Share

Chapter 1 Cammie Scott

[Bria POV] 

" Ahhh!" unang nasabi ko ng magising ako at napahawak sa ulo ko. Damn! Hindi na talaga ako natuto sa epekto ng sobrang pag iinom. I peek on my watch and it's already 10 am. What the hell. I'm late on my meeting. 

Mabilis akong bumangon at pumunta ng banyo para maligo. Hindi ako pwedeng pumalya this time. Kailangan kong makuha ang deal na yon. 

After kong maligo ay agad akong nagbihis, sinuklay ang mahaba kong buhok, kinuha ko ang susi ng kotse, my bag and my phone na nasa ilalim pa ng kama ko saka lumayas. 

Nagmaneho ng mabilis ang driver ko sa abot ng makakaya niya kahit pa ipinagbabawal ko ito. 10:30 ang meeting ko pero 10:40 am na at andito pa din ako sa daan. 

Pagkapark niya ng sasakyan, nagtungo agad ako ng elevator. Magsasara na to ng maiharang ko ang palad ko sa gitna. 

"Hi!" bati ko sa babaeng maganda. 

"Good morning po Ms. Brixton.." malanding tugon nito sakin. Lahat ng staff dito sa company ko ay kilala ako hindi dahil ako ang CEO kundi dahil laman ako ng mga bar. 

Ngumiti na lang ako saka mabilis na lumabas ng floor ko na ang sunod. I was in hurry to go in my office. Halos madapa na ako at matanggal ang takong ng sapatos ko. Magkahalong pawis at tubig na ata ang tumutulo mula sa gilid ng pisngi ko. Hindi ko na kasi nagawang punasan ng basang buhok ko kanina at madalian ng nagbihis. 

Ni hindi ko matandaan kung nag toothbrush ba ako.. What the hell.. Natatawa na lang ako sa sarili ko.. 

"What the heck, Bria!! Bakit ngayon ka lang? Halos isang oras na akong nag aantay sayo ah! Alam mong ayokong pinag aantay ako.."  It was my ex girlfriend.. Siya ang ka meeting ko but technically ang dad naman talaga niya ang in charge sa project na to. Talagang ayaw lang niya mawala ako sa paningin niya kaya pati mga business matter ay pinapatos niya na. 

Nag iisang anak siya ng isang mayamang koreano. Sunod sa luho at bawat hilingin din niya ay binibigay ng tatay nito. Sa almost two years naming magkarelasyon never ito nagpakita ng interest sa negosyo ng pamilya niya. She hates it. Iba ang gusto niyang gawin. 

Sa totoo lang she's the ideal girl pero talagang hindi lang siguro kami swak o baka pinagtagpo kami sa maling panahon. 

"Grabe naman siya.. Wala pa akong isang oras na late, Cammie." 

"Hindi porket may nakaraan tayo ay palalagpasin ko to! That won't happen again Bria.. Bahala ka sa buhay mo.. Kung gusto mo pa ang project na to then you know where to find me.." naibulilas niya. Suminghal ako sa pagkadismaya. Heto nanaman siya sa kanyang mga laro para lang bumalik ako sa kanya. Her Dad knows my capability and the sure success kung magkakaron ako ng branch sa korea pero dahil sa bratenela niyang anak ay umaabot pa sa ganito. 

Hinayaan ko lang siyang lumabas ng opisina ko.. Tinabig ko ang vase na nasa table. Galit ako dahil ayokong pinapaikot ako ng sino man. Not anyone or even her.. The fact na ayoko ang laro niyang ito, she gave me no choice. Tingin ko alam din niya kung gaano kaimportante sakin na masimulan ang project na to. My designs will be popular in Korea. Malakas ang tiwala ko ron. They will love it..

"Ms. Fionna can you give me her address.." tanong ko sa assistant ko na napansin ko ang panginginig. She might frighten sa inasal ko kanina. 

"I'm so sorry Ms. Fionna.. I-I just can't control myself.." formal kong paliwanag. Tumango lang ito at ngumiti ng pilit saka ibinigay sakin ang address ni Cammie. The hell is this girl telling me I know where to find her.. I didn't even remember all the places we had been through. For sure andun lang siya sa bahay niya. 

She will regret this.. everything she is up to and trying to do against my will pagsisisihan niya. Kung tanggapin na lang kasi sana niya na we're done then everything will be so simple. Hindi ang ganito na sumasakit ang ulo ko. Para akong naghahabol, nanunuyo sa jowang nagmamaktol. 

"Siya nga po pala Ms. Bria.. Mamaya po yung interview para sa papalit saken.." mahinang sambit nito. Nag resign na kasi siya bilang assistant ko. Ang dahilan niya is para mapagtuunan ang kanyang asawa at makabuo na sila ng pamilya pero I doubt na yun talaga ang dahilan. 

Pang ilan na siyang assistant ko. Hindi nila ako matagalan sa trabaho o I must say hindi nila kaya ang mga expectations ko which is so simple kung nagtatrabaho lang sila ng maayos. Even a fresh grad kaya naman ang mga pinapagawa ko. 

Ayoko kasi sa lahat ay paulit ulit ako. When I said it now then it should be done by now or never.. Gusto ko lahat ay perfect at naaayon sa taste ko. The way I work is very essential. I want every task to done on time at hindi papalya. Simpleng pag oorganize ng mga meetings ko hindi nila magawa so napapagalitan ko sila at sa loob ng one month resignation letter na agad ang kasunod niyan. 

May mga tao na mabilis talagang sumuko pero ang taas taas ng pangarap. Can you imagine getting everything you want ng walang kahirap hirap? Diba napaka unrealistic. This what reality is.. Kung gusto mong umunlad then pagsikapan mo. Hindi mo dapat inaantay ang boss mo kundi dapat you learn advance. Try to be competitive and don't depend on us. 

I was hoping mahanap ko today yung assistant na meron ang mga katangian na to .. 

Nagsimula na akong tumanggap ng mga applicant. Yes I'm conducting I, myself. I want to make sure na ang ihihire this time ay talagang qualified sa posisyon hindi dahil nadala lang ng ganda ng CV o ganda ng pananalita. I want the real work not mga palamuti. 

The first one was above average for my standard and criteria but nakapag decide na ako. I go for the second one. Mas realistic mag isip kaya lang may dalawa pang applicant. Hindi ko naman sila basta pwedeng paalisin na lang. It's not being professional kung gagawin ko yun so I continue the interview. 

"Ito po yung sunod.." inabot sakin ni Fionna ang CV ng pangatlong aplikante. I was not expecting that coming without my knowledge.. How the hell this girl stepped on my building?? Hindi man lang ba siya nagkaroon ng idea na baka ako ang may ari ng company na to knowing that it's Brixton Infinity Empire. 

Nanigas ang mga panga ko. Wala sa kamalayan kong nalamutak ko ang papel na hawak ko.. 

"Ms. Bria.. Kung ayaw nyo po sa credentials niya I can let her go po.." singit niya. I didn't even see that part yet. Only her damn name was enough to make me so furious.. 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ansh Marie Toperz
sorry to disappoint you but no. As much as I wanted to, the platform will be the one to decide regarding that. Thank you. You may check out my other English novels.
goodnovel comment avatar
GM GM
Can this be fully translated and typed into the English Language?!!!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status