Share

Chapter 5

Pagkatapos ng trabaho ko sa bar ay agad akong nagpaalam para umuwi. Mas matagal ako ngayon sa trabaho dahil maraming costumer sa bar. Mag-aalas onse na nang makalabas ako roon.

“Ingat, Miss Leah.” saad ng isa sa mga bouncer na naroon pa rin.

“Salamat po. Kayo rin, ingat mamaya sa pag-uwi.” sabi ko sabay sumaludo pa sa kanilang dalawa.

Nang makalayo ako sa entrance ay saka lang ako bumuntong-hininga. Ramdam na ng katawan ko ang pagkaantok. Sa ilang araw na pagtatrabaho ko rito, ngayon ko lang naranasan na magtagal doon. Understandable naman dahil maraming costumers. Sabi ni Sarah, warm up palang raw iyon. Asahan ko na raw na mas marami pang mga costumer sa mga susunod na araw. Nang makaramdam ako ng antok ay umupo muna ako sa tabing daan sandali.

Ilang minuto palang ako naroon at muntik na akong mapatalon nang may sasakyan na biglang bumusina sa harapan ko. What the hell?

Mula sa sasakyan na iyon ay bumaba ang isang lalaki na kahit hindi ko pa nakikita ang mukha ay kilala ko. Who else would do this to me aside from this guy? Inis na tumayo ako sa daan. Pangalawang beses niya na akong binusinahan ngayong araw, wala yatang ibang alam ito kundi bumusina nalang eh.

“You’re alone.” he said while one of his brows is raised.

Umismid naman ako.

“Hindi, actually may kasama ako. Heto oh!” saad ko saka nagkunwari pa akong may tinuturo sa aking tabi.

“Huh?”

“Ang sabi ko, may kasama akong multo sa tabi ko. Hindi mo ba nakikita?”

Napansin ko ang paglaho ng ngisi sa kaniyang mukha. Bumaling siya sa paligid at bahagyang napalunok. I scoffed in front of him.

“Huwag mo sabihing takot ka sa multo?”

Mas lalo naman siyang naging alerto sa paligid. Masama ang tingin na ibinigay niya sa akin.

“Huwag mo ring sabihin na totoo yung sinasabi mo?”

Kumunot ang noo ko at hindi mapigilan ang aking sariling matawa. Seryoso ba siya? Humugot ako ng malalim na hininga at napailing. Ilang sandali lang ay umayos naman siya sa pagkakatayo. Napairap ako. Kalalaking tao, takot sa multo.

“Huwag mo akong pagtawanan, baka nakakalimutan mo, malaki ang kasalanan mo sa akin.”

“Anong kasalanan? Yung nasuntok kita nang hindi ko sinasadya?” taas-kilay kong tanong.

“Na-uh~ Iyong pagpatid mo sa akin kanina sa university. Baka nakakalimutan mo, kasalanan mo iyon sa akin.” nakangising sambit niya.

Natahimik naman ako bigla. He’s right, kasalanan nga iyong ginawa ko sa kaniya. Pero kasalanan ko ba kung badtrip ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya?

“Bagay lang iyon sa’yo. Binusinahan mo kami ng kaibigan ko kaninang umaga.”

He scoffed.

“Kita mo, talagang hahanap ka ng paraan para maabsuwelto ka sa sarili mong kasalanan ‘no?”

Inismiran ko lang siya sa tumalikod na at nagsimulang maglakad palayo sa kaniya. Hindi ako makakahanap ng sasakyan sa ganitong oras at makakauwi nang maaga kung makikipag-usap pa ako sa lalaking iyon.

“Hoy!” sigaw nito.

Hindi ko ito pinansin. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Nang makita ko itong sumakay ng kaniyang sasakyan ay tumakbo na ako. Wala akong pakialam kung inaantok ako, ang kailangan kong gawin ay tumakbo palayo sa lalaking iyon.

Nang mayroon akong makitang taxi ay nagmadali akong pinara ito. Pagkahinto nito sa aking tapat ay nagmadali akong pumasok sa loob nito. Nagulat pa ang taxi driver sa pagmamadali ko.

“Ma’am ayos lang po kayo?” tanong nito.

Alanganing ngiti lang ang ibinigay ko rito at isang simpleng pagtango.

“Kuya, puwede ho bang pakibilisan niyo? Dadagdagan ko ho ang bayad ko basta bilisan niyo lang ho ang takbo ng taxi.”

“May humahabol ba sa inyo, Ma’am?” nag-aalala nitong tanong.

“Meron po. Yung ex ko na gustong makipagbalikan sa akin. Ayaw ko na talagang makita ang pagmumukha niya, ang kapal ng mukha na magpakita sa akin eh halos ilang beses niya naman akong niloko.” pagsisinungaling ko naman dito.

Nag-aalalang bumaling sa akin ang driver. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagbilis ng takbo nito. Muli akong lumingon sa aming likuran. Nang makita kong malayo na kami sa sasakyan nung Leander na iyon ay saka ako sumandal nang maayos sa backrest ng backseat.

“Salamat, Manong.” sabi ko rito pagkatapos kong magbayad. Gaya nang sinabi ko sa driver kanina, dinagdagan ko nga ang bayad ko sa kaniya. Ilang beses naman itong nagpasalamat sa akin bago umalis.

“Ate!” sabay na tawag sa akin ng kambal pagkapasok ko sa loob ng bahay.

Kumunot ang aking noon ang makita kong nakakalat sa sala ang mga math books nila. Ang mga hitsura ng mga ito ay tila ba pinagbagsakan ng langit at lupa. Lumapit sa akin si Kyle para yumakap.

“Ang hirap talaga nitong assignment namin sa Analytic Geometry. Hindi namin pareho makuha. Kahit si Papa, hindi niya rin kaya.”

Napabuntong-hininga ako bago ibinaba ang aking bag sa sofa.

“Hindi na-solve ito ni Papa?” kunot-noong tanong ko.

Hindi man nakapagtapos si Papa sa kurso niyang engineering noong kolehiyo, pero magaling naman siya mag-solve ng mga math equations. Siya nga ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay paborito ko pa rin ang subject na math. Nang tingnan ko ang pinapasagutang assignment sa kanila ay ilang minuto ko pa na-figure out kung paano ito i-solve.

Kapag may mga ganitong pangyayari, hindi puwedeng hindi ko ipaliwanag sa kanila kung paano iyon nakuha. Halos thirty minutes ko ring ipinaliwanag sa kanila para makuha nila iyon. Pagkatapos namin sa kanilang assignment ay nauna nang natulog ang dalawa. Ako naman ay kailangan pang maligo kahit na antok na.

Paghiga ko sa aking kama ay napatitig nalang ako sa aking kisame. Bukas pa rin ang ilaw ng aking kuwarto, ang totoo, hindi talaga ako natutulog nang hindi bukas ang ilaw. Kaya ngayon, nakatingin lang ako sa nag-iisang butiki na kinakain yung maliliit na gamu-gamo. Bigla namang dumaan sa isip ko si Leander. Kung mamalasin nga naman ako, tatlong beses ko pa talaga siya nakita sa isang buong araw. Wala akong ibang dalangin kundi sana hindi ko na siya makita kahit kailan. Humugot ako ng malalim na hininga bago pumikit.

Isang malakas na sigaw ng kapatid ko ang nagpagising sa akin sa pagkakahimbing. Dali-dali akong bumangon. Doon ko lang napansin na medyo maliwanag na sa labas. Narinig kong muli ang pagtawag nito sa akin kaya naman nagmadali sa pagtungo sa banyo kung saan ito naroon.

“Anong nangyari?” tanong ko nang makita kong hawak niya ang balde at tabo.

Sumimangot ito.

“Wala na namang tubig, ate. Paano na kami niyan maliligo?” reklamo nito. Nagpapadyak pa ito nang ilang beses at walang ganang ibinaba sa sahig ng banyo ang balde.

Napahilamos ako ng gamit ang aking palad dahil sa frustrasyon.

“Wala tayong ibang magagawa kundi pumila sa labas, at makiigib sa poso ng kapitbahay.” Saad ko.

“Kunin niyo na iyong tatlong balde at maaga tayong lalabas.”

Akmang magrereklamo pa ang isa kong kapatid pero agad itong kumilos nang pinanlakihan ko ito ng mata. Dahil hindi pa gaanong maliwanag, konti pa lang ang nakapila sa labas. Sakto namang napadaan si William na mukhang kagagaling lang sa may panaderya. Umayos naman ako sa pagkakatayo, inayos ko na rin ang aking buhok para hindi ako magmukhang bruha sa harapan niya.

“Oh, Leah. Bakit kayo nakikipila rito?” tanong agad nito pagkahinto sa tapat naming magkakapatid.

Lumapit si Kier at Kyle rito para makipag-fist bump.

“Eh kuya, wala na naman kaming tubig. Kaya napabangon si Ate nang maaga para samahan kaming mag-igib dito sa kapitbahay.” paliwanag ni Kier.

Tumingin sa akin si William, bakas ang pag-aalala niya sa dalawa kong kapatid.

“Gusto niyo bang sa bahay nalang kayo maligo? Doon, marami kaming tubig. Kahit mag-isang oras pa kayo sa banyo.” Saad naman nito sa mga kapatid ko.

“Pati ikaw na rin, Leah.”

Agad naman akong umiling.

“Naku, hindi na. Masyado pang maaga para manggulo kami sa inyo.”

Tumawa naman ito.

“Ano ka ba, kilalang-kilala ka na ng mga magulang ko. Halos anak na nga ang turing ng mga iyon sa iyo, tapos mahihiya ka pa?”

Napansin ko naman ang kakaibang tingin sa akin ng mga kapatid ko. Simpleng tingin lang iyon pero halatang nang-aasar. Inis na sinamaan ko naman nang tingin ang dalawa.

“Sige na, ate. Panigurado matutuwa na naman sina Tita Mila kapag nakita ka noon, alam mo namang ikaw ang paborito niyang kaibigan ni Ate Felize eh.”

Tumawa ako.

“Eh ako lang naman ang kaibigan ni Felize.” sagot ko sa kapatid ko.

Bumaling naman ako kay William. Nito ko lang napansin ang kaniyang suot, t-shirt at jersy shorts lang naman iyon pero bakit ang guwapo niya sa paningin ko ngayon? Ngayon lang naman. Hindi naman palagi. Wala naman kasi akong pakialam sa mga lalaki.

“Sigurado ka bang hindi kami makakaabala kung sakali?” paninigurado ko.

Umiling naman siya. Ngumiti ako sa kaniya at nagpaalam sandali para kumuha ng tuwalya at ng damit na aming susuotin. Naabutan namin sina Mama at Papa na nag-aasikaso na ng pagkain namin. Nagtanong pa ito sa amin kung saan kami pupunta. Nang sabihin naming makikiligo kami kina William ay pumayag naman ito.

“Wala pa ba talagang tubig?” tanong ko kay Papa.

Nang umiling siya ay wala akong nagawa kundi sumunod sa mga kapatid ko.

Ang bahay nila William ay hindi gaano kalayo sa amin, pero kumpara sa exact area ng tinitirahan namin, yung kanila ay mas malapit sa labasan. Subdivision kasi ito kung saan lahat ng bahay ay halos pare-pareho ng disenyo. Yung kanila lang talaga ang naiiba. Mas maganda kumpara sa karamihan.

Kagigising lang ni Felize nang dumating kami sa kanila. Nagulat pa nga ito nang makita kami ng mga kapatid ko. Nang malaman nitong nawalan na naman kami ng tubig ay umiling lang ito at sinabing dapat daw ay i-report na namin iyon.

Mabilis lang sumikat ang araw. Kaya kailangan naming magmadali. Mabuti nalang at sa kuwarto ni William naligo ang kambal habang ako naman ay kay Felize.

“Siya nga pala, nabanggit sa akin ng isa sa mga janitress ng kompanya na ngayon daw pormal na ipapakilala ni Boss ang anak niyang galing sa London.”

Napatingin ako kay Felize na kasalukuyang nagsusuklay ng kaniyang basang buhok sa harapan ng kaniyang salamin.

“Oh? Talaga? Edi masaya. Baka may pakain mamaya si Boss.”

“Kaya kailangan mong magmadali.” saad niya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay.

Paglabas ko ay nakita kong nakabihis na ang mga kapatid ko. Agad naman kaming nagpaalam sa dalawang magkapatid. Halos tumakbo na ako pabalik ng bahay para lang makaasikaso nang mabilis. Dahil sigurado akong mag-iinarte na naman si Felize kapag nagtagal ako.

“Oh, anak. Hindi ka na ba kakain?”

Umiling ako kay Papa habang isinusuot ko ang aking bag. Hinayaan ko lang ang mahaba kong buhok na nakababa dahil basa pa naman ito. Bago ako umalis ay h*****k muna ako sa pisngi ng kambal at nag-mano sa mga magulang ko.

***

“Balita ko pogi raw yung anak ni Boss.” ani Felize habang naglalakad kami sa malawak na grounds sa labas ng building ng kumpanya.

Sumimangot naman ako.

“Kahit kamukha pa niya si Tom Cruise, wala akong pakialam.”

Hinawakan ko si Felize para tumawid sa kabilang parte ng daan nang biglang may bumusina na naman sa amin na sasakyan. Handa na akong awayin ang driver nito nang biglang bumukas ang bintana ng sasakyan at bumungad sa akin ang mukha ng lalaking sa buong buhay ko ay hindi ko pinangarap makitang muli.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status