Share

18.Rescue

Third POV

Eksaktong dalawang linggo ay si Raj ang mismong namahala sa ginawang shipment ng mga armas na in-order ng kliyenteng si 'Lester'. Inaasahan niyang makakaharap niya ito pero mga tauhan lamang nito ang dumating para kunin ang mga kargamento. Pagkatapos nito ay kinatagpo rin niya ang ilang kilalang personalidad sa pulitika para pag-usapan ang mga detalye ng nais nilang armas. Sa mga ganitong usapin ay si Raj mismo ang humaharap at nakikipag-usap sa mga kliyente. Lalo na kapag malalaking tao. Dito rin niya napapakinabangan ang malawak na kaalaman niya sa mga armas.

Sa takbo ng kaniyang nasimulang negosyo ay hindi malayong mangyari namahigitan na niya ang yaman ng pamilya ng kaniyang ama. Siguro naman ay magiging proud na ang pamilya sa kaniya. Sa isiping iyon ay hindi mapigilan ni Raj ang mapabuntong hininga. Malapit na naman niyang makita ang itinuring niyang pamilya mula pagkabata. Ang pamilyang hindi tumanggap sa kaniya, ang pamilyang itinuring siyang iba. Ang pamilya ng kani
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status