"Sige na po, Aling Maring. Kahit dalawang itlog lang po at dalawang noodles.""Bakit ba ang kulit mo? Sinabi nang hindi na muna ako magpapautang sainyo dahil ang haba na nang listahan niyo!""Pasensiya na po. Inuuna po kasi namin ang mga gamot ni Ate Faith.""Hindi ko na iyan problema!""Bigyan niyo na. Ako nang magbabayad. Isama niyo na ang lahat nang utang nila."Napatingin si Thea sa tumabi sa kanyang babae. "Ate Daisy!""Kumusta na ang Ate mo?""Okay lang po. Kailan ka pa po dumating?"Naglabas ito ng pera sa pitaka at inabot sa tindera. "Kaninang umaga lang. Bisitahin ko si Faith mamaya. May nilakad kasi ako kaya medyo pagod pa ako. Magpapahinga lang muna ako.""Sige po.""Aling Maring, kung kulang pa iyan, sabihin niyo na lang sa akin mamaya." Bumaling ito kay Thea, "Dagdagan mo na ang kukunin mo. Ako nang bahala.""Salamat po, Ate Daisy."Nakangiting sinundan ng tingin ni Thea ang papalayong babae. Isa ito sa mga malapit na kaibigan ng kanyang kapatid na ilang taon ding nanirah
Last Updated : 2025-12-27 Read more