Share

Chapter 2

Ang lungkot ko ay naroon pa rin, ngunit hindi ko na masyadong pinansin pa. Sanay na sanay sila sa pagpapa-gaan ng loob ko kaya kahit papaano ay nababawasan ang pangungulila ko kay Ina.

Dali-dali na akong naligo at nag bihis dahil ngayon ang unang araw ng enrollment, at gusto kong mauna ako para fix ang schedule ko. Second year college na ako sa kursong Business Administration. Hindi iyan ang kursong gusto ni Ina sa akin, pero wala akong magawa sapagkat si Daddy ang pumili nun. Hindi naman niya ata ako pinilit, sadyang nahihiya lang akong mag reklamo. Isa pa ay, sabi ni mommy na para naman daw mapakinabangan ako ng kahit kaunti.

Saglit akong umupo sa aking kama. Winawagayway ko pa ang aking paa na para bang nag eenjoy ako sa ginagawa ko. Pero ang totoo ay nag iisip ako— nag iisip ako kung ano ang mangyayari kung babalik si ina. Kung babawiin niya ba ako o kung ipapaubaya niya ako sa umampon sa akin. Kung magiging masaya ba kami sa pagkikita namin. Kung kilala pa ba namin ang isat-isa o hindi na. Sa mga ganitong sitwasyon ay kung ano-ano nalang ang iniisip ko pero hindi ko naman magawang sisihin ang sarili ko dahil sa murang edad ko ay nalayo ako sa piling ng nag-iisang pamilya ko. 

Nalulungkot man ay tumayo ako. Muling sinipat ang sarili ko sa salamin at nakangiting lumabas ng kwarto. Dapat ay makuntento ako sa kung anong meron ako ngayon. Dapat hindi ko ipakita sa kanila na malungkot parin ako habang sinisikap nilang pasayahin ako.

Pagkababa ko ay nakahanda na ang pagkain sa hapag kaya naman ay kumain na ako ng mag isa. Wala kasi sina mommy at daddy ngayon dahil may business trip sila sa Singapore. Maya-maya pa ay dumungaw sila Nana sa pinto kaya inaya ko na sila.

"Nana Luz, Ate Bicky sabay na po tayong kumain. Nakakabagot naman mag-isa dito." 

"Ay, naku wag na po ma'am Aerynne, mamaya na lang po kami." Pagtanggi ni ate Bicky

"Ate naman e, diba sabi ko wag ninyo 'ko tawaging ma'am pag tayo tayo lang? Sige na po Nana halina kayo, di ako kakain kung di kayo sasabay." 

"Hay naku naman Aerynne, tigilan mo na kaka-drama mo diyan at kumain ka na."

Ngumuso ako kay Nana at tumingin kay Ate Bicky.

"Halika na ate, sabayan mo na 'ko."

"Tigas talaga ng bunbunan nitong ni Aerynne, Nana,"

"Umupo ka nalang diyan Bicky at sabayan mo yan. Nakakalito talaga ang mood ng batang iyan." Reklamo pa ni Nana na ikinatawa ko ng bahagya.

"Oo nga Na, minsan gusto ko na siyang ipahatid sa Mental, eh."

"Hoy, ate grabe ka naman. Hindi ba pwedeng nangungulila lang ako?" mahinang sabi ko.

"Ganern? Akala ko trip mo lang, eh. Charot." Natatawang sabi niya. Hindi ko maintindihan kung peace-sign ba ang ginawa niya o quotation sign.

Nginiwian ko lang siya at ‘tsaka tumingin kay Nana Luz.

"Sama ka na rin Nana, tatawagin ko po si kuya Abner para sabay na tayong lahat."

Umiling si Nana at lalakad na sana nang nagpanggap akong ibababa ang aking kutsara at tinidor kaya naman ay nagsi-upuan na sila sa aking tapat. Napatawa na lamang ako nang kaunti sa mabilis niyang pagtugon. Sakanila lang ako nagkakaganito dahil sila lang naman ang maituturing kong kaibigan. Minsan nga kapag sila ang kasama ko ay naninibago ako sa sarili ko, ngunit mas nangingibabaw parin ang kasiyahan. Ganito ako noong bata pa ako, magiliw at nakakasabay sa mga matatanda. I can act freely whenever I'm with them.

"KUYA ABNEEEER!" pagtawag ko kay kuya nang tumatawa, batid kong nagmamadali na iyon ngayon.

"KUYA ABNER, ANO BA!" humagikhik kami ni ate Bicky nang marinig namin ang mabibilis na hakbang ni kuya Abner mula sa grahe.

"Ano nanaman Ryn, Diyos ko naman talaga oh, aatakihin ako sa 'yo kakamadali, e." Pag rereklamo nito at kinamot pa ang kanyang mukha na lalong nagpatawa sa amin.

"Ay ang gwapo naman." Saad ni ate Bicky na ikinalakas ng tawa namin lalo na dahil sa kakaibang boses na ginamit ni ate Bicky.

"Aba'y Abner, tumungo ka nga muna sa may gripo at hugasan mo iyang mukha mo." Tumatawa ding pag- uutos ni Nana Luz sa kaniya.

Nalilito namang tumingin sa amin si kuya kaya mas tumawa kami ni Ate Bicky.

"Kasi kuya ano—,"

"H'wag mo sabihin Aerynne." Pag putol ni ate Bicky sa sasabihin ko

"Aseite kuya." 

Maikling sabi ko at iminiwestra ko sakanya ang bahagi ng kaniyang mukha na may aseite at sabay ulit namin siyang tinawanan.

"Sabing h'wag sabihin, e." Kunwaring pagrereklamo ni ate.

"Ooops, wag mo kakamutin ulo mo at bilisan mo nang maghilamos at kakain na tayo. Hindi pwedeng paghintayin ang pagkain." Ani ni Nana na para siyang binubugaw. napatakbo naman si kuya Abner sa may gripo. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si kuya Abner na malinis na ang mukha.

"Oh, siya magsikain na tayo at nang makaalis na itong si Aerynne." 

Kumain kaming may ngiti sa labi at kung minsan ay nagtatawanan pa. Masaya ako dahil kahit minsan lang ay nararanasan kong tumawa dahil sa kanila.

"Ryn, wag ka kaya maging manang this year? Ano bet mo?" Saad ni Ate nang minsang natahimik kami.

"Aba ay maganda yan Bicks. Mas matanda pa tingnan 'tong si Aerynne kaysa kay Nana e." Sinamaan ko ng tingin si kuya Abner. Sasabat pa sana ako pero nasaway na kami ni Nana.

Nginiwian ko lang sila. Nakahiligan kong ngumiwi dahil kay ate Bicky, lagi kasi siyang nakaganito kapagka inaasar siya ni kuya Abner.

Nasa beynte tres pa lamang si ate Bicky habang si kuya Abner naman ay nasa kaniyang beynte syete taon na. Bago pa lamang sila dito, hindi kagaya ni Nana Luz na sa palagay ko'y lampas dalawang dekada ng namamasukan dito, mula pa sa mga magulang ni daddy.

Simula nang dumating ako dito ay sila na ang naging kaibigan at kalaro ko. Sila ang unang nakaalam ng kwento ng buhay ko at lagi nilang iniisip ang kapakanan ko. Pinapatawa nila ako dahil alam nilang sa panahong nakauwi na ang aking mommy't daddy ay pighati na naman ang mararamdaman ko.

"Aba'y tumutunganga ka nanaman diyan Aerynne, naku, magmadali ka at nang hindi ka abutin ng hapon doon." Paninirmon ni nana sa akin.

Binilisan ko naman ang kilos ko dahil kapag nag sermon si Nana walang amo at trabahante, lahat pantay. Minsan nga ay narinig ko siyang pinapagalitan si daddy. Nang matapos akong kumain ay dali-dali akong tumayo at nag pahid ng mukha.

"Oh halika na," pag anyaya sa akin ni kuya Abner sabay dampot sa aking mamahaling bag.

Mamaya pagkaalis ko'y balik na naman sa normal ang lahat. Ang tahimik at inaaping ako. Nasa sasakyan na kami ay hindi na ako kinausap pa ni kuya, pero batid ko ang pag sulyap sulyap niya sa akin. Gusto niya akong kausapin pero nahihirapan siyang mag bukas ng usapin, marahil ay nagsisimula nanamang malungkot ang aking mukha.

Nang nakarating kami ay dali-daling lumabas sa Driver's seat si kuya para pagbuksan ako.

"Mag ingat ka Ryn, ha, at tsaka tawagan mo ako kung malapit ka nang matapos nang mabalikan kita agad." Sabi ni kuya habang pinag bubuksan ako ng pinto.

"Oo na po prinsesa, Ajah," aniya at tumawa.

Bahagyang nagsitayuan ang balahibo ko. Ajah. Pangalan kong dati ay si ina lang ang nakaka alam. Unti-unti ay gumuhit ang mapait na ngiti sa aking labi pero bago yun makita ni kuya Abner ay patalikod akong kumaway

"Bahala ka na nga diyan, bye ingat po,” ani kong may pabirong tono.

Hindi ko na ulit siya nilingon pa.

Sa bawat hakbang ko papasok ay mabilis na tumitibok ang aking puso, ang aking mga binti ay kusang nanginginig at batid kong ang aking mukha ay makikitaan na ng pagkatakot, kaya naman ay pinagpatuloy ko ang aking paglalakad ng nakayuko ang ulo. Memoryado ko ang paikot-ikot sa campus kahit nakayuko lamang ako 'pagkat sa araw araw na pag lakad ko dito ang lupa lamang ang tinitingnan ko.

Mas lalong lumala ang aking kaba nang marinig ko na ang boses ng mga estudyanteng nagkalat sa kahit saang bahagi ng paaralan. May nag sisigawan at nag tatawanan na wari ba ay ako ang pinag uusapan. May pakunwaring nag aaway kasunod ang malakas na pagkalabog ng hinampas na upuan.

Binilisan ko ang aking paglakad upang mabilis na makarating sa pila ng mga estudyanteng kabilang sa aking departamento. Nang tuluyan na akong makarating ay inangat kong kaunti ang aking ulo at inayos ang pagkakalagay ng aking salamin. 

Marami na ang nakapila, mukhang matatagalan ata ako. Bahagya kong tiningnan ang relo ko. Baka abutin ako ng tanghali rito.

Nabigla ako nang may biglang nagsalita sa likod ko.

"What the heck, dre mag ingat ka naman," asik ng isang lalaki

"Bobo mo kasi dre, tanungin mo na kasi kung tama ba 'tong pinaglinyahan natin," pagalit namang ani ng isa pang lalaki.

Sunod-sunod pa ang naging sagutan nila. Napayuko ako lalo dahil marami na naman naka tingin sa gawin namin ngayon.

Ang ingay nila, baka makilala ako ng ibang estudyante dito. Mas lalo kong iniyuko ang aking ulo sa takot na may makapansin sa akin at pag pyestahan nanaman ako.

"Psst. Miss, uy. Hahaha," saad ng isa.

"Dre, ayaw mamansin e." 

"Ask her again." Aning isang striktong boses.

"Hello? Pwede mag tanong?" 

Gusto ko sanang lumingon pero sa takot na gagawing katuwaan lang ako ay hindi ko n lang sila pinansin at nanatiling walang kibo.

"Uy miss, ito ba ang linya ng engineering department?" Sabi ng isa sa mga lalaking nasa likod ko habang patuloy akong kinakalabit.

Unti-unti ay pinilig ko ang aking ulo sa kanilang gawi.

"No, this line is for Business Administration sir." Mahinang sabi ko

"Oh- ha? Okay, thankyou. May I know your name please?" Buti at narinig niya.

"Ang pormal pre, hahaha," bulong niya sa kasama niya pero rinig ko.

Bahagya kong itinaas ang mukha ko pero di ko parin magawang tingnan siya. Instead of giving him my name ay itinuro ko kung saan banda ang linya ng Engineering sabay balik ng aking mga mata sa tiles. Batid kong sa kanilang pag kausap sa akin ay isang panibagong laro ang mabubuksan. Laro kung saan ako mismo ang laruan. Katuwaang ako ang dahilan. 

"Breathe, Aerynne," pag papa-alaala ko sa sarili ko.

Nakakatawang isipin kasi bakit sila sa akin naghahanap ng kasiyahan kung ako nga mismo ay hindi alam kung paano pasayahin ang sarili ko. Nakakatawang sa tulad ko pang walang lakas para makipag katuwaan sa kanila. Hindi ko man lang magawang umasa dahil wala namang dapat asahan. Ako lang din ang ma-aagrabyado kung ganun. I smile weakly and still looking at the ground. 

"Let's not participate on their game this year Aerynne." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status