Share

Chapter 3

03

“Oh, bakit nakasimangot ang pinakamagandang part-time barista ng Starbucks?” bungad sa amin ng isa sa mga kasama naming barista na si Dennis. Ang kaibahan naming sa kaniya, full-time barista siya. Kaya magmula umaga hanggang gabi ay narito siya.

Hindi ko siya pinansin nang dumaan ako sa kaniyang harapan. Pumunta agad ako sa staff room para makapagpalit ng damit. Ilang minuto nalang kasi ay magsisimula na ang shift namin. Narinig ko ang pagsunod sa akin ni Felize. Nagbihis din ito agad. Paglabas namin ay muling lumapit sa akin si Dennis at nameywang sa harapan ko.

“Ano ngang nangyari?”

I just rolled my eyeballs at him. Muli ay hindi ko siya pinansin. Wala talaga akong gana makipag-usap ngayon. Nakita kong lumapit sa kaniya at Felize.

“Huwag mong kausapin niyan kung ayaw mong masama sa mga kapeng gigilingin niya ngayong araw.” mahinang sambit ni Felize sa kaniya.

May mga pinag-usapan pa silang dalawa pero hindi na ako nakinig pa. Alam ko naman kasing pagdating sa mga raket ay si Dennis ang madalas na pagtanungan ni Felize. Talagang malaki ang naitutulong nitong si Dennis kay Felize. Feeling ko nga ay hindi lang malapit na magkaibigan ang dalawa. Malakas ang pakiramdam ko na may relasyon na sila. Kung sabagay, maganda naman ang kaibigan ko at guwapo rin si Dennis. Bagay na bagay silang dalawa.

“Kanina pa naghihintay ang mga costumer mo, Iya. Pumuwesto ka na roon sa station mo.”

Napalingon ako sa aking tabi. Naroon si KD. Ang isa sa mga lalaking Barista rito sa branch ng starbucks na pinagtatrabahuhan ko. Sa lahat ng mga katrabaho ko, si KD at Felize lang ang tumatawag sa akin nang Iya. That’s my nickname. Mga taong malalapit lang sa akin ang puwedeng tumawag sa akin noon. Ibig sabihin, malapit itong si KD sa akin.

“Ayan na rin ang mga costumer mo oh.” saad ko sabay nguso sa mga babaeng paparating.

Sa aking gawi naman ay karamihan ay mga teenagers na lalaki o hindi kaya ay mula pa sa mga mayayamang eskuwelahan. Ang lalakas nga din ng mga trip ng mga ito.

Nagkatinginan nalang kami ni KD at saka sabay na napailing. KD is a handsome guy. I’m one year older than him pero hindi man lang ako tinatawag na ate. Noong una ay weird para sa akin dahil tinatawag niya lang ako sa first name at nickname ko, pero nang kalaunan ay nakasanayan ko na rin.

Halos ilang oras na rin akong nakatayo sa station ko kaya nang magkaroon kami ng 10 minutes break, agad akong nagtungo sa opisina ng chief namin. Kailangan ko kasing magpaalam na mawawala ako ng dalawang oras dahil kailangan kong pumunta ng school para umattend ng meeting ng mga kapatid ko.

Sakto namang habang nagpapaalam ako ay pumasok din si KD. Nagkatinginan pa kami nito.

“Naku, paano ba iyan Leah. Wala tayong pamalit sa iyo eh.”

“Two hours lang naman po, Ma’am.” pamimilit ko pa.

Nakaupo lang si KD sa sofa nang bigla itong tumayo at lumapit sa akin.

“Ako nalang po ang magco-cover ng two hours ni Leah, Ma’am.”

Sabay kaming napatingin ng Chief kay KD. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Nasisiraan na ba siya nang bait? Eh wala pa siyang pahinga ah.

“Kaya mo ba Mr. Juarez? Eh isa ka rin sa mga mayroong maraming costumers.”

Agad namang tumango si KD sa sinabi ng Chief. Hindi na ako nakapagsalita dahil sila na ang nag-usap dalawa. Nauna akong lumabas. Hindi naman ako agad umalis. Sumandal ako sa sementadong dingding habang hinihintay siya. Nang makalabas siya ay agad akong lumapit sa kaniya at hinampas siya sa braso at sinamaan siya nang tingin.

“Aray naman, Leah!” reklamo niya.

I scoffed in front of him at hinampas ulit ang kaniyang braso.

“Paano mo ‘yon mapagsasabay ha? Nababaliw ka na yata eh.” galit na sambit ko sa kaniya.

Nakita ko ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa kaniyang mga labi na tila ba nang-aasar.

“Uy, concern siya.”

Sinamaan ko siyang lalo nang tingin kaya naman umayos siya sa pagkakatayo. He cleared his throat and smiled.

“Ano ka ba, para saan pa yung pagkakaibigan natin kung hindi kita tutulungan. Maliit na bagay lang iyon. Kayang-kaya ko. Basta bumalik ka agad ha.” paalala niya sa akin.

Humugot ako nang malalim na hininga. Kung hindi ko lang kailangan na umalis ngayon, hindi ko naman ito gagawin. Ngumiti naman ako sa kaniya at marahang tinapik ang kaniyang balikat.

“Salamat ha, aalis na ako para makabalik din agad.”

Tumango naman siya.

Mabilis akong tumakbo pabalik sa kuwarto ng mga staff para makapagbihis muli. Nag-ayos lang ako nang konti bago lumabas. Nang makita ako ni Felize ay sinabihan pa ako nitong bumalik agad. Nakahinga ako nang maluwag nang sabihin nitong tutulungan niya si KD na i-cover yung two-hour shift ko.

Paglabas ko sa shop ay agad akong pumara ng taxi. Wala na akong choice. Kaysa naman mag-jeep ako at maipit sa traffic. Isa pa, ayoko ring mag-amoy usok pagkarating ko sa eskuwelahan ng mga kapatid ko. Kahit paano naman ay kailangan kong maging mukhang presentable.

Dahil sanay na ako sa grounds ng Adamson University ay hindi na ako nahirapan na hanapin ang classroom ng mga kapatid ko. Sa labas ng kanilang classroom ay nakita kong panay ang tingin ng mga ito sa paligid. Napangiti ako nang ma-realize na naghihintay sa akin ang mga ito.

“Kambal!” tawag ko sa kanila.

 Nang makita nila ako ay agad silang tumakbo patungo sa akin.

“Ate, akala namin hindi ka na darating.” sabi ni Kyle sabay kawit ng kaniyang braso sa akin.

“Puwede ba naman ‘yon? Kayo i-indianin ko? Hindi ko gagawin iyon. Love kayo eh.”

Ikinawit na rin ni Kier ang kaniyang braso sa akin. That moment, I realized na kahit pala nasa kolehiyo na sila hindi pa rin nagbabago ang sweetness nila bilang mga nakababata kong kapatid. Kahit na mga pasaway, nanatili pa rin silang mabait at magalang sa akin bilang nakatatanda nilang kapatid.

“Ate, dito lang kami sa labas, kasi guardians at parents lang ang nasa loob ng classroom.”

Tumango naman ako sa mga kapatid ko at pumasok na sa loob. Tinawag pa ako ng adviser ng mga kapatid ko para mag-fill out ng basic informantion sa attendance sheet. Pagkatapos ay naghanap na ako ng mauupuan. Saktong pag-upo ko naman ay napabaling ako sa lalaking nakaupo sa tabi ko. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang makita ang hitsura nito.

Ang inis na naramdaman ko kanina na akala ko’y naglaho na ay biglang nabuhay sa dibdib ko. Nag-angat din ito nang tingin kaya naman nagtama ang aming paningin. I can see that he recognize me. Bahagya pa akong natawa sa labis na inis nang bigla siyang ngumisi. Akala ko ay magsasalita siya pero bigla siyang umiwas nang tingin. Naningkit tuloy lalo ang aking mga mata. Nagsimula na ang meeting at aaminin ko, wala akong maintindihan sa sinasabi ng guro dahil isa lang ang gusto kong gawin ngayon. Gusto kong sapakin sa mukha yung katabi kong ubod ng antipatiko.

Nang matapos ang meeting ay mabilis akong naglakad palabas. Lumapit naman sa akin agad ang mga kapatid ko.

“Ate, hindi ka pa ba aalis?” tanong ni Kyle.

Umiling ako sa kaniya. Hindi ako puwedeng umalis nang hindi ako nakakaganti sa kupal na iyon. Nasa tabi lang ako ng pinto at hinihintay na lumabas ang lalaking iyon. Nang makita kong naglalakad na siya palabas ng pinto ay napangisi ako agad. Muli akong sumilip at nang hahakbang na siya palabas ay agad kong hinarang ang paa ko. Dahil sa ginawa ko ay napatid siya at natumba sa sahig.

I heard loud gasps coming from the people around. Sigurado akong nagulat sila sa nangyari. Hindi ko naman maiwasang mapangisi. Hindi ko na tiningnan ang kaniyang reaction dahil mabilis akong tumalikod. Basta alam kong nagulat ang mga kapatid ko dahil sa ginawa ko. Nagmadali ako sa paglalakad patungo sa exit gate at mabilis na pumara ng jeep.

“Oh, mukhang may good news na nangyari ah.”

Napangisi ako sa sinabi ni Dennis. Hindi ko alam kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong makaganti sa lalaking antipatikong iyon.

Agad akong nagpalit ng damit at saka bumalik sa station ko. Patuloy pa rin ang pagdating ng mga costumers hanggang sumapit ang alas sais. Nagpaalam na ako kina Felize pagkatapos ng trabaho sa shop dahil may isa pa akong trabahong papasukan. Nag-offer pa si KD na ihahatid niya ako sa bar pero tumanggi ako. Sapat na yung ginawa niyang pag-cover ng trabaho ko kanina.

Habang nasa biyahe ako ay naka-receive ako ng text galing kay Felize. Pinag-iingat niya ako sa susunod kong trabaho. Mag-iisang buwan na ako sa trabaho kong ito pero wala pa rin siyang tiwala sa mga katrabaho ko lalo nan ga at karamihan ay puro lalaki. Sa panggabing trabaho ko ay isa akong waitress sa isang bar.

Tinanggap ko ang trabahong ito dahil hindi naman kailangan na revealing ang damit na susuotin ng mga waitress hindi katulad sa ibang mga club or bar dito sa Metro Manila. Sa totoo lang, sa lahat ng trabaho ko, ito lang yata ang hindi alam ng mga magulang ko. Ang akala nila ay sa isang supermarket ako nagtatrabaho kapag gabi. Sinadya kong hindi ipaalam sa pamilya ko ang tungkol dito dahil alam kong magugulat ang mga iyon at paniguradong kapag nalaman ni Papa ang tungkol dito ay paaalisin ako nito sa trabaho ko. Pero marangal ang trabahong ito. Sa ilang linggo kong pananatili rito ay naging maayos naman ang pakikitungo sa akin ng mga katrabaho ko. Babae rin kasi ang may-ari ng bar at napakabait nito. May mga bouncer din sa labas na nagsisilbing bantay. Sila rin ang tagasuri ng ID ng mga papasok doon.  At sa ilang linggo ko ay hindi pa naman ako nababastos ng mga costumer. Hindi lang naman lalaki ang costumer ng bar na ito, karamihan din ay mga babae kaya kampante ako.

“Miss Leah.” bati sa akin ng isa sa mga bouncer.

Nakangiting sumaludo ako sa mga ito bago ako pumasok sa loob. Gaya ng inaaasahan ko ay marami nang tao sa loob. Sa likurang bahagi ako dumaan. Diretso na kasi iyon sa staff room kung saan naroon ang mga gamit namin.

 Nagpalit lang ako ng pants at shirt at saka isinuot na rin ang apron na may tatak ng pangalan ng bar. Inayos ko lang sa pagkakatali ang buhok ko pagkatapos ay inilagay sa locker ko ang aking bag.

Paglabas ko ay nakita ko agad si Sarah. Isa sa mga waitress din dito sa bar na malapit sa akin. Nang makita niya ako ay agad siyang kumaway sa akin.

“Naku, Iya. Mabuti nalang at dumating ka na. Andaming order ng table na iyon, puwede mo bang i-assist?”

Agad naman akong tumango sa sinabi ni Sarah. Ibinigay niya sa akin ang listahan ng order nito. Nagtungo ako kay Roy na siyang nag-aasikaso ng mga inumin at binanggit isa-isa ang mga order nito. Bumaling ako sa grupo ng mga lalaki at nakita kong mukhang mayayaman ang mga ito. May ilan din silang babaeng kasama. Napangiwi ako nang makitang hinahalikan ng isa sa mga lalaki ang babaeng katabi nito sa leeg.

“Oh, huwag kang tumitig. Baka isipin nila naiinggit ka.”

Nakasimangot akong bumaling kay Roy.

“Ako? Maiinggit? Asa!”

Tumawa lang ito saka iniabot sa akin ang mga baso na may lamang alak. Maingat ko itong nilagay sa tray at saka naglakad na ako patungo sa table ng mga ito.

“Here’s your order, Sir.”

Marahan akong yumuko para mailagay nang maayos ang mga baso sa kanilang lamesa nang bigla akong makaramdam na may humihipo sa aking binti. Kahit naman nakasuot ako ng pantalon ay nararamdaman ko pa rin iyon.

Bumaling ako sa lalaking gumagawa niyon. At ang kapal ng mukha nito dahil nagawa pa nitong ngumisi sa akin. Ang kaniyang katabing lalaki naman ay nakayuko at abala sa pagtitipa sa phone nito.

Humugot ako ng malalim na hininga at pilit na kinalma ang aking sarili. Umayos ako sa pagkakatayo at kinuha ang kamay ng lalaki at ibinalik iyon sa lamesa. Pero muli niyang inilagay ang kamay niya sa binti ko at dahan-dahang umakyat sa bandang puwetan ko.

Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nabastos, ngayon lang. Inis na kinuha kong muli ang kamay nito at balewalang pinilipit iyon. Nang sumigaw ang lalaki ay naalarma naman ang kaniyang mga kasama. Nang mapabaling ako sa kaniyang katabi ay nakita kong iyon muli ang lalaking nakita ko kanina. Pangatlong beses na ito ngayong araw ah! Kung minamalas ka nga naman.

“Bitawan mo ang kamay ko!” hiyaw ng lalaki. Muli kong ibinalik ang atensiyon ko sa lalaking nanghipo sa akin.

Muling nag-alab ang galit sa aking dibdib nang makita ang hitsura nito.

“Ang sama ng ugali mo. Wala naman akong ginagawa sa’yo.” sigaw nito.

Nag-arko ang kilay ko sa sinabi nito. Ang lakas ng loob nitong magpanggap na wala siyang ginawa.

“Ah ganon? Eto ang sa’yo.”

Ang lalaking iyon sana ang susuntukin ko, pero mabilis na umilag ito kaya imbes na siya ang tamaan ng kamao ko ay sa ibang mukha nag-landing ang suntok na dapat ay para sa kaniya. Nakarinig ako nang tilian nang bumagsak sa sofa yung lalaki.

“Oh my gosh, Leander. Are you okay?” tanong ng isa sa mga kasama niya.

Tumayo naman agad ito. Pero nang humarap siya sa akin ay agad kong naitakip ang aking palad sa aking bibig. May dugo ang gilid ng kaniyang labi!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
lagot anak ng boss mo yan sa pag jajanitress no hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status