Beranda / Romance / Price of Desire / Ang kasundo-an

Share

Ang kasundo-an

Penulis: Osh shinkai
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-18 14:03:27

Pinatuloy ako ng receptionist hanggang sa elevator, at sa bawat pagtunog ng ding ng floor number, ramdam ko ang unti-unting pagbigat ng dibdib ko. Hindi dahil kinakabahan ako sa trabaho, pero dahil nasa tuktok ng gusaling ito ang taong pinatawag ako. At alam kong sa mundo niya, wala akong laban—isang simpleng delivery guy lang ako, ngayon ay biglang naakyat sa langit ng mga taong makapangyarihan.

Sa huling ding ng elevator, bumukas ang pinto. Tahimik ang hallway, carpeted, malambot ang tunog ng hakbang ko. Hanggang sa tumigil ako sa dulo, sa pintuan na kasing kinis ng itim na salamin.

Hinila ko ang hininga ko bago ko tinulak.

At pagkapasok ko—para akong pumasok sa ibang mundo.

Luxurious ang opisina. Malapad ang glass wall, tanaw ang buong lungsod. Kumikinang ang marble floor, at ang ilaw galing sa chandelier ay naglalaro sa mga frame na nakasabit sa dingding—mga abstract art na sigurado akong isang buwan ng kita ko ang katumbas ng isa lang.

At doon, sa gitna ng malapad na espasyo, ay may isang swivel chair. Nakatagilid, nakatalikod sa akin.

Ang pintuan ay kusa pang sumara sa likod ko—click.

At para bang iyon ang hudyat. Dahil dahan-dahang umikot ang upuan.

At bumungad sa akin ang isang babae.

Celestine Isla Navarro.

Naka-dress siya—hindi basta dress, kundi yung tipong halos idikit na sa balat ang bawat kurba niya. Mapula ang labi, matalim ang mga mata, pero may ngiting mapanukso. Ang klase ng ngiti na kayang gawing laruan ang sinumang lalaki.

“Take a seat, darling,” malambing niyang sabi, sabay turo sa sofa sa harap ng desk niya.

Tahimik akong umupo, pilit pinapanatiling tuwid ang likod ko.

Pero halos hindi pa ako nakaupo nang bigla siyang tumayo mula sa swivel chair niya. Dahan-dahan siyang lumapit. Ang tunog ng high heels niya ay parang tik-tok na kumakalabog sa dibdib ko.

At bago ko pa namalayan, siya ay nasa harapan ko na—at saka walang alinlangan na umupo sa hita ko. Paakbay pa sa leeg ko, parang wala akong karapatan kumilos.

Nag-init ang balat ko. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Amoy ko ang pabango niya—matapang, mamahalin, pero may halong lambing na parang inaakit ang ilong ko na lumapit pa.

“Paano kaya kung…” dahan-dahan niyang bulong habang marahan niyang hinihimas ang balikat ko, “we have fun for a few minutes before we proceed sa pinunta mo dito?”

Napakagat ako ng labi. Hindi dahil natutukso ako—kundi dahil pilit kong kinokontrol ang sarili ko.

Pero ang utak ko malinaw: pumunta ako rito para sa trabaho. At trabaho lang.

Hindi ako para sa kanya. Hindi rin siya makakabili ng katawan ko gaya ng pagkuha niya ng bag o alahas sa mall.

Mahigpit kong tinanggal ang tingin ko sa kanya at mariin kong sinabi, “Pumunta ako dito para sa trabaho. Hindi para sa kung saan man.”

Seryoso. Diretso. Walang halong ngiti.

Agad na nagbago ang mukha ni Celestine. Mula sa mapanuksong ngiti ay napalitan ito ng tipong malamig na ekspresyon—parang nabasag ang laruan niya.

Dahan-dahan siyang tumayo mula sa hita ko. Umikot pabalik sa desk niya na parang walang nangyari. Pero kita ko ang bahagyang pagngiti niya—yung tipong hindi siya sanay na nasusupalpal ng diretso.

Kinuha niya ang isang folder at iniabot sa akin. “Nandiyan lahat ng terms. Conditions. Naka-detalye kung ano ang gagawin mo.”

Binuklat ko ang folder. Nakasulat nga: Bodyguard. Sasamahan ko siya kahit saan, gagawin ang inuutos niya, walang excuses.

Napatingin ako sa kanya.

At doon, nakataas ang isang binti niya, nakapatong sa ibabaw ng desk. Ang dress niya bahagyang umakyat, at ang mga mata niya ay diretsong nakatingin sa akin—muli, nag-aakit, parang sinusubok ang hangganan ko.

“Bodyguard lang ang trabaho ko,” mariin kong sabi. “At yun lang.”

Nakataas pa rin ang kilay niya, parang naaaliw. “Yeah, yeah… of course.”

Saglit siyang humithit ng alak mula sa crystal glass sa gilid niya bago idugtong: “By the way… yung friend mong pandak? I gave her a job as housekeeper here in this luxury hotel. Hindi na masama, right?”

Napatigil ako.

Si Liza.

Saglit na kumirot ang dibdib ko. Gusto kong magpasalamat—pero ayaw kong bigyan siya ng satisfaction na para bang utang na loob ko ang lahat.

“Hindi mo na dapat ginawa ‘yon,” mariin kong sabi.

Nag-ikot siya ng baso sa pagitan ng daliri niya, parang bata na naglalaro. “Oh, darling… I do whatever I want. And people never say no to me.”

Napatingin siya sa akin muli, this time mas matalim. “Except you.”

At doon ko naramdaman ang totoo—hindi ito simpleng trabaho. Hindi lang ito tungkol sa pagiging bodyguard. Ito ay laro. Laro niya. At sa ayaw at sa gusto ko, hinila niya ako papasok sa mundo niya.

Pero hindi ako para maging laruan.

At kahit gaano kainit ang presensya niya, gaano ka-provocative ang bawat galaw niya, alam kong kailangan kong manatiling matatag. Dahil sa larong ito, kung sino ang unang bibigay—siya ang matatalo.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Price of Desire    Kabanata 22

    The moment they mentioned the word meeting, alam ko na. Trap ito. Classic Brohilda move. Ang madrasta kong walang ginawa kundi gawing telenovela ang buhay ko.Kinabukasan, pinapunta ako sa main boardroom ng hotel. Isa ito sa pinaka-malaki at pinaka-maayos na conference halls sa buong building—mahahabang mesa, leather swivel chairs, at floor-to-ceiling windows na nagpapakita ng buong city. Dapat professional at classy ang vibe, pero ngayon? Ang atmosphere? Parang arena.Naroon na lahat. Mga board members, investors, advisers—lahat nakaporma, lahat nakatingin sa akin. And of course, front row seat sa drama: si Brohilda, kasama ang dalawang stepsisters kong si Clarisse at Margaux.They looked too pleased. Alam kong may balak.Pumasok ako, chin up, shoulders back. Pinili kong maging graceful. Hindi ko ibibigay sa kanila ang kasiyahan na makita akong kinakabahan.Sumunod si Dante, syempre. Tahimik lang, nakatayo sa gilid, parang bantay na handang sumalo kung sakali. Nasa kabilang side nama

  • Price of Desire    Kabanata 21

    Celestine's POV. The night before had been chaos, pero ngayong umaga, I decided to act like nothing happened. Chill lang, Celestine style. Naka-upo ako sa swivel chair sa opisina ko, nasa pinakamataas na floor ng hotel. Ang sarap ng view—city skyline, malayo sa lahat ng ingay at reklamo sa baba. Habang ang buong mundo abala sa drama, ako naman naka-cross legs, naka-recline, at may hawak na wine glass. Yes, wine sa umaga. Judge me all you want, pero kapag ikaw ang Celestine Navaros, you drink whenever you want. Si Dante? Of course, nandoon lang siya sa gilid ng pinto, parang poste na hindi napapagod. Tahimik. Palaging alerto. Minsan naiisip ko, baka robot siya. Bihira lang magsalita, pero kapag nagsalita, laging diretso sa punto. Hindi katulad ni Marco—oh my God, si Marco. Kasalukuyan siyang parang ipis na paikot-ikot sa hallway, abala sa pakikipag-meeting sa board members and investors. Ako? Ayoko talagang sumali sa gulo nila. Ano ako, babysitter? Hindi ko trabaho makipagbardagula

  • Price of Desire    Kabanata 20

    Celestine’s POV The press conference room smelled like coffee, sweat, and desperation. Hindi ko alam kung alin sa tatlo ang mas matapang, pero sigurado akong ako yung dahilan kung bakit lahat sila nakatitig ngayon, hawak ang kani-kanilang camera, mic, at recorder na parang mga espada na nakatutok sa leeg ko. Ako si Celestine Navarro, the so-called “Heiress of Chaos,” kung pagbabasehan ang mga headline kagabi. Kung sino man ang nag-coin ng nickname na ‘yon, sana masagasaan ng service van ng hotel ko. Pero here I am—naka power suit, naka heels, at nakaupo sa gitna ng mesa na may nakapatong na mic. Sa gilid ko si Marco, halatang pawis na pawis kahit naka-aircon, hawak ang papel na punong-puno ng notes na wala namang sense kasi alam kong hindi ko rin susundin. Sa kabilang gilid, si Dante—nakaupo lang, tahimik, parang pader. Walang reaction, walang salita, pero ramdam kong andiyan siya. “Miss Navarro,” unang tanong ng reporter sa unahan. “How do you respond to the allegations that you

  • Price of Desire    Kabanata 19

    POV: Dante Tahimik ang suite. Tanging boses lang ni ma’am Celestine ang pumupunit sa hangin. Ramdam ko yung tensyon sa balikat niya, parang bawat hinga niya puno ng galit at kaba. “DO SOMETHING!” halos pasigaw ulit niyang saad. Nagkatinginan kami ni Marco. Ako, steady lang, hawak pa yung tasa ng kape. Si Marco, nanginginig yung kamay habang hawak yung phone niya, parang anytime malalaglag. “Ma’am,” maingat kong sabi, “we need to calm down first. Kung totoo lahat ‘to, hindi natin ‘to maaayos sa sigaw. Kailangan ng plano.” “PLAN?!” halos manginig yung boses niya. “Wala na tayong oras para sa plano, Dante! My name is being dragged into the mud right now!” Marco, na kanina pa tahimik, biglang sumabat. “Well, technically, hindi pangalan mo ang nasa headlines kundi yung Navaros Hotel. Pero… since ikaw yung nagma-manage, yes, affected ka rin—” Hindi na niya natapos. Tinapon ni ma’am yung unan ulit sa mukha niya. PLOK! “Ako ba tinuturo mo?!” gigil niyang tanong. “A-ayos lang, ma’am

  • Price of Desire    kabanata 18

    POV: Dante Maaga akong nagising. Hindi pa sumisikat ng husto ang araw pero ramdam ko na yung lamig na pumapasok mula sa aircon ng hotel suite. Tahimik ang paligid—’yung klase ng katahimikan na parang ayaw mong sirain. Kaya imbes na bumalik sa higaan, naglakad ako papunta sa maliit na pantry ng suite para magtimpla ng kape. Hindi ako sanay na wala akong ginagawa. Kahit off-duty dapat, parang may built-in alarm sa katawan ko na nagsasabing “gumalaw ka, magbantay ka.” Binuksan ko yung coffee maker, nilagyan ng tubig, tapos sinaksak. Habang hinihintay kong kumulo, sumandal ako sa counter at humigop muna ng hangin. Tahimik. Peaceful. Hanggang biglang— TRRRIIINGGGG! Napapitlag ako. Napatingin agad ako sa paligid. Yung cellphone ni ma’am Celestine pala, nakapatong lang sa mesa sa tabi ng kama niya. Bago pa ako makalapit, tumahimik. Pero ilang segundo lang, sumunod naman yung phone ni Marco. Ang ingay. Paulit-ulit. Parang may tugtugan silang dalawa, salitan ng ringtone. Napailing a

  • Price of Desire    Kabanata 17

    POV: DanteHindi ako makatulog.Nakatalikod ako sa kanila habang nakahiga sa sofa, gamit lang ang coat ko bilang kumot. Ramdam ko pa rin sa balat ko yung init ng kamay ni Celestine nang hilahin niya ako kanina, pati yung bigat ng katawan niya nang natumba kami sa kama.“Put—” Napahawak ako sa sentido ko. Ano ba ‘tong pinapasok ko?Bodyguard ako. BODYGUARD.Hindi boyfriend, hindi manliligaw, hindi kahit sino na pwedeng basta na lang patulan si ma’am. Pero siya? Parang wala lang, parang trip lang sa kanya na gawing biro yung ganong klaseng sitwasyon.Virgin pa raw ako? Napapikit ako ng mariin. Bakit ba kasi kailangan niya pang itanong ‘yon?Naririnig ko ang mahinang paghilik ni Marco sa kabilang kama. Kung alam lang ng mokong na halos mamatay na ako sa kaba kanina nang umungol siya. Akala ko gigising siya, tapos mahuhuli niya kaming—Napahilot ako sa batok ko. Hindi ko na tinuloy ang isipin.“Kalma lang, Dante. Kalma lang.” Bulong ko sa sarili.Pero bawat pag-ikot ko dito sa sofa, mukha

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status