登入NEILInutos ko kay William ang lahat– na pagmukhain niyang nanalo sa raffle si Grapes para magawa ko siyang tumira dito sa Villa. Tinanggihan niya ito noon dahil namatay ang nanay niya pero ngayon… gustong-gusto ko nang bumawi. She deserves this place. Deserve niyang sumaya this time, maging komportable sa buhay, maging maayos. “Grabe, excited na akong lumipat, Neil! ang ganda dito!” “May wifi na rin dito saka metflix kung gusto mo manood ng movie. Wag kang mag-alala, akong bahala sa bills mo. Ako magbabayad.” “Huh? ano ka ba, Neil! may sarili naman akong trabaho. Ako na bahala sa bills ko, hindi mo naman kailangang gawin iyon.” Hinawakan ko ang mga kamay niya at tumingin ng malamlam sa kanyang mga mata. Nasa sala kami ngayon at nakaupo sa malawak na living room. “Pero gusto ko Grapes at saka gusto ko ngang hilingin sayo na mag resign ka na sa Club eh para hindi ka na napupuyat sa gabi at saka hindi ja na nagta-table ng kung sinu-sinong lalaki.” “Sandali lang, nakakahalata na
GRAPESKinaumagahan ay nagising ako sa isang tawag. Sinasabi ng tumawag na nanalo daw ako ng house and lot at pinapapunta ako sa Mall para i-claim ang prize.Sa sobrang gulat ay hindi ko halos alam ang gagawin ko. Sobrang saya ko! finally, natutupad na yung mga pangarap ko! Para akong baliw na gumulong-gulong sa kama ko sa sobrang tuwa. Kaagad kong tinawagan si Neil. “Hello? Neil! may goodnews ako sayo!” masayang sabi ko sa kanya sa kabilang linya. “Oh hello? ano iyon?” “Nanalo ako ng house and lot! nanalo ako! nanalo ako! samahan mo ako! i-claim natin!” kinikilig pa ako habang sinasabi iyon sa kanya. “Talaga? wow! congrats ah! napakaswerte mo naman!” “Busy ka ba?!” “Ah–eh medyo eh…” “Pupuntahan na lang kita sa shop mo! bihis lang ako! samahan ko ako ah, bawal tumanggi!” “S-sige…” “Okay, hintayin mo ako sa shop mo. Maliligo na ako bye-bye! mwuah!” sabi ko at akmang papatayin na ang tawag. “Te-teka sandali! Grapes!” narinig ko pang pahabol niya pero napatay ko na ang tawag
NEILHabang namamasyal kami ay may nadaanan kaming mga pa-raffle sa Mall. Kilalang-kilala ako ng mga staff doon dahil doon namin napagpasyahang mamasyal ni Grapes ngayong araw. Niyaya ko na lang siya dito sa Mall, dahil kung magtatagal pa kami doon sa hardware ay baka mabuking niya ako dahil walang bumibili. Lahat ng iyon ay gawa-gawa ko lang talaga. “Uy, may pa-raffle oh! tignan mo, Neil! house and lot! wait lang ah, sasali ako! baka sakali!” excited na sabi niya na lumapit doon sa booth. Sinenyasan ko naman yung staff na wag siyang maingay. Lahat sila ay nakatingin sa akin doon pero sinesenyasan ko lang silang lahat na wag na akong batiin para hindi ako mabuko ni Grapes. If she really wanted a house and lot then I would give it to her. Wala akong hindi gagawin para sa babaeng pinakamamahal ko. Inubos namin ang oras namin sa pamamasyal sa Mall at pag go-grocery. “Huy, sure ka ba? baka wala ka ng pera at saka… baka isipin ng mga tao pineperahan lang kita. Ayoko kasi ng ganon e
NEILKINABUKASAN ay nagkita kami ni Grapes. Masayang-masaya siya nung araw na iyon at talagang nahahawa ako. Nakahanap naman kaagad ng property si William at kaagad na binili iyon. Nagpaaayos din siya sa mga tao ng mga materyales upang gawin itong hardware shop. Sa totoo lang ay hindi ko na kailangan pa ang ganitong negosyo pero kasi nadulas na ako kay Grapes at iyon ang nasabi ko kaya kailangan kong sakyan ang kasinungalingang ito. “Nandito na tayo,” sabi ko kay Grapes. “Wow! Ito yung hardware mo?” masayang tanong niya na dinikdik ang dibdib ko ng malakas. Sobrang lakas na nasamid pa ako. “Hindi mo naman sinabi big time ka pala! Akala ko wala kang kapera-pera eh!” “Small business lang ‘to.” “Anong small business? Kumpara naman sa akin na walang kahit anong negosyo kundi katawan ko malaki na ‘to!” “Ano bang gusto mong business?” “Hmm, parang gusto ko ng… traveling agency, yung parang… 2GO? Alam mo iyon?” “Traveling agency? Okay rin iyon ah…” “Oo saka gusto ko ng tatlong kots
NEIL“Kaya ako pumunta dito kasi… gusto kitang makita, gusto kitang makasama.” walang ka-gatol-gatol na sabi ko. Nagulat man siya pero totoo ang nilalaman ng puso ko. Sobrang na-miss ko si Grapes at hindi ko na hahayaang mawala pa siya ulit sa akin. “Hmm… wow ah, gusto agad? masyado ka namang straightforward, baka naman sinasabi mo lang yan kasi gusto mo akong mai-kama ulit…” “Hindi yun ganon Grapes, ibahin mo ako sa lahat ng lalaking nakilala mo.” “Ows, talaga?”“Mahal kita. Be mine, Grapes.” seryosong sabi ko sabay tingin ng malamlam sa kanya. “Wait lang ah, nambibigla ka… nagugulat talaga ako sayo…” saad niya na ginawang pamaypay ang kamay niya, marahil ay nate-tense siya o di kaya naman ay kinakabahan. “Hindi mo naman kailangang sumagot ngayon… hayaang mo lang ako.” “Ganon?... uhm sige, uhmm… siguro dapat kilalanin muna natin ang isa’t-isa? alam mo na, getting to know…” “Sige, payag ako dyan.” “Alam mo kasi… wala pa akong nagiging boyfriend eh kaya… hindi ko alam pakiram
NEILPagkatapos ng trabaho ay nagbihis na ako. Nagpalit ako ng navy blue V-neck t-shirt, baseball hat at jeans. The casual look. Tumingin ako sa salamin, tila nawala na ang awra ko na CEO at ngayon ay isang ordinaryong tao na lang. Napagtanto ko na masaya pala itong gawin pero may lungkot din dahil nagpapanggap ako sa harap ng babaeng pinakamamahal ko. Mabilis akong nagmameho papunta sa Mariposa Strip Club dala ang bulaklak at chocolates na ipinahanda ko kay William. Sinabihan ko siyang simplehan lang yung bouquet ngunit binonggahan naman. Napabuntong hininga na lang ako, kinuha iyon at lumabas ng kotse. Hindi niya pwedeng malaman na may kotse ako kaya pina-pick up ko iyon kay William at nag tricycle ako papunta sa Night Club. Saktong nakita ako ni Grapes sa may salamin na pinto ng Club. Napakaliwanag ng ngiti niya ng gabing iyon nang makita niya ako. Pagka-bayad ko sa tricycle ay bumaba na ako at naglakad papasok. “Flowers for you…” saad ko na ibinigay kaagad iyon sa kanya dahi







