Hello! Will be back updating this story! Hoping for your support guys :)) please follow me sa aking mga socials: IG: @keiabordo.stories FB: Kei Abordo Stories Youtube: KeiAbordoStories Don't forget to leave a 5-star review and 'tips' if nagustuhan nyo ang mga chapter :D Thank You! Enjoy reading!!! -Kei Abordo
"KAMUSTA ANG KALUSUGAN KO, DOCTOR SATO?" Kakatapos lang kunan ng blood pressure ni Queen Helia nang ngumiti ang doktor. "Maayos naman po ang kalagayan niyo, Kamahalan. Huwag niyo lang pong masyadong pagurin ang katawan lalo na sa mga pag byahe. Palagi niyo rin pong inumin ang mga vitamins na nireseta ko. Importante rin na mapanatili ninyong kalmado ang isipan." Sandaling tumigil ang doktor at tiningnan ang Reyna. "Lately ata marami kayong iniisip?" Una ay seryoso ang tono ng boses ni Doctor Sato habang inililigpit ang kanyang gamit, ngunit sa huli ay nagbiro rin siya, na para bang sinusubukan pagaanin ang usapan. Si Doctor Romeo Sato, nasa late 50s, ang Royal Doctor—ang pinaka-pinagkakatiwalaan ng pamilya sa kanilang kalusugan. Mula pa noong panahon ni King Ongpauco, lolo sa tuhod ni Robin, ay ang pamilya Sato na ang humahawak ng usaping medikal ng mga Ongpauco. Kaya naman, higit pa sa doktor, matalik na kaibigan na rin ang turing ng pamilya sa kanila. "I guess you’re right, Do
"JAZPER!" "Yes, Dad?!" Nag-aayos na si JV para pumasok sa opisina nang puntahan siya ng kanyang ama sa kwarto. Maayos ang suot nito—naka-americana, mahigpit ang kurbata, at kuminang pa ang leather shoes sa ilalim ng liwanag. Kahit nasa early 50’s na, bata pa ring tingnan ang kanyang ama, marahil dahil sa matikas nitong tindig at disiplinadong aura. Laging pormal, laging diretso, para bang laging nasa opisyal na pagpupulong kahit nasa bahay lamang. "I'm planning to have a dinner with the royal family maybe next week. So, I guess, you should make a room for it on your schedule." Seryoso ang tono ng ama, matatag ang boses habang nakatayo pa rin sa tabi ng pinto—parang isang heneral na nag-uutos. Napakamot ng gilid ng kilay si JV, napalunok ng bahagya. "Dad?!" "More than five years ka nang nandito sa Philippines, Jazper, and yet ayaw mong ipaalam sa kanila na nakabalik ka na? Ano ba talaga ang dahilan mo?" Parang tumigil ang oras kay JV. Napatingin siya sa sahig, nakakunot ang noo
“HMM… KAMUSTA NAMAN SA OFFICE NUNG WALA AKO?” Nakafocus si Adee sa paghimay sa chicken na nasa plato niya, kaya tinanong nya ito nang hindi nag aangat ng tingin kay JV. Pero sa totoo lang… hindi niya magawang tumingin kay JV dahil natatakot siya sa isasagot nito. Ngumiti pa si Adee sa sarili niya, aminado siya ang absurd ang sunod niyang itatanong. “Sinong nagpophotocopy ng mga mga documents na kailangan nila? Sinong nag-aayos ng mga table nila o bumibili ng kape para sa kanila bago mag coffee break? Tinitigan muna ni JV ang kaibigan ng ilang segundo. ‘Adee’s just too kind to a fault.’ Ang naglalaro sa isipan ni JV. Pero ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong gusto nya protektahan si Adee. He sighed. “Nung unang araw na wala ka, hinanap ka ni Miss Joyce. Nung sinabi naming naka vacation leave ka, nagulat siya. Hindi siya naniwala.” Tumawa si Adee. “Hindi ko siya masisisi JV. Hindi nga naman kasi kapanipaniwala na magbabakasyon ako bigla. Sa ilang taon kong pagtatrabaho
"WELCOME BACK BOTH OF YOU!"Bati ng Mahal na Reyna ng makapasok sa palasyo sila Adee at Robin. Inaabangan talaga sila ng Reyna dahil excited ito kung may pagbabago sa relasyon ng dalawa.Galing sila Adee at Robin sa three days and two nights nilang bakasyon na ang Reyna mismo ang nagplano. Nais ng Reyna na magkausap ang dalawa at kahit papaano ay maging magkaibigan. Masyado kasing mailap si Robin kay Adee at talagang pinapakita nito na ayaw niya sa dalaga.Umaasa ang Reyna na dahil sa bakasyon na iyon ay magkaroon ng chance na marinig ni Robin ang side ni Adee at maintindihan niya ito. Gusto rin ng Reyna na makita ni Robin ang beautiful sides ni Adee na hindi importante ang panlabas na itsura. Kahit hindi ito maporma, kahit hindi ito marangya mamuhay, kahit hindi ito nag-i-stand out sa ibang babae ay may taglay pa rin itong ganda na hindi basta basta makikita ng mga mata. Ito ang mga bagay na gusto ni Queen Helia na marealize at maintindihan ni Prince Robin.'Adee's so beautiful, it j
Ipinikit ni Adee ang kaniyang mga mata at dinama ang mga malambot na labi ni Robin. Nang mag-angat si Robin ng mga labi ay agad suminghap si Adee ng hangin. Hindi pa rin makapaniwala si Adee na nagawa siyang halikan ni Robin. Hindi rin niya lubos maisip kung bakit niya tinugon ang halik ng binata.Biglang naconcious si Adee nang titigan siya ni Robin. Hindi siya makapagsalita."I think I have to explain this to you. You see, Adee… Kissing is now a very common act. It's not like the old days where kissing is very symbolic. Kissing means nothing if not done with the one you love. I kissed that girl earlier but I don't love her. And I did it with you but I don't even like you."Tahimik na pinapakinggan ni Adee ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Robin. At pilit niya rin itong iniintindi."When you kiss the one you love it should be more passionate and full of emotions, diba?"
NAGISING SI ADEE DAHIL SA SINAG NG ARAW NA NAGMUMULA SA BINTANA NG KWARTO. Pagmulat ng mga mata niya ay nilibot niya ang tingin sa paligid. 'Sa kwarto ko?' Inalala niya ang mga nangyari nung gabi. Yung pagsama niya sa grupo ni Justin sa night bar. Yung paginom niya ng alak. At yung dalawang lalaking kumausap sa kanya sa bar. 'Leave my girl alone!' Biglang nag-echo sa isip niya yung mga salita, pati na rin ang boses, ni Robin. "Tinulungan ako ni Robin kagabi?" Bahagyang hinimas ni Adee ang gilid ng kanyang ulo, unti unti na siyang nakakaramdam ng pagsakit nito. "Hindi ba… panaginip lang iyon?" 'MY GIRL.' Tila ba'y isang chant na paulit-ulit naririnig ni Adee ang mga salitang 'yon sa kanyang isip. "Sinabi ba niya talaga yon? Bakit?" Umupo si Adee. Napatingin siya sa suot niyang T-shirt. Bigla ring pumasok sa isip niya yung umalis na sila ni Robin sa bar at inabot sa kanya yung shirt nito. Ngumiti si Adee. Pasimple niyang inamoy yung damit ni Robin. "Ito nga yung pabango ni