Pumasok kami sa loob at mabilis kong isinara ang lahat ng pinto’t bintana. Ang mga kamay ko ay mabilis na kumikilos, pinapahigpit ang bawat lock, pinipilit tiyakin na walang makakapasok. “What are you doing?” tanong ni Celestine, nakangiti pa, parang walang nangyayaring kakaiba. “Manatili ka dito at manahimik,” mariin kong sagot, ramdam ko ang bigat ng dibdib ko sa kaba. “Nagpapaputok na sila sa labas. Hindi ito biro.” Pero sa halip na kabahan, parang wala lang sa kanya. Umupo pa siya sa gilid ng kama, nag-cross legs, at nag-sip ng wine. Para bang normal lang ang lahat. “Calm down, darling,” biro pa niya, halos may halong pang-aakit. “Walang mangyayari. Isa pa, may mga guard na naka-palibot sa buong lugar na ‘to.” Hindi ko maiwasang mapalakas ang boses ko. “Mga guard? Kung kaya nilang pumasok nang gano’n kadali sa bakuran, hindi sapat ang mga guard mo. Huwag kang kampante!” Napailing lang siya at tumayo. Walang pasabi, naglakad palabas ng kwarto, parang wala siyang iniisip. “C
Huling Na-update : 2025-08-18 Magbasa pa