Share

Chapter 30: Kidnap .2

Aireen POV

Mula sa kinaliliparan kong bahagi ng abandonadong gusali ay kitang-kita ko ang galit sa mga mata ng Prinsesa. Dama ko pati ang nagliliyab niyang galit na idinadaan niya sa hangin. Kahit ako nagagalit dahil sa hitsura ng Prinsesa. Ni kahit na isipin ay hindi ko nagawa na magiging ganito ang hitsura niya. Mula sa maayos, malinis at mabango niyang hitsura ay mukha na siyang gusgusin, mabaho at nakakasura. Gustong-gusto kong tulungan siya at kalagin ang tali sa binti at kamay niya ngunit nasa tamang wisyo pa ang aking utak. 

'Hindi ako maaaring makita ng mga tao' 

Kinakabahan ako dahil hindi na makontrol ng Prinsesa ang kaniyang galit. Nag-iiba ang kulay ng kaniyang mata. Mula sa itim ay nagiging asul ito. Imposibleng hindi makita ng mga tao'ng binihag siya. 

'Kaya hindi ako lalo maaaring magpakita'

Napahawak ako sa mataas na bakal nang umihip muli ang malakas na hangin. Tila galit rin ito, nakikisama sa plano ng Prinsesa at g

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status