"Are you ready for school Aerynne?" Nagitla ako sa biglaang pagtanong ni mommy.
Nandito kami ngayon sa hapagkainan, pinagsasaluhan ang pagkaing pinagtulungan naming lutuin kanina nina Nana at ate Bicky.
"Ah opo mom, hinihintay ko na lamang po ang araw ng pasukan. Handa na lahat ng gamit ko maging ang mga librong siyang reperensyang gagamitin ng propesor namin." Naiilang na paliwanag ko.
May ilang araw nari'ng maganda ang pakikitungo sa akin ni mommy, ngunit minsan ay hindi ko parin maiiwasang mailang at magtaka sa kanyang biglaang pagbabago.
"Ahm. Didn't I told you not to speak straight tagalog, and urgh it sound so old fashion." Saad niya na parang nandidiri sa pamamaraan ko ng pagsasalita.
Hindi naman sa hindi ako marunong sa paraan ng pananalita nila ngunit hindi lang talaga ako sanay sa ganoong paraan, lalo na't sa mga taong pananaliti ko dito ay hindi naman kami ma
"Wuaaah, Ajah? Uy ikaw nga Ajah. Akala ko di na kita makikita." Nahugot ko ang hininga ko nang bigla akong yakapin ni Jayron ng mahigpin. "A-ah J-jayron, C-can't Breathe." Nauutal na sabi ko. "Ay hala sorry, naku. Walang hiya ka talaga Jayron." Sabi niya at ang ikinabihla ko ay nang bigla niyang batukan ang sarili niya. "Mag kakilala kayo?" Nahimigan ko agad ang pagtataka sa tinig ni Leizle. "Ay oo pangit, siya yung sinabi ko sayo nung nakaraan na kabisado ang buong campus kahit nakayuko lang." Sabi niya at tumawa. "Ay siya ba yun, Ajah ka kasi ng Ajah e Aerynne naman pangalan niya." Natawa ako kay Leizle dahil sa biglang pag suntok niya sa balikat ni Jayron. "Eh, kasi yung weirdo mong pinsan bigla nalang siyang tinawag na Ajah, kaya ayun Ajah na din tawag ko sakanya." "Pinsan mo din yun, gago. Pero ta
"Yah! Aerynne, halika na nandito na tayo." Nabalik ako sa katinuan nang marinig ko si Liezle."A-ahh Oo, salamat Liezle ah."Naiilang parin ako sakanya. Hindi ko parin magawang magsalita ng komportable."Ano ka ba wala yun, ano ka ba?" Natatawang niyang ani at binuksan ang kotse.Lalakad na sana ako habang dala ang mga pinamili ko nang bigla na lang din bumukas ang kotseng nasa unahan namin. Kotse yun ni Jayron at Venrick."Kami na niyan Jah."Gaya ng unang pagkakilala ko sa kanya ay magiliw parin ang pamamaraan ng pananalita niya.Hindi ko sana planong ilahad sa kanila ang mga dala ko pero bigla nalang iyong hinablot ni Ven sa akin."K-kaya ko na. Salamat." Nailang ako lalo dahil sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko kanina."Ano ka ba naman Aerynne. Sige na sila na pagdalhin mo
Time passes by too fast at pasukan na ngayon kaya naman ay inihahanda ko na ang sarili ko. Katunayan ay kasalukuyan kong tinitingnan ang aking repleksyon sa salamin ng may hindi makapaniwalang tingin. Halos dalawang linggo na ang dumaan ngunit hindi parin ako nasasanay sa mga pagbabago, lalo na akin. Ang maalon kong buhok na dati'y hinahayaan ko lang na buhaghag at walang suklay, ngayon ay organisadong- organisado. Ang damit na noon ay simpleng blusa at pantalon lang ngayon ay dress na hapit na hapit sa katawan. Napangiti ako lalo nang maalala kong hindi na pala salamin ang susuotin ko ngayon kung hindi ang contact lense na binili namin. Sinukbit ko na sa aking balikat ang bag at nagmamadaling bumaba. Hindi na ako nag abala lang kumain dahil napag-usapan na namin ni Liezle na sa cafeteria nalang mag-agahan. "Nana, aalis na po ako." Paalam ko ng may paglalambing sakanya.
Dahil unang araw ng klase, pagod akong pumanhik sa loob ng bahay na para bang buong araw akong nakipagbuno sa labas. Wala akong nakitang kahit sino sa living room kaya hindi na ako nag-abala pang ipaalam ang pagdating ko. Diretso na akong umakyat sa kwarto ko at walang sabi-sabing tumihaya sa kama at unti-unting naka tulog. Pagkagising ko ay makulimlim na kaya dumiretso na ako sa dining area dahil medyo gutom na rin naman ako. Pagkadating ko doon ay naghahanda na sila Nana Luz ng pagkain kaya hinintay ko sila. "Sabay-sabay daw kayong kakain Ryn sabi ng daddy mo." ang sabi ni Nana habang busy sa pag aayos. "Ah, yes Nana sa living room po muna ako." Tugon ko kay Nana at dumiretso sa living. Hindi katagalan ay dumating na rin sila dad. Sinalubong ko sila ng ngiti at halik sa pisngi, bagay na dalawang linggo ko palang ginagawa. "Come. Let's
Hindi mawala ang kirot sa puso dahil sa nalaman. I don't want to leave someone important to me. I don't want them to feel the pain I've felt before. Ayaw kong maging dahilan ng pagkalungkot nila kasi alam ko sa sarili ko kung paanong parang pinapatay ako ng lungkot na 'yon. I whisper 'please' repeatedly. Venrick is caressing my back with his other hand while whispering something I can't fully understand. "I don't want to leave." With that I look at my dad straight from the eyes. Punong-puno ng determinasyon. They've been good to me these past few weeks and I'm happy for that. But, leaving my friends would be different. It'll hunt me so much for I know how they will feel when I leave. I close my eyes for awhile and stand. "Please understand mom, dad. You know how weak I am when It comes to that matter." I wiped my tears away as I look down. "Excuse us." I heard Venrick s
Lumipas ang apat na oras na klase ng mabilis. Sa pagkakataong ito ay uuwi kami agad. Wala ng kailangan pang asikasuhing group tasks at wala din balak gumala si Liezle kaya naman ay mananatili lang kami ngayon sa bahay nila.Wala si tita Alex kaya naman libre kaming mag ingay sakanila. Pero hindi ako komportable, bagaman ay maituturing ko na silang kaibigan ay naiilang parin akong pumunta sa bahay nila. Sinabi ko na man nang sa bahay nalang kami total ay ayos lang naman sa parents ko pero ayaw niya, sa bahay naman daw nila kami mag hasik ng lagim.Lagim talagaMinsan ay naiinggit ako sa pagiging carefree niya, kanina nga habang nasa gitna ng klase ay hindi ko na natiis at tinanong ko na nga siya kung paano niya nagagawa ang gano'n.Ngayon narito kami sa sasakyan ni Liezle, hinihintay naming matapos ang klase nila Jayron at Venrick kasi hanggang ala una pa sila."
Sa mga nagdaang araw na kasama ko sila ay naging masaya ako. Hindi man kasing saya noong kasama ko pa si Ina, ay sapat na rin naman para hindi ko maramdaman ang sakit na nararamdaman ko noong panahong walang-wala ako.Mayroong mga lumalapit sa amin para makipag-kaibigan pero hindi rin nagtatagal ay umaalis, napaka baliw kasi ni Liezle, sobrang sarkastiko kung magsalita halatang ayaw niya sa tao.Noong nakaraang araw nga ay lumapit sa amin na lalaki para makipag grupo sa amin sa isang activity namin sa major subject, tinarayan niya lang at sinabing ayaw ng pinsan niya na may umaaligid sa aming ibang lalaki. Natawa naman ako dahil napaka protektibo niya nga, natatakot siyang tumanggap ng bagong kaibigan at baka 'yon pa ang mismong mam-bully sa akin."Hala, wala na ata tayong mapipiling ka-grupo Jah. Bawal pa naman daw na kulang ang member." Para siyang baliw na sinasapak ang legs niya habang sinasabi 'yon.
Third Person's Point of View"They already met, Madam." Sabi ng lalaki habang nakayuko.Napaka-seryoso ng mukha ng babae, ngunit nababakasan ng pangungulila dahil sa malungkot na kislap ng kaniyang mga mata."Okay, don't let him caught you. You're dismissed." Aniya at tumayoNang makalabas ito ay agad siyang pumunta sa couch at umupo roon habang niyayakap ang sarili. Kung kanina ay seryoso ito, ngayon naman ay nanlulupaypay at nagsituluan ang mga luha sa mata."Kaunting panahon nalang Ajah ko, kaunting panahon nalang. Patawad kung ngayon lang ako." Umiiyak niyang saad habang patuloy na hinahagod ang sariling mga braso.She missed her so much, walang araw na hindi siya nangulila sa anak niya. Subalit, dahil sa mga pangyayari sa buhay niya ag hindi niya magawang balikan ang nag-iisang dahilan kung bakit siya lumalaban. Ang kaniyang anak.