Share

CHAPTER 30

"Fuck!" Kahit Hindi ko nakikita ay alam kong nagtatagis ang bagang ni Nico habang marahang tinatanggal ang benda sa katawan ko. "Hindi na tao ang gumawa sa 'yo nito!" aniya pa.

Binalik ko kasi ang bendang nakabalot sa akin kanina upang lumabas at bumili nang pagkain sa labas. Ngayo'y heto, muling tinatanggal ni Nico para raw magamot niya. Akala ko ay wala na siya pagbalik ko rito sa unit, pero nandito pa rin ang baliw na to.

"Masakit ba?" tanong niya na inilingan ko lang. Baliwala na sa akin ang bagay na ito. Sanay na ako. Kung hapdi at kirot lang din naman, I over the top if ten was the highest.

Hindi nga makatarungan ang panglalatigo sa akin ni Daddy mula noon hanggang ngayon, pero hindi ko rin magawang isuplong siya. Dahil tulad nga rin ng sinabi ni Mama, binihisan nila ako, pinakain, ibinigay ang lahat ng gusto at kinupkop kahit hindi nila ako tunay na anak.

Hindi ko man naramdaman na mahal nila o kung minahal ba nila ako, at least sa loob ng ilang taon sila ang naging pamilya ko.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status