Sortitus POV"Bababaan ko ang parusa niya kung itatanggi mo s'ya pero kapag nagmatigas ka alam mo na kung saan ang kahahantungan ng fated mate mo.""D-Dont..." pagtutol ko."Yes. Gusto mo ba? O ako na ang magdedesisyon para sa iyo, mahal kong alpha!"Lumiyab ang mata ko, lumunok at sumara ng maigting ang panga't lumitaw ang mga ugat dito maging sa pareho kong kamay. Hindi ko namamalayang dumiin na pala ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa braso ni Heres. Humakbang paabante si Arnela upang ako'y dukutin nang sumenyas si Heres dahilanan nitong umaatras itong muli."W-Why are you doing this?! I married you and I love you so much," basag kong bulong na sapat na ito upang marinig niya."Yes! And I love you too deeply."Mahigpit niyang hinawakan pabalik ang kamay ko sa kaniyang braso at ramdam ko ang init na nagmumula sa palad nito. Matalim na tinitigan nito ako bago niya hinagod paalis sa kanyang balat ang kamay ko.Hindi na niya hinintay pa ang aking sagot nang biglaan na itong humarap sa
Clavem's POV"Servant, you look familiar?"Nagmadali ako nang lakad para maiwasan ang babaeng tila'y nakakakilala sa 'kin.BOOM!Sa labis na pagmamadali ay hindi ko na namalayan ang pagkabunggo sa isang matangkad at nakasuot ng mahabang telang mamahalin. Mabilis kong itinago ang aking mukha. Isang kasapi ng konseho ang nakabungguan ko."Watch out!" lisik nito.Hindi ako nagsalita baka ako'y kaniyang mabosesan.Agaw pansin din kasi niya ang aking gintong orasan nang mailagay sa 'king bulsa matapos kong pulutin sa pagkakahulog.Nanatiling tahimik at itinikom ang bibig. Dumiretso ako ng aking paglalakad."Hinto!"Nanatiling walang kibo ang aking tugon. Ilang sandali pa ay walang pag-aalinlangan akong nilapitan muli ng lalaki.Pailalim kong iginilid ang aking mukha nang papalapit ng dumampi ang kanyang kamay sa pirasong itim na tela na nakasuot upang matakpan ang kalahati ng aking kabuuang mukha."Why do you hide your face, servant?! Are you ugly or .... " nalilitong natigilan ito, "Isan
Clavem's POVTinanggal ko ang aking takip sa bibig upang makahinga ng maluwag tutal wala namang ibang taong-lobo sa paligid kaya't hindi ako mahuhuli.Napaawang ang labi ko sa natuklasan ko sa larawan. Isang mistisang babae sa ilalim ng paglubog ng araw. Hinalikan siya sa pisngi ng dating hari, ang ama ni Heres. Subalit punit ang bahaging mukha ng babae sa larawan na siya ko namang pinagtakhan. Isa pang nagpadagdag sa aking pagdududa at pagtatakha ay nang makita kong dilaw ang kasuotan ng babae dahil nakakatiyak akong nasusuyam ang reyna sa ganitong kulay, at isa pa hindi mistisa ang reyna, siya'y morenang buo.Pagkatalikod ko sa litrato ay nakita ko ang dugong nakaukit sa mga letrang iyon."Sheila."Hindi sa tao ang dugo kun'di sa kapwa lobo.Nang mabasa ko ito ay nag-iba bigla ang timpla ko at hindi maganda ang kutob ko. Ano ba ang ugnayan nitong larawan na ito sa kaso ko? Isa ba itong ebidensya na maaari kong magamit upang mabigyan ng hustisya ang reyna at malinis ang pangalan ko?
Sortitus POV "Good Morning, Sir." Ito ang bungad ng lahat sa akin pagkapasok ko ng Hanton (soap) Procter & Gamble Manufacturing Company. Ang kumpanya na itinayo pa noong 1778 ng aking mga ninunong lobo. "Sir, mero'n po kayong meeting kay Mr. Fernandez mamayang 12:50 PM." "Lunch naman po sa Chicago restaurant mamayang 11:00 AM with Mr. Lorenzo." "Golf with Mr. Villaflor later at exact 4 PM." "And lastly quarterly result in stock market sa board meeting po today." Sunod-sunod na pagfollow-up ng iskedyul ni Lia, ang aking sekretarya, habang patuloy lang ang paglalakad ko sa Commercial Building Hallway. Sumenyas ang bago kong Beta na si Brent, ang kapalit ng taksil kong kaibigang Beta, na personal bodyguard ko naman sa mundo ng mga tao sa mga taong nakasakay at sardinas kung magsisiksikan sa Elevator para sila'y paalisin at maluwag kaming makapasok ng aking mga kasama. 'I don't like crowded places.' "P-Pasensya na po, Mr. CEO." Paumanhin ng lahat saka nagsilabasan sa Elevator.
Sortitus POV "Also, better to change the packaging and the title of the product. Hindi siya kaakit-akit sa mata!" Nag-isip ako ng malalim. "Change the package into white and mixture of gold. And change the name into lavemder soap." Everyone froze because of my in-demand command and all the members in this room were furrowed. _ _ "Hindi ko nagustuhan ang ikinilos mo kanina, Heres." Hindi siya sumagot at patuloy lang sa paghiwa ng kaniyang manok sa plato. "Your phone is ringing, won't you answer it?" malamig kong sabi dito. Hindi niya pinansin ang pagtunog ng kaniyang phone at tila'y wala ito sa sariling naka-focus lang sa kaniyang pagkain. Pinunasan ko ang aking bibig kahit wala namang mantiya dahil sa pagpipigil kong magsalita na baka kung ano pang salita ang lumabas sa aking bibig na tiyak kong maaari pa niyang imasama. "Mommy!" Pagsalubong ng halik sa pisngi ni Menandro kay Heres. Mula pa kaninang kinakausap ko ito'y hindi siya sumasagot at nang dumating lang ang batang ito
Sortitus POV"What happened to your arm?"Pag-aalalang tanong ni Lucio sa akin nang padabog kong isara ang pintuan ko sa aking silid. Si Lucio ang nakababatang kapatid ko na ngayo'y permanenteng nakikitira sa aking mansyon sa labas ng kagubatan at malayang nakikihalubilo sa mga tao simula pa no'ng pumanaw ang aming ama ay hindi na ito nahiwalay pa sa akin."Bakit 'andito ka sa aking silid?!" sikmat ko sa kanya habang iika-ika akong maglakad.Naalarma itong tumugon. "-May hinahanap lamang po akong cord. Pero ayo---" hindi na natapos ang kanyang pagsasalita nang dumaing ako sa sakit.Nagmarka ang labis na pagkapilipit at namamaga kong katawan. Tuloy-tuloy na pagdalos ng dugo sa pisikal kong pangangatawan mula ulo hanggang paanan.Mabilis naman akong inalalayan ni Lucio at dahan-dahang inakay pasandal sa 'king kama."Aurghhh!" daing ko nang aksidenteng natamaan ni Lucio ang pinakamasakit na parte sa 'king kaliwang tagiliran, nang kanyang tinanggal ang unan na nakasuporta sa aking likod.
Sortitus POVPinuntahan ko ang maysakit na bata kasama ko ang kanang kamay kong si Brent at ang ginang na nakikiusap para sa buhay ng kanyang anak.Nagsiluhod ang lahat at nagbigay pugay sa aking pagdalaw."A-Anak... 'a-andito na si nana," nangangatal nitong bigkas. Mapait na ngiti ang ginawad ng isang ina sa nanghihinang anak.Hinalikan at maingat na hinaplos ng ginang ang ulo ng kanyang anak. Nasilayan ko ang labis na pag-ibig nito para sa anak niya na kahit ni-minsan ay hindi ko naranasan ang kalinga at ang kanlungan ng pagmamahal ng isang ina."Gagaling na ang anak ko..... tutulungan tayo ng Hari," masayang bulong niya sa anak. Gumuhit ang labis at walang katapusang ligaya sa mga mata ng batang babae.Lumingon sa akin ang munting lobo. Namumutla at hinang-hina. Namamaga, nangingitim ang pinakaduluduluhan ng mga mata at maugat-ugat na mamulamulang loob-looban nito. Mga labi niyang tuyong-tuyo at bumabakbak. Mga balat nitong puno ng galis at tigsa. Ang buhok niya ay napupuno ng bala
Sortitus POV Wala akong nagawa upang maibsan ang lungkot at pighati sa pagluluksa ng mga kaaanak na namatayan. "It's not your fault, Alpha King." Iyan ang mga salita sa akin ni Brent. Subalit bali-baliktarin man ang mundo, nasa katwiran si Fortis. Kasalan ko. Inilibot ko ang mata ko sa labas ng aming kaharian ni Heres. Sa labas kung saan nakahandusay ang malamig at walang buhay na bangkay ng mga mandirigma. Mga sundalong sinamahan akong lumaban. Pero imbis na ang mga kaaway ang naubos, kami ang nauubusan. Sa loob ng maraming taon ay napakailap mahuli ng mga kalabang hindi nagpapahanap. Unti-unti kaming nauubos ng dahil sa kanilang pagpatay at pagkain ng buhay sa kapwa nila lobo. Sila'y mga hayop na hayok sa laman at dugo ng kapwa lobo. Mga lobong nawala sa kanilang katinuan at kalinisan na nagawang kainin ang sarili nilang kauri. Bumuga ako ng malalim na hangin at itiniklop ang aking palad sa pagtitimpi. Gusto kong umiyak, pag-iyak na may halong panggagalaiti. Batid kong hindi da