เข้าสู่ระบบPINIGIL ni Faith na huwag kapain ang tapat ng dibdib. Ramdam niya roon hindi lang basta ang malakas at mabilis na tibok ng puso kundi isang matinding kirot.Ang sakit na iyon ay hindi tulad nang dati na tila mahinang kurot at agad ding nawawala. There is something wrong with her. Or maybe, the situation itself.Maraming beses na niyang nakakasama si Ponce. They have been closer just like now. But the way he stares at her makes her heart fluttered."Okay ka lang?""Ha?" Natuliro siya. Hindi niya alam ang isasagot sa sandaling pagkawala sa sarili dahil sa lalim ng kanyang iniisip. "Uhm, yes!" tanging nasambit niya na agad niyang sinundan ng pag-iwas ng tingin."Hindi ka pa naman in-love sa akin, 'di ba?"Naramdaman ni Faith ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. She cannot hide it, but she can deny it. "Never."Mahinang natawa si Ponce."I'm serious.""And that makes you hilarious. You have never been serious before when you're with me.""Hindi nga?""You're always clingy and flirty.""Th
NAGKAROON din naman ng lakas na ibuka ni Ponce ang bibig niya matapos ang sandaling pananahimik habang titig na titig kay Faith. Pero wala ring salita na lumabas doon.Kung alam niyang si Fate iyon, hindi uusad ang isang segundo na hindi niya sasalungatin ang sinabi nito. But somewhere in his heart, he got excited. As if he longed to hear those words."Boyfriend mo siya?" paniniguro ni Dudz."Hindi nga?" segunda naman ni Let na nagpalipat-lipat pa ang tingin sa dalawa. "Sir Ponce- ""Save me," pabulong nito sa binata.Kahit mahina lang ang naging pagbigkas ni Faith, malinaw naman niya iyong nabasa sa pagkibot ng labi nito.Napatikhim muna si Ponce bago niya itinuon ang tingin kay Dudz. "I'm her boyfriend. May problema ba roon?""So, ikaw 'yong lalaking matagal niyang minahal at hinintay na mahalin din siya in return?"Muling napatikhim si Ponce. Lying is really not his forte. "Yes. I finally realised na matagal na pala siyang espesyal sa akin.""That makes me curious. I looked better
"WELL..."Pasimple niyang pinagalitan ang sarili dahil sa pagkakadulas uli ng kanyang dila. She's not still used to it.Kahit ilang buwan na siyang nasa katawan ni Fate, madalas pa rin na nawawala sa kanyang isip ang mahirap na sitwasyon niya."I'm really trying na maging masinop at praktikal. Pero tama ka, Let.""Ano pong itinama ko, Señorita?""Mas maganda ngang tingnan ang mga gamit kapag bago at walang sira."Umiwas si Faith sa mainit na tingin sa kanya ng binata. Tila kasi may inaaninag na naman ito sa kanyang mga mata tulad noong mga nakaraang araw."Tumawag ka sa furniture shop at um-order ka nang mga bagong gamit. Humingi ka rin sa kanila ng insurance.""Insurance?""Dapat lang na mayroon silang insurance sa mga gamit nila dahil madaling mabasag at masira.""Masisira at mababasag talaga ang mga iyon dahil ibinabalibag niyo sa tuwing may sanib kayo."Napasulyap si Faith kay Ponce na hindi inaalis ang kanina pa nitong tingin sa kanya. Lalo tuloy siyang nakakahabi ng mga kasinun
"BAKIT kailangan pa natin siyang isama?"Napasulyap naman muna si Let sa tao na tinukoy ni Faith na nakasunod lang sa kanilang likuran. "Kapag po kasi marami mas mapapabilis ang trabaho natin.""Flexible ako. At malakas. Baka hindi mo alam na dati akong athlete?""Wala po akong nakita sa mga picture mo mula pagkabata na naging athlete ka."Saka lang naintindihan ni Faith ang sinabi ni Let nang sumakit na naman ang kanyang dibdib. Ang nakaraang buhay pala niya ang tinukoy niya."Ang sabi po ng Mama niyo, nahilig ka lang sa car racing nang malaman mong hilig ni Sir Ponce ang panonood ng Formula 1."Alam niya ang binanggit ni Let. It's a motorsports that entails high-speed action, advanced technology, and skilled driving.Magkaiba sila ni Fate. Wala siyang hilig sa mga extreme sports lalong-lalo na sa nakakahilong takbuhan ng mga sasakyan."Ang gusto mo lang noon ay mag-shopping, gumimik at maglustay ng pera. Sana all.""Hindi na ako ganyan ngayon.""Sandali..."Tumigil sa paglalakad ang
HALOS isa-isahin ni Faith ang pagbubukas sa mga pinto ng mga sasakyan na nasa garahe habang nakabaliko ang likod upang maitago ang sarili."Tsk! Kahit makapasok ako sa loob, wala naman pala akong susi. At hindi rin ako marunong mag-drive."Naghanap pa si Faith nang puwede niyang pagtaguan. Mayroong malalaking kabinet sa garahe, pero punong-puno iyon ng mga tools."Saan ba ang mga ito? Bakit ang dami namang mga abubot dito?"Napatingin siya sa nakasabit na dalawang mountain bike sa dingding."May kunting alam naman ako sa pagpedal. Pero saan ako pupunta? Haist! Bahala na nga."Inabot ni Faith ang bike na nasa mababa lang na sabitan. At nadismaya siya nang mapisil niya ang mga gulong. Pareho iyong malambot."Kung minamalas ka talaga!"Nakahanap naman siya nang air pump. But it will take time na malagyan ng hangin ang parehong gulong. At baka bago pa man ito maayos ay nahanap na siya.Napatingin si Faith sa roll-up door ng garahe. Kapag itinaas niya iyon, siguradong maingay. Mayroong mal
HINDI nag-alarm si Faith, pero maaga pa rin siyang nagising. At nakapag-umpisa na siya sa paghahanda ng kanyang sarili bago niya naisip na Sabado at wala pala siyang pasok."Napadami yata ang kinain ko kagabi kaya na-excite akong gumising. Jeez! Ano namang koneksiyon ng tiyan ko roon?"Naisuot na ni Faith ang damit na ipampapasok sana niya sa trabaho. Hindi na siya nagpalit pa dahil mamayang lunchtime naman ay may plano siyang pumunta sa mga Avila. Para isang effort na lang siya. Nakapag-makeup na rin kasi siya."Bakit nagugutom pa rin ako? Haist! Akala ko diet ang babae na ito?"Natuon ang tingin ni Faith sa repleksiyon sa salamin. There is no commotion in there. Ibig sabihin, wala roon si Fate."Is she gone for good?"Nakaramdam nang lungkot si Faith. And she doesn't like that feeling. Natupad nga ang mga pangarap niya, pero may isang buhay ang maisasakripisyo o naisakripisyo.Hindi pa man niya alam ang final outcome, nagdudulot na iyon sa kanya nang samu't sari na emosyon."But wha
"MANONG, just stay there."Napatigil naman sa akto na sanang paglabas sa sasakyan ang driver na naghatid kay Fate sa kompanya ng Boston. "H-Ho?""I can manage. May mga kamay naman ako.""Uhm, sige po."Nagtatakang sinundan ng tingin ng driver ang paglabas ni Fate nang hindi na pinagbuksan ng pinto
NASA harap na ng pinto ng opisina ni Ponce si Fate nang bumalik ito sa mga kasama. Abala na ang lahat sa kanilang mga trabaho."Hhmmm!" tikhim nito."Miss Fate, may kailangan ka pa?""Well, you know, after a heavy meal, mas maganda siguro if we can have a tea. What do you think?""Miss Fate, workin
"KUMUSTA ang pakiramdam mo, hija?""Malakas na po ako, doc."Sinadyang pasiglahin ni Faith ang tinig upang makumbinse niya ang doktor na siya ay pauwiin na. Umabot siya ng tatlo pang linggo mula nang sabihin niya na gusto na niyang lumabas ng ospital at umuwi ng bahay."Good. Your fast recovery is
"YOU'RE okay, bro?"Mula sa pakikipagtitigan ni Ponce sa kawalan ay napukaw ang naglalakbay niyang diwa sa pagdating ni Matthew.Umayos siya ng upo sa mahabang sofa sa living area ng opisina ng kanyang kaibigan. "Pardon?""Ang layo ng tingin mo. Sino ba kina Trixie at Fate ang nasa isip mo?" tudyo







