تسجيل الدخولMadaling araw ko talaga to sinulat haha
GRAPESNang makarating kami doon ni William ay napaka-enggrande ng lugar. Ginanap ang banquet sa Mansyon ng mga Alcantara. Ibig sabihin, dito nakatira si Neil. Napakaganda at napakalaking mansyon. Ngayon lang ako nakapunta dito pero sa gilid-gilid lang ako, sinusubukang walang makabanggang kahit sino o kahit anong bagay dahil nahihiya ako. Kahit pa maganda at marangyang damit ang suot ko ngayong gabi, hindi ako maglalakas ng loob na makihalubilo at isa pa… nandito si Lianna. Hindi ko dapat siya makasalubong o kaya ay makita. Maya-maya lang ay nagsimula na ang program. “Ladies and gentleman, the new CEO of Alcantara Group of Companies, Mr. Neil Patrick Alcantara!” nagkaroon ng masigabong palakpakan pagkatapos magsalita ng emcee. Nakipalakpak din ako kahit na nasa likod lang ako at natatakpanbng napakaraming tao. Sa likuran ko ay ang malawak na hardin ng mga Alcantara. Siguro naman ay wala ng makakakita sa akin dito pero… ang kulay ng damit ko ay matingkad na silk na pula at kapans
GRAPESNagising akong magkatabi kami ni Neil sa kama. Walang kahit anong saplot at tanging kumot lang ang nakatakip sa aming hubad na katawan. Hindi ko alam kung paano kami nagkasya sa single bed na ‘to kagabi. Basta niya na lang akong inangkin kagabi at ibinigay ko naman ang sarili ko. Dalawang buwan pa lang ang bata sa sinapupunan ko kung kaya’t hindi pa masyadong halata. Maya-maya ay nagising na si Neil at ngumiti siya ng malumanay sa akin. Hinaplos niya ang pisngi. “Anong ginagawa mo? bakit mo ako pinagmamasdan habang natutulog?” “Wala.” saad ko na umirap at ibinalot sa katawan ko ang kumot. Isa-isa kong pinulot ang damit ko sa sahig. Akmang pupunta na ako sa banyo ngunit pinigilan niya ako. “Magbihis ka, pupunta tayo sa Mall,” saad niya habang isa-isang inaayos ang butones ng itim niyang polo. “Sige…” iyon na lang ang nasabi ko at kinuha ang towel para makaligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay umalis na kami. Pagdating namin sa Mall ay pumili na ako ng gown. Wala
NEILPag-uwi ko sa Mansyon ay hinanap ko kaagad si Lianna. “Lianna! Lianna, lumabas ka dyan! nasaan ka?!” galit na galit na sigaw ko dahil hindi ko maalis sa isip ko kung gaano umiyak si Grapes sa harapan ko. “Honey, you’re here!” masayang bati niya na lumapit sa akin at akmang hahalikan ako ngunit iniwas ko ang mukha ko at hinawi ang mga kamay niya na handa na sanang yumakap sa akin. “Ano yung nabalitaan kong buntis ka raw, huh?!” gigil na sambit ko sabay higit sa braso niya. “Aray! Oo, Neil! buntis ako kaya pwede ba wag mo akong saktan?! pero teka, kanino mo nalaman?!” “Hindi na mahalaga kung kanino ko nalaman. Pinaglololoko mo ba ako, huh?! wala pang nangyayari sa atin, ni-hindi nga kita hinahalikan, paano ka mabubuntis?!” “That’s the problem, Neil! hindi mo nga ako hinahawakan kaya nagpabuntis ako sa iba!” matamang sabi niya. “Sino ang ama ng batang dinadala mo?!” “Your family is pressuring me to have an heir, Neil! What should I do? ayaw mo akong hawakan, ni-hindi ka tuma
GRAPES Katulad ng sinabi ni Neil ay pinagbigyan ko pa siya ulit. Hindi ko alam kung tama pa ba ‘to. Ngayon ay nasa ospital ako para magpa-check-up. Ang sabi niya ay sasamahan niya daw ako pero may urgent daw siyang gagawin bigla kaya ako na lang mag-isa. Ibinilin niya lang ako sa OB at umalis na. “Hmm, normal naman ang sugar mo and… mukhang okay naman ang bata sa sinapupunan mo pero siguro ang ia-advice ko na lang since this is your first trimester ay magkaroon ka ng sapat na tulog tapos, uminom ka ng uminom ng maraming tubig, kumain ng healthy foods and inumin mo yung mga nireseta kong vitamins.” “Sige po, Doc… salamat po.” Nagpaalam na ako sa OB at lumabas na ngunit sa paglabas ko ay hindi ko inaasahan na makikita ko doon si Lianna. May kausap siya sa phone. Nakatalikod at elegante sa hawak niyang dark green na bag na ka-terno ng suot niyang silk blouse at white pants. Napaka-ganda at elegante niyang tignan. Napatingin ako sa sarili ko. Napaka-simple ko lang kumpara sa ka
GRAPES“Ano? Totoo ba yan? I’m going to be a dad?” gulat na tanong niya. “Ilang araw ko ng iniisip ‘to, hindi ko alam kung anong gagawin ko… hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo… natatakot ako na na nalulungkot na hindi ko maintindihan…” napahikbi ako at humagulgol ng iyak. Pero si Neil… ngumiti siya at niyakap ako. “Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Hindi naman problema yan eh, sobrang saya ko, Grapes, bibigyan mo ako ng anak… Salamat!” saad niya at muling yumakap sa akin pero umiwas ako. “Neil, hindi mo naiintindihan… malaking problema ‘to, kasal ka kay Lianna, paano kapag nalaman niya? Natatakot ako…”“Wag kang matakot. Akong bahala sa inyo… pero please, ingatan mo ang sarili mo, kung pwede, wag ka na magtrabaho sa Club. Hindi naman problema ang pera, mas dadagdagan ko pa ang allowance mo.”“Ayokong maging pabigat sayo… hindi ko na talaga kaya, maghiwalay na lang tayo.” saad ko habang patuloy sa pag-iyak. “Grapes naman, sino bang may sabi sayong pabigat ka sa akin?! N
GRAPESMabilis lang lumipas ang mga gabi at may one week na rin akong nagtatrabaho sa Club. hindi ko namalayan ang bawat araw na dumaan sa sobrang busy ko ngunit habang nagpupunas ako ng table ay may biglang humigit sa braso ko at pag tingin ko ay nakita ko ang galit na galit na mukha ni Neil. “Hinahanap kita kung saan-saan dito lang pala kita makikita.” umigting ang panga niya at gigil na sinambit ang mga salitang iyon. Binawi ko ang braso ko sa kanya. “Bitiwan mo ako!” “Pinuntahan kita sa inyo, naka-lock ang pinto at wala ng halos gamit, pati mga damit mo, wala na. Saan ka tumutuloy ngayon?! Bakit hindi ka nagsasabi sa akin?!” “Gusto mong malaman?! Dahil ayoko na Neil! Ayoko na! Maghiwalay na tayo! Tapusin na natin ‘to! Pagod na pagod na ako! Ayoko na!” nagsisinungaling ako. Kailangan kong magsinungaling para maprotektahan ang anak ko sa sinapupunan ko. “Ganon ganon na lang iyon?! Dahil ayaw mo na?! Hindi mo man lang inisip kung anong mararamdaman ko?! Ni-hindi ka nga nagpaalam


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




