Share

Kabanata 4

Author: MM16
last update Huling Na-update: 2025-01-12 15:56:32

Kabanata 4 - Ang Pinili

"EXCUSE me for a while," paalam ni Fabio sa dalawa nang pindutin niya ang answer icon para makausap ang girlfriend niyang nagmamalasakit sa kanya.

He was so lucky to have a very understanding girlfriend all the time.

Tumayo siya at naglakad papalayo nang kaunti, "Babe," he said.

"Babe," malambing na sabi ni Inez sa kanya, "Hugs and kisses," anito na puno ng pakikisimpatya sa kanya.

"Thank you," sagot naman niya rito.

Naglakbay ang mga mata niya sa kabuuan ng lawn at muling natuon ang atensyon kay Ziana. Nakikipag-usap iyon kay Albert.

"You better accept the bodyguard, babe, so that you can now go back to your normal life."

Normal life? Kahit na isang batalyon ng bodyguards ang makuha niya, hangga't nariyan ang banta ng kidnapping sa buhay ni Sofia ay hindi babalik sa normal ang kanyang buhay. Kapag nahuli na ang mga nagpa-plano ng masama, doon lang siya mapapanatag nang lubos.

"Babe, I have this special friend of mine, and he was endorsing a bodyguard for Sofia," kalmado na sabi niya rito, "And since we're here in Albay, I think it's better for me to accept his offer. And besides, I trust this man so much."

"Uhm, so—does that mean I am going to say no na to this man the General had endorsed?"

"I think so, babe."

"Okay, if that's what you want. Ako na ang bahala na kumausap sa kanya. Wait for me there. I'm just finishing my projects in school. I'll be there next month."

"I can hardly wait," matamlay na sagot niya.

Kahit na sex life ay nawalan na siya ng gana mula nang araw na iyon na tumatakbo si Shawy na lumapit sa kanya. Si Shawy ang nunero unong testigo na nakarinig ng banta ng kidnapping.

Napasyal ang mag-yaya sa kumpanya niya nang araw na iyon.

He owns a company that holds various law firms all around the globe. Nang araw na iyon ay sa mismong loob ng convenience store narinig ni Shawy na ki-kidnapin ang anak niya ng dalawang lalaki. Mula raw nang bumaba ang mag-yaya kasama ang apat na tauhan niya ay nakamata na ang mga lalaki. Those men also entered the store and pretended to buy something as well, at sa isang sulok ay aksidente na narinig ng kasambahay ang bubungan ng mga lalaki kung paano didiskartehan na makuha ang bata.

Totoo man o hindi ang sumbong ni Shawy sa kanya ay hindi niya iyon ipinagsawalang bahala. His maid would never lie about it. Pinagkakatiwalaan niya si Shawy dahil isa ang ama no'n na isinalba niya ang buhay mula sa pagkakakulong dahil lumaban sa isang alagad ng batas na mayabang. It was his first case after having his license as a lawyer. He won. At dahil mahirap na sobra ang pamilya ay abot langit ang pasasalamat ng mga iyon sa kanya. Parati siyang inaabutan ng mga iyon ng mga bunga sa farm na pinagtatrabahuhan. At nang magkaroon siya ng anak ay nag-presinta si Shawy na maging yaya kahit walang sahod. Gusto raw ng mga iyon na makapagbayad ng utang na loob dahil hindi naman daw siya pam-publikong abogado pero tumanggap siya ng kaso ng isang mahirap at walang pambayad na tao.

Ganoon siguro talaga kapag lumaki na nasa poder ng mga abogado. Kung ang mga Alcantara ay lahi ng mga alagad ng batas, sila naman ay mga manananggol. Hindi naman mananaggal. And his grandfather taught him not to choose a client as long as that person was ln the right side. Syempre, namimili siya ng nasa side ng tama kahit na mahirap at walang ibabayad sa kanya.

He is rich, more than anyone could think about being rich. Sobra pa sa sobra ang kayamanan niya, kaya hindi sa kanya problema ang pera. And he's earning honesty in exchange for being a good samaritan. Well, at least.

"I can also hardly wait, babe. Mula nang magsumbong si Shawy ng tungkol sa kidnapping na 'yon, nag-iba ka na. You weren't the same Fabio that I met when it comes to bed. You weren't even bedding me anymore since last month. You weren't even working."

"I'm sorry, Inez. I wasn't really in the mood to have sex."

Nakatunganga lang kasi talaga siya sa anak niya, na para bang anumang sandali ay maglalaho iyon na parang isang bula.

"Yeah. Kung hindi ko nga lang alam na may malala kang problema, baka inisip ko na ayaw ng tumayo niyan sa akin," natatawa nitong biro sa kanya, "But luckily I know the reason why all of a sudden, my boyfriend became impotent."

She giggled. Medyo napangiti siya.

"Sige na at mukhang may bisita ka. You better update me no matter you find it hard to do so, okay? Alam kong focused ka kay Sofi pero try to do some other things. Ikaw na rin naman ang nagsabi na safe kayo riyan."

"Yes, babe. Thank you for your understanding. I love you. Bye."

"Bye. I love you, too."

Nawala na ito sa linya. Bumalik naman siya kaagad sa dalawang bisita.

"I'm sorry," hingi niya ng paumanhin kay Albert, "my fiancée called."

"You know, Attorney, to keep your daughter safe, you must avoid telling anybody where you are," Si Ziana ang sumagot.

"She's my girlfriend for seven years." Giit niya dahil hindi niya gusto ang tono nito.

"Indeed, pero thirty years nga na mag-asawa ay naipapapatay ng isa ang isa," anito pa saka sumubo ng pagkain.

Damn.

Ginagawa ba siya nitong tanga?

"I hate kidnappers, and I curse them to burn in hell," gigil na sambit niya rito.

"Me, too," sagot din nito saka medyo napatigil sa paghiwa ng pancake. Her face hardened.

"Okay, since you both hate kidnappers, let's start there. If Ziana wants this job, and you Fabio wants your daughter to be protected, pwede na siguro na mag-umpisa na ng trabaho. Do you accept this work now, Ziana Victoria?"

"Uncle naman, kailangan pa ba talaga ay kumpletong pangalan?" She asked her uncle. Ngumiti lang naman ang matanda.

Kitang-kita ng binata ang closeness ng dalawa, a thing he was envious at. Wala na kasi siyang mga magulang. Mga kamag-anak naman niya ay nasa U.S na naka-base.

"Daddy?"

Lahat sila ay napalingon sa batang nagmamay-ari ng boses na iyon.

Bago pa man siya makatayo ay lumapit na sa kanya si Sofia at saka nagpakalong. Nasa 'di kalayuan si Shawy.

"It's okay, Shawy. Ako na ang bahala," taboy niya sa yaya ng anak niya, na kaagad naman na tumalikod at bumalik sa loob ng bahay.

Sofia was looking at Albert, then she gently smiled. Tapos, tumingin ito kay Ziana.

"What's your name?" Tanong nito sa dalaga na nakatingin din naman sa bata.

"I am Ziana. And you?"

"I am Sofia Alejandra de la Espriella. I am six years old."

"And when you grow up, what do you want to be?" Ziana smiled, too. It was subtle but there was something in it.

"A lawyer like my Dad. And you?"

"Oh," anito saka lumabi at nagkibit.

"She wants to protect a bubbly girl like you," sagot naman ni Albert kaya lumipad doon ang mga mata ng pamangkin.

"You're a bodyguard? Did Daddy hire you? Ikaw po ang magbabantay sa akin?" May excitement sa tanong ni Sofia saka tumingala sa ama, "Siya po, Dadd? I like her. She's so pretty and she looks like a Barbie doll."

Napaawang ang labi ni Fabio dahil hinihila ni Sofia ang damit niya sa may gawing leeg.

"If... she'll say yes, Daddy will choose her." Iyon na ang naisagot niya dahil ayaw niyang mabigo ang anak niya ngayon.

"Siya po ang piliin niyo, Daddy. Do you have gun, Tita Ziana?"

"Yes," simpleng tango ng isa.

"Tingin po ako."

Ziana stood up again and showed her gun. Kaagad na napatakip ng bibig si Sofia matapos na manlaki ang mga mata.

"Cool!" Anito kaya natawa si Albert. Sofia looked at the old man this time.

"Sino po kayo?"

"Ako?" Nakangisi na tanong ng lalaki, "I am lolo Albert. I am your Dad's friend. Ziana is my niece."

Tumango ang bata.

His daughter was really a good entertainer. At maraming natutuwa sa pagiging biba nito. Kahit na nga sila lang na dalawa, nagagawa nitong pasayahin ang buhay niya. Kahit na mga kasambahay ay tuwang-tuwa rin dito.

"Papasok na ako bilang bodyguard niya," biglang sabi ni Ziana kaya agad na napatingin si Fabio sa dalaga. But I have rules as well. Hindi ko siya anak pero mas magiging magaan ang trabaho ko kung makikinig din kayo sa mga regulasyon ko bilang bodyguard niya. Besides, safety niya ang nakasalalay dito."

"Let's talk about it. In the meantime, finish your meal first," sagot niya rito.

"Is she hired now?" Albert asked him, and so he nodded at the man.

"I trust you, Albert. I trust Greyson. And since she's his daughter, I don't have a choice but to trust her as well. And Sofi likes her. Doon ako sa kampante at palagay ang loob ng anak ko."

Tumangu-tango ang matanda saka dinampot ang kubyertos.

"In that case, let's eat now."

"I'm sure you don't drink coffee, Sofia. Don't you want milk?" Ziana asked his daughter.

"I have milk inside, Tita Ziana."

"Let's go and get it first," nakangiti na anyaya ng babae saka tumayo.

Pamasid-masid lang siya. Her height doesn't bother him because he was six-three and still way a lot taller than her, but she is quite tall for a woman. Siguro ay 5'8 ang tangkad nito.

Mabilis na kumilos si Sofia at humawak sa kamay ni Ziana. She doesn't easily trust anyone, pero kapag nakilala nito sa loob ng kanyang bakuran ay napapagay agad ang loob ng anak niya. Close din ito kay Inez dahil lahat naman ng laruan ay ibinibigay ng babae rito. But with this lady Sofia just met today, nakapagtataka ang attachment ng bata.

"Sana ay magkaroon man lang ako ng apo sa kaisa-isa kong anak-anakan bago ako mamatay," sabi ni Albert na nakatingin pala sa dalawang naglalakad papasok sa kabahayan.

"Anak-anakan?" Fabio furrowed.

"Since her parents died, ako na ang tumayong magulang niya. Mahal na mahal ko ang batang 'yan, Fabio. She's kind. Alam kong mabait ka rin. Baka hindi lang maganda ang una niyong pagkikita pero naniniwala ako na pakikitunguhan mo siya nang maayos," Albert said to him.

Hindi niya alam kung pakiusap ba iyon o paalala, pero hindi naman siya masamang tao. He's just serious and stern but he is a good man.

MM16

Hello! mabuhay! haha. kumusta kayo? need ko maraming comments per chapter ha para ma promote ito. ibogay niyo na ito sa akin. pa welcome niyo. by the way, visit Winx account here. thank you so much.

| 14
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (15)
goodnovel comment avatar
Jennelyn Casiguran
in fairness mukhang magandang ito stirya may aabangan nmn ako
goodnovel comment avatar
Ritchel de Asis
kakabasa cu LG Ng story m otor..ngaun cu LG kc to nkita...ag Ganda otor super...Ganda Ng simula...
goodnovel comment avatar
Angela Salazar Malapitan
so xciting ang bawat kabanata...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Protecting the Billionaire's Daughter   Kabanata 82 ( final chapter)

    Kabanata 82 SA pinakamamahal kong bunso, na hindi ko man lang nagawang hawakan dahil sa dumi ng kamay ko at pagkatao. Patawarin mo si nanay kung ganito ang buhay na pinili ko. Sa araw na mabasa mo ang sulat na ito, wala na ako, matagal na. Nagmahal ako ng maling tao at ang tatay mo ang taong matuwid na hindi ko pinili. Ayaw kong makilala mo pa sila kahit kailan dahil gusto ko na masiguro na hindi mo ako magiging katulad. Walang pinag-aralan si nanay. Mahirap pa sa daga si nanay. Nangarap ako na makaahon at akala ko ay ang tatay ng ate mo ang sagot sa mga dasal ko, pero demonyo pala siya at ginawa niya rin akong demonyo. Nang makulong ako, walang ibang dumamay sa akin kung hindi ang tatay mo, pero kahit mabuti siya, ayaw kong makilala mo pa siya dahil sa mga taong nakapalibot sa kanya. Lalaki kang mabait at mabuting tao dahil mabubuting tao ang magpapalaki sa iyo. Ayaw ko na magkaroon ka pa ng kahit na anong kaugnayan sa sinuman sa mga tao sa pangit kong mundo. Nagpapalit si Nanay ng

  • Protecting the Billionaire's Daughter   81.1

    Kabanata 81.1 NAKANGITI na humarap si Dr. Venida kay Ziana matapos na tingnan ang vitals ng kanyang ama. It's been three days since the operation.Ngayon pa lang tinanggal ang oxygen ni Silas. Sa tatlong araw ay hindi nawawala ang presensya ni Fabio sa tabi niya, umalis lang iyon kahapon dahil may hearing, pero bumalik din pagkatapos. Her Uncle Albert decided to come to Manila, pero wala pa ang matanda. Mamayang gabi pa raw iyon bibyahe sakay ng eroplano. "You can now talk to him, Ziana," ani ng doktor sa kanya. "Thanks, Doc." Nakangiti niyang sagot. Lumabas naman iyon kasama ang nag-a-assist na nurse. Tumingin siya sa ama niya na nakatingin sa kanya. Her smile was very faint, then she walked towards him. "Daddy," mahina niyang sabi rito. "I thought I'd never hear you say that again. Akala ko ay katapusan ko na." Umiling ang dalaga, "That bullet was supposed to be mine, pero dalawa kayo ni Fabio na sumalo." Kumurap siya para pigilin ang kanyang luha. Naupo siya sa may tabi n

  • Protecting the Billionaire's Daughter   Kabanata 81

    Kabanata 81 ZIANA folded the paper and let her tears run down on her face. She found this letter after William opened her father's bag. Iniabot sa kanya ng kaibigan ang sulat na mukhang isinulat ng kanyang ama bago pa mangyari ang lahat ng ito. And now, reading it makes her so teary. She had good biological parents. Her father stood as a syndicate's boss to prevent any operations in the black market. Ang inakala ng lahat ay hinahasa nito si Inez para sa pagiging tagapagmana sa trono pero palabas lang iyon. Kaya lang, napaglinlangan din si Silas. Walang kaalam-alam ang kanyang ama na fully operational pa rin ang sindikato sa katauhan ng bedridden na kakambal nito. At si Inez ang gumagawa ng lahat ng kilos, ang pagkuha sa mga pasyente na mamamatayin pa lang at pagtanggal ng mga organs para ibenta sa mga mayayamang nangangailangan ng transplant... DALAWANG malalakas na putok ang umalingawngaw sa loob ng basement ng ng building. This was the same basement where Ziana saw a man who

  • Protecting the Billionaire's Daughter   Kabanata 80

    Kabanata 80 “IANAH!” Malakas na sambit ni Fabio sa pangalan ni Ziana nang siya ay nanghihina na dumausdos pababa ng katawan ng binata. Napaiyak siya nang malakas at umiling habang hawak nang mahigpit ang kanyang smartphone. Hindi pala talaga siya matatag. Hindi pala talaga siya matapang, at hindi niya kaya na mag-isa sa lahat ng pagkakataon. Mayabang siya na isipin kaya niyang magsarili. Ngayon, totoo pala talaga ang kasabihan na, no man is an island. Time will come, mangangailangan siya ng karamay sa buhay kapag wala na siyang lakas na harapin ang lahat ng dagok sa buhay niya. “What is happening? Sumagot ka. Don’t just cry like this.” Ani Fabio sa kanya. “I can’t help it,” umiiyak na sagot niya habang halos maupo na siya sa sahig. Nag-iisip siya kung ano ang kanyang gagawin. Buhay ni Sofia at buhay ng tatay niya ang nakataya. Dapat lang ay mamili siya. Sabi, siya ay matuwid at mabuting tao. Bakit ngayon ay nasusubok ang kabutihan na iyon? Alin ang pipiliin niya? Paggawa ng mabu

  • Protecting the Billionaire's Daughter   Kabanata 79

    Kabanata 79 BAGSAK ang mga balikat ni Ziana na humakbang papasok sa bakuran ng bahay ni Fabio. Ang mga mata niya ay hindi maalisan ng mga luha. Tumuloy siya sa may main door at kumatok doon. Hindi mawala sa isip niya ang ama. Ligtas na naman iyon pero hindi pa rin makausap kahit na nagmulat ng mga mata. Bago siya umalis, nakapagsalita naman si Silas kahit may tubo sa bibig. It was barely a whisper. He said, "Mabuti kang anak." That made her cry. It meant everything. Tapos ay wala na iyong sinabi. Siya ay nagmamadali na masagot ang mga tanong niya bago ang warrant. Hindi siya natatakot sa warrant. Kaya niyang linisin ang kanyang pangalan. Ang inaalala niya ay ang mga sinasabi ng tauhan ng ama niya, na may kakambal si Silas. Iyon ang nakita niya sa basement at hindi ang Daddy niya. Pero sinasabi ng mga tauhan na ang ama talaga ni Inez ay ang Daddy din niya. Nalilito siya. Sa ospital ni Colonel Prado niya ipinadala ang ama niya. Hindi iyon ganoon kasikat na ospital sa Maynila pe

  • Protecting the Billionaire's Daughter   Kabanata 78

    Kabanata 78 HINDI mapanatag ang kalooban ni Ziana habang naghihintay siya ng tawag ng kanyang ama. Nasa condo siya at naghihintay. Ang sabi no'n ay tatawagan siya sa oras na makauwi iyon. Hindi pa ba iyon nakakauwi? Pumangalumbaba siya at sinalat ang labi. Naalala niya si Fabio kaya mabigat ang kalooban na bumuntong-hininga siya. Hindi na sila nakapag-usap. Lahat ay parang hindi na nila napag-usapan. And she received a confirmation text from her cousin that he really left. Totoo siguro na pinaalis iyon ni Fabio nang malaman na anak siya ni Francesca. Ang hindi niya alam ay kung alam ng binata na magkapatid sila ni Inez, pero magkaiba ang mga ama. She picked up her phone and called her Uncle Albert. This is the first time after she arrived in Manila. Talagang iniwasan niya na tawagan ang matanda dahil sa inaasikaso niya. At ayaw kasi niyang magtanong. But now that she has no one to talk to, she needs to call him. She badly needs to. Dalawang ring bago sumagot si Albert sa kanya.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status