"Why are you here?" Nagtatakang tanong ni Zane at itinuro pa ang bahay ni Brett.
Napatingala si Thyra sa kaniya dahil mas matangkad ito. Maputi ito at unat ang buhok na may kahabaan gaya ng buhok ng mga Korean, at may kaunting bangs.
"Hey?" Iwinagayway ni Zane ang kaniyang kamay sa mukha ni Thyra.
"P-Pumasok ka muna."
Nauna siyang pumasok at hindi mapakali habang sumusunod si Zane sa kaniya.
"Now, you need to tell me what's going on," saad nito saka sila naupo sa sofa.
Huminga naman siya nang malalim.
"Dito ako nagtatrabaho," seryosong sagot niya.
"What? Don't tell me, you're my Tito's personal maid?"
Napakunot-noo si Thyra na tumingin sa kaniya.
"Ikaw 'yong pamangkin ni Sir Brett?"
Tumango naman si Zane at nahagip ng paningin niya ang ulo ni Thyra.
"Wait. What happened to your head?" Tanong nito nang makita ang inilagay niyang gasa.
"Naaksidente lang," walang ganang sagot niya.
"Are you okay?"
Naupo si Zane sa tabi niya at akmang hahawakan ang ulo ni Thyra, ngunit umusog siya.
"Bakit ka nandito?" Kunot-noong tanong ni Thyra.
"Inutusan ako ni Mommy to give this to Tito," sagot nito saka inilapag sa lamesa ang isang brown envelope.
Tumango-tango naman si Thyra.
"I didn't know na kaya mong maging maid kahit masungit ka," natatawang sambit ni Zane.
Tumayo naman si Thyra.
"Ikukuha kita ng maiinom."
"Sa bagay, parang sa'kin ka lang naman masungit," sabi ni Zane saka ngumiti.
Nag-roll eyes naman siya bago kumuha ng juice.
Hindi maiwasang mainis ni Thyra habang pabalik sa gawi ni Zane.
"Now, I have a reason para bisitahin si Tito," wika ni Zane saka uminom.
Sinamaan naman niya ito ng tingin.
"Huwag mo akong abalahin dahil nagtatrabaho ako."
Napangisi naman ito.
"Alam na ba nila sa school na you're working here? Dito sa isang bahay na kayo lang dalawa ni Tito," tanong niya at pinagkrus pa ang mga braso.
"Huwag na huwag kang magkakamali. Hindi lang ako ang mapapahamak kung sakaling malaman 'to ng mga kaaway ni Sir Brett. Alam kong alam mo ang nangyari sa kaniya."
Tumango-tango naman si Zane at hindi pa rin nawawala ang mapagbiro niyang ngiti.
"Well, hindi mo naman ako binabantayan lagi. Why not keep an eye on me?" Panghahamon nito.
Magsasalita na sana si Thyra pero may bumusina mula sa labas.
"It's your boss," pang-aasar ni Zane.
Lumabas naman agad si Thyra para pagbuksan si Brett.
"Damn it. The button's not working again," kunot-noong sambit ni Brett patungkol sa gate.
"S-Sir, nasa loob na po ang p-pamangkin niyo," kinakabahang sabi ni Thyra.
Naunang pumasok si Brett at sumunod naman siya.
Nanlaki ang mga mata ni Thyra nang makitang hawak ni Zane ang cellphone niya at vinivideo ang sarili.
Tumakbo siya saka inunahan si Brett papunta sa gawi ni Zane. Agad namang lumayo si Zane para kuhanan din siya. Tumatawa pa ito habang ginagawa iyon.
Naghabulan sila at nakakunot-noo namang nakatingin si Brett sa kanila. Nakuha ni Brett ang cellphone mula kay Zane at ibinigay kay Thyra.
Agad iyong ibinulsa ni Thyra at nagpunta sa tabi ni Brett.
"What are you doing with her? You are not in your own house," kunot-noong sambit ni Brett.
"She's my classmate, Tito," nakangiting saad ni Zane saka tumingin kay Thyra.
"Is that true?" Tanong ni Brett at tumingin sa kaniya.
"O-Opo."
"You're aware that I don't want others to know who works with me, right?" Baling ni Brett kay Zane.
"Yes, Tito," nakangiting sagot ni Zane, ngunit si Thyra ang tinitignan niya.
Tumango-tango naman si Brett.
"Maiwan ko po muna kayo, Sir," paalam ni Thyra para makapag-usap sila. Kumaway naman si Zane sa kaniya bago siya tumalikod.
Inabala na lang ni Thyra ang sarili sa pagdidilig ng mga halaman at kunot-noong iniisip ang mga ginawa ni Zane sa kaniya noon pa man.
Hindi pa man siya natatapos ay narinig niyang tinawag siya ni Brett kaya napapikit siya sa inis.
Agad siyang pumasok at ipinaghanda sila ng meryenda.
Naupo sila sa dining area na hindi nila masyadong ginagamit dahil sa kusina sila kumakain ni Brett sapagka't may table sila roon.
"Sit and eat with us," utos ni Brett at kumain ng carbonara.
Napakagat naman si Thyra sa pang-ibabang labi niya saka naupo sa tabi ni Brett at nakaharap siya kay Zane.
Nakatingin naman agad ito sa kaniya.
"I never imagined that I could eat with you, at dito pa sa bahay ni Tito."
Hindi naman siya umimik at nagsimulang kumain.
"Eat a lot, Ms. Sungit," bulong ni Zane at inilapit pa ang mukha nito saka nilagyan ng pagkain ang plato ni Thyra.
Napatigil naman siya at tumingin kay Zane na parang pinagbabantaan niya ito.
Natawa ito ngunit agad na napatigil nang makita niyang seryosong nakatingin si Brett sa kaniya.
"She never allows me to eat with her kasi, Tito," paliwanag niya.
Tumingin naman si Brett kay Thyra. Nakatungo ito at hindi nagsasalita.
Nakahinga siya nang maluwag nang magpaalam na si Zane.
"Ihatid mo siya sa labas," sambit ni Brett habang nakatingin kay Thyra.
Napangiti naman si Zane.
Nang makalayo sila sa gawi ni Brett ay binilisan ni Thyra ang paglalakad kaya hinabol siya ni Zane.
"Alam mo, sa amin ka na lang. You can be my personal maid. Hindi kita papahirapan. I know, he's not gentleman," nakangiting sambit nito saka humarang sa harap ni Thyra at naglakad nang patalikod.
"Wala akong pakialam," kunot-noong wika ni Thyra.
"He maybe rich, pero kulang siya sa pagmamahal. You know, ako, hindi ako magkululang sa'yo," sambit ni Zane saka niya kinindatan si Thyra.
Tumigil naman si Thyra sa paglalakad nang makarating sila sa tabi ng sasakyan ni Zane.
"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo. Alam mo kung ano'ng kulang sa'yo? Respeto," saad niya.
"Easy," sagot naman ni Zane at itinaas pa ang dalawang kamay habang tumatawa.
Hindi naman umimik si Thyra at nakatingin lang nang masama sa kaniya.
"See you again soon, or sooner," sabi ni Zane at inilapit pa ang mukha nito kay Thyra saka tinapik ang balikat nito.
"I thought, you're gone already."
Napalingon naman silang dalawa kay Brett na nakakrus ang mga braso.
"Pauwi pa lang po. Bye, Tito and Thyra. I'll visit you often," sagot naman ni Zane.
"You don't need to," wika ni Brett.
"Then I'll visit my classmate," baling ni Zane kay Thyra at may diin pa sa pagkakasabi niya ng 'classmate'.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Thyra.
Umalis na agad ito at napabuntong-hininga naman si Thyra.
Habang kumakain sila ng dinner ay napatingin si Thyra kay Brett at nabulunan siya nang mahuling nakatingin na ito sa kaniya. Agad siyang uminom ng tubig at umiwas ng tingin.
"Is Zane your boyfriend?" Diretsahang tanong nito.
Mabilis namang umiling si Thyra.
"Hindi po, Sir."
Tumango-tango naman ito.
"I heard na he's a womanizer, pero hindi ko akalaing gano'n siya maging papansin."
Natawa naman si Thyra ngunit agad niyang pinigilan nang maisip niyang pamangkin pa rin iyon ni Brett.
"Don't you like him?" Tanong ulit ni Brett.
Nag-angat siya ng tingin.
"Hindi po."
"He has a handsome face, and comes from a good family," wika ni Brett saka uminom ng tubig.
"Hindi ko po siya type."
Nagtaas naman ng dalawang kilay si Brett na parang hindi inasahan ang narinig.
"I-I mean, hindi ko po siya gusto," dagdag naman ni Thyra.
"He's also rich—"
"Iyong family niya po ang mayaman, at hindi po ako gold digger," kalmadong saad ni Thyra saka kumain.
Napatigil si Brett ngunit tumango-tango siya nang maintindihan ang sinabi nito.
"He's not good to you, right?"
Nag-angat naman ng tingin si Thyra.
"Mayabang po siya," sagot niya at walang bahid ng pagsisising sinabi niya iyon.
"I know."
Tumango-tango naman si Thyra.
"And you're afraid na baka ipagkalat niya na isa kang katulong dito?"
Umiling naman siya.
"Hindi po. Kilala naman po niya kayo. Hindi siguro siya gagawa ng ikakasama ng pangalan niyo."
"Let's see," wika ni Brett.
Hindi naman umimik si Thyra.
Habang kumakain ay napatingin siya kay Brett na seryosong kumakain.
‘At least nag-uusap na kami.’
Umiling-iling siya nang mapatingin sa bibig ni Brett at naalalang dumampi iyon sa bibig niya.
"Hey."
"Hey!"
Napalingon si Thyra habang naghuhugas at tinatawag siya ni Brett.
"P-Po—"
Nanlaki ang mga mata niya nang pagharap niya ay magkalebel na ang mga mukha nila ni Brett at magkalapit.
Umatras siya kaya umayos ng tayo si Brett.
"I'm talking to you. Naging bingi ka na rin ba?" Kunot-noong tanong nito.
"S-Sorry, Sir, may iniisip lang. Ano po 'yon?"
Umupo naman ulit si Brett habang nakaharap sa kaniya.
"What year are you in college again?"
"Fourth year po, Sir."
"How many months is your OJT?" Tanong ni Brett saka pinagkrus ang mga braso.
Tinapos naman ni Thyra ang paghuhugas saka naupo.
"Buong first semester po. Two months po, tapos 'yong remaining month po is interview at pasahan po ng report, Sir," sagot niya.
Tumango-tango si Brett at umayos ng pagkakaupo.
"Bago magsimula ang OJT niyo, you'll quit from working here? And I still have three months with you before we hire someone again?"
"Ayoko po."
Napatigil naman si Brett at napakunot-noo.
"I mean, hindi po. Kung kaya ko po, at kung puwede po, magtatrabaho pa rin po ako rito."
"How?"
"Eight hours po ako sa hotel, and the rest na oras ay magtatrabaho po ako. Okay naman po sa aking magtrabaho hanggang gabi."
Hindi umimik si Brett at napakunot-noo habang nag-iisip.
"Kung ayos lang po sa inyo, ipagluluto ko po kayo nang maaga. Kapag may panggabi naman po akong duty, magtatrabaho po ako sa umaga."
"Panggabi? You have night shift?"
"Opo. May masasakyan pa naman po kahit ano'ng oras. Tsaka hindi naman po nila alam na sa inyo 'tong bahay na 'to," sagot ni Thyra.
Tumango-tango naman si Brett.
Nakangiting bumati si Thyra kay Brett nang pumasok ito sa kusina.
Agad niyang ipinagtimpla ng kape si Brett nang maupo ito.
‘I survived two weeks.’
"By the way, this is your first pay," wika ni Brett saka iniabot sa kaniya ang isang maliit na brown envelope.
"Thank you, Sir," nakangiting saad niya saka iyon inabot at ibinulsa.
"Surprisingly, nagtagal ka nang two weeks," komento ni Brett saka uminom ng kape.
"And more weeks with you, Sir," pabiro ngunit nakangiting sabi ni Thyra saka naupo sa harapan niya para kumain ng almusal.
"Cringe," walang ganang sagot naman ni Brett.
Natawa si Thyra saka siya umiling-iling.
Matapos magkape ni Brett ay nagpunta na ito sa poolside, at naglinis na rin si Thyra.
Naisip ni Thyra na ipagtimpla ito ng chocolate drink na sarili niyang paborito upang pasalamatan si Brett.
"Meryenda po, Sir," wika niya saka inilapag sa lamesa ang inumin at isang cupcake.
"I don't drink any sweet drinks," sambit ni Brett nang sulyapan niya ang dinala nito habang abala sa kaniyang laptop.
"Ah. Sige po," tila may bahid ng kalungkutan na sabi ni Thyra at akmang kukunin ulit ang mga iyon.
"Just leave it there," pagpipigil ni Brett sa kaniya.
Ngumiti naman si Thyra.
"Do you have anything else to say?" Tanong ni Brett at nag-angat ito ng tingin sa kaniya.
"Thank you po sa two weeks, Sir," nakangiting wika niya.
"Are you leaving?"
"Hindi po," mabilis na sagot niya.
"How's your head?" Tanong ni Brett saka ininom ang ibinigay ni Thyra.
Hinawakan naman ni Thyra ang sugat niya at wala na itong gasa.
"Okay naman na po."
"I'll call my doctor to check you up."
Tumango naman siya.
"By the way, lalabas tayo mamaya," saad ni Brett saka nag-type ulit.
"L-Lalabas po tayo?"
Nanlaki pa ang mga mata ni Thyra.
"May i-vivisit akong site. We're not going on a date," baling ni Brett sa kaniya.
Natawa naman si Thyra.
"Bakit naman po tayo magde-date—"
Napatigil siya nang makitang seryoso si Brett.
Dahan-dahan na lang siyang tumango at nagpaalam sa kaniya saka umalis sa harapan niya.
"Stay here. When something bad happens, may guard diyan sa malapit," sambit ni Brett saka nagsuot ng facemask at shades.
"Sige po," sagot ni Thyra saka lumingon sa paligid.
Nasa tabi sila ng isang kilalang shop ng damit, at sa tabi nito ay isang under construction na building.
Nang makaalis si Brett ay inilabas naman ni Thyra ang kaniyang cellphone.
"Thyra?"
Napakunot-noo siya nang makarinig ng hindi pamilyar na boses.
Papalapit sa kaniya ang tatlong lalake. Nag-iba lang ang ekspresyon nito nang mamukhaan niya ang mga ito.
"You're here," wika ng nasa gitna. Mga batch mates niya ang mga iyon sa university nila.
Walang gana lang siyang tumango.
"Mag-memerge yata ang course namin sa course niyo para sa OJT. It's good to have you with us too. They said, you are the most active in your class," saad ng nasa gilid.
Hindi naman siya umimik.
"Zane's always chasing you. Sa bagay, we can't blame him," nakangiting sambit ng nasa gitnang lalake.
"She got everything," komento ng isa.
Tinignan nila si Thyra mula ulo hanggang paa.
"The looks, body, and brain," saad ng isa sa kanila.
Bahagya siyang napakunot-noo.
"She doesn't have a Mom," wika ng nasa kanan.
Nagpanting naman ang tainga ni Thyra sa narinig.
"Oh. Your Mom left you?" May halong pang-aasar na tanong ng nasa gitna.
Sinamaan siya ng tingin ni Thyra at naramdamang nag-init ang kaniyang mukha.
"What the f*ck!" Bulalas ng lalake nang sampalin siya ni Thyra.
"Ayokong patulan ang pagiging bully niyo dahil hindi na tayo bata. Pero ayokong marinig mula sa bibig niyo ang tungkol sa'kin," pagbabanta niya.
"Hindi tayo close, kaya huwag na ulit kayong lumapit sa'kin," dagdag pa niya.
Natawa naman sila kaya mas lalo siyang nainis.
"I didn't know you're butthurt. They're right, you're a b*tch!"
Sinampal ulit siya ni Thyra dahil sa galit.
Akmang sasampalin din siya ng lalake, kaso may dumating at hinarang ang kamay nito.
"Touch her, and you're dead."
Napatingin naman sila sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata ni Thyra nang lumingon siya.
Nanlaki ang mga mata nila nang humandusay si Hilary."M-Mommy!" Sigaw ni Laureen at napatakbo ito palapit sa kaniyang ina.Hindi alam ni Thyra kung hahawakan niya ito o hindi dahil may dugo itong lumalabas mula sa kaniya. Nanghihina ang kaniyang tuhod at hindi makapaniwala sa nasaksihan.Dumudugo ang tiyan nito matapos tumagos ang bala mula sa kaniyang likuran patungo sa gilid ng kaniyang tiyan.Napatakip si Thyra sa kaniyang bibig nang makita kung sino ang bumaril."T-Tito?" Gulat na sambit ni Brett dahil hindi na makapagsalita sa gulat si Thyra.Nakatayo si Thyrone malapit sa pintuan at hawak nito ang isang baril. May tungkod pa rin ito at walang bahid sa mukha nito ang pagsisisi sa ginawa niya."Hayop ka, Hilary. Masama ka talagang tao. Pati anak ko, idadamay mo sa pagiging demonyo mo," malumanay at seryosong wika nito.Napalingon sila sa kaniya at masama na agad ang tingin ni Laureen.Nagpunas ng luha si Laureen saka tumayo at patakbong lumapit kay Thyrone.Nanlaki ang mga mata ni
Napalunok si Thyra at hindi pa rin mawala ang paningin kina Hilary at Bettina. Naguguluhan siya kung ano'ng nangyayari. Kung ano ba ang plano ng kaniyang ina kay Bettina, at kung may plano rin ba ito kay Bettina.Huminto si Hilary sa pagtawa at huminga nang malalim saka umiling-iling habang nakangiti."You should have seen yourself, Thyra," wika nito.Nakakunot-noo pa rin siya."B-Bakit, M-Mama? H-Hindi ko maintindihan."Tila bumara sa kaniyang lalamunan ang salitang 'Mama' dahil sa kaniyang nakikita.Humakbang ng dalawang beses si Hilary kaya hinawakan ni Brett ang kamay ni Thyra. Ramdam naman nito ang pamamawis at panginginig ng palad ni Thyra.Tulad ni Thyra ay naguguluhan din si Brett, ngunit nilalakasan niya ang kaniyang loob para sa kaniyang girlfriend at kaniyang parents."Do you know how long I've been waiting for this? Na makita kita, at bonus na lang na kasama mo ang mga Forteluna," sabi ni Hilary at bigla itong sumeryoso.Biglang nanghina ang mga tuhod ni Thyra at muntik n
"B-Brett. Oh my God," mahinang sambit ni Thyra saka tumulo ang kaniyang luha. Napatakip siya sa kaniyang bibig."Why? What happened? May problema—"Hinawakan agad ni Thyra ang kamay nito at nanginginig na hinatak."Where are you going?" Takang tanong ni Benjamin."S-Sorry po. Pero mauuna na po muna kami. Mag-usap na lang po tayo sa susunod. K-Kung makita niyo po si Bettina, sabihan niyo po kami," mabilis at natatarantang sambit niya.Magsasalita pa sana sila ngunit patakbo nang hinatak ni Thyra si Brett patungo sa sarili niyang sasakyan."Why? Ano'ng nangyayari?" Kunot-noong tanong ni Brett nang maikabit nito ang kaniyang seatbelt.Sunod-sunod ang pagpatak ng kaniyang mga luha saka pinaandar ang kaniyang sasakyan."N-Nawawala raw si Thrina. Kailangan natin siyang mahanap, b-baka may ginawa na si Bettina sa kaniya. A-Ayokong mangialam ang parents mo dahil marami pa silang hindi alam," natatarantang sagot ni Thyra saka pinaharurot ang sasakyan."What? Fuck it!" Bulalas ni Brett.Wala nam
Napatakip si Thyra sa kaniyang bibig at bumilis ang tibok ng kaniyang puso."G-Grabe naman si Anthony," komento niya habang nakatingin sa sasakyan nito.Agad na bumaba si Anthony sa kaniyang sasakyan at lumapit sa lalake.Napalunok si Thyra at bumaba na rin siya.May mga sugat ang lalake at nahihirapan din itong gumalaw at tumayo.Nanginginig siyang lumapit, at mas lalong kinabahan nang mabilis na hawakan ni Anthony ang lalake sa kuwelyo nito at iniangat ito nang walang kahirap-hirap."A-Anthony, baka mamatay naman 'yan," pigil niya."You better answer us, and you better not be quiet," banta ni Anthony sa lalake at hindi pinakinggan si Thyra.Napaubo ang lalake at duguan ang noo nitong tumingin kay Anthony. Nakasuot ito ng facemask na itim.Humakbang naman palapit si Thyra at mabilis na hinablot ang facemask nito.Kumpirmadong ang boyfriend nga iyon ni Bettina."Nahuli ka rin namin," kunot-noong sambit ni Thyra.Napangisi naman ito kahit halatang nasasaktan sa posisyon niya.Napada*ng
"What? Why are you so shocked? Akala ko ba ay alam mo na?" Nakangising tanong ni Bettina.Mas lalong nakaramdam ng kaba si Thyra nang makitang may baril sa tabi nito.Siguradong mamamatay siya kapag may masabi siyang masama dahil wala siyang kalaban-laban."A-Ano'ng kailangan mo sa akin? Gagawin mo rin ba sa akin ang ginawa mo kay Felip?" Tanong niya saka ito sinamaan ng tingin.Natawa naman si Bettina."What I want to happen is simple, Thyra. I just need your cooperation."Napalunok siya sa narinig at hindi makapagsalita.Sumeryoso si Bettina at umayos ng upo."Get out of here and get your whole family away. Nasira lang naman ang mga plano ko noong ipinakilala mo ang bastarda mong anak. I'm ready to buy your business, as long as you're gone. At huwag na huwag ka nang magpapakita kay Brett at kina Dad.""A-At kung hindi ako papayag—""Something bad will happen to you, and your family, especially to Thrina," pamumutol nito sa sasabihin niya.Napaawang ang bibig ni Thyra at sumikip ang
"N-Nasaan siya? Where's Brett?" Natatarantang tanong ni Thyra kay Anthony nang makasalubong niya ito sa hallway ng hospital. Pinipigilan niyang pumatak ang kaniyang luha."He's inside. Kasama niya sina Tita, Tito, Thrina and Tito Thyrone. He is still conscious, but he says he feels dizzy. Nauntog kasi siya," turo ni Anthony sa isang room doon.Napakagat-labi siya saka nagmadaling pumasok sa loob.Naabutan niyang umiiyak si Thrina habang hinahaplos ni Brett ang ulo nito.Umagos ang luha sa kaniyang mga pisngi nang makita niyang may mga gasgas sa katawan nito.Malapit nang maghilom ang sugat sa kaniyang tagiliran, ngunit nadagdagan na naman iyon."B-Brett," namamaos na sambit ni Thyra.Napatingin ito sa kaniya at matamlay na ngumiti."No. Don't cry. I told you, hindi ako basta-basta mamamatay," pabirong sabi nito.Patakbong lumapit si Thyra at niyakap si Brett. Nakatingin naman sa kanilang dalawa si Thrina at tumahan ito sa pag-iyak."Stop crying, love," mahinang saad ni Brett saka pinu