Home / Romance / Price of Desire / Mga luhang hindi mapigilan

Share

Mga luhang hindi mapigilan

Author: Osh shinkai
last update Last Updated: 2025-08-29 20:26:54

Liza’s POV

Mabilis ang bawat hakbang ko palabas ng bahay nila Dante. Para bang bawat yapak, may kasamang bigat na humihila pababa sa puso ko. Hindi ko na napigilang umiyak—sa tagal ng pinipigilan ko ang damdamin kong ito, ngayon lang siya sumabog.

Kaibigan lang.

Paulit-ulit yung salitang iyon na parang martilyong dumadagundong sa utak ko. Dalawampung taon… dalawang dekada akong nasa tabi niya. Bata pa lang kami, ako na yung sandalan niya. Ako yung unang tinatakbuhan niya kapag may problema. Ako yung nag-aalaga sa Mama niya kapag wala siya.

At ngayon? Kaibigan lang.

Napahinto ako sa madilim na kalsada, pinunasan ang luha ko pero lalo lang silang dumami. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang alam ko, kailangan kong lumayo. Dahil kung mananatili ako roon, baka masabi ko ang mga salitang ikasisira naming dalawa.

Narration

Natanaw ni Dante mula sa pintuan ang mabilis na paglayo ni Liza. Gusto niyang habulin ito, pero tila may humaharang sa kanyang mga paa. Parang ang bigat ng bawa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Price of Desire    Kabanara 15 Business trip

    The airport was buzzing with people—luggages rolling, kids crying, flight announcements echoing. In the middle of it all, Celestine walked like a queen. Shades on, high heels clicking against the marble floor, blazer perfectly pressed. Sa likod niya, dalawang lalaki: si Dante, naka-black suit na parang walking wall, at si Marco, hawak lahat ng dokumento at dalawang luggage na obvious na hindi kanya.“Marco, bakit ang bagal mo?” Celestine snapped, hindi man lang lumilingon.“Ma’am, dalawa po ‘to! Mabibigat pa!” hingal na reklamo ni Marco.Celestine stopped walking, turned slightly, and raised a brow. “Did I hire you to complain or to follow?”Marco straightened up agad, pilit na ngumiti. “To follow po, ma’am!”“Good. Then follow.”Dante just smirked quietly sa gilid. Kahit hindi siya nagsasalita, halata sa mga mata niya na natatawa siya sa alagain nilang si Marco.Inside the plane, Celestine made sure na siya lang ang nasa window seat. Of course, katabi niya si Dante. Marco? Nasa kabil

  • Price of Desire    kabanata 14

    Sa mga susunod na araw, hindi ako mapalagay. Hindi ko rin alam kung bakit. Parang may mabigat na laging nakadikit sa dibdib ko tuwing nakikita ko si Dante. He’s always there — tahimik, nakabantay, tapat sa tungkulin niya bilang bodyguard ko. Pero ang problema, ako mismo ang hindi na tumatahimik sa loob.Bakit ba kasi ganito? Dapat malinaw. Dapat simple lang. Ako si Celestine — may pangalan, may posisyon, may mundong hindi basta-basta puwedeng lapitan ng kahit sino. Siya naman, isang bodyguard lang. Pero tuwing napapansin ko yung mga simpleng kilos niya — kung paano niya binubuksan ang pinto bago pa ako makalapit, kung paano niya tinitiyak na maayos ang mesa bago ako umupo, o kung paano niya tinatakpan ang gilid ko kapag maraming tao — parang… parang hindi na lang basta trabaho iyon para sa akin.At iyon ang kinatatakutan ko.Minsan, kapag hindi siya nakatingin, I allow myself to stare. Habang nakatalikod siya, habang nag-aayos ng kotse, habang nagsasalita sa cellphone. Hindi siya mala

  • Price of Desire    Ang pag salubong sa CEO

    Mabilis akong naglalakad sa hallway ng hotel. Galing ako sa linen room dala-dala ang listahan ng kulang na bed sheet at pillowcases na kailangan kong i-check bago dumating ang mga bagong guest. Normal lang ang araw, trabaho lang, routine lang. Pero sa hindi inaasahan, bigla kong nakasalubong si Ma’am Celestine.Para akong nabigla at natigilan. Kahit simpleng sulyap niya, ramdam ko agad ang presensya niya. Nakasuot siya ng eleganteng silk robe na parang ang dali niyang lapitan pero sabay nakakatakot din. May aura siyang parang lahat ng tao sa paligid ay dapat sumunod sa kung ano ang gusto niya.“Liza,” tawag niya agad, may lambing pero may diin, habang nakatitig sa akin.“Kamusta ka? Kamusta ang trabaho mo dito?”Bahagya akong ngumiti kahit ramdam ko ang kaba. “Okay lang naman po, Ma’am. Medyo busy lang kasi kailangan na yung linens bago dumating ang guests mamaya.”Tumango siya, pero halata ko sa mata niya na hindi iyon lang ang gusto niyang itanong. Kaya minabuti kong magpatuloy ng l

  • Price of Desire    Mga luhang hindi mapigilan

    Liza’s POVMabilis ang bawat hakbang ko palabas ng bahay nila Dante. Para bang bawat yapak, may kasamang bigat na humihila pababa sa puso ko. Hindi ko na napigilang umiyak—sa tagal ng pinipigilan ko ang damdamin kong ito, ngayon lang siya sumabog.Kaibigan lang.Paulit-ulit yung salitang iyon na parang martilyong dumadagundong sa utak ko. Dalawampung taon… dalawang dekada akong nasa tabi niya. Bata pa lang kami, ako na yung sandalan niya. Ako yung unang tinatakbuhan niya kapag may problema. Ako yung nag-aalaga sa Mama niya kapag wala siya.At ngayon? Kaibigan lang.Napahinto ako sa madilim na kalsada, pinunasan ang luha ko pero lalo lang silang dumami. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang alam ko, kailangan kong lumayo. Dahil kung mananatili ako roon, baka masabi ko ang mga salitang ikasisira naming dalawa.NarrationNatanaw ni Dante mula sa pintuan ang mabilis na paglayo ni Liza. Gusto niyang habulin ito, pero tila may humaharang sa kanyang mga paa. Parang ang bigat ng bawa

  • Price of Desire    Ang hindi pagka-intindihan

    “Ma, nandito na po ako,” bungad ko habang nakatanaw sa kama kung saan nakahiga si Mama. Ngunit umiling lang siya, mahina at tila pagod. Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama, marahan kong hinawakan ang kamay niya. “Ma, pasensiya ka na ha… hindi kita nabisita tulad ng ipinangako ko sayo. Pero may sorpresa ako.” Ngumiti ako, at masaya kong ipinakita sa kanya ang hawak kong kwintas. “Charan! Ayan na, Ma. Pinaayos ko na yung naputol mong kwintas, tulad ng sinabi ko noon. Ito yung kwintas na bigay ni Papa bago siya… bago siya sumakabilang-buhay.” Marahan kong inilagay sa palad niya ang kwintas. Napansin ko ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ni Mama—luha ng saya. “Pero anak… hindi ko na ‘to kailangan.” Marahan niyang iniabot ang kamay ko at ipinatong ang kwintas pabalik sa palad ko. “Gamitin mo na lang ‘yan. I-regalo mo sa babaeng papakasalan mo.” Nakangiting wika ni Mama, bakas ang tuwa sa kanyang labi. “Pero, Ma…” Umiling ako. “Wala pa sa isip ko ang mag-asawa. Sapat na sa

  • Price of Desire    Sa gitna ng pagnanasa

    Napahinto si Dante sa ginagawa niya kay Celestine nang biglang tumunog ang cellphone niya. Para siyang nahimasmasan—parang biglang nagising mula sa matinding init ng sandali. Ang bawat pintig ng kanyang dibdib ay mabilis, nanginginig ang kamay, at kahit nakahiga pa rin si Celestine sa ilalim niya, biglang bumigat ang konsensya niya. “Why… why did you stop?” tanong ni Celestine, ang boses nito’y puno ng pagkasabik. Halata ang pag-aantay sa bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Nakapikit pa ito, parang inaasahan na itutuloy ni Dante ang nasimulan nilang dalawa. Ngunit ilang segundo lang ay nanatiling nakatigil si Dante, nakatitig sa mga mata ni Celestine. Hindi niya maigalaw ang katawan, para bang nakapako siya sa sahig. Ang cellphone ay muling tumunog, mas malakas, mas nakakabulabog. Hinila ni Celestine ang batok niya, pilit na ibalik ang mga labi ni Dante sa kanya, ngunit sa sandaling iyon ay mas nanaig ang tunog ng cellphone. Mabilis siyang pumiglas, halos magmamadaling tum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status