Share

Chapter Four

"Ano ba ang meron kapag eighteen na ako?" Nagtataka kong tanong habang pinaglalaruan ang mga daliri ko dahil naka yuko lang ako, hindi ko siya kayang tignan.

Ilang minuto ang katahimikang bumalot sa'min, tanging putok lang ng mga baril ang naririnig ko.

"You're too young," muli niyang sagot before he walked out while his gun is already tucked into his cloak belt holster at his back, kulay itim iyon.

Para lang akong aso sa kanya na sumunod, pumwesto ako sa harapan niya. Hindi ako mapakali kapag ganito ako kalapit sa kanya. I'm just watching him clean his gun.

My forehead creased when I heard him groaned, he flinched a bit.

"I can feel everything, Sylvaine." He stated. Inilapag niya ang kanyang baril sa table at pinagsalikop ang kanyang palad doon. I can see the veins in his hand.

"You can feel what?" I tried to be cool, pero hindi ko maiwasan mautal.

"Everything.." he whispered. "You should stop that," he stated before he stood up, pero agad ko hinawakan ang kamay niya.

My forehead creased.

"What do you mean? Anong ititigil ko?" Naguguluhan kong tanong. Halos mapabitaw ako sa kamay niya nang makita ko ang pag igting ng kanyang panga bago mariing tumingin sa akin.

Muli ko na namang nasilayan ang nagbabaga niya mga mata, sobrang talim nito kaya mas lalo lang akong kinabahan, hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko.

"You can't like me, Vaine. Stay naive... like a young little girl." He responded bago umiwas ng tingin at nagpakawala ng buntong-hininga. Agad umawang ang bibig ko doon.

Una ay nalaman niyang may gusto ako sa kanya. Pangalawa, tinawag niya akong bata, na kung saan ay ayaw na ayaw niya.

Ayaw niya sa mas bata!

"But I'm not a kid anymore! I'm seventeen," pagpupumilit ko. Hindi ko na mapigilan ang pagtaas ng aking boses, buti na lang ay busy ang iba sa gun firing at hindi kami naririnig gawa na rin ng suot nilang earmuffs nila.

He just shook his head before he tightly shut his eyes. He massaged the side of his head, bago muling tumingin sa akin.

"Stop trying so hard, Vaine... that's why you're wearing that kind of tint on your lips today?" He asked in a grating voice, napatayo na rin ako dahil do'n ngunit naka angat pa rin ang aking tingin dahil 'di hamak na mas matangkad siya sa akin. 

So he noticed? Pero negative statement ang nakuha ko sa kanya. Nakaramdam na ako ng inis doon, I shouldn't wear that lip tint!

"Ano naman kung ganon? Trying hard na ba 'to? Paano mo ba nasabing bata pa ako? Dahil wala pa akong nakaka date? Dahil hindi ako kagaya ni ate Vivian?" Sunod-sunod kong tanong, I didn't bother to cover up my irritated voice.

I'm being emotional right now, pakiramdam ko'y sinaksak ako sa mga salita na binitawan niya, nararamdaman ko na ang pamumuo ng mga luha sa mata ko.

"Maraming may gusto sa'yo, entertain someone you think that is good for you. Not me, Vaine. At mas lalong huwag si Jameson," he coldly stated.

My nostrils flared when I held back my tears. Maraming nagkakagusto sa'kin? Ni hindi ko nga pansin iyon dahil halos lahat ng mga kaklase ko ay ayaw sa akin.

"Bakit ba ayaw mo ako magkagusto sa'yo?" I whispered underneath my breath, dahil pakiramdam ko anytime ay tutulo na ang mga luha ko. 

"Vaine, I told you... you're too—"

"Pero si Ate, pwede? O baka ayaw mo because you and Ate Vivian are already dating?" Akusa ko. I became impulsive, hindi ko na rin napigilan mailabas ang nasa isip ko. Gusto ko bawiin 'yon, pero alam kong hindi ko na magagawa.

Huminga siya nang malalim bago muling tumingin sa'kin, his jaw clenched once again, tila nagpipigil maubusan ng pasensya. I don't feel so scared after all. Inis na lang ang nararamdaman ko ngayon and I don't even know why am i acting this way, crush lang naman, 'diba?!

He licked his lower lip before he spoke when he saw that my tears started to well up, halatang nagpipigil na lang talaga siya.

"You're really acting like a kid right now," he sighed bago umiling-iling. "There's nothing between me and your Ate. That's just all in your head," he added.

Nag iwas ako ng tingin, I sniffed.

"I want to go home," naiiyak kong sambit.

I saw that he massaged the bridge of his nose, tila hirap na hirap na sa akin ngayon, hindi niya ako kayang i-handle. Ngayon ko lang na-realize na mas binibigyan ko siya ng dahilan para umayaw sa mas bata sa kanya, maybe this is the reason why he don't want someone that is younger than him.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago sumagot.

"Alright, let's go," he responded. He was about to grab my bag pero inunahan ko na 'yon, inunahan ko na rin siya maglakad.

Ayaw ko siya makasabay.

"Ang sad mo lately ha. Huwag kang sumimangot sa harap ng pagkain, Sylvaine. Mamaya lumipad 'yang manok e," reklamo ni Gianna bago uminom sa watermelon juice niya na nakalagay sa aqua flask niyang purple. Gano'n ang laman ng tumbler niya lagi, imbes na tubig.

"Broken ata ang ate mong girl," sabat ni Kael.

Napagkasunduan namin sa KFC kumain dahil nag ke-crave talaga ako sa manok nila, pero heto ako ngayon, tinutungangaan lang yung isang bucket na inorder ni Kael.

"Rejected ka ni Kuya Dame?" Gianna laughed, kaya mas lalo akong nainis.

"Agad?!" gatong ni Kael.

I rolled my eyes before I grabbed the chicken leg in front of me, inis akong kinagatan iyon. I swallowed it hard before I speak again.

"Huwag niyo nga siyang tawaging Kuya," I hissed.

"Bakit? Hindi naman namin siya crush," pang-aasar ni Kael kaya nagtawanan sila ni Gianna.

"Dapat ba tumigil na ako?" I pouted my lips, agad naman nag seryoso ang mukha ni Gianna nang maging seryoso na rin ang tanong ko, maski si Kael ay nanahimik.

"V, you said that he's just your crush, so chill ka lang. Unless.." she paused, kaya tinignan ko lang siya.

"Unless?"

"Unless, level up na nararamdaman mo, girl." Si Kael na ang sumagot.

Napalunok ako doon. Oo nga 'no? Crush ko lang naman talaga siya e, 'yon ang alam ko... Pero nitong mga nakaraang araw, kapag nakikita ko sila ni ate Vivian magkasama, bakit parang nasasaktan ako? Pati sa mga sinasabi niya, nasasaktan ako.

"Mukha ba talaga akong bata?"

Nagtinginan pa silang dalawa bago sabay na sumagot.

"Oo."

"Pero bata ka pa naman talaga e, bata pa tayo, chill ka lang." Dagdag ni Gianna.

I clicked my tongue. Napakamot na lang ako sa ulo ko, paano ba kumalma kung ganon kapogi ang crush mo? Sino ba namang hindi mababaliw sa kanya? Hindi lang ang looks niya ang A-plus, matalino rin siya, magaspang nga lang ugali minsan, pero pakiramdam ko sa'kin lang naman siya ganon, e!

"Bakla, cellphone mo kanina pa nag va-vibrate. Lutang ka, girl? Puro 'Dame' kasi nasa isip e," umismid si Keal pagkatapos sabihin 'yon, hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis.

VivianHermano: bb, go home early, may pupuntahan tayo.

Umawang ang bibig ko sa pm ni ate Vivian sa I*, agad ako nagmadali ipasok lahat ng gamit ko sa bag ko, including my sketchbook and color pencils na nilabas ko na naman kanina. Kumuha pa ako ng chicken wing bago nagpaalam sa kanila.

"Libre naman ni Kael, 'diba? Sorry, una na ako, may pupuntahan daw kami e. Bye!" Nagmamadali kong paalam sa kanila bago sila hinalikan sa pisngi, pinunasan pa ni Kael 'yon dahil may konting mantika dahil sa kinain kong manok. Nag peace sign lang ako sa kanya bago tuluyang lumabas.

"Kailangan ko pa po ba talagang sumama?" I asked before I pouted my lips.

Pinagsuot lang ako ni ate nang A-line dress kanina, mas inuna na niya akong ayusan kaysa sa sarili niya. Pagkauwi ko ay sinabi na agad nila na pupunta kami sa mansyon ng mga Queriejero, invited daw kasi kami sa birthday party ni tita Danica. Pinakita pa sa'min ni mommy ang invitation.

"Of course, my Vaine. Your Tita Danica's expecting na tatlo tayong dadalo doon, at saka hindi naman pwedeng iwan ka namin dito." Mommy answered while she's fixing the ribbon on my head.

I sighed, dahil mukhang wala na talaga akong magagawa.

"Oh my—Vivian, you're so gorgeous, anak." Puri ni mommy pagkababa ni ate sa kwarto niya.

Maski ako ay napaawang ang bibig. Light make up lang ang ayos niya pero napaka ganda talaga ni ate. She's wearing a red asymmetrical dress, hapit iyon sa katawan niya kaya medyo kita ang dibdib niya, but not too much.

Parang nag mukha talaga akong bata 'pag tumabi sa kanya.

Hindi na ako nagulat sa laki ng bahay nila pagkarating namin. Isang classical music agad ang bumungad sa amin. Kitang kita ko ang chandelier sa taas dahil sa laki at pagkislap nito, sobra rin nakakalula ang hagdan nila. Sa tingin ko'y tatlong palapag itong mansyon nila.

"Tita..."

I stiffen when I heard Dame's voice. Umakto nalang ako na pinaglalaruan ang bulaklak sa isang table. I saw in my peripheral vision na nakipag beso siya kila mommy at kay ate habang ramdam ko ang tingin niya sa'kin. My heart skipped a bit, nakakatindig balahibo ang mga tingin niya.

"Vaine," halos mapaigtad ako nang tawagin ni mommy ang pangalan ko, natumba ko pa ang bulaklak dahil doon.

I heard Dame's soft chuckle kaya mas lalo akong nahiya. He's wearing a black suit with a white long sleeve inside of it, and a gray necktie. Kapansin pansin din ang kanyang relo niya dahil may hawak siyang baso ng alak sa kanang kamay. Halatang mamahalin.

Pasimple akong napairap, ano naman kaya ang nakakatawa doon? Ano, mukha na naman akong bata sa kanya?

"Mom?"

"Come here, bakit humihiwalay ka sa'min?" Mom laughed a bit. I bit my lower lip bago nahihiyang lumapit sa kanila.

"Let's go upstairs? Since hindi ka nakita ni mom noong nagpunta sila sa university," aya ni Dame. Kita kong medyo nahiya si Ate dahil doon.

My mom sweetly smiled on them.

"You should go, Vivian, para ma-meet ka rin ni tita Danica mo." She stated bago bumaling sa akin. "Vaine, you wanna come with them, sweetie?"

I swallowed before I smiled bitterly.

"Hindi na po, baka bawal ang bata doon," I replied, sarcastically.

I saw how Dame smirked before he shook his head and took a sip on his glass. Kita ko ang pagtataka sa mukha nila mommy, ate Vivian's forehead creased.

"Bakit naman, anak?" She asked out of confusion.

He cleared his throat.

"It's fine, baby girl. Wala namang bata bata... kila mommy." He playfully answered. I know that he's referring to me dahil sa'kin lang siya nakatingin, gusto ko siyang batuhin ng baso. Napairap ako dahil do'n, hindi ko na pinansin kung nakita nila mommy o hindi. 

And what? He called me 'baby girl'? Ginagawa niya talaga akong bata? Pati sa harap nila mommy!

"Iyon naman pala bebe e, tara na? Iwan ka muna namin, mom." Paalam ni ate bago hinila ang kamay ko.

"Enjoy!"

Kumaway lang si mommy sa'min, napasimangot ako. Bakit ba sinama pa ako dito? Ma-a-out of place lang ako sa kanilang dalawa e, sila lang naman ang mag ka-vibes. Mas gusto ko pa samahan si mommy doon sa baba, sayang lang at wala si Kuya at Daddy, ang bagal ng araw.

I swift my gaze when ate Vivian clings into Dame's arm. Nauuna kasi sila sa akin paakyat ng hagdan at nakasunod lang ako sa kanila. Humarap sa'kin si Ate Vivian para tignan kung sumusunod pa ako, I simply rolled my eyes, rinig ko ang mahinang pagtawa ni Dame bago marahang inalis ang kamay ni Ate na nakapulupot sa braso niya.

Oh?

"Siya ba si Vivian? Oh dear, you're stunning. You look like your mom," tita Danica immediately greeted her when we reached the second floor. Umiwas ako ng tingin nang mag beso rin sila.

She's so sophisticated tignan, pananamit pa lang niya.

"Happy birthday po," ate Vivian greeted. "I'm sorry I don't have any presents, masyadong nalunod sa requirements, bawi po ako next time." She laughed a bit, mahina rin natawa si tita Danica dahil do'n.

"It's okay, hija. Si Dame nga rin kita ko ang pagkabusy niya nitong mga nakaraang araw," she commented. Napalingon siya kay Dame kaya napansin niya na rin ako, she put down her wine glass.

"Oh my, sweet Vaine. How are you, dear?" Malambing niyang bati. Halos magwala ang puso ko nang lumapit rin siya sa'kin, nakipag beso na rin ako.

"Happy birthday po, tita." Nahihiya kong bati.

Nanatili lang si Dame sa gilid namin, nakapamulsa ang isa niyang kamay sa kanyang slacks habang ang isa ay hawak pa rin ang bagong baso ulit ata ng alak.

"Salamat, hija. Bakit hindi niyo pa sinama dito ang mommy niyo? Haynako kayo, ako na ang bababa doon para hanapin siya," she stated, ate and I giggled, maski si Dame ay natawa sa inasal ng mommy niya.

"Where's dad, mom?" He asked.

"He's with our business partners. Alam mo naman iyon, hindi ka pa nasanay." She responded.

Muli siyang nagpaalam sa'min dahil pupuntahan niya raw si mommy sa baba. Ang VIP ng mommy ko, yung may birthday pa talaga ang lalapit sa kanya. Mukhang close talaga sila, bakit hindi ko man lang alam?

"Let's meet my siblings," he stated in a monotonous voice, agad naman kami sumunod ni ate sa kanya.

Dalawang lalaki ang nakita ko doon, agad ko namukhaan si Zadkiel, nakilala ko na siya sa shooting range. Hindi pamilyar sa'kin yung isa, pati na yung babae. But I think she's Eloisa? Iyong nabanggit ni Tita Danica noon na mas matanda sa'kin ng isang taon.

"Vaine, Vivian, I want to introduce my siblings. Zadkiel, Niklaus, and Eloisa, my younger sister... I can't find her right now."

"Pleasure to meet you, beautiful ladies," bati ni Zadkiel. His lips parted a bit when he saw me. "Si Vaine pala 'to," he chuckled, nakipag beso pa rin ako sa kanya.

"You've already met them?" Ate Vivian asked.

"Yeah. She already met Zadkiel, when I took her to the shooting range." Dame answered, hindi pa rin ako makatingin. Naalala ko ang pag-aaway namin doon.

Marahan akong siniko ni ate Vivian at bumulong.

"Swerte mo, babe." She giggled.

"Hi. I'm Niklaus, nice to meet you both." Bati nang isa, pakiramdam ko'y mas bata 'to konti kay Zadkiel.

"Where's Eloisa?" Dame asked while he's roaming his eyes.

"Tinawag ni dad. Papakilala mo ba kay Vaine? Halos magkasing taon pala sila," Zadkiel commented.

Ibig sabihin ay parang bunsong kapatid lang din ako ni Dame, and I hate that idea, but I can't do anything about it.

Saglit na umalis si Dame at si Ate, tumanggi na ako sumama dahil tinatamad na talaga ako maglakad lakad, ang lawak pa naman ng bahay nila. Si Zadkiel ay may nakitang kakilala niya kaya saglit rin umalis, si Niklaus at ako nalang ang naiwan dito sa table.

I heard him clear his throat, binaba niya ang pagkaka de-kwatro ng paa niya.

"You want some ice cream? Eloisa's really good at picking ice cream flavors," he chuckled a bit.

Pakiramdam ko'y nabunutan ko ng tinik sa lalamunan, mabait naman pala siya, napaka misteryoso niya kasi tignan kanina. Akala ko mas masungit pa siya kay Dame. Mas soft ang features ng mukha niya kaysa sa mga Kuya niya pero ang mysterious niya talaga tignan, hindi siya as in katulad ni Dame, hindi rin ni Zadkiel, he's in between-- I think.

I smiled before I nod my head. He fixed his suit before he stood up, marahan lang akong sumunod sa kanya. I also greeted yung mga bumabati sa kanya kapag napapatingin sila sa akin, ngumingiti na lang din ako at marahan na niyuyuko ang aking ulo.

"This one's vanilla flavor, and yung isa ay chocolate, and cookies and cream. Common na flavor lang sila, but I can assure you that it's really worth taking a slurp." He joked kaya natawa ako.

"Vanilla na lang," I answered.

"Sure," he immediately responded in a husky voice.

"How old are you? I heard that Zadkiel said earlier that you and Eloisa are almost have the same age," he asked when we got our ice cream, binigay niya ang isa sa akin. Same flavor lang kami ng kinuha.

Tumikim muna ako do'n bago sumagot, tumango tango pa ako dahil tama nga siya, masarap iyon.

"Seventeen," I replied.

He nodded his head while eating his ice cream. I'm wondering if kaninong traits ang nakuha niya, maybe mix din ni Zadkiel at Dame? I think I want to know him more, parang siya lang ang kahit papaano ay makakasundo ko sa kanila.

"You're younger nga," he commented. I pouted my lips, lagi na lang ba ganon maririnig ko?

"Ikaw? Ilang taon ka na?" I asked.

"Nineteen."

My eyes widened. Ibig sabihin, tig iisang taon ang pagitan nila? Woah.

"Mom and dad are awesome, right?" He chuckled before he ate a spoonful of ice cream again pagka balik namin sa table, kaya natawa na lang din ako. He took off his suit kaya long sleeve na lang ang suot niya ngayon.

Siya ang pinaka mukhang mabait. Mukhang babaero si Zadkiel, samantalang si Damen ay parang laging seryoso.

"I have this feeling that we're on the same vibe," he commented, napatingin agad ako sa kanya, hindi ko agad nalunok ang ice cream sa bunganga ko. That's really what I'm thinking kanina, siya lang ang makakasundo ko sa kanila.

Buti ka pa, yung kuya mo hindi.

"Really?"

"Yes," he answered without hesitation kaya natawa ulit ako, napaka approachable niya.

I was about to speak when I felt a dark glare on us. Agad ko nakita si Dame palapit, he's not with Ate Vivian. Agad ako nagtaka doon. Where did she go? Bumalik na kaya siya kay mommy?

Pakiramdam ko'y ang bibigat ng bawat hakbang niya palapit, walang ka-emo-emosyon ang mga mata niya. Maski si Niklaus ay napatingin sa kanya at napaayos ng upo, I'm starting to think if takot din kaya siya sa Kuya niya dahil bunso siya? Ako kasi ay kahit papaano takot pa rin kay Kuya Vince, mas lagi ko pa ata siyang napapakinggan kesa kila mommy.

"Niklaus, dad's looking for you," he stated in a cold husky voice, pakiramdam ko nagsisitayuan lahat ng balahibo ko. Why is he always like this? Balak niya ba takutin lahat ng kakausapin o kinakausap niya?

Napasubo ako ng vanilla ice cream nang lumipat ang tingin niya sa'kin.

"Vaine," he called, nagmistulang parang kulog iyon. Maski sinong makarinig ay baka matakot, kinakabahan akong lumingon sa kanya. Bakit parang nakakatakot naman siya ngayon? I even gulped, para akong papagalitan ng parents ko dahil may nagawa akong hindi maganda, iyon ang pakiramdam ko ngayon.

"Yeah?" I asked, almost stuttering. Nagpapalipat-lipat lang ang tingin ni Niklaus sa aming dalawa, hindi siya umimik mula kanina ngunit kita ko ang pagtaas ng kilay niya kay Dame.

"Your mother's looking for you too. She asked me to call you. Sabay na tayo bumaba."

"Ayok--"

"It's an offer, not a command, Sylvaine Reneé."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status