CeelinPagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita kong nasa sala sila Mommy at Lucy. Agad na lumapad ang ngiti ng huli nang makita ako."You didn't come home last night, Ceelin. Mukhang nag-enjoy ka masyado kagabi," nakangising kausap niya sa akin. Mahigpit na ikinuyom ko ang aking mga kamao. Nilapitan ko siya at walang salitang binigyan ng malakas na sampal."Are you crazy, Ceelin?!" Galit na napatayo si Lucy at tinapunan ako ng matalim na tingin."How dare you slap my daughter!" galit na sita naman sa akin ni Mommy. She speaks like Lucy was just her daughter while I'm not. "Ano ang ginawa niya para sampalin mo siya?" "What's going on here?" tanong naman ni Daddy na lumabas galing sa study room. Narinig siguro nito ang malakas na boses ng dalawa kaya ito lumabas.Nagpapaawang lumapit si Lucy kay Daddy. "Dad, Ceelin slapped me. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa kanya," sumbong nito.Galit na hinarap ako ni Daddy at sinampal. "Ungrateful, woman! Pinakain at pinatira ka sa bahay
CeelinAng kaibigan ko lamang ang inaasahan kong magliligtas sa akin. Lihim akong nananalangin na sana ay bumalik na siya mula sa comfort room. Nabuhayan ako ng pag-asa nang marinig kong bumukas ang pintuan. Ngunit sa halip na si Yvee ang pumasok ay ang madilim na mukha ni Phil ang aking nakita. Agad na sinipa nito ang lalaking nakadagan sa akin at galit na galit na inundyan ito ng walang humpay na suntok. Kung hindi lamang nawalan ng malay ang lalaki ay hindi pa hihinto sa Phil sa pagsuntok sa kanya.Tahimik akong umiyak at sumandal sa upuan habang naka-ekis sa dibdib ko ang aking mga braso. Nilapitan ako ni Phil at niyakap ng mahigpit. Mas lalo akong napaiyak dahil sa seguridad na naramdaman ko. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa kanyang mga bisig."It's okay. I'm here. You're safe now," narinig kong bulong niya sa likuran ng tainga ko bago ako nawalan ng malay.Nang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng isang silid. Akmang babangon na ako nang bumukas ang pintuan ng silid at
Ceelin"Take a little sip, Ceelin. For the first time ay sumama ka sa akin na mag-bar kaya sulitin mo na. Baka sa susunod ay hindi ka na makapunta pa rito," pamimilit sa akin ng nag-iisa kong kaibigan na si Yves. Tinawagan niya ako kanina at niyayang mag-bar. Pinaunlakan ko ang imbitasyon niya dahil noon palagi akong tumatanggi sa kanya. Natatakot kasi ako na mapagalitan ng mga magulang ko kapag nalaman nilang nag-hangout ako with my friend."Okay, fine. Pero konti lang. Hindi pa ako nakakatikim ng alak kaya hindi ko alam kung gaano kalakas ang tolerance ko sa alak." Gusto ko rin naman makatikim ng alak. Uminom ng alak at kung ano ang pakiramdam ng malasing. Gusto kong maranasan ang maging isang normal na tao kagaya ng iba. Dinampot ko ang baso ng wine at nilagok lahat. "Wait, Ceelin," pigil sa akin ni Yves. Ngunit huli na dahil inisang lagoo ko lang ang wine. Inihit ako ng ubo nang maramdaman ko ang mainit na likidong dumaloy mula sa lalamunan ko pababa sa tiyan ko."What the heck
CeelinMagaan ang dibdib ko habang naglalakad ako palabas ng Diamond Hotel, ang seven-star hotel na pag-aari ng mga Salvatore. Masaya ako sa kinalabasan ng evil plan ng ama ko. Kahit batid ko na pag-uwi ko sa bahay ay sasalubungin ako ng matinding galit ng pamilya ko ay hindi pa rin iyon nakabawas sa kaligayahang nararamdaman ko. My father's plan didn't succeed. "Ceelin! Sandali lang!"Nasa labas na ako nang hotel na g marinig ko ang boses na iyon na tumawag sa akin. Huminto ako sa paglalakad at nakakunot ang noo na lumingon ako. Tumaas ang kilay ko nang makita ko si Phil na palabas ng hotel."Bakit?" seryoso ang mukha na tanong ko kay Phil nang makalapit siya sa akin. "I'm sorry about what I did earlier. I thought you were like other women—""Hindi lahat ng babae ay gusto kang maging asawa, Mr. Salvatore," sagot ko sa kanya. Ayokong marinig ang iba pa niyang sasabihin kaya pinutol ko ang kanyang mga salita. "At huwag kang mag-alala dahil hindi ako interesado sa'yo."Isinuklay n
CeelinHindi ko matanggap na mauulit pa rin sa pangalawa kong buhay ang nangyari sa akin in my past life. Agad akong bumangon sa kama para isuot ang mga damit kong nasa ibaba ng kama. Kailangan kong makalabas sa silid na ito bago pa man dumating ang mga magulang namin ni Phil at pilitin kaming ipakasal sa isa't isa.Tapos na akong magbihis at inaayos ko na lamang ang nagusot kong buhok nang bigla namang nagising si Phil. Agad na lumarawan ang galit sa mukha nito nang makita ako at ang sarili nito. Nilapitan niya ako at sinakal."You shameless, woman! You drugged me and brought me into this room! You did this so I could marry you, right?" Nag-iigting ang mga ugat sa leeg ni Phil sa matinding galit. "Huwag mong isipin na pakakasalan kita porke't may nangyari sa ating dalawa. I will never marry a woman like you!"Pinilit kong alisin ang mga kamay nitong nakasakal sa leeg ko. Ngunit parang bakal ang mga kamay nito at kahit anong gawin ko ay hindi ko ito magawang alisin. Nahihirapan na ak
CeelinPara maiwasan na magtagumpay ang maitim na binabalak ng aking ama na eskandalo sa pagitan namin ni Phil ay nagmamadali akong tumakas sa venue. Nasa fifth floor sa malawak na event hall ng seven star hotel na iyon ang venue kaya sumakay ako ng elevator pababa. Ngunit pagbukas ng elevator ay tumambad sa paningin ko ang nakangiting mukha ng aking ama kasama ang ama ni Phil."Where are you going, Ceelin?" tanong sa akin ni Daddy na biglang sumeryoso ang mukha nang makita ako. Nahuhulaan yata nito ang binabalak kong paglabas ng hotel.Kung dati ay kinakabahan agad ako sa takot kapag nakikita kong seryoso ang mukha ng Dad ko ngayon ay hindi na. Ang mabigyan ng pangalawang buhay ang siyang nagbigay sa akin ng tapang."Uuwi na ako, Dad. Biglang sumakit ang ulo ko," pagdadahilan ko sa kanya. Tumalim ang tingin niya sa akin na may halong pagbabanta."Is she your eldest daughter, Delfin?" nakangiting tanong ng ama ni Phil sa aking ama."Yes, Mr. Salvatore. Her name is Ceelin. Twenty years