ログインPasensya na kayo ngayon lang ang update. Na-writer's block ako dito sa story na 'to at saka sobrang busy ko pero tatapusin ko 'to kahit slow updates. Pasensya na ulit.
GRAPES“Na-depress ang tatay mo sa kahahanap sa inyo ngunit nakatagpo ulit siya ng bagong pag-ibig… kay Eliana, siya ang nanay ni Lianna ngunit namatay ito sa panganganak kay Lianna kaya mas lalong gumuho ang mundo ni Sir Conrad… hanggang sa nakilala niya si Cecille, ngunit sa hindi malamang kadahilanan, hindi na sila magkaanak pa ni Sir Conrad kaya simula noon ay hindi na nila sinubukan at isa pa, itinuring naman ni Senyora Cecille na parang tunay na anak si Lianna kaya naging maayos ang lahat sa loob ng maraming taon.” pagpapatuloy ni Yaya Rosa. Napahawak ako sa dibdib. Sobrang sakit ng mga nangyari noon… hindi lang sa nanay ko kundi lalong-lalo na sa tatay ko.Hindi ko akalaing sa pagtira ko dito sa Mansyon ay malalaman ko ang buong katotohanan…At hindi ako handa sa mga narinig ko pero… kailangan ko pa ring iligtas ang buhay ni daddy ngayon. Nasa panganib siya sa kamay ng Cecille na iyon!Matapos naming mag-usap ni Yaya Rossa ay bumalik ako sa kwarto ni daddy. Ang sabi ko kay Yay
GRAPESGaya ng sinabi ni Neil ay nakinig muna kami sa may di kalayuan. “Sumasama ang pakiramdam ko sa gamot na yan!” singhal ni daddy. Nadudurog ang puso ko dahil ayaw niyang inumin yung gamot niya. “Anong sumasama?! Nireseta ito ng doktor para sayo! Inumin mo na!” singhal ni Cecille na ayaw magpatalo. “Ayoko! Wag mo akong pilitin!” sabi ni daddy. Hindi ko kaya ang nakikita ko, gusto kong puntahan si daddy doon at kumprontahin si Cecille pero hawak ako ni Neil. “Malakas ang kutob ko na may ginagawang kalokohan ‘yang madrasta mo.” sabi ni Neil sa akin. “Alam mo kung bakit masama ang pakiramdam mo?! Dahil inuwi mo pa dito ang bastarda mo at nagpa-party ka pa para sa kanya! Kukunin lang niya lahat ng kayamanan mo! Maghihirap ka lang sa huli!” “Walang kinalaman si Grapes dito! Wag mo siyang idadamay! Marami akong kasalanan sa kanya, Cecille, bumabawi ako kaya wag mong sirain ang mga plano ko para sa anak ko!” “Bastarda mo lang yan! Kung hindi mo siya dinala dito edi sana tahimik
GRAPES“Salamat po, lolo, mauupo na kami, kanina pa nakatayo si Grapes at baka nahihirapan na siya.” sabi ni Neil na halatang iniiwasan ang mga kamag-anak niya kaya nilagpasan na namin sila.“Sandali, Apo… Neil.” sabi ng lolo niya kaya napatigil kaming dalawa at napalingon. “Alam kong masama pa rin ang loob mo sa amin ngunit gusto kong malaman mo na tinatanggap ko na si Grapes bilang asawa mo…”“Ah talaga? O baka naman dahil nalaman ninyong siya ang tagapagmana ng Paloma Estates kaya sinasabi niyo yan sa akin ngayon?” galit na sabi ni Neil kaya hinawakan ko ang kamay niya. “Neil… wag mong pagsalitaan ng ganyan ang lolo mo…” pagpipigil ko sa kanya. Hindi ko naman gustong magkaganito sila kahit papaano. “Inaamin ko nagkamali ako ng pagkakilala kay Grapes, ngunit maging kami ay nagulat sa totoong pagkatao niya…” “At ang nanay ko, hindi ba’t kung tignan ninyo si Grapes ay ganoon din katulad ng kung paano niyo tignan ang nanay ko? Bakit? Dahil parehas silang bayarang babae?! Huh?!” si
GRAPESONE WEEK LATER…Nagsagawa si Mr. Paloma ng family banquet. Inimbitahan niya ang mga trabahador sa kumpanya niya at maging ang mga namamasukan sa Paloma Estates. Ilang mga investors at business partners din ang dumating kabilang na ang Alcantara Group. Naroon ang buong pamilya ni Neil lalo na ang lolo niya Ngayon ay pormal na akong ipakikilala ng tatay ko bilang tunay niyang anak at nag-iisang tagapagmana ng buong Paloma Estates. Kung tutuusin, mas mayaman ang pamilya ko kumpara kay Neil pero dahil napapamunuan ng tama ni Neil ang lahat ng kanyang mga negosyo ay halos kapantay na namin sila. Naging maayos ang pagsasama namin ni Neil at simula noon ay talagang hindi niya ako pinabayaan. Tungkol naman kay Cecille, mukhang hindi kami magkakasundo dahil sa una pa lang ay may attitude na ang babaeng iyon. Hindi ko alam kung anong nakita sa kanya ni daddy at pinatulan ang babaeng iyon. Napakalayo niya sa nanay ko, napakabait ng nanay ko, maganda at talagang mahinhin kumilos, hind
GRAPESNang makarating kami sa Mansyon ng mga Paloma ay napakalaki nito. Napukaw ng atensyon ko ang isang malaking vineyard. Hitik na hitik ang mga iyon sa bunga at talagang may mga trabahador na pumipitas ng mga fresh grapes. “Now I know why your name is Grapes…” sabi sa akin ni Neil na nakatingin din pala sa vineyard. “Wag mo nga akong asarin…” sabi ko sa kanya. “Hindi kita inaasar, siguro… kaya Grapes ang pangalan mo kasi may vineyard pala ang pamilya niyo.” sabi ni Neil. “Pinaglihi ako ng nanay ko sa ubas kaya Grapes ang pangalan ko. Nung buntis siya sa akin, palagi raw nakain ng ubas ang nanay ko.” “See? Kaya Grapes ang pangalan mo and this vineyard. They’re going to be yours, baby…” nakangiting sabi niya sa akin habang nagmamaneho. Dapat masaya ako. Nahanap ko na ang tunay kong tatay pero hindi ko magawang maging masaya. Naiisip ko si nanay. Naiisip ko kung paano siya nagdusa sa kamay ng tatay ko. Ang nanay ko na piniling umalis kasama ako at iwan ang lahat ng ito kesa mag
GRAPES“Mabuti pa siguro umalis na kayo dito, Mr. Paloma. Hindi ho kayo welcome sa pamamahay namin ni Grapes.” ang mga salita ni Neil ay puno ng paninibugho. Namumuhi siya sa tatay ko. “Sandali, nandito ako para kausapin ang anak ko at para bumawi sa kanya.” “Bumawi? paanong bumawi?”“May sakit ako at… may taning na ang buhay ko. Gusto kong makasama ang anak ko kahit sandaling panahon lang at isa pa… inaayos ko ang last will and testament ko kaya kailangan kong makausap ang anak ko.” “Okay lang, Neil… pakinggan natin siya.” sabi ko kay Neil. Bagama’t ayaw niya ay sumunod siya sa akin at pinatuloy ang tatay ko. Ako mismo ang nag-asikaso sa tatay ko. Umupo kami sa sala nang magkaharap. “Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo, Anak… at hindi ko hinihiling na patawarin mo ako, walang kapatawaran ang ginawa ko.” “Pinagbintangan nila akong pumatay sa kapatid kong si Lianna, nakulong ako, nakalaya ngunit pinagtangkaan akong patayin ng sarili kong tatay at namatay din ang unang anak k







