登入May outline Naman talaga Ako dito,may guide Ako kaya lang... Hindi ko masulat haha pero tatapusin ko na 'to para makapag proceed na ako Kay KUYA SAMAEL. Pasensya na ulit dahil SA matagal na update.
GRAPES Umuwi ako at sinimulan kong mag-impake ng mga gamit ko. Mabigat ang loob ko, sobrang bigat na para bang pasan ko ang buong mundo dahil sa ginawang pagtataksil ni Neil. Kung alam ko lang… hindi na sana ako nagpakasal sa kanya, hindi ko sana dinadala ang anak niya ngayon. Narinig ko ang mga yabag ng paa niya sa likod ko habang nag-iimpake ako ng mga gamit. “Grapes, please, pakinggan mo muna ako, pag-usapan natin ‘to, please… hindi ko intensyong lokohin ka. Gusto lang kitang protektahan!”“Protektahan saan?! Kanino?!” “Hindi ko pwedeng sabihin… sigurado akong kapag nalaman mo baka hindi mo matanggap kung sino ang mga taong gustong pumatay sayo!”“Kita mo ‘yang ka-gaguhan mo! Hanggang ngayon, naglilihim ka pa rin sa akin samantalang bistado ka na!”“Naaalala kong sinubukan kong sabihin sayo ang totoo pero hindi ka naniwala sa akin!” *Flashback*“Hindi ako lasing, hindi ako lasing, kaya ko pa! Inom pa tayo!” sabi ni Neil sa akin habang dinadala ko siya sa kwarto para ihiga na.
GRAPESOne month later… Napatingin ako sa dalawang kulay pulang guhit sa pregnancy test ko. Kaya pala ilang araw ng masama ang pakiramdam ko dahil buntis ako. Naiyak ako ng bahagya sa sobrang tuwa. Naisipan kong magluto ng lunch para hatiran si Neil ng pagkain sa hardware shop. Nagbihis ako ng maganda at naglagay ng mild makeup at pagkatapos ay umalis na ako dala-dala ang isang lunch bag ngunit pagpunta ko doon ay sarado ito. Napakunot ang noo ko, naalala kong nagpaalam sa akin si Neil kanina na papasok siya sa shop pero bakit sarado ito? Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Neil ngunit hindi siya sumasagot. Saan ko siya hahanapin? Natanaw ko ang sarado pang Mariposa Strip Club kung saan ako nagtatrabaho noon. Sinubukan kong maglakad-lakad, tutal naman ay nandito na ako. Naisipan kong mamalengke muna dahil may dry market dito. Habang tumitingin-tingin ako sa mga tinda doon ay napansin ko ang napakagagandang mga kumpol ng pechay na nakalagay sa isang bilao. Napakayabong at napa
GRAPESHindi nagtagal ay inalok na ako ni Neil na magpakasal at dahil sobrang mahal ko siya ay pumayag na ako. Wala na akong mahihiling pa sa pagkakataong iyon. Udyok ng masidhing damdamin namin sa isa’t-isa ay nagpakasal kami agad sa City Hall. Walang magarang damit, walang enggrandeng handaan– kami lang dalawa at ang mga sarili namin na mahal na mahal ang isa’t-isa. Simpleng white dress lang ang sinuot ko at siya naman ay tailored suit lang. Naniniwala kaming hindi kailangan na magarbo kapag magpapakasal. Sapat na kami sa isa’t-isa. “Bitch, gaga ka talaga! Hindi ka nagsasabi sa akin, nakakaloka, nagpakasal na kayo?!” gulat na ekspresyon ni Orange sa kabilang linya. Masaya na rin ako para sa kanya dahil sa wakas ay nakaalis na rin siya bilang stripper sa Mariposa Strip Club. Isang gwapong bilyonaryo ang nakabili sa kanya upang maging asawa kung kaya’t napaka-swerte niya. “Eh wala eh, sobrang mahal ko siya, Orange! Siya na talaga ang the one for me!” “Sus! Pag-ibig nga naman ta
NEIL Simula nang napasagot ko si Grapes ay pinaalis ko na siya sa trabaho niya bilang stripper sa Mariposa Strip Club. Sabihin na ng lahat na makasarili at manloloko ako pero hinding-hindi ko na siya ibabalik sa pusaling iyon. Hindi na ako papayag na maranasan niya pa ulit ang ganong klase ng buhay. Tumira ako kasama niya sa Villa. Nag-live-in kami. Tutol noong una ang lolo ko at tita ko pero wala silang nagawa. Iniwan ko ang marangyang buhay ko at umalis sa Mansyon ng mga Alcantara para makasama si Grapes sa iisang bubong. Simula ngayon… kaming dalawa na lang ang magkakampi. Nagdi-disguise pa rin ako. Magkukunwari akong papasok sa Hardware shop ko pero ang totoo ay papasok ako sa Alcantara Group. Doon na lang ako nagpapalit sa office ko pag dumadating ako doon. Tinuloy-tuloy ko lang hanggang sa dumaan ang tatlong buwang pagpapanggap ko. Ni-minsan ay hindi siya naghinala na meron akong ibang katauhan. Na ako ay si Neil Alcantara na CEO ng Alcantara Group. Hindi ko alam
NEILInutos ko kay William ang lahat– na pagmukhain niyang nanalo sa raffle si Grapes para magawa ko siyang tumira dito sa Villa. Tinanggihan niya ito noon dahil namatay ang nanay niya pero ngayon… gustong-gusto ko nang bumawi. She deserves this place. Deserve niyang sumaya this time, maging komportable sa buhay, maging maayos. “Grabe, excited na akong lumipat, Neil! ang ganda dito!” “May wifi na rin dito saka metflix kung gusto mo manood ng movie. Wag kang mag-alala, akong bahala sa bills mo. Ako magbabayad.” “Huh? ano ka ba, Neil! may sarili naman akong trabaho. Ako na bahala sa bills ko, hindi mo naman kailangang gawin iyon.” Hinawakan ko ang mga kamay niya at tumingin ng malamlam sa kanyang mga mata. Nasa sala kami ngayon at nakaupo sa malawak na living room. “Pero gusto ko Grapes at saka gusto ko ngang hilingin sayo na mag resign ka na sa Club eh para hindi ka na napupuyat sa gabi at saka hindi ja na nagta-table ng kung sinu-sinong lalaki.” “Sandali lang, nakakahalata na
GRAPES Kinaumagahan ay nagising ako sa isang tawag. Sinasabi ng tumawag na nanalo daw ako ng house and lot at pinapapunta ako sa Mall para i-claim ang prize. Sa sobrang gulat ay hindi ko halos alam ang gagawin ko. Sobrang saya ko! finally, natutupad na yung mga pangarap ko! Para akong baliw na gumulong-gulong sa kama ko sa sobrang tuwa. Kaagad kong tinawagan si Neil. “Hello? Neil! may goodnews ako sayo!” masayang sabi ko sa kanya sa kabilang linya. “Oh hello? ano iyon?” “Nanalo ako ng house and lot! nanalo ako! nanalo ako! samahan mo ako! i-claim natin!” kinikilig pa ako habang sinasabi iyon sa kanya. “Talaga? wow! congrats ah! napakaswerte mo naman!” “Busy ka ba?!” “Ah–eh medyo eh…” “Pupuntahan na lang kita sa shop mo! bihis lang ako! samahan ko ako ah, bawal tumanggi!” “S-sige…” “Okay, hintayin mo ako sa shop mo. Maliligo na ako bye-bye! mwuah!” sabi ko at akmang papatayin na ang tawag. “Te-teka sandali! Grapes!” narinig ko pang pahabol niya pero napatay ko







