Se connecterCASSY
GABE na nang dumating kami. Sarado pa ang bar at halata ngang hindi pa ito nabubukasan. May dalawang guards na bumati sa amin.Agad akong yumuko dahil ayokong nakikilala ako. At isa pa, natatakot ako na baka mamaya n’yan ay kilala nila si Don Alfonso.Iba talaga ang ibinigay na trauma sa akin ng matanda na ‘yun.“Cassy, ako na ang bahala sayo. Ituring mo ng bahay ang tinutuluyan ko okay?” ani Ate Diane na nagpabalik sa aking huwesyo.“Salamat ate. Makakaasa po kayo,” sagot ko nalang.Sa likod kami dumaan. Ang hassle rin kasi kung sa harap pa. Pagkapasok namin sa likod ay dumaan kami sa isang hallway. Naglakad pa kami ng ilang hakbang bago marating ang pintuan kung saan may daanan pakaliwa at kanan.Bale, ang kuwarto ni Ate Diane ay kaharap din ng pintuan sa likod.“Yung sa kanan, for CR and our mini kitchen here. While dyan sa kaliwa naman, yan yung papunta sa bar na mismo,” paliwanag ni Ate Diane.Nahalata ata nito yung paglilibot ng mata ko.“Ang lawak po pala nito.”“Yeah. Kaya dalawang palapag ito. Sa taas naman ay may mga rooms kung saan may mga VIP rooms kung saan puwedeng makipaglabing labing ang mga mabibigat na client,” pagmamalaki pa nitong sabi.Nagsalubong ang kilay ko. Kung ganun, di pala ito bago. Kasi bakit may mga pa-VIP na? Ayokong mang judge. Nagiging observant lang ako.Hindi ako nagpahalata. Kailangan kong maging alerto sa mga nagaganap sa paligid ko.“Magaling po kayong magpatakbo ng negosyo ate,” sabi ko nalang para di siya makahalata.“Of course. Kaya marami rin ang kikitain mo kapag nagbukas tayo.”Pagkapasok namin sa room ay may queen size bed doon. Marami rin fluffy things na dekorasyon sa kuwarto na kulay pink. Kagaya ng carpet, curtains at kung anu-ano pang anik anik. Pati yung sofa na medyo may kahabaan ay may pagka-fluffy rin. Naisip kong doon ako matutulog.Typical na pangbacklosh na tema ng kuwarto.“So stress ang byahe. So before tayo magpahinga, we should eat na muna. I’ll order some food. Ano ang gusto mo?”“Kahit na ano ate.”“Sure ka?”“Opo.”“Okay. By the way, you can use any of my clothes at my closet. Maraming kakasya sayo dyan.”Binigyan niya ako ng mga needs ko like tootbrush at tuwalya. May mga gamit na rin kasi sa banyo.Masasabi kong ang bait talaga sa akin ni Ate Diane kaso, may bahagi sa puso ko na di ko kayang magtiwala.“Sige Ate, maglilinis muna ako ng katawan.”“Use this pajama,” anito na may inilabas na pajama sa wardrobe niya na kulay pink.Mukhang hilig talaga niya sa color pink.Nang makapasok ako sa banyo ay agad akong naligo. Malawak ang CR at may malaking salamin din doon. May hot water kaya, magiging masarap ang tulog ko nito mamaya.Nang maghubad ako’y nakita ko kaagad ang tattoo sa bandang balikat ko. Nakalimutan ko sana kahit papaano ang problema ko. Kaso, ang tattoong ito ang nagpapaalala sa madilim kong landas.Kung saan naranasan kong bantaan ang buhay ko, makasaksi ng pinapatay na inosente at ginagahasa, tinotorture na kalaban at kung ano pa. Tiniis ko lahat ‘yun para sa buhay ko.Akala ko nga’y pagttripan din ako ng ilan niyang mga tauhan. kasi walang gumagalaw sa akin. Not until nalaman kong, si Don Alfonso pala ang nakakursonada sa akin.Naikuyom ko nalang ang aking palad sa galit. Lalo pa at gusto niyang ariin ang buhay ko na ako mismo ang dapat magmay-ari.Bago pa ko tuluyan lamunin ng galit, ay minabuti ko ng tapusin ang pagliligo ko. Bukas muna ako mag-iisip ng paraan. Gusto ko na rin kasing magpahinga at matulog ng mahimbing.Nang matapos ako’y pinatuyo ko ang buhok ko. May blower si Ate Diane kahit sa banyo kaya ginamit ko ‘yun. Habang ginagawa ko yun ay napansin ko ang buhok ko.Bigla akong nakaisip ng bagong idea. Kaya mabilis akong nagbihis. Bago ako lumabas ay may narinig akong mahihinang boses. Boses ni Ate Diane kaso di ko maintindihan ang sinasabi nito sa phone.Muli kong pinaanadar ang blower tapos, bumalik sa pintuan. Sinubukan kong pakinggan ang usapan nila sa kung sino man ang kinakausap niya sa cellphone.“Basta, she’s beautiful and innocent. She’s worth it more than you know Mare. 3 months nalang ang bidding kaya aalagaan ko muna siya. Para mas lalong tumaas ang price,” tuwang tuwang sambit ni Ate Diane.“Okay bye Sis. I’ll see you'll next week. Nang sa ganoon makilala mo ang manok ko,” paalam pa nito.Napangisi ako.Tama nga ang hinala ko. Wala siyang pinagkaiba sa mga nakasalamuha ko.3 months daw. Ibig sabihin, may oras pa ako. Kung inaakala niyang maiisahan niya ako, puwes nagkakamali siya.Gagamitin ko siya. Mukhang di naman ako mapapahamak sa kaniya dahil ako pala ang magiging manok niya sa mga hayok na matatandang negosyante.Kagaya ni Don Alfonso.Pinatay ko na ang blower at kunwari at lumabas sa kuwarto.“Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong niya sa akin habang malapad na nakangiti.“Ayos lang po Ate.”“Ako naman ang maglilinis. Pag may kumatok sa pintuan, buksan mo okay? Mauna ka ng kumain kung di pa ako nakakalabas ng banyo okay.”Ngumiti ako at tumango nalang.Nang makapasok na siya sa banyo ay nagmatyag muna ako. Hindi na ako naghalungkat kasi, ramdam kong may CCTV sa paligid.Kailangan kong maging mautak. Umupo lang ako sa sofa habang napapapikit. Naalala ko ‘yung babaeng una kong na-encounter sa dyip.Iyon yung nakapalagayan ko kaagad ng loob. Siguro, mabait din ang pamilya nila dahil napalaki ito ng maayos.Sana magkita kami ulit.Kapag kasi, kagaya ni Ate Diane ang mga tao na kahit nagpakita ng mabuting pakikitungo, kung di palagay ang loob ko sa kanila, di talaga ako magtitiwala.Naputol ang pagmumuni muni ko nang may kumatok sa pintuan.“S-Sino ‘yan?” paniniguro ko.“Ma’am, andito na po ang ipina-deliver niyo.”Agad akong tumayo at binuksan iyon. Si manong guard pala.“Hi. Maganda gabe Miss,” bati niya.Kaso di ko pinansin. Nang inaabot niya sa akin ang pagkain ay hinawakan pa nito ang aking kamay.Nang matingnan ko siya’y malagkit ang tingin niya sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa na parang bang hinuhubaran niya ako.Umigting ang bagang ko sa inis. Subalit, nagpigil ako.Pinagbagsakan ko siya ng pintuan. Nakaka bwesit. Sarap sapakin. Wala akong balak sabihin ‘yun kay Ate. Ayokong magbigay ng problema sa kaniya.Binuksan ko nalang ang pagkain at doon ko nalang itinoun ang atensyon ko.—TO BE CONTINUE—HABANG tinuturuan ni Cassy si Layla na lumangoy, palihim siyang sumusulyap kay Keizer na noo'y kausap si Ronald. Nakatayo lang sila sa glass wall at parehong seryuso g nag-uusap."Ano kaya ang pinag-uusapan nila?" sa isip ni Cassy. "Ganito ba Ate Cassy?" tawag ni Layla. Kaya nawala ang pag-iisip ni Cassy tungkol kay Keizer. "Oo ganyan nga. Kapag kasi malalim, mas mabuti. Pagaanin mo ang sarili mo at dapat kalma ka lang. Kailangan makontrol mo ang balanse mo. Subukan mong magpalutang lutang at huwag kang matakot malunod. Nandito lang ako.""Oo nga, heto, medyo gumagaan ang katawan ko," natutuwang saasd ni Layla na para bang nae-enjoy na nito ang paglangoy."Good, good. Ayan nakukuha muna. Ngayon, kailangan mong makatawid sa kabilang side. Susundan kita.""Okey..." Nagsimula na ngang lumangoy si Layla sa kabilang side ng pool at di na nito gamit ang salbabeda. Nakatutok lang si Cassy upang si madisgraya si Layla nang walang anu-ano'y —"First time magpaturo ng kapatid ko. Thanks," an
**KEIZER's POV** PINANOOD ko lang si Cassy at si Layla na noon ay nasa pool. Iba ang saya ng kapatid ko. Nagkukwento siya na para bang, matagal na silang magkakilala ni Cassy. Natural na siguro sa kapatid ko na magtalambuhay sa mga taong komportable siya. Si Cassy naman, nakangiti. Yung ngiti na kapag kinausap mo siya, gagaan ang pakiramdam. Isa pa, yun yung mga ngiti na gusto kong masulyapan sa kaniya. Hinigop ko ang kape ko habang nakatutok sa kanila. Katabi ko si Ronald na ginagaya rin ako. Nakahawak ng kape at pinapanood ang dalawa. Pero mas okey na yun kaysa makahalata pa siya. "Sir, simula nang dumating si Cassy, parang napapansin ko na ingat na ingat ka sa kaniya. Your risking your life just for her lalo na noong kidnappin siya ni Don Alfonso." Kamuntikan ko ng maibuga ang kape ko nang marinig ko iyon kay Arnold. Kakaisip ko lang na hindi siya mag-iisip ng kakaiba pero nakakapansin rin pala siya. "Hindi naman. Simula kasi ng dalhin ko siya sa bahay, naging masayahin ni
HINDI gumising ng maaga si Cassy. Kasi hindi naman darating si Keizer. Nalungkot siya kahit papaano, kasi inaasahan pa naman niya na darating ito. Maging ang kaniyang mga trainor ay di rin matutuloy, ayun yun kay Ronald. Idagdag pa na, hindi pa ito tumawag sa kaniya noong isang gabe. Naiintidihan naman niya iyon, kasi baka may katransaction siya. Bilang isang Mafia Leader, kailangan naka secured lahat ng transaction niya upang di pumaltos. Para siyang na-drain na battery nang umagang iyon. Walang kagana-gana at walang kabuhay. Nakahilata lang siya sa kama habang nagmumuni-muni. May kumatok sa kaniyang pintuan. Alam niyang si Ronald iyon. Ipapaalam na naman sa kaniya na kakain na. "Lalabas din ako maya-maya," aniya sa kumakatok. "Ma'am, mainit pa po ang agahan kaya bumangon na po kayo." "Ayos lang. Iinitin ko nalang sa microwave." "Pero Ma'am, kailangan niyo na pong mag-agahan. Tumawag po kasi si Sir Keizer." "Tumawag siya?" tanong niya na para bang gusto niyang makasiguro kun
**KEIZER's POV**Pinalagitik ko ang aking leeg, matapos manggulo ang babaeng yun. Hindi ko alam kung anak ba talaga yun ng mayaman dahil parang hindi nag-aral. Ilang beses ng napahiya pero patuloy pa rin siyang gumagawa ng kaniyang kahihiyan.Pagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Layla. Nakangiti ito at alam kong may hihingin na naman 'tong pabor. May pahalik at yakap pa sa akin. Ganito naman lagi e. Nagtatampo ng malala pero agad rin nakikipag-bati."May kailangan ka na naman nuh?" sabi ko sa kaniya. Malawak syang ngumiti sa akin dahil nahalata ko siya."Kuya,puwede bang dalhin ko dito si Agnes?"My brows frown when I heard that. Akala niya ata, wala akong alam sa pagkatao ng kaibigan niyang iyon. "Nope."Mabilis nag-iba ang kaniyang timpla. From sweet and clingy temper to pouty childish irap girl ang atake. Yung tipong gusto niya akong sumbatan at hindi nga ako nagkamali. "Eh bakit si Ate Cassy, puwede rito? Allergy ka ba Kuya kay Agnes?" "Hindi lang allergy, magkakabu
HINDI maiwasan ma-excite ni Cassy sa tuwing tumatawag si Keizer. Halos araw-araw apat na beses itong tumawag. Daig pa ang mag-jowa na hindi matiis ang isa't isa. Pero sempre, ayaw magpahalata ng dalaga na hinihintay niya ang tawag mula sa telepono si Keizer. "Nakapagtanghalian ka na ba?" tanong ni Keizer sa telepono habang nakaharap sa kaniyang laptop. "Oo. Hinatiran nila ako kanina ng fastfood,. Baka nga tumaba na nga ako rito. Namimiss ko ng mag-training.," kaswal na sagot ni Cassy. "…is that so, magpapadala ako ng trainor dyan. You supposedly rest." "Pagod na pong mag-rest. Gusto ko pang matutong lumaban para maisalang na ako sa mga kombate." Nakagat ni Keizer ang labi. Kahit kagagaling lang kasi ni Cassy sa trauma, ang gusto pa rin nito ang iniisip. Tinatrato na nga siyang disney princess pero iba pa rin ang hanap. "Okey, maghintay ka lang dyan bukas. At mag-relax ka na rin." "Ahhh ano—" "What?" curious na tanong ni Keizer sa naputol sanang itatanong ng dalaga.
GUMALAW si Cassy kaya mabilis na umiwas si Keizer. Kinuha ang kaniyang cellphoe at kunwari ay nagtitipa. Pero tumagilid lang ang dalaga. Nasapo niya ang kaniyang dibdib dahil sa nangyari. Akala niya mahuhuli na siya ng dalaga. Baka mapagkamalan pa siyang child abuse. Pero… napaisip si Keizer kung bakit niya nagawa iyon. Gusto na ba niya ang dalaga? May gusto ba talaga siya rito?Hinawakan niya ang kaniyang dibdib na para bang pinapakiramdaman ang tibok ng kaniyang puso. Tinitigan niya ang dalaga at totoo nga, bumibilis ang kaniyang puso. "No, hindi ito puwede," aniya sa sarili. Pero huli na dahil nahulog na talaga siya sa dalaga. Nahiga siya sa couch at doon nahiha. Para kahit papaano'y mabantayan niyan ang dalaga.Kinabukasan nga'y nakita ni Cassy si Keizer na natutulog sa isang couch. Hindi niya naiwasan mapangiti. Uupo sana siya kaso naramdaman niya ang pananakit ng boung katawan niya. Naalala niya, kamuntikan na pala siyang mab*boy ni Don Alfonso. Kaya masuyong pinagmasdan







