Share

CHAPTER 2

CHAPTER 2 — HE'S TAKEN

CLYDE's POV

N

aiinis kong nilapag sa mesa ang aking cellphone nang mabasa ko ang mga texts galing sa daddy ko.

From: Dad

Son, we have a dinner with one of our business partner at Guilbert's Place at 8pm. YOU NEED TO BE THERE with me. I can't take NO for an answer. Ok? See you.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan na kasama pa ako? Alam naman niya na wala akong hilig para sa ganitong meeting o dinner-with-the-business-partners na iyan.

Ilang sandali pa ay muling tumunog ang gadget ko at may isa pa na text galing ulit dito.

From: Dad

Don't be late, Clyde.

Napahawak na lang ako sa aking batok saka muling binasa ang text.  Nilapag ko na lang muli ang phone ko sa mesa. 

Lalo akong nakaramdam ng inis sa ama ko. Edad bente-singko-anyos na ako pero kung makapag-utos at mando sa buhay ko ay animo siya ang amo ko.

Noon pa lang, sinusunod ko na siya sa lahat ng gusto niya. Nung sinabi niyang mag-aral ako ng kursong Business Ad Major in Entrepreneur ay kaagad kong sinunod kahit na Fine Arts ang gustong-gusto kong kuhanin.

Sa furnitures ang family business namin ako nagtatrabaho. Manager na ako ngayon sa isa naming branch sa Marikina pero hindi alam ng mga magulang ko na nagpapart time job ako bilang visual graphic designer sa gawaan ng comics/magazines. Kahit maliit iyong salary ay ayos lang.  Atleast I enjoyed.

Naupo ako sa harap ng desktop ko.

Napatulala na lang ako nang sulyapan ko iyong  ginanagawa ko kanina pa sa doon. Hindi ko kasi maalala kung saang parte ba ako nahinto kanina?

Sinusubukan ko kasing iguhit gamit ang makabagong teknolohiya na paraan ang mukha ni Loisha Coreen, kapatid ng bestfriend ko. Request niya kasi ito at balak niyang ilagay sa kaniyang flowershop. Girlfriend? No. Definitely not. Magkaibigan lang kami at hanggang doon lang iyon.

Kung sa nobya lang ay mayroon naman ako. Fling ang mas magandang itawag ko roon. Hindi ko siya sineseryoso dahil wala pa sa isip ko iyon. In-eenjoy ko lang ang pagiging binata ko.

Tatlong katok ang pumukaw ng aking pansin habang nakamata sa screen. Bumukas ito at si Manang Asing ang iniluwa nito.

"Clyde, nandito sa sala si Loysa," sabi ni Manang. 

"Sige,  Manang Asing. Susunod na po ako. Isasave ko lang 'to." Tumango lang ito bago umalis sa pinto. Mabilis kong nai-saved ang ginagawa ko kanina saka ko pinatay ang PC.  Dumampot ako ng blue polo short sa aking closet at nagbihis.

"ANG gwapo naman ng bestfriend ko!" Iyan ang sabi ni Loisha pagkababa ko ng hagdan. Nakaupo siya sa sofa na pang-solo.

"Kuya mo ang bestfriend ko at matagal na kong gwapo!" Sinimangutan ko lang siya. Naupo naman ako sa tapat na sofa na kinauupuan niya.

"May sinabi ba kong ngayon lang? Sungit mo yata ngayon?" Nakanguso pa niyang tanong.

"Bakit nandito ka? May problema ba?" tanong ko.

"Wala naman, Clyde. Kukumustahin ko lang sana 'yung pinapagawa ko sa'yo," aniya. Malapad ang ngiti dahilan upang mas lalong mapasingkit ang mga mata.

"Hindi ko pa tapos." Napasandal ako sa sofa at marahang hinilot ko ang aking sintido. Sumasakit na ang ulo ko kakatutok sa unit. Hindi naman kasi talaga dapat na palaging babad ang mga mata doon kaya lang ay mayroong deadline si Loisha sa akin. "Give me atleast 3-4 days to finish your canvass," wika ko humihingi ng pakiusap.

"Alright. Sunday pa naman ang opening ng flowershop ko and we have 5 days pa naman before mag-sunday." Nakangiti siyang kumapit sa braso ko na parang bata.

"Alright, ira-rush ko na lang para umabot." 

"Really? Thank you," turan niya.

"Welcome. Akyat na muna ako. Masakit kasi ang ulo ko. Masyadong exposed ang mga mata ko sa screen ng computer nitong mga nakaraang araw, e." Paalam ko.

"Bakit? Huwag mo muna gawin 'yung sa'kin kung sumasakit ang ulo mo." Naging malungkot ang ekspresyon ng kaniyang mukha saka hinaplos ang aking sintido.

"Malapit na rin namang matapos 'yung sa'yo. Kaya lang bukod kasi sa'yo ay mayroong pa akong tatlong ginagawan ng canvass," sabi ko. Hiniling ko na sana ay huwag niyang sisihin ang kaniyang sarili dahil wala naman siyang kasalanan.

"Gano'n ba... sige, mauuna na ako, ha? Uminom ka na ng gamot tapos magpahinga ka. Tutuloy na'ko." Hinalikan niya ako sa aking pisngi. Hindi na ako nagulat. Ganoon talaga siya sa akin. Matanda ako sa kaniya ng limang taon at ang kuya niyang si Logan ang totoo na matalik kong kaibigan. Hindi ko alam kung paano naging ako ang bestfriend niya. Hinahayaan ko na lang siya sa kaniyang gusto.

Umakyat ako sa kwarto upang matulog sandali. Mamaya pa namang alas-otso ang dinner namin ni daddy kaya makakapagpahinga na pa ako.

ANGEL's POV

A

las-siyete trenta'y singko pa lang pero nandito na ako sa restaurant na sinabi ni mommy kanina. Hindi ko maiwasang mailang sa mga iba pang kumakain dahil halos lahat na nandito ay magkakapareha. Tanging ako lang ang nagsosolo sa pang anim na katao na mesa.

"Excuse me?" Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko.

"Yes?" tanong ko.

"P'wede bang kuhanan mo kami ng girlfriend ko? Kung ayos lang naman, Miss." Balik na tanong nung lalaking moreno ang kulay. 

"Sure." Masaya kong kinuha ang DigiCam nung lalaki saka ko sila kinuhanan ng litrato. Nakailang kuha rin ako bago kinuha nung lalaki iyong gadget niya. 

"Thank you, Miss. Pasensya na. Naabala ka pa tuloy namin." Nakangiting sabi nung girl. She's so pretty at iyong guy naman gwapo rin. Bagay sila.

"No worries." Ngumiti ako sa kanila. Hindi naman kasi ako naabala. Mabuti nga at humingi sila ng pabor kaya medyo nalibang ako sa pagkuha ng mga pictures nila. 

Nagpasalamat din sila sa akin bago ko naisipang umayos na ng upo paharap sa mesa namin. Nagulat lang ako kasi may lalaking nakaupo sa isang silya sa mesa namin ng mga parents ko.

"Excuse me, sir. This table and seats are already reserved for my family." Tinignan lang niya ako saka ngumisi.

Tumaas ang kilay ko dahil sa pagiging antipatiko ng taong nasa harap ko.

Tumikhim ako pero tiningnan lang niya ako saglit at saka naglabas ng phone. 

"Miste-" 

"Angel, mabuti at nandito ka na, hija. Kanina ka pa ba?" Naputol iyong sasabihin ko sana sa lalaking isnabero nung biglang sumulpot si mommy sa tabi ko.

"Hi, mommy. Yes kanina pa po." Humalik ako sa pisngi nito.

"My God, baby. Bakit ganiyan ang suot mo?" Hinagod niya ng tingin iyong itsura ko mula ulo hanggang paa.

"Why? Is there something wrong?" tanong ko.

"Ano ka ba naman, anak? Haharap tayo sa business partner ng daddy mo. You should've wear a dress or something na hindi... hindi ganiyang para kang matanda. Look at yourself." Halata sa reaksyon at boses ni mommy ang gulat labis na hiya. As usuall, napansin na naman niya ang pananamit ko. Napayuko na lang ako at pakiramdam ko gusto kong maiyak dahil mukhang nakakahiya talaga ang damit ko.

Fashionista kasi ang mommy ko. Mahilig sa mga dresses at accesories. Palagi rin siyang nakaayos at nakaporma. Kahit nga magluluto lang siya for daddy ay nakamake-up pa. 

Hindi gaya ko.

Nakasuot nga ng sando pero may cardigan naman parati saka nakapalda na halos lagpas sa aking tuhod. May makapal din akong salamin sa mga mata. Malabo kasi ang vision ko. Ang buhok ko naman ay mabaha. Ayokong ipaputol dahil nakakapanghinayang. Tinatali ko na lang ito ng mababa para hindi ako magmukhang bruha.

"Im sorry, mommy," sabi ko na lang. Kinagat ko pa ang ibabang labi ko para mapigilan ang impit na daing ko.

"Bueno, ano pa nga ba magagawa ko?" Umikot pa ang mga mata ni Mommy sa akin. Mapupunit yata ang labi ko sa sobrang pagkakalagat ko. Pinaghawak ko ang mga kamay ko at pinatong iyon sa aking kandungan. Doon ko tinuon ang aking pansin. Nahihiya ako kay mommy.

Akala ko ba family dinner namin ito? Bakit with business partner daw? Ayaw ko sanang umiyak pero nag-iinit na ang mga mata ko. Unti-unti na ring gumagapang ang sakit ng sintido ko dala ng pagpipigil ko sa pag-iyak. Hindi ko na rin halos malunok kahit ang sarili kong laway. Alam ko pulang-pula ako ngayon.

"Honey, nandito kami," sigaw ni mommy. Ayaw kong lingunin kung sino iyon dahil alam kong si Daddy lang iyon.

Nanatili lang akong nayuko. 

Nag-angat lang ako ng tingin nang may tumikhim kung saan. Nagulat pa ako nang makita ko iyong lalaking isnabero at 'mangaagaw-upuan' na nakatayo na sa gilid ni mommy. Ang mommy naman kinausap iyong lalaki na iyon tapos tinawag ako.

"Angel, this is Harry Clyde Romualdez. Only son ng tito Gerald Romualdez mo. Business partner sila ng daddy mo." Pagpapakilala ni mommy sa akin doon sa lalaki.

Naiilang naman akong tumingin dito.

Nakatingin siya sa akin. Mukhang inaral muna ang itsura ko mula ulo hanggang paa bago nilahad ang kamay sa akin.

"Hi, I'm Harry Clyde but you can call me Clyde." Ngumiti siya saglit. Pero tingin ko, ginawa lang niya iyon dahil nakatingin sa amin si mommy.

Antipatiko!

Tiningnan ko lang ang kamay niya saka ngumisi.

"Narinig ko nga kay mommy ko, I'm Angel." Tinanggap ko ang kamay niya. Ngunit kaagad akong napabitaw doon dahil may kung anong kuryente ang mabilis na dumalos sa aming mga kamay. Hindi ko lang alam kung pati siya ay ganoon ang naramdam. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"O, nandito na pala ang unica hija ko, Kumpadre. This is Angel. Hija, this is your tito Gerald and this is his only son, Clyde." Pagpapakilala ni dad. Tumingin naman siya sa akin at nakipagkamay.

"Hi, Angel. Maganda ang anak mo, Kumpadre," pagbibiro ni Tito Gerald. 

Nakakailang kasi lahat sila ay nasa akin ang mga mata. 

"Hello po, Tito Gerald. Nice to meet you po," bati ko sa kaniya. Bahagya pa ko napasulyap kay Clyde pero nakatingin siya sa phone.

"Halika muna't kumain bago tayo mag-usap," aya ni Daddy sa lahat.

Habang kumakain kami ay pasimple akong napapatingin kay Clyde.

Gwapo. Mukhang matalino. Mukhang maraming pinaiyak na babae ang lalaking ito. 

"Eunice hija, may boyfriend ka ba ngayon?" 

"P-po?" nauutal kong tanong. "A-ano po iyon, D-dad?" tanong ko muli. 

"Tinatanong kita, anak, may boyfriend ka ba ngayon?" Nasamid ako sa sarili kong laway kaya uminom muna ako ng tubig bago ako sumagot.

"W-wala po, dad."

"Good. Well, kumpadre, okay 'yung sa'kin. Sa'yo ba?" Hindi ko alam kung ano ang ibigsabihin ng sinabi ni daddy. Nagtataka ko silang tiningnan ni Tito Gerald. Pati si mommy ay tiningnan ko pero nasa pagkain ang paningin niya.

"Clyde, hijo, may nobya ka ba ngayon?" tanong ni tito Gerald sa anak. 

Mabilis na kumalabog ang puso ko. Kinakabahan ako sa mga nangyayari.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status