Beranda / Romance / Price of Desire / Ang unang alok

Share

Price of Desire
Price of Desire
Penulis: Osh shinkai

Ang unang alok

Penulis: Osh shinkai
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-18 13:29:12

Mabigat ang kahon sa mga braso ko, parang walang katapusan ang buhangin sa loob nito. Ilang delivery na ba ang nagawa ko ngayong linggo? Hindi ko na mabilang. Pero iisa lang ang direksiyon ng buhay ko—ikot nang ikot, buhat nang buhat, hingal nang hingal. At sa dulo, kulang pa rin.

Ang marmol na pasilyo ng hotel ay makintab, halos kuminang sa liwanag ng malalaking chandelier. Ang paligid ko’y abala: mga waiter na nagmamadali, mga bisita na naka-amerikana at bestida, at mga halakhak na parang galing sa ibang mundo. Sa kanila, normal lang ang marangya. Sa akin, isang tanawin na laging nagpapaalala kung nasaan ako sa buhay.

Ako, pawis ang alahas. Ako, pagod ang puhunan. At lahat ng iyon, para lang may maipambili ng gamot ni Nanay.

Pagkatapos kong ibaba ang kahon sa storage area, narinig ko ang isang tinig mula sa likod ko. Tinig na malamig, matalim, at hindi sanay mabigo.

“Dante Matino Cruz.”

Napalingon ako.

Isang babae. Hindi basta babae—isang presensiya. Nakatayo siya roon na parang siya ang may-ari ng lugar. Ang buhok niya ay maayos na nakalugay, ang pulang bestida niyang suot ay humuhugis sa kanyang katawan, at ang mga mata… Diyos ko, ang mga mata niya. Parang nakikita lahat ng bagay na pilit kong itinatago.

“Celestine Isla Navarro,” pakilala niya, hindi bilang tanong kundi utos—parang dapat kilala ko na siya.

Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko siya makalimutan mula sa unang tingin. Hindi lang siya maganda. May kuryente sa paligid niya. Lakas. Panganib. Tukso.

“May trabaho ako para sa’yo,” diretso niyang sabi.

Napakunot ang noo ko. “Hindi ako binebenta.”

Ngumiti siya, pero hindi iyon ngiti ng inosente. Lumapit siya nang dahan-dahan, at bago ko namalayan, naramdaman ko ang kanyang kamay sa balikat ko. Mainit, magaan, pero may bigat ng awtoridad. Unti-unti, dumulas ang palad niya pababa—mula sa balikat, dumaan sa dibdib ko, hanggang maramdaman kong halos nakapako ako sa kinatatayuan ko.

“May magandang trabaho ako para sa’yo…” bulong niya, may kasamang kagat-labi na parang sinusubok kung hanggang saan ang kaya kong tiisin.

Napasinghap ako. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa paraan ng kanyang paghawak. Para bang sinusukat niya kung gaano kalalim ang kontrol na kaya niyang ipataw.

At bigla siyang tumigil. Tumingala siya, tumitig diretso sa mga mata ko.

“I want you to be my personal bodyguard.”

Natahimik ako. Bodyguard? Marami na akong pinasok na trabaho, pero hindi ko inisip na makakakuha ako ng ganitong klaseng alok.

“Doble ang sweldo,” dagdag niya. “Enough para mabili mo ang gamot ng nanay mo. At higit pa.”

Parang biglang bumigat ang dibdib ko. Doble ang sweldo. Sa isang buwan lang, kaya kong bilhin ang lahat ng reseta ng Nanay. Kaya kong punan ang kulang. Kaya kong siguraduhin na hindi na siya magigising isang umaga na wala nang iniinom.

Napansin ni Celestine ang paminsang pagkibot ng kamay ko. Nakangiti siya, pero hindi iyon ngiti ng mabait—iyon ay ngiti ng isang taong alam na hawak ka na niya.

“At hindi lang iyon,” dagdag niya, tila alam na hindi pa ako kumbinsido. “Yung kaibigan mong si Liza? Pwede ko siyang bigyan ng trabaho sa isa sa mga kumpanya ko. Stable. Regular. With benefits. Hindi na siya maghihintay sa mga rejection letter.”

Nanlaki ang mata ko. Pati si Liza?

Si Liza, ang matalik kong kaibigan mula pa noong bata pa kami. Siya ang lagi kong kasama sa hirap, siya ang nagtutulak sa akin kapag sumusuko na ako. Kung totoo ang sinasabi ni Celestine, hindi lang ako ang matutulungan—pati siya.

Pero alam ko, walang alok na libre. Lagi itong may kapalit.

“Bakit ako?” tanong ko, halos bulong. “Andaming mas magaling, mas may karanasan. Bakit ako?”

Tumawa siya nang mahina. Hindi iyon masayang tawa—iyon ay musika na may halong panunukso. “Kasi hindi ka katulad ng iba. Hindi ka agad natitinag ng presensya ko. At mas gusto ko ang taong may sariling paninindigan, kaysa sa mga sunud-sunuran. Besides…” tumigil siya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. “Your body fits the job perfectly.”

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Hindi ko alam kung insulto ba iyon o papuri, pero malinaw: pinili niya ako.

Natahimik ako ng ilang sandali. Sa isip ko, biglang lumitaw ang imahe ni Nanay—nakahiga, maputla, nanginginig habang hawak ang kamay ko. Laging sinasabi niyang huwag ko na siyang intindihin. Pero paano ko siya hindi iintindihin? Siya lang ang meron ako.

Tapos si Liza—na araw-araw bitbit ang resumé, na paulit-ulit umuuwi ng luhaan. Gusto kong tulungan siya, pero paano, kung ni sarili ko hindi ko maisalba?

“Wala kang ibang choice, Dante,” bulong ni Celestine, na parang binabasa ang iniisip ko. “You need me. And I need you.”

Tama siya. Ang pride ko lang ang natitira. Pero ang pride ba, nakakabili ng gamot? Nakakapagbigay ba ng trabaho sa kaibigan? Nakakapagligtas ba ng buhay?

Huminga ako nang malalim. Kumuyom ang kamao. Pagkatapos ay tumingin ako diretso sa mga mata niya.

“Kailan ako magsisimula?”

Ngumiti siya, mas malalim ngayon, halos mapanukso. “Good boy. Just come here tomorrow. Sabihin mo lang pangalan ko sa receptionist.”

At doon ko naramdaman—nagbago na ang lahat.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Osh shinkai
Wow sana all, doubles ang sweldo
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Price of Desire    Kabanata 22

    The moment they mentioned the word meeting, alam ko na. Trap ito. Classic Brohilda move. Ang madrasta kong walang ginawa kundi gawing telenovela ang buhay ko.Kinabukasan, pinapunta ako sa main boardroom ng hotel. Isa ito sa pinaka-malaki at pinaka-maayos na conference halls sa buong building—mahahabang mesa, leather swivel chairs, at floor-to-ceiling windows na nagpapakita ng buong city. Dapat professional at classy ang vibe, pero ngayon? Ang atmosphere? Parang arena.Naroon na lahat. Mga board members, investors, advisers—lahat nakaporma, lahat nakatingin sa akin. And of course, front row seat sa drama: si Brohilda, kasama ang dalawang stepsisters kong si Clarisse at Margaux.They looked too pleased. Alam kong may balak.Pumasok ako, chin up, shoulders back. Pinili kong maging graceful. Hindi ko ibibigay sa kanila ang kasiyahan na makita akong kinakabahan.Sumunod si Dante, syempre. Tahimik lang, nakatayo sa gilid, parang bantay na handang sumalo kung sakali. Nasa kabilang side nama

  • Price of Desire    Kabanata 21

    Celestine's POV. The night before had been chaos, pero ngayong umaga, I decided to act like nothing happened. Chill lang, Celestine style. Naka-upo ako sa swivel chair sa opisina ko, nasa pinakamataas na floor ng hotel. Ang sarap ng view—city skyline, malayo sa lahat ng ingay at reklamo sa baba. Habang ang buong mundo abala sa drama, ako naman naka-cross legs, naka-recline, at may hawak na wine glass. Yes, wine sa umaga. Judge me all you want, pero kapag ikaw ang Celestine Navaros, you drink whenever you want. Si Dante? Of course, nandoon lang siya sa gilid ng pinto, parang poste na hindi napapagod. Tahimik. Palaging alerto. Minsan naiisip ko, baka robot siya. Bihira lang magsalita, pero kapag nagsalita, laging diretso sa punto. Hindi katulad ni Marco—oh my God, si Marco. Kasalukuyan siyang parang ipis na paikot-ikot sa hallway, abala sa pakikipag-meeting sa board members and investors. Ako? Ayoko talagang sumali sa gulo nila. Ano ako, babysitter? Hindi ko trabaho makipagbardagula

  • Price of Desire    Kabanata 20

    Celestine’s POV The press conference room smelled like coffee, sweat, and desperation. Hindi ko alam kung alin sa tatlo ang mas matapang, pero sigurado akong ako yung dahilan kung bakit lahat sila nakatitig ngayon, hawak ang kani-kanilang camera, mic, at recorder na parang mga espada na nakatutok sa leeg ko. Ako si Celestine Navarro, the so-called “Heiress of Chaos,” kung pagbabasehan ang mga headline kagabi. Kung sino man ang nag-coin ng nickname na ‘yon, sana masagasaan ng service van ng hotel ko. Pero here I am—naka power suit, naka heels, at nakaupo sa gitna ng mesa na may nakapatong na mic. Sa gilid ko si Marco, halatang pawis na pawis kahit naka-aircon, hawak ang papel na punong-puno ng notes na wala namang sense kasi alam kong hindi ko rin susundin. Sa kabilang gilid, si Dante—nakaupo lang, tahimik, parang pader. Walang reaction, walang salita, pero ramdam kong andiyan siya. “Miss Navarro,” unang tanong ng reporter sa unahan. “How do you respond to the allegations that you

  • Price of Desire    Kabanata 19

    POV: Dante Tahimik ang suite. Tanging boses lang ni ma’am Celestine ang pumupunit sa hangin. Ramdam ko yung tensyon sa balikat niya, parang bawat hinga niya puno ng galit at kaba. “DO SOMETHING!” halos pasigaw ulit niyang saad. Nagkatinginan kami ni Marco. Ako, steady lang, hawak pa yung tasa ng kape. Si Marco, nanginginig yung kamay habang hawak yung phone niya, parang anytime malalaglag. “Ma’am,” maingat kong sabi, “we need to calm down first. Kung totoo lahat ‘to, hindi natin ‘to maaayos sa sigaw. Kailangan ng plano.” “PLAN?!” halos manginig yung boses niya. “Wala na tayong oras para sa plano, Dante! My name is being dragged into the mud right now!” Marco, na kanina pa tahimik, biglang sumabat. “Well, technically, hindi pangalan mo ang nasa headlines kundi yung Navaros Hotel. Pero… since ikaw yung nagma-manage, yes, affected ka rin—” Hindi na niya natapos. Tinapon ni ma’am yung unan ulit sa mukha niya. PLOK! “Ako ba tinuturo mo?!” gigil niyang tanong. “A-ayos lang, ma’am

  • Price of Desire    kabanata 18

    POV: Dante Maaga akong nagising. Hindi pa sumisikat ng husto ang araw pero ramdam ko na yung lamig na pumapasok mula sa aircon ng hotel suite. Tahimik ang paligid—’yung klase ng katahimikan na parang ayaw mong sirain. Kaya imbes na bumalik sa higaan, naglakad ako papunta sa maliit na pantry ng suite para magtimpla ng kape. Hindi ako sanay na wala akong ginagawa. Kahit off-duty dapat, parang may built-in alarm sa katawan ko na nagsasabing “gumalaw ka, magbantay ka.” Binuksan ko yung coffee maker, nilagyan ng tubig, tapos sinaksak. Habang hinihintay kong kumulo, sumandal ako sa counter at humigop muna ng hangin. Tahimik. Peaceful. Hanggang biglang— TRRRIIINGGGG! Napapitlag ako. Napatingin agad ako sa paligid. Yung cellphone ni ma’am Celestine pala, nakapatong lang sa mesa sa tabi ng kama niya. Bago pa ako makalapit, tumahimik. Pero ilang segundo lang, sumunod naman yung phone ni Marco. Ang ingay. Paulit-ulit. Parang may tugtugan silang dalawa, salitan ng ringtone. Napailing a

  • Price of Desire    Kabanata 17

    POV: DanteHindi ako makatulog.Nakatalikod ako sa kanila habang nakahiga sa sofa, gamit lang ang coat ko bilang kumot. Ramdam ko pa rin sa balat ko yung init ng kamay ni Celestine nang hilahin niya ako kanina, pati yung bigat ng katawan niya nang natumba kami sa kama.“Put—” Napahawak ako sa sentido ko. Ano ba ‘tong pinapasok ko?Bodyguard ako. BODYGUARD.Hindi boyfriend, hindi manliligaw, hindi kahit sino na pwedeng basta na lang patulan si ma’am. Pero siya? Parang wala lang, parang trip lang sa kanya na gawing biro yung ganong klaseng sitwasyon.Virgin pa raw ako? Napapikit ako ng mariin. Bakit ba kasi kailangan niya pang itanong ‘yon?Naririnig ko ang mahinang paghilik ni Marco sa kabilang kama. Kung alam lang ng mokong na halos mamatay na ako sa kaba kanina nang umungol siya. Akala ko gigising siya, tapos mahuhuli niya kaming—Napahilot ako sa batok ko. Hindi ko na tinuloy ang isipin.“Kalma lang, Dante. Kalma lang.” Bulong ko sa sarili.Pero bawat pag-ikot ko dito sa sofa, mukha

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status