang makitang humakbang siya palapit sa akin. Hindi ako takot sa kaniya sa kung anong puwede niyang gawin sa akin. Pero dumudugo ang kaniyang labi at takot ako sa dugo. Bata palang ako ay may hemophobia na ako. Kaya naman ay pasimple kong iniwas ang aking paningin sa kaniya. Through my peripheral, nakita kong marahan niyang pinahid iyon gamit ang kaniyang hinlalaki at masamang tumingin sa akin.

“You!”

Tumaas naman ang kilay ko. It’s only one-word pero nahimigan ko agad ang british accent sa tono ng pananalita nito.

“You punched me in the face?” hindi makapaniwalang tanong niya.

Gusto ko namang matawa. Did he just ask me about it or was he being sarcastic right now? Alam niya na ngang nasuntok ko siya sa mukha, itatanong niya pa talaga. I scoffed.

“Eh itong kasama mo eh, ang lakas ng loob na manghipo. Akala niya siguro hindi ako papalag. Huwag ako ang sisihin mo, kundi dahil sa kaniya hindi ka masusuntok. Akalain mo nga namang magaling palang umilag ang lalaking ‘to.” saad ko sabay turo sa pagmumukha nito.

Sa sobrang inis ko ay walang sabing hinablot ko ang kuwelyo nito at sinuntok ang lalaki sa panga. Hiyawan ng mga babae ang pumuno sa area na kinaroroonan namin. Gulat na bumaling sa akin si Leander. Mukhang hindi niya rin inaasahan ang gagawin ko sa kaniyang kasama. Nang akmang gaganti ito sa akin at sinalag ko agad ang kamay nito at muling sinuntok. Sa pagkakataong ito, sa pagmumukha na talaga nito tumama ang kamao ko.

“Akala mo hindi kita papatulan dahil waitress lang ako, puwes nagkakamali ka. Ilugar mo ‘yang pagiging manyak mo.” inis na sabi ko sa lalaki.

Lahat ng naroon ay umatras palayo sa akin. Nang bumaling ako kay Leander ay pinagtaasan ko pa itong muli ng kilay.

 “Oh? Galit ka pa, iginanti na nga kita.” inis na sambit ko saka umalis na sa lugar na iyon. Kung hindi naman umiwas yung lalaking kasama niya, sigurado akong hindi naman siya tatamaan ng suntok ko. So technically, hindi ako ang may kasalanan kundi yung kasama niya.

 Padabog akong naglakad patungo sa staff room. Pagpasok ko roon ay agad kong inalis ang aking suot na apron. Masama ang loob ko sa nangyari. Alam kong bar ito, at expected ko na rin na may lalaking manyak sa paligid pero hindi ko inakalang mararanasan ko iyon ngayon mismo. Sa buong buhay ko wala pang naglakas ng loob na gawin iyon sa akin. Inis na inihagis ko ang apron sa laundry container. Kinuha ko na rin ang bag ko sa locker at isinuot iyon pagkatapos ay lumabas ng staff room. Alam ko na ang mangyayari, paniguradong masisisante ako ng boss ko. Kaya bago niya pa masabi iyon sa akin nang harapan, ako na mismo ang aalis.

“Oh, saan ka pupunta?” tanong ni Sarah nang magkasalubong kami sa labas.

“Uuwi na. May sinuntok akong costumer na isa dahil minanyak ako, at may isa naman akong nasuntok nang hindi sinasadya.”

Umiling ako sa kaniya. I never imagine that I will be in this situation. I mentally face palmed.

“Alam kong masisisante ako dahil doon kaya uunahan ko na si Boss. Uuwi na ako.”

Nang akmang hahakbang na ako, hinawakan naman ako ni Sarah sa braso para pigilan ako.

“Ano ka ba! Huwag ka ngang magdesisyon nang padalos-dalos. Isa pa, tama lang yung ginawa mo ‘no. Sigurado akong hindi ka tatanggalin ni Boss kahit na ireklamo ka pa nung lalaking nanamantala sa’yo.”

Bahagya akong naguluhan sa sinabi ni Sarah. Ano raw? Eh nanakit ako ng costumer, hindi pa ba iyon sapat?

“Halika, pupunta tayo ng opisina ni Madam Rica.” aniya saka hinila ako patungo sa office na nasa left side ng bar.

Nang mapadaan kami sa kinaroroonan ng lalaking sinuntok ko ng dalawang beses ay nakita kong hawak na siya ng dalawang bouncer sa dalawang braso at nagwawala na siya roon dahilan para pagtinginan siya ng mga costumer.

“Sumama nalang po kayo sa opisina ng Boss namin, para hindi na po kayo masaktan.”  saad ng isang bouncer.

Nang mapabaling ako kay Leander ay nakita kong nakatitig lang ito sa akin. Hindi naman siya mukhang galit, he’s more like being curious. Inirapan ko naman siya at saka nagpatuloy nalang sa paglalakad.

“Alam mo ba kung anong kasalanan ang ginawa mo sa isang staff namin Mr. Buenavides?”

Tahimik lang akong nakaupo sa adjacent seat kung nasaan siya. Para tuloy kaming pinatawag sa principal’s office. At narito kami para harapin ang mga sanction na ipapataw sa amin ng principal.

“I didn’t do anything to her. Bigla niya nalang akong sinuntok. Actually, hindi nga lang ako, pati iyong isang kasama ko ay sinuntok niya rin.”

I scoffed when I heard what he just said.

“Hindi kita susuntukin kung wala kang ginawa sa akin. Pinagbigyan kita noong una. Pero hinipuan mo ako ulit. What do you expect? Sa tingin mo mag-e enjoy ako sa ginagawa mo?”

Napatingin sa akin si Madam Rica.

“Isa pa, hindi ko intensiyon na saktan yung kasama mo. Umilag ka, kaya siya natamaan.”

“Huh? Really? Eh story maker pala itong waitress niyo. Dapat hindi ka waitress. Dapat nag-apply ka nalang na writer ng mga nobela.”

Ako pa ngayon ang story maker? Nahihibang na yata itong lalaking ‘to. Mukha pa man din siyang matino dahil sa hitsura niya, pero totoo pala talaga yung kasabihang ‘looks can be decieving’.  Magsasalita pa sana ako nang humawak si Sarah sa balikat ko.

Bumuntong-hininga si Madam Rica.

“There’s a way to found out if you’re both telling the truth. Baka hindi niyo alam na covered ng CCTV ang lugar na ito, kaya malalaman natin kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo. At isa pa, pinatawag ko na rin iyong isa pang involve rito.”

Nakita kong biglang natigilan ang lalaking nasa harapan ko nang marinig ang tinuran ni Madam Rica. Napangisi ako nang makitang namumula ang kaniyang mukha dahil sa suntok ko. Ilang sandali lang ay pumasok na si Walter, iyong staff na naka-assign sa technical area ng bar. May dala itong flashdrive at laptop. Inabot nito iyon kay Madam Rica. Sumunod naman na dumating ay si Leander na tahimik lang na nakatingin sa akin.

“According to what I am seeing, mukhang nagsasabi naman ng totoo ang waitress ko. You’ve touched her twice, Mr. Buenavides. She tried to remove it, pero makulit ka.”

Sumandal si Madam Rica sa backrest ng kaniyang upuan at bumaling dito.

“I know that you’re thinking you can do anything because you’re inside this bar. Pero malinaw rin na nakasaad sa aming mga rules dito na bawal bastusin ang waitress namin. We are offering you drinks and fun and comfy place, not women. Mahigpit kami sa part na iyon.”

Napapikit nang mariin ang lalaki. Bumaling naman siya kay Leander na para bang humihingi nang tulong.

“If you’re planning to file a complaint for this bar, you can do it. Pero magfa-file rin kami ng case laban sa’yo. I’m sure you don’t want that right? Kasi nasa pulitika ang ama mo. You don’t want to taint his name, right?”

Nagtagis ang bagang ng lalaking nasa harapan ko.

“And you, do you plan to file a complaint in this bar?” diretsahang tanong ni Madam Rica kay Leander.

Lahat kami ay bumaling sa kaniya. I’m expecting he would nod. Instead, he shakes his head.

“Hindi niya naman sinasadya. It’s Jake she wanted to punch. Nagkataon lang na nakailag si Jake. That’s why. No harm done. I’m totally fine.”

Gusto kong umismid sa sinabi niya pero hindi ko ginawa. Baka isang maling reaksiyon ko lang, biglang magbago ang kaniyang isip.

Tumango si Madam Rica at dinismiss na ang dalawa. Naiwan ako roon at si Sarah.

“Sorry po talaga, Madam. Nawalan lang po talaga ng control.”

She smiled at me.

“What you did is an act of self-defense. I understand. Empleyado ko kayo at responsibilidad kong alagaan kayo. Now, go. Finish your work. Don’t worry, I won’t fire you.”

Ilang beses akong nagpasalamat kay Madam bago umalis ng kaniyang opisina. Nang makalabas na kami ni Sarah doon ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Parang gumaan bigla ang aking paghinga.

“Thanks, Sarah.”

 Mahina niya akong sinuntok sa balikat.

 “Gusto ko rin matuto ng mga moves mo, para next time kapag may sumubok na mambastos sa akin, susuntukin ko nalang din.”

Tumawa ako sa sinabi niya. Tumawa rin siya. Maya-maya ay bumaling siya sa akin at seryosong tumingin sa mga mata ko.

“Alam mo, puwede kang maging model sa hitsura mo, Leah. Bakit hindi mo subukan? Bakit dito mo piniling magtrabaho?”

I know she’s curious and she wants to know why. But I’m not ready yet to tell my story to her. Not that I don’t want her to know. I just don’t want to get attach to anyone right now. Kasi kapag nagkuwento ako, doon na magsisimula ang closeness namin sa isa’t isa. I have attachment issues kaya maingat ako sa mga taong bagong kilala ko. Ayoko nang masaktan ulit at maiwan sa ere. Ngumiti ako sa kaniya.

“I’ll tell you some other time.” saad ko saka tinapik ang kaniyang balikat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
ang galing naman sana matutudin ako ng self defense hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Pretty You   Chapter 79

    Magkasabay kaming naglakad ni Liam patungo sa kusina. Tahimik lang siya habang naglalakad. Pagkapasok namin sa loob, agad na tumayo si Felize. “Kuya, gusto mo bang kumain?” alanganing tanong ni Felize sa kaniya. Kay Leander unang dumapo ang tingin ni Liam. He gave him a light nod before looking at my parents. Lumapit siya sa mga ito at nagmano sa mga magulang ko. Dumaan din siya sa likuran ng mga kapatid ko para tapikin ang mga balikat ng mga ito. “Kuya, kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin. May isa pang bakanteng upuan oh. Mukhang nakatadhana talaga para sa’yo.” Tipid na ngumiti si Liam sa mga kapatid ko at tumango. Marahan siyang naglakad patungo sa bakanteng upuan saka umupo rito. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya, pinagmamasdan ang reaksiyon at galaw niya. Baka kasi napipilitan lang siya. “Mabuti naman at naisipan mo nang dumalaw rito, William,” sambit ni Mama sa kaniya. Simpleng ngiti lang ang isinagot ni Lia

  • Pretty You   Chapter 78

    “Kumusta ka?”Ngumiti ako sa unang tanong niya sa akin. Pagkatapos naming mamili, nagtungo kaming dalawa ni Felize sa isang malapit na fast food chain. I felt the awkwardness the moment we sat on the chair. Nang magkatinginan kami kanina ay sabay pa kaming umiwas nang tingin sa isa’t-isa. I thought she won’t speak at all. But here she is, asking me if how am I.“Sa tingin ko, okay naman ako.”Napansin ko ang pagtaas ng isang kilay niya sa sinabi ko. I knew she would react that way.“Leah, I…” she trailed off.Yumuko siya. Nararamdaman kong nag-aalangan pa siyang magsalita kaya hinintay ko siya. That’s what I’m good at. Waiting.“Leah, I want to say sorry for the things I’ve done to you in the past months. For not listening to you. For shoving you off. For not showing up whenever you’re at our house.”I keep on listening.&ld

  • Pretty You   Chapter 77

    “How are you feeling?” tanong ni Leander pagkatapos niya akong abutan ng isang basong tubig.Halos sabay lang kami nakauwi ng kaniyang condo. And as expected, maraming nakaabang na press sa labas ng building. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina. Sa totoo lang, takot ang nanaig sa akin. Wala akong ibang problema. Kung masira man ako sa tao, ayos lang iyon. Huwag lang sana madamay ang pamilya ko at ibang tao na malalapit sa akin.The moment the news come out, mabilis akong nagtungo sa bahay namin. Walang pasok ang mga kapatid ko noong araw na iyon, hindi rin pumunta ang mga magulang ko sa palengke para magtinda. Pagpasok ko sa loob ng bahay, mabilis akong sinalubong ng mga kapatid ko at yumakap sa akin. They know that the circulating wrong information on the internet could give me a huge backlash. Honestly, it doesn’t matter to me anymore. What I want to know if they’re mad at me. Natatakot ako na baka magalit sa akin ang mga

  • Pretty You   Chapter 76

    “Pinayagan ka niyang tawagin siyang Papa?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Leander pagpasok namin sa kaniyang condo. Nilingon niya ako, tipid siyang ngumiti bago tumango nang marahan.“Paano mo iyon ginawa?”Nagkibit-balikat naman siya.“He asked me few questions. I answered him with all honesty. That’s it.”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I don’t believe him. Kilala ko si Papa. Hindi iyon ganoon. Bata pa lang ako, ang sabi niya sa akin, lahat ng lalaking manliligaw sa akin ay dadaan sa mahigpit niyang pagbubusi. Kaya nga si Liam lang ang nakapasa sa standards niya. Dahil si Liam ay matagal niya nang kilala.“Kidding aside. Tinanong niya kung may plano ba akong pakasalan ka at sinabi kong oo.”My eyes widened in his revelation. Lumapit ako sa kaniya at inis na hinampas siya sa balikat. Napa-aray naman siya. Mabilis siyang umatras palayo sa akin pero sinundan ko s

  • Pretty You   Chapter 75

    Matagal akong natulala sa sinabi ni Felize. Kung hindi pa lumapit sa akin si Mama para hawakan ang braso ko at tanungin kung ayos lang ba ako, ay hindi ako matatauhan.“Anak, totoo ba ‘yong narinig namin? Totoo bang hindi ka na tutuloy sa America?”Nang bumaling ako sa pintuan ng aking kuwarto ay nakita kong naroon si Papa at ang dalawa kong kapatid na nakatanaw sa akin mula sa labas.“Ma, puwede po bang mamaya ko na kayo kausapin? Uunahin ko lang po muna si Felize. Kung ayos lang po iyon sa inyo?” pakiusap ko sa kaniya.Nang makita kong tumango si Mama, mabilis akong naglakad palabas ng bahay. Hahabulin ko si Felize. Kakausapin ko siya at ipaiintindi ko sa kaniya ang lahat.Paglabas ko sa gate ng aming bakuran, tumakbo na ako patungo sa kaniya. Mabilis ang kaniyang mga hakbang.“Felize!” pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Huminto siya sandali at bumaling sa akin.Nang makita niya

  • Pretty You   Chapter 74

    “Leah, hindi naman sa nangingialam ako sa mga desisyon mo, pero sigurado ka na ba sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo? Nakausap mo na ba si Liam? Hindi ba parang masyado namang mabilis ang ginawa mong pag-ca-cancel sa plano niyo na magtrabaho sa America? Have you considered Kuya Liam’s reaction before you ended up with this decision?”Humugot ako ng malalim na hininga bago humarap kay Felize. Kasalukuyan akong nasa aking kuwarto, nag-aayos ng mga gamit ko. Kauuwi lang namin ni Leander galing sa El Nido. Mas napaaga kumpara sa plano naming mag-iisang linggo kami roon. Parang kahapon lang ay nakaharap namin ang kaniyang ama. Tapos ngayon, narito na ulit kami sa Metro Manila. Our decision going back to the city in no time happened last night. Halos hindi rin kaming nakatulog dalawa ni Leander dahil sa dami naming pinag-usapan. Tungkol sa pagiging CEO niya ng kumpanya na pag-aari ng kaniyang ama. At tungkol sa pag-alis ko papuntang America.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status