Share

Chapter 16

last update Last Updated: 2025-08-30 09:14:48

MADALING-ARAW pa lang ay gising na si Isobel. Mahina niyang binuksan ang mga mata, unti-unting nakasanayan ang manipis na liwanag na pumapasok mula sa bintana ng hotel room. Ang unang tanaw niya ay ang mukha ni Leandro, nakahiga sa tabi niya, payapang natutulog sa unang pagkakataon matapos ang maraming araw na pagod at kalungkutan.

Marahan niyang pinagmasdan ang binata. Ang maamo nitong mukha, ang pilik-mata na bahagyang gumagalaw sa bawat paghinga, at ang mga labi nitong bahagyang nakabuka. Noon lang niya natanaw si Leandro na ganito kapayapa, walang bigat ng responsibilidad, walang maskara ng pagiging propesor na laging matatag at kontrolado.

Parang bata lang siya kapag natutulog, naisip ni Isobel habang pinipigilan ang ngiti.

Hindi niya alam kung anong oras nakatulog si Leandro kagabi. Ang huli niyang natatandaan ay nakadantay ito sa balikat niya, at ramdam niya ang bigat ng lahat ng emosyon nitong bumuhos. Sa huli, pinili niyang manatili roon—hindi para sagutin ang lahat ng tanong
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 18 (SPG)

    [SPG Reminder]: Ang chapter na ito ay naglalaman ng mature scenes. For 18+ readers only.PAGBAGSAK nila sa kama, parehong humihingal sina Leandro at Isobel. Pero hindi pa tapos ang init na nagliliyab sa pagitan nila. Ramdam ni Isobel ang mabilis na tibok ng puso niya habang nakahiga sa tabi ni Leandro. Mainit ang balat nito, mabango, at may halong amoy ng lalaking kanina pa niya ninanais.Marahan siyang bumangon, nakatingin sa lalaking nakahiga. May kakaibang apoy sa mata ni Leandro—parang pinipigil ang sarili, pero ramdam niyang kahit kailan ay bibigay din ito.“Leandro…” bulong ni Isobel, halos pabulong lang, pero sapat para mapalingon siya rito.Umupo si Leandro, pero hindi pa niya inaasahan ang susunod na ginawa ni Isobel. Hinawakan siya nito sa balikat at marahan siyang itinulak pabalik sa kama. Siya na mismo ang umibabaw, ang mga mata ay kumikislap sa determinasyon.“I want to do this,” mahina pero mariing wika ni Isobel. “Ako naman ang mauuna.”Hindi nakagalaw si Leandro nang d

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 17 (SPG)

    TAHIMIK ang loob ng kotse habang binabagtas nila ang kalsada mula campus. Ang malamlam na liwanag ng city lights ay dumaraan sa windshield, lumulutang sa mukha ni Leandro. Parehong nakasindi ang stereo ngunit naka-mute, kaya’t tanging ugong ng makina ang bumabalot sa kanila.Si Isobel naman ay hindi mapigilang magsalita. Wala siyang gustong iwanang puwang sa pagitan nila. Kaya kahit anong pumasok sa isip niya, sinasabi niya agad. “Leandro, grabe, nakita mo kanina yung nag-cut sa’yo sa traffic? Ang kapal, no? Kung ako siguro nag-drive, baka sinigawan ko na siya.” Napahagalpak siya ng tawa, pero nanatiling seryoso si Leandro, nakatutok ang tingin sa daan.“Leandro… sabi nila, kapag tahimik daw ang driver, ibig sabihin nag-iisip ng malalim. Totoo ba ‘yon? Kasi parang ang lalim ng iniisip mo ngayon.” Nakalingon siya rito, sinisilip ang bawat piraso ng ekspresyon sa mukha nito, pero walang gaanong clue ang makuha.Nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Ano kaya iniisip mo? Baka naman ako? Kasi

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 16

    MADALING-ARAW pa lang ay gising na si Isobel. Mahina niyang binuksan ang mga mata, unti-unting nakasanayan ang manipis na liwanag na pumapasok mula sa bintana ng hotel room. Ang unang tanaw niya ay ang mukha ni Leandro, nakahiga sa tabi niya, payapang natutulog sa unang pagkakataon matapos ang maraming araw na pagod at kalungkutan.Marahan niyang pinagmasdan ang binata. Ang maamo nitong mukha, ang pilik-mata na bahagyang gumagalaw sa bawat paghinga, at ang mga labi nitong bahagyang nakabuka. Noon lang niya natanaw si Leandro na ganito kapayapa, walang bigat ng responsibilidad, walang maskara ng pagiging propesor na laging matatag at kontrolado.Parang bata lang siya kapag natutulog, naisip ni Isobel habang pinipigilan ang ngiti.Hindi niya alam kung anong oras nakatulog si Leandro kagabi. Ang huli niyang natatandaan ay nakadantay ito sa balikat niya, at ramdam niya ang bigat ng lahat ng emosyon nitong bumuhos. Sa huli, pinili niyang manatili roon—hindi para sagutin ang lahat ng tanong

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 15

    NAPALINGON si Isobel, at parang biglang nanlamig ang dugo niya nang makita kung sino ang nakatayo ilang metro ang layo. Nakatitig si Leandro sa kanila—hindi galit, pero ramdam niya ang bigat ng damdamin nito.“Leandro…” mahina niyang wika, halos hindi marinig ni Adrian.Agad na tumayo si Adrian at ngumiti, parang walang alam sa tunay na sitwasyon.“Ah, siya siguro ang professor na sinasabi mo, Isobel?” nakangiting tanong niya.Bumaling siya kay Leandro at inabot ang kamay. “Hello po, I’m Adrian. Friend ni Isobel. Just came back from the States.”Tahimik lang si Leandro, hindi tinanggap ang kamay agad. Saglit niya itong tinitigan—matangkad, well-dressed, at halatang may confidence na hindi madaling talunin. Sa huli’y tinanggap ni Leandro ang handshake, pero mahigpit.“Professor Leandro Salazar,” tipid na pakilala niya. “Nice to meet you.”Ramdam agad ni Adrian ang bigat ng titig ni Leandro, pero ngumiti pa rin ito. “I hope to see more of you, Sir. Since pareho tayo ng campus, for sure

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 14

    MAINIT ang sikat ng araw nang araw na iyon, ngunit ramdam ni Isobel ang lamig na bumabalot sa kanya. Parang kahit anong init sa paligid, hindi nito matabunan ang lungkot at bigat na nasa dibdib niya. Dalawang araw na siyang halos hindi nagpapakita kay Leandro. Hindi siya umuuwi sa condo nila, at sa halip ay nanatili sa isang hotel na malapit lang sa campus. Kahit paulit-ulit siyang tinatawagan at tine-text ng lalaki, nanatiling tikom ang kanyang bibig at sarado ang kanyang puso.Ayaw niya munang makita si Leandro. Ayaw niyang bumigay sa yakap at boses nito, baka isang titig lang muli ng mga mata ng lalaki ay bumigay na siya at makalimutan ang sakit na nakita niyang halik mula sa ibang babae. At iyon ang ayaw niyang mangyari: ang maging bulag sa katotohanan.Kaya naman sa mga klase niya, kadalasan ay nagtatago siya sa library. Doon siya nagbababad kasama ng mga kaibigan niyang si Ana at Krisha. Wala namang alam ang mga ito sa tunay na nangyayari. Tuwing nagtatanong sila kung bakit para

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 13

    MABIGAT ang pakiramdam ni Isobel buong maghapon. Simula nang makita niya sa garden si Leandro at ang bagong guro, hindi mawala ang mga tanong sa isip niya. Ano ba ang meron doon? Bakit parang ang gaan ng usapan nila? At bakit parang mas masaya ang ngiti ni Leandro habang kausap ang babae? Hindi naman siya selosa sa normal na paraan, pero dahil lihim ang relasyon nila, mas madali siyang tamaan ng alinlangan.“Siguro, professional lang… baka nagtatanong lang ng tungkol sa klase,” bulong niya sa sarili habang nakatingin sa libro niyang bukas pero wala naman siyang naiintindihan sa binabasa.Paulit-ulit niyang iniisip na baka siya lang ang nagiging overthinker. Pero kahit anong pilit niyang i-justify, may parte ng puso niyang kumakabog—parang may nagbabadya.Nang matapos ang klase, halos wala siyang ganang makipag-usap sa mga kaklase niya. Nagpaalam siya agad sa mga kaibigan at dumiretso sa faculty room para hanapin si Leandro. Ngunit hindi niya ito nadatnan doon. Kaya nagpasya siyang bum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status