Kabanata 3 - Ang Imbitasyon
HINDI matahimik ang kalooban ni Fabio habang nakamasid sa anak na natutulog. It's been another day. Hindi na maganda ang ganitong pakiramdam niya, na kahit dito sa tagong bakasyunan ay peligro pa rin ang nasa kanyang isip. Why? Because culprits nowadays are really evil. Nakikisabay na rin sa teknolohiya ang mga masasamang loob, kaya hindi siya makampante. Natatakot siya na anumang oras ay may dumating na mga kidnappers at kunin sa kanya ang kaisa-isa niyang anak. Naputol ang titig niya kay Sofia nang biglang mag-vibrate ang kanyang smartphone sa loob ng kanyang suot na sweatpants. Agad niyang kinuha ang aparato dahil naghihintay siya ng tawag mula kay Albert Alcatara. Para na siyang maiihi na hindi niya maintindihan. Why is that man not contacting him yet? Wala ba ang sinasabi no'n na anak na pulis ni Greyson? Patay na pala si Greyson. Hindi man lang niya nalaman. Nang mawala kasi ang kontak niya sa mga Alcantara pitong taon matapos niyang makilala ang pulis na iyon, nasira ang kanyang cellphone at hindi na narecover ang mga nasa contacts. Sa America na rin naman siya noon naka-base, kaya tumagal ang panahon na wala na talaga silang naging komunikasyon pa. Dismay filled his entire senses when he saw his girlfriend's name, Inez. Akala niya ay si Albert na, hindi pala. Hindi niya alam kung bakit din pagkadismaya ang naramdaman niya, sa halip na ma-excite siya dahil may kakampi siya ay hindi ganoon ang nasa puso niya. Inez is a very understanding woman. In fact, he's really decided to marry her, pero sa ngayon ay hindi ito ang kailangan niya. He opened her message but he thought he heard something. Kaagad siyang napatayo at itinago na muli ang smartphone, nang hindi nagri-reply kay Inez. Instead, kinuha niya ang kanyang baril mula sa waistband ng kanyang sweatpants. Fabio’s reflexes are quick and strong. Agad na pumunta ang binata sa may bintana, hawak ang baril. Sumilip siya sa makapal na kurtina. Napakunot noo siya nang makita ang isang may edad na lalaking may hawak na baston. Kinilatis niya na husto ang matanda, na kausap ang kanyang gwardiya. But he was more curious when a lady hopped out from the SUV, too. Napatulala siya sa matangkad na babae na may mahabang buhok. Sa inisyal na tingin niya kahit na napakalayo no'n ay pihadong maganda ang babae. Looks can always be deceiving. Aniya sa isip. Hindi niya alam kung sino ang mga iyon dahil mukhang hindi naman lady bodyguard ang babae. Naka-bestida iyon na kulay pink. Fabio released the curtain and looked back to check his daughter. Tulog pa rin si Sofia kaya naman lumabas na muna siya para tingnan ang tao sa labas ng gate, na kausap ng kanyang guard. On his way to the stairs, Shawy is on her way upstairs, too. "Good morning po, sir Fabs," nakangisi na bati ng babae. Tumango lang siya pero walang nagbago sa ekspresyon ng kanyang mukha. His face was as stern as hell. "Sakto po, papaakyat sana ako dahil may bisita po kayo. Nagpresinta po ng I.D. Albert Alcantara raw po saka Zianna Victoria Alcantara." His jaws dropped. Niloloko ba siya ni Albert? "Bantayan mo si Sofi," he just ordered and went downstairs. Dumiretso siya sa main door para lumabas pero agad siyang napatigil nang makita na papalapit na ang matanda. Ito na nga ba si Albert? Using his memory, Fabio tried to remember the face of Albert Alcantara he once met before. Si Greyson ang tumatak sa kanyang isipan, but he sees resemblance of that cop to this old man. Hindi maipagkakaila na magkapatid ang dalawa. Kahit na may edad na ang lalaking ito ay mababakas pa rin ang tikas ng pagkalalaki. Albert was wearing a very wide smile upon seeing him but his eyes went to the lady behind Albert. Malayo iyon at nakatalikod, na para bang may inaanalisa na kung ano da paligid. Unknowingly, his eyes traveled across her body. She was slim but not like a thin bamboo stick. She was also curvaceous. Balakang ang nakikita niya sa suot no'n na mabukang bestida na hindi lalagpas sa tuhod. Her hair was black with big curls. Umaabot iyon sa may baywang, at talagang hindi niya mapapaniwalaan kung sasabihin na iyon ang lady bodyguard na anak ni Greyson. Mas mukha iyong tiktoker. "How do you find my niece, Fabio?" Iyon ang nagpabalik sa kanya sa katinuan. Finally, the old man was in front of him. Agad na iniabot nito ang palad sa kanya, na kaagad niyang tinanggap kahit na medyo natutuliro pa siya. "Albert?" He asked right away. "At your service, son. What do you need as a proof? Papers?" Nakangisi na tanong nito sa kanya. "I'm sorry. I'm just being protective," sagot naman niya. "Oh, I know that. I was just kidding." "Come in. How about your—" natilihan siya nang tingnan ang babae. She was now facing him. Bagaman at nakatingin ito sa second floor ay kitang-kita na niya ang mukha. What the fuck? Ito ang babae na muntik na niyang mabangga sa Maynila. "Zianna, iha! Come here, honey. Tama na ang pag-survey!" Nakangisi naman na sabi ni Albert kaya halos mapahugot siya nang malalim na hinga. Tumalikod siya at nagpatiuna sa salas. Kasunod niya kaagad si Albert. "Have a seat, Albert. Thank you for coming," he said, "Let's have breakfast in the lawn." "Of course." Parehas silang napalingon nang marinig nila ang sliding glass door na bumukas. There entered the woman. Muling napako ang mga mata ni Fabio sa dalaga. Mas maganda ito sa malapitan. Nang makita niya ito sa Maynila ay nakapantalon ito at jacket. Ngayon ay babaeng-babae ang datingan nito lalo pa at pink ang kulay ng bestidang suot. Nakatanga rin ito sa kanya tapos ay tumingin sa tiyuhin. "M-Magkakilala ba kayo?" Albert asked them while switching glances. Wala rin sa kanilang makasagot. Isinara na lang ng babae ang pintuan tapos ay humakbang papalapit nang kaunti sa kanila. "Medyo, Uncle," she said after a moment. "Medyo?" Bumuntong-hininga ito habang siya ay nakatingin pa rin. "I almost hit her while we were on our way home here," siya na ang nagsalita. "Siya ba iyon, Zianna, anak?" Albert asked her, and she nodded. "Nakita niya ang tsapa ko pero nilayasan niya ako, Uncle," ani ng dalaga na hindi tumitikal ng tingin sa mukha niya. "I had a reason, and now you know why. I am willing to pay for the charges anyway. I gave you my calling card," ani naman ni Fabio. "Ikaw si Atty. Hector Fabio de la Espriella kung ganoon," sagot naman ni Ziana. "I am," maikli na sagot ng binata saka tumingin kay Albert, "Let's go to the lawn." Naglakad sila papunta sa lawn matapos niyang senyasan si Lerma na isunod sa kanila ang cart ng pagkain. Albert pulled a chair for his niece, and he couldn't help but just glance. Hindi naman niya intensyon na tumingin sa dalaga pero kusang gumagalaw ang mga mata niya. This woman has a beauty that isn't tiring to look at. Simple lang ito, walang make-up pero ma-appeal. "How are you going to protect my daughter with that—" he scanned her, "look?" Hindi napigil na itanong ni Fabio kay Ziana. Nagkatinginan muna ang mag-tiyuhin. Nakaupo na no'n si Albert pero ang dalaga ay nakatayo pa rin, nagmamasid sa paligid. She looked at him and raised her brows, "Una, tinakasan mo ako kahit na alam mong pulis ako. Pangalawa naman kinukwestyon mo ang kakayahan ko sa pagbabantay sa anak mo, Atty. de la Espriella." Itinaas nito ang laylayan ng suot nitong bestida, lagpas sa kalahati ng hita. Dumako naman kaagad ang mga mata ni Fabio roon, at nakita niya ang 45 na nakasabit sa isang gun holster. May itim na kutsilyo rin doon. Bumalik ang mga mata niya sa mukha ng dalaga, tapos ay sumulyap siya kay Albert. Nangingiti lang naman ang matanda saka humigop ng kape sa tasa. "I am Police Leiutenant Alcantara from PNPA. I am twenty-three. I am not here to bargain myself, Atty. My uncle just asked me to come with him and see your daughter. Ako ang magde-desisyon kung tatanggapin ko ang trabaho. Besides, nandito lang naman ako para magbakasyon, hindi para maging bodyguard ng anak ng isang mayamang abogado," madaldal na sabi nito sa kanya, puno ng angas ang magandang mukha. And he was quite halted. As a lawyer, he doesn't easily halt. This time, he does. She talks like a boss. Well, she is really a boss. Police Lieutenant kaagad ito kahit na napakabata pa. "Ang iinit niyo," sabi ni Albert so they both looked at the man, "Sit down, both of you. Pardon me for commanding you, Atty. Fabio. Nandito ako hindi bilang isang retired police o ano. I am here as a mentor, a father to protect the innocent child." Naupo siya pero hindi si Ziana. She remained standing, hands on her waist. Naka-posing ito habang nakatingin sa tiyuhin. Ganito ba talaga ito? Maangas? She doesn't look boyish in his eyes. In fact, babaeng-babae ito sa mga mata niya kahit na nakapatalon man at hindi naka bestida. "Ayaw kong ipagkatiwala sa iba ang seguridad ng bata, Fabio. I know how you feel. I can feel it, believe it or not. It's not that I don't trust my men, but I trust my niece more than any bodyguard in this world. Nasa bakasyon lang talaga siya pero kung tatanggapin niya ang trabaho, isasakripisyo ko na lang ang isang buwan na makakasama ko siya para sa anak mo." Hindi siya sumagot pero tumango siya. Ayaw man niya o ina-underestimate niya si Ziana dahil babae ito, dahil anak ito ni Greyson ay gusto niya rin na tanggpin ito bilang bodyguard ni Sofia. Buong angkan ng mga Alcantara ay mga pulis o militar. Hindi niya lang alam sa bagong henerasyon, kaya nadadala siya na um-oo sa iniaalok na serbisyo ni Albert. Nag-iisip pa rin siya kaya hindi siya makasagot. His phone rang. Biglang nawala si Fabio sa concentration ng pag-iisip niya. Saglit niyang sinulyapan ang aparato nang ilabas niya saglit sa bulsa. Inez calling... There was a message from his girlfriend so he read it first before answering. "Babe, I found a bodyguard for our baby. Surely, mapagkakatiwalaan ito. I personally interviewed him. Galing pa siya sa General na kumpare ni Dad. Naging presidential bodyguard ito kaya wala kang aalalahanin. What do you think? I wanted to help. I know how badly troubled you are. Kahit na pag-reply sa akin ay hindi mo na magawa. I know you're not okay, babe." He sighed. He is really not okay and he doesn't know if he will be okay.Kabanata 82 SA pinakamamahal kong bunso, na hindi ko man lang nagawang hawakan dahil sa dumi ng kamay ko at pagkatao. Patawarin mo si nanay kung ganito ang buhay na pinili ko. Sa araw na mabasa mo ang sulat na ito, wala na ako, matagal na. Nagmahal ako ng maling tao at ang tatay mo ang taong matuwid na hindi ko pinili. Ayaw kong makilala mo pa sila kahit kailan dahil gusto ko na masiguro na hindi mo ako magiging katulad. Walang pinag-aralan si nanay. Mahirap pa sa daga si nanay. Nangarap ako na makaahon at akala ko ay ang tatay ng ate mo ang sagot sa mga dasal ko, pero demonyo pala siya at ginawa niya rin akong demonyo. Nang makulong ako, walang ibang dumamay sa akin kung hindi ang tatay mo, pero kahit mabuti siya, ayaw kong makilala mo pa siya dahil sa mga taong nakapalibot sa kanya. Lalaki kang mabait at mabuting tao dahil mabubuting tao ang magpapalaki sa iyo. Ayaw ko na magkaroon ka pa ng kahit na anong kaugnayan sa sinuman sa mga tao sa pangit kong mundo. Nagpapalit si Nanay ng
Kabanata 81.1 NAKANGITI na humarap si Dr. Venida kay Ziana matapos na tingnan ang vitals ng kanyang ama. It's been three days since the operation.Ngayon pa lang tinanggal ang oxygen ni Silas. Sa tatlong araw ay hindi nawawala ang presensya ni Fabio sa tabi niya, umalis lang iyon kahapon dahil may hearing, pero bumalik din pagkatapos. Her Uncle Albert decided to come to Manila, pero wala pa ang matanda. Mamayang gabi pa raw iyon bibyahe sakay ng eroplano. "You can now talk to him, Ziana," ani ng doktor sa kanya. "Thanks, Doc." Nakangiti niyang sagot. Lumabas naman iyon kasama ang nag-a-assist na nurse. Tumingin siya sa ama niya na nakatingin sa kanya. Her smile was very faint, then she walked towards him. "Daddy," mahina niyang sabi rito. "I thought I'd never hear you say that again. Akala ko ay katapusan ko na." Umiling ang dalaga, "That bullet was supposed to be mine, pero dalawa kayo ni Fabio na sumalo." Kumurap siya para pigilin ang kanyang luha. Naupo siya sa may tabi n
Kabanata 81 ZIANA folded the paper and let her tears run down on her face. She found this letter after William opened her father's bag. Iniabot sa kanya ng kaibigan ang sulat na mukhang isinulat ng kanyang ama bago pa mangyari ang lahat ng ito. And now, reading it makes her so teary. She had good biological parents. Her father stood as a syndicate's boss to prevent any operations in the black market. Ang inakala ng lahat ay hinahasa nito si Inez para sa pagiging tagapagmana sa trono pero palabas lang iyon. Kaya lang, napaglinlangan din si Silas. Walang kaalam-alam ang kanyang ama na fully operational pa rin ang sindikato sa katauhan ng bedridden na kakambal nito. At si Inez ang gumagawa ng lahat ng kilos, ang pagkuha sa mga pasyente na mamamatayin pa lang at pagtanggal ng mga organs para ibenta sa mga mayayamang nangangailangan ng transplant... DALAWANG malalakas na putok ang umalingawngaw sa loob ng basement ng ng building. This was the same basement where Ziana saw a man who
Kabanata 80 “IANAH!” Malakas na sambit ni Fabio sa pangalan ni Ziana nang siya ay nanghihina na dumausdos pababa ng katawan ng binata. Napaiyak siya nang malakas at umiling habang hawak nang mahigpit ang kanyang smartphone. Hindi pala talaga siya matatag. Hindi pala talaga siya matapang, at hindi niya kaya na mag-isa sa lahat ng pagkakataon. Mayabang siya na isipin kaya niyang magsarili. Ngayon, totoo pala talaga ang kasabihan na, no man is an island. Time will come, mangangailangan siya ng karamay sa buhay kapag wala na siyang lakas na harapin ang lahat ng dagok sa buhay niya. “What is happening? Sumagot ka. Don’t just cry like this.” Ani Fabio sa kanya. “I can’t help it,” umiiyak na sagot niya habang halos maupo na siya sa sahig. Nag-iisip siya kung ano ang kanyang gagawin. Buhay ni Sofia at buhay ng tatay niya ang nakataya. Dapat lang ay mamili siya. Sabi, siya ay matuwid at mabuting tao. Bakit ngayon ay nasusubok ang kabutihan na iyon? Alin ang pipiliin niya? Paggawa ng mabu
Kabanata 79 BAGSAK ang mga balikat ni Ziana na humakbang papasok sa bakuran ng bahay ni Fabio. Ang mga mata niya ay hindi maalisan ng mga luha. Tumuloy siya sa may main door at kumatok doon. Hindi mawala sa isip niya ang ama. Ligtas na naman iyon pero hindi pa rin makausap kahit na nagmulat ng mga mata. Bago siya umalis, nakapagsalita naman si Silas kahit may tubo sa bibig. It was barely a whisper. He said, "Mabuti kang anak." That made her cry. It meant everything. Tapos ay wala na iyong sinabi. Siya ay nagmamadali na masagot ang mga tanong niya bago ang warrant. Hindi siya natatakot sa warrant. Kaya niyang linisin ang kanyang pangalan. Ang inaalala niya ay ang mga sinasabi ng tauhan ng ama niya, na may kakambal si Silas. Iyon ang nakita niya sa basement at hindi ang Daddy niya. Pero sinasabi ng mga tauhan na ang ama talaga ni Inez ay ang Daddy din niya. Nalilito siya. Sa ospital ni Colonel Prado niya ipinadala ang ama niya. Hindi iyon ganoon kasikat na ospital sa Maynila pe
Kabanata 78 HINDI mapanatag ang kalooban ni Ziana habang naghihintay siya ng tawag ng kanyang ama. Nasa condo siya at naghihintay. Ang sabi no'n ay tatawagan siya sa oras na makauwi iyon. Hindi pa ba iyon nakakauwi? Pumangalumbaba siya at sinalat ang labi. Naalala niya si Fabio kaya mabigat ang kalooban na bumuntong-hininga siya. Hindi na sila nakapag-usap. Lahat ay parang hindi na nila napag-usapan. And she received a confirmation text from her cousin that he really left. Totoo siguro na pinaalis iyon ni Fabio nang malaman na anak siya ni Francesca. Ang hindi niya alam ay kung alam ng binata na magkapatid sila ni Inez, pero magkaiba ang mga ama. She picked up her phone and called her Uncle Albert. This is the first time after she arrived in Manila. Talagang iniwasan niya na tawagan ang matanda dahil sa inaasikaso niya. At ayaw kasi niyang magtanong. But now that she has no one to talk to, she needs to call him. She badly needs to. Dalawang ring bago sumagot si Albert sa kanya.