Narrator
"Hi Klio," nakangiting bati ni Bria ng dumaan sa harap niya to. Tumango lang si Klio at nagpatuloy sa kanyang upuan malapit kay Bria."Ahm Klio pwede ba kitang makausap after class? May gusto lang akong sabihin." paliwanag nito. Bahagya pang naiilang."Oh sige.." tipid na sagot ni Klio ng hindi man lang tumitingin rito.[BRIA POV]It's been month ng gumugulo sakin kung sasabihin ko na ba kay Klio ang nararamdaman ko. Siya lang ang unang taong kumausap sakin at tumanggap sa pagkatao ko.Narrator" Siya nga pala nagawa mo na ba yung project natin? Sensya na ah kasi medyo nabusy lang lately pero okay lang naman kung hindi mo ako isama sa list." ang mga mata ni Klio ay nangungusap sa kanyang mga salita."No! it's fine. I will include you still. Kailangan ko lang iexplain sayo kaya madali na lang yon Klio. Ikaw pa ba pababayaan ko." nakangiting sagot ni Bria."Oh thanks. Ikaw talaga saviour ko." malawak na ngiti ang iginanti ni Klio sabay h*****k sa pisngi ni Bria na siyang ikinamula naman nito.Natapos ang klase nila at inaantay ni Bria si Klio sa gate malapit sa malaking puno kung saan sila madalas na tumambay.
"Andito ka na Klio." nakalabas ang dalawang dimple ni Bria sa pagngiti.
"Ano ba yung sasabihin mo Bria? May problema ka ba?" seryoso ang mukha ni Klio na nag aantay ng sagot nito.
"Actually, matagal ko na tong gustong sabihin sayo kaya lang lagi akong pinangungunahan ng kaba pero is now or never. I will tell you everything inside me that I desperately hide for a month now." alangang pahayag ni Bria. Nakatuon lang ang kanyang mga mata kay Klio at ganun din naman ito sa kanya.
"Ano yun?" tipid na tugon ni Klio. Matyagang nag aantay sa sasabihin niya.
"Gusto kita Klio.."! mahinang sambit ni Bria. Kasabay nun ang pag asang parehas sila ng nararamdaman. Halong kaba at excitement ang nasa dibdib ni Bria. Dalawang segundo na ang lumipas at hindi pa din nagsasalita si Klio. Kumakabog na ang kanyang dibdib at bahagyang nahihiya sa kanyang pinagtapat pero nasabi niya na ang dapat sabihin kaya wala ng atrasan pang magaganap.
"Really? You like me?" ismid na sambit ni Klio. Naging malamlam ang mukha ni Bria at panandaliang hindi nakapagsalita. Pinagmasdan lang niya ang tila kakaibang reaksyon ni Klio. Did they not feel the same way? Ito ang tumagos sa puso ni Bria.
"Sorry ah pero may misunderstanding ata sa pagitan natin Bria. I know I'm friendly, good a-and sweet, sayo but i-it doesn't mean anything, Bria. How on this earth came up into your mind na may chance tayo? I'm not into a girl, Bria.."
Parang isang kutsilyo ang tumarak sa dibdib ni Bria. Hindi niya inaasahan ito pero kinalma niya ang sarili at naging malawak ang isip.
"Oh! My bad, Klio.. I-I thought we-we are the same.. I- I didn't mean to.. Ahmm I'm sorry. Forget about it, Klio. We-we can still be friends right?" nangingilid ang mga luha sa gilid ng mga mata ni Bria pero nagpapakatatag siya. Para sa kanya at least nailabas niya na ang totoong nararamdaman sa dalaga at kung busted man siya ay okay lang. She can still save their friendship atleast sa bagay na yun magtatagal sila..
Muling umismid si Klio, pumaywang at tumingin ng matalim kay Bria. "You know what.. better now para hindi ka na umasa even in the future.. I don't like you, Bria even as a friend. Naniniwala ka ba talagang masaya ako sa company mo? Do you really believe na I care for you? You are the most naive person I have ever met in this school..Naawa lang naman ako sayo nung una kasi lagi kang mag isa but damn it doesn't mean we are the same." taas kilay na pahayag ni Klio.
Hindi na napigilan ni Bria ang kanyang mga luha na tumulo. Parang isang bomba na sumabog sa harapan niya si Klio. Hindi niya to lahat naisip na lalabas sa bibig ni Klio. Ang taong una niyang pinagkatiwalaan at binuksan ang buong pagkatao ay isa palang mapagpanggap.
Napapailing siya, napapaatras ang kanyang mga paa ng kusa. Mas masakit pa ito kaysa sa panunukso ng lahat ng tao sa campus nila. Ito na ata ang pinaka worst na araw sa buong buhay niya.
"Ku-kung dahil ito sa pinagtapat ko kaya ka nagkakaganyan, klio... please do-don't.. I..."
"No! Hindi talaga kita gusto Bria. Tignan mo naman yang itsura mo.. Tsk tsk.. From now on tigilan muna ako and better layuan, Bria." tahasang pinutol ni Klio ang dapat ay sasabihin pa ni Bria ng mga salitang ito.
Gumuho ang mundo ni Bria. Ang unang pag ibig niya ay unang heartbreak din pala niya. Hindi pa man ito nauumpisahan ay nagtatapos na agad. Mabilis na tumakbo palayo si Bria kay Klio. Sa kanyang pagtakbo bumalik ang mga araw na masaya silang magkaibigan. Ang mga oras na palaging pinagtatanggol siya ni Klio sa mga bully nilang classmate.
Ang mga paulit ulit na pagpapalakas ni Klio sa kanyang kalooban. Ang pagdadala nito ng sandwich para sa kanya. Ang pagbisita nito sa bahay niya kapag may sakit siya. Ang pagtawag nito sa kanya every morning at tuwing nakauwi na sila..
Lahat ba ng yun ay dahil sa awa?? Awa lang ba ang nararamdaman ni Klio para sa kanya?? Awa na naging dahilan para linlangin siya ng ganito?? Para magmukhang tanga sa sariling damdamin? Niloko siya ni Klio pero ang masakit bakit?? Anong dahilan nito para gawin iyon? Pwede namang hindi na lang siya nilapitan ni Klio una pa lang.. Kung walang emosyong ipinakita hindi sana siya masasaktan ng ganito kahit ano pang sabihin ni Klio sa kanya.
Galit siyang ibinagsak ang bag niya sa kanyang kama at inilabas lahat ng mga bagay na nagmula kay Klio. Napatigil siya ng makita niyang halos hindi na pala niya mabilang ang mga naibigay nito sa kanyang regalo. Nung birthday niya, nung valentines day, xmas at pati new year. Isama pa rito ang friendship monthsary nilang dalawa.
Nang maisip niyang muli ang katagang naawa mula sa mga salita ni Klio ay marahas niyang pinaggugupit lahat, sinira ang lahat ng ito hanggang wala ng pagkakakilanlan. Pinangako niya sa sariling hindi na siya muling maiisahan ng sino man.
[KLIO BRIXTON] "Hello.. BABY! Andyan ka na? Sorry papunta na ako.." Hinihingal ang tinig nito. Mukhang paalis pa lang siya ng building at nagmamadali. Narinig ko pa ang pagtawag ng staff sa kanya. "Naiwan niyo po ang susi niyo Ms. Bria.." Saad nito. "Oh! Thank you.." Tugon niya. "Okay lang.. BABY! Take your time.. wag ka magmadali.. I'm fine.." Sambit ko naman. Four years na siyang cancer survivor. Wala pa ding makapag sabi kung anong himala ang nangyari nung araw na yun. Dumaan ang asawa ko sa maraming treatment. Chemotherapy, radiation at halos lahat ng herbal na nagkalat online locally man o international ay nasubukan namin. Bawat araw ay pahina siya ng pahina. Nawala ng tuluyan ang buhok at lalo pasensya niya. Palagi itong galit at iritable pero di ko siya sinukuan. Butot balat man hindi ako pinanghinaan ng loob na ilaban hanggang sa abot ng kaya naming dalawa. Ang buong pamilya at mga kaibigan ay fully support. Lahat ng kainin niya ay nakasunod sa chart. Ang oras ng pag
FOUR YEARS PASSED>>>[KLIO BRIXTON]"Klio, sure ka kaya mo ng mag isa?" Taimtim na tanong sa akin ni Yumi. Papunta kasi ako ng sementeryo. Isang taon na din ang lumipas simula ng iwan niya kami. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na dalawin siya. Nung mga unang araw, linggo o buwan ay wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong at umiyak lang sa kwarto ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko nagpabaya ako sa pag aalaga sa kanya. Tingin ko hindi naging sapat lahat ng ginawa ko kaya siya nawala sa akin. Akala ko noon hindi ko kakayanin pero binigyan pa ako ng dahilan ni God para lumaban, wag sumuko sa buhay, magpatuloy at para maging masaya. "Kaya ko na bes.. Pakisabi kay Devin salamat sa mga bulaklak. Magugustuhan niya to.." Nakangiting saad ko saka humalik sa kanyang pisngi at nag paalam. Habang tinatahak ang daan naalala ko ang araw ng mawala siya sa amin. FLASHBACK>>> "Wala na ho kaming magagawa Mrs. Brixton.. Hindi na po kinaya ng katawan niya.." Ang mga sa
"OO! MASAYA KA NA?!" Singhal ni Bria. "Wala akong ibang mapupuntahan kaya sa AYAW MO MAN O GUSTO.. Dito AKO mag SSTAY!" Ganti ni Klio. Akmang papasok na ng loob pero inawat siya ni Bria. "NAHIHIBANG KA NA BA TALAGA?!" Bulyaw nito kasabay ang paghigpit ng hawak sa braso ni Klio. "OO!! BALIW NA KO! Pero MAS MAY TILILING KA!" Banat ni Klio. Winaksi ang kapit ni Bria sa kanyan sabay humakbang papasok. Isang buntong hininga at hawak sa kanyang baywang na lang si Bria saka sumunod kay KLio. "Hindi ka pwede dito.. Alam mo ba ang ginagawa mo??!" Muling sita ni Bria. "Wala akong PAKE kung dalawa kami dito.. ASAWA KITA, BRIA! May TUMOR ka lang! WALA KANG AMNESIA!!" Sambulat nito. "Saan ang kwarto mo?!" Muling balin ni Klio sa kanyang asawa. "At BAKIT?!" Kunot noo nitong saad. "ANONG BAKIT? Alangang hiwalay tayong matutulog!" "Klio please..." Naging mababa ang tono ng salita nito. "Ako ang dapat magsabi niyan.. PLEASE BRIA..Don't do this to me!" Pakiusap ni Klio. "I AM DOING THIS F
Agad na kumonek si Tyron kay Alex para malaman nito ang eksaktong address nila sa L.A. Walang kamalay malay na binigay naman ito ni Alex. Hangad ni Alex lahat ng makakabuti kay Bria kaya naisip niyang matutuwa ito kung paminsan minsan makikita si Tyron na parte din naman ng pamilya."Kamusta ang tulog mo?" Salubong ni Alex ng lumabas ng kwarto si Bria. "Okay lang.." Tipid at walang emosyon nitong sagot. Pinaglapat lang ni Alex ang magkabilang pisngi ng kanyang labi. Alam na alam niya kung anong pinagdadaanan ngayon ni Bria. "Ahmm gusto mong sa labas kumaen?? Sa may beach.. I mean makalanghap ka ng fresh air.." Nagugulihanang pa anyaya ni ALex. "Ahmm dibale na lang.." Pagbawi agad nito, nag iingat siyang wag bigyan ni Bria ng meaning ang mga magiging kilos niya pero hindi nga naman ito maiiwasan dahil mag ex sila."Ahem yeah! SURE! That would be.. Hmm, Great.." Nakangiting saad ni Bria na ikinasilay ng kislap sa mata ni Alex.Naghanda na ang dalawa ng kani kanilang gamit. Si Alex sy
[BRIA BRIXTON] "We're here.." Turan ni Alex. Naputol ang pananahimik ko at bumaba ng sasakyan. Tinulungan ko siyang magbaba at magdala ng mga bagahe ko sa loob ng bahay. Sa may pinto pa lang sinalubong na kami ng isang babaeng nakauniform. "Manang may pagkaen na ho ba?" Balin ni Alex sa kanya habang kinukuha ng babae ang ibang hawak ni Alex. "Meron na ho mam.." Ngumiti si Alex saka nagsalita.. "Hai buti naman dahil gutom na gutom na ko. Delay kasi yung flight nitong kaibigan ko ei.." Paliwanag niya saka bumalin sakin. "Ikaw ba Bria nagugutom ka na ba? Tara na muna sa dining area.. Mamaya I will show you your room.." Hindi na ko sumagot at sumunod na lang. Wala akong gana magsalita o ang kumaen pero nakakahiya naman kung tatanggi ako. Iginaya ako ni Alex sa upuan saka ipinag sandok ng pagkaen ko. Wala siyang pinagbago. Ganun pa din siya kung paano ko siyang nakilala noon. "By the way kamusta ang lola mo, Alex?" Pag iiba ko ng usapan. Curious din naman kasi ako dahil
MAKALIPAS ang halos 14 hours lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Bria."Hey! Bria here!" Sigaw ni Alex ng makita si Bria. Inaantay nya to sa may arrival. Nasa Pinas pa lang si Bria pinaalam niya na rito ang tungkol sa kanyang kondisyun. Agad namang sinamantala ni Alex ito para makasama si Bria sa kabila ng pagkakaalam na hindi ito magiging daan para maging sila ulit. Tinanggap ni Alex ng buong puso at malinaw na malinaw sa kanya kung anu lang ang magiging papel niya sa buhay ni Bria sa mga dadating pang araw. [BRIA BRIXTON] Pagiging makasarili ang idamay ko pa si Alex sa sitwasyun ko pero si Tyron na mismo ang nagpaalam rito. Nung una hindi din naman ako sang ayon.Wala sa isip kong gawin ito kay Alex. Ginamit ko lang siyang dahilan pero nagbigay ideya ito kay Tyron. Inisip niyang hindi ako maaring mag isa sa laban ko. Kapalit ng pagtikom ng kanyang bibig patungkol sa sakit ko papayag akong alagaan at samahan ni Alex saking pagpapagamot."Kamusta ang byahe? Sumakit ba ang ulo mo