Share

CHAPTER 5

PADABOG na lumabas si Layla sa kotse ng kaniyang kuya. Umiiyak at tumakbo papasok sa mansion.

“LAYLA!” tawag ni Kaizer. Subalit nabigo siya.

Hinabol pa niya ang kapatid nito sa loob. Ngunit, pinagbagsakan lang siya nito ng pintuan sa kuwarto nito.

“Layla! Lets talk?!” pagalit na nitong tawag sa kapatid.

“I HATE YOU KUYA! YOU’RE ALWAYS LIKE THAT! I DON’T KNOW HOW TO DEAL WITH YOU FREAKING OVER PROTECTIVE ATTITUDE!!!” galit nitong tugon mula sa kaniyang kuwarto.

Kahit nahihirapan man magsalita dahil sa sobrang paghikbi.

“THIS IS ALL FOR YOU GOODNESS!”

“GOODNESS?!!! YOU MAKE ME FEEL THAT I DON’T OWN MY LIFE!”

Napabuntong hininga nalang si Kaizer. This is not the right time para kausapin ang kapatid niya lalo pa at masama pa ang loob nito sa kaniya.

Sarado pa ang isip nito sa maaari niyang ipaliwanag sa kaniya. Kaya nanan, sumuko na muna siya sa panunuyo sa kapatid.

Hahayaan muna niya itong umiyak.

Umalis na muna siya at nagtungo sa malaking bar. He wanted to drink to relieve his stress. Pero bago ‘yun ay pinabantayan niya ang kuwarto ng kaniyang kapatid sa pintuan pati na rin sa kaniyang bintana.

He wanted to make sure na hindi makakatakas ulit ito.

Samantala, nakasubsob ang ulo ng dalaga sa kaniyang unan habang humihikbi. Halos mapatid na ang kaniyang hininga dahil sa labis na pag-iyak.

She hated her brother so much. Alam niyang napaka protective nito. Pero this time, somobra na talaga. Ano na nga ba ang ihaharap niya kay Agnes?

Doon pa talaga gumawa ng eksena ang kaniyang kuya sa lugar nila. Nakapangako pa naman siya sa kaibigan na kakausapin niya ang kaniyang kuya para mabigyan siya ng scholarship para makabalik ulit siya sa pag-aaral.

Pero, nakita naman niya kung gaano kagalit ang kuya niya.

“Ma Pa, sana buhay pa kayo. Miss na miss ko na ang aruga ninyo!” namamaos niyang sabi. Halos hindi na siya makahinga sa labis na pag-iyak habang nakadiin ang kamay sa kaniyang dibdib.

****

“Hey dude! What’s bring you here?” galak na salubong ni Zanjoe kay Kaizer nang makita niya itong papasok sa bar.

Inakbayan pa nito ang kaibigan habang nakahawak ng whisky sa kaliwang kamay.

“Anong klaseng tanong ‘yan? Malamang, to have a good time.”

“Its been a long time since we had a good time. Kilala kita. You look so stress.”

Napailing nalang si Kaizer sa tinuran ng kaibigan. Alam niyang bangag na naman ito.

Zanjoe is a friend of him since college. Both of them have a family business. But unlike Kaizer, mas malawak ang negosyo nila.

At ang malalang pagkakaiba nila, siya’y isang Mafia Lord. While Zanjoe is a user. Ngunit di ‘yun alam ng kaniyang kaibigan.

“Tamang tama, may mga bagong babaeng pasok ngayon. Lets enjoy the night!” masiglang sabi ni Zanjoe.

Iginiya niya si Kaizer sa isang VIP room. Exclusive lang iyon sa mga kagaya nila. Nga lang, di siya party boy kagaya ni Zanjoe.

Sadyang nagtutungo siya doon minsan kapag gusto niyang magpa-relieve ng stress. Lalo na pag tungkol sa kapatid niya. Bukas, kakausapin niya ng masinsinan ang kapatid.

Umuroder sila ng maraming alak. Dalawang babae ang nakapulupot sa kaniya. Ganoon din kay Zanjoe.

Habang may nagsasayaw pang dalawang babae sa harap nila.

“HUBAD!” sigaw ni Zanjoe sa dalawang babaeng nagsasayaw. Hinagisan pa niya ng pera ang mga yun habang sayang saya.

Napapailing nalang si Kaizer sa inaasta ng kaibigan. Kaya itinatakwil siya ng kaniyang ama. Dahil sa bukod sa di ito maaasahan sa kanilang negosyo, naglulustay pa ito ng pera — sa babae, alak at droga.

Kaya ayaw niyang gumamit, kahit iyon ang pinakamalaki niyang negosyo. Ayaw niyang umabot sa punto na masira ang utak niya.

Kapangyarihan lang ang gusto niya kaya pinasok niya ang ganitong transaction.

“Tama na ‘yan pre. Tsk,” saway niya sa kaibigan.

“Wag kang KJ nga dyan. Ayaw mong makita ang mga chica bebs na yan kung paano gumiling?! Ang sasarap!”

Mukhang sumanib ang kamanyakan na naman nito. Tumayo si Zanjoe sa kinauupuan saka nakipagsayaw sa mga babaeng dahan-dahang naghuhubad.

May itsura naman ito. Pero kung pag-uusapan ang kagwapuhan, lamang siya ng sampong paligo kay Zanjoe. Kaya habang nagsasayaw ang mga babae, panay nakatutok ang kanilang tingin sa kaniya.

Na wari’y inaakit siya. Nangungusap na hawakan niya ang kanilang kaselanan.

“Join us,” tawag ng kaibigan sa kaniya.

Ngunit ngumiti lang siya. Inalis niya ang pagkakaakbay sa dalawang bebot na katabi niya.

“Aalis na ako pre. See you next time. May aasikasuhin pa ako,” paalam nito sa kaibigan.

Hindi pa siya masyadong lasing. Malakas ang sistema niya pagdating sa alak. Pero dahil sa pagiging mafia lord niya at wala pa siyang mga tauhan, di siya puwedeng makipagbakbakan kung sakaling may tumambang sa kaniya.

“Wag na muna. Lets have a one night stand with this girl!” pagpipigil sa kaniya ni Zanjoe.

“Pass. Next time nalang dude.”

“Ayan ka na naman sa next time mo!”

Napapailing si Zanjoe sa kaibigan. Kahit kailan talaga ay di nagbago si Kaizer. Ganoon at ganoon pa rin rin ito. He’s workaholic kahit successful naman siya.

“Bahala ka. Magsisisi ka kapag di mo eneenjoy ang pera mo!” pahabol pang sigaw ni Zanjoe.

Ngunit kinampay lang ni Kaizer ang kaniyang kamay bilang pamamaalam.

Nang papalabas na siya’y hinabol siya ng isa sa mga babaeng kaakbay niya kanina.

“Wait! Sir Kaizer right?” tawag pansin ng babae.

Lumingon sa kaniya ang binata at salubong ang kilay niya pero di naman nakasimangot.

“What do you want?”

“Well, hi. I’m Diane. Want to have fun?” paanyaya nito.

Napabuntong hininga si Kaizer at dinampot ang kaniyang wallet.

“No. I don’t need money. Bago lang ako dito and I’m — you know,” alanganin nitong sabi na tinuro pa ang kaniyang babang bahagi.

“— Virgin,” pagpapatuloy nito sa alanganing sinabi kanina.

Nagpatangu tango naman si Kaizer. Bukod kasi sa gandang lalaki nito’y malakas din ang kaniyang appeal. Kaya habulin ito ng babae.

Mukha kasi siyang masaral which is, he is really good at bed naman talaga.

“Deretsahin muna ako Miss.”

“Lets have a romantic night. Gusto kong ikaw ang makauna.”

Maganda si Diane. Matangkad at masasabing she’s valid for a beauty queen.

Pero, alam na alam ni Kaizer ang ganitong klaseng babae. Kaya, he thinks — bakit di na muna siya makipag playtime sa babaeng kaharap.

Ngumisi siya dahilan upang sumilay ang mapang-akit na ngiti ng babae.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status