Share

Chapter 13

Lumipas ang apat na oras na klase ng mabilis. Sa pagkakataong ito ay uuwi kami agad. Wala ng kailangan pang asikasuhing group tasks at wala din balak gumala si Liezle kaya naman ay mananatili lang kami ngayon sa bahay nila. 

Wala si tita Alex kaya naman libre kaming mag ingay sakanila. Pero hindi ako komportable, bagaman ay maituturing ko na silang kaibigan ay naiilang parin akong pumunta sa bahay nila. Sinabi ko na man nang sa bahay nalang kami total ay ayos lang naman sa parents ko pero ayaw niya, sa bahay naman daw nila kami mag hasik ng lagim. 

Lagim talaga

Minsan ay naiinggit ako sa pagiging carefree niya, kanina nga habang nasa gitna ng klase ay hindi ko na natiis at tinanong ko na nga siya kung paano niya nagagawa ang gano'n. 

Ngayon narito kami sa sasakyan ni Liezle, hinihintay naming matapos ang klase nila Jayron at Venrick kasi hanggang ala una pa sila.

"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status