Si Angelyca Eunice Monteverde ay isang old fashion lady, may makapal na salamin sa mga mata at palaging nakapusod ang mahabang buhok. Solong anak siya at lumaking halos ang yaya lamang nito ang kasa-kasama sa bahay dahil palaging abala ang mga magulang sa kanilang negosyo. Nakilala si Harry Clyde Romualdez. Anak ng business partner ng kaniyang mga magulang. Noong una ay puno lamang ng pagtataka ang kaniyang nasa isip dahil may mga tanong ang mga magulang nila tungkol sa kani-kanilang estado pagdating Habang tumatagal ay naging magkaibigan sina Clyde at Angel. Nakilala ng dalaga ang lalaki na noon ay mayroon pa lang nobya—si Kyla. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nakipaghiwalay si Clyde rito. Nang ganap na maging malaya ay kaagad na pinormahan at niligawan nito si Angel na noon ay may lihim nang pagkakagusto rito. Ayaw pa nga nito aminin nung una pero dahil sa napansin ng kaniyang bestfriend na si Trisha ang bawat reaksyon ni Angel, na sa tuwing magkikita at magkakausap ang dalawa ay napagtanto nilang nahuhulog na nga ito rito. Naging sila pero maraming hadlang. Isa roon ang katotohanang dati pa lang magkasintahan sina Clyde at Trisha na piniling ilihim na lang ito kay Angel. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Si Loisha ay hindi sinasadyang narinig ang pinag-uusapan ng dalawa kaya nakahanap ito ng ibubutas para magkahiwalay sina Angel at Clyde. Nagtagumpay ito dahil labis na nasaktan ang dalaga lalo na nang malaman nitong naghalikan sina Clyde at Loisha noong araw na makipaghiwalay ito rito. Mapapatawaba ito ni Angel? Ano ang mangyayari sa kanilang dalawa gayong puno ng galit ang puso ng dalaga para sa Clyde?
View MoreCHAPTER 8 — PAST IS PASTCLYDE's POVUunahin kong ihatid si Loisha dahil bukod sa mas malapit ang bahay nito sa resto na pinanggalingan namin ay kailangan kong makausap si Angel. Kanina pa siya walang kibo sa likog habang si Loisha naman ay daldal nang daldal."Excited na nga ako para bukas sa party ni Alexis. Wait, may damit ka na ba?" tanong ni Loisha sa akin. Sinulyapan ko si Angel sa salamin at agad nagtama ang mga mata namin. Lilingonin ko sa sana siya pero muli na namang nagsalita anf katabi ko. "Sinabi ko kay kuya na hindi ka pupunta. Nagalit siya sa akin. Akala niya kulang ang efforf ko para mapilit kitang isama. Nag-alala nga ako kasi lumungkot 'yung mukha niya," aniya. Bahagyang bumagal ang pagsasalita."Bakit kasi kailangan pa ko sa party ni Alexis?""Ano ka ba? Magkaibigan kayo kaya malamang kailangan ay nandoon ka rin. Huwag ka ngang killjoy! Basta, pupunta tayo and that's final."Narinig ko ang pagsinghap ni Angel sa likod. Alam ko kasi na hindi s
CHAPTER 7 — PASSENGER'S SEATCLYDE's POVPapunta na ako sa unibersidad ni Angel para sunduin sila ng kaibigan niya. Gusto ko rin sana siyang ayain na kumain sa labas. Hindi ako nakakain ng tanghalain dahil inaway ako ni Kyla.FLASHBACK"Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang kanina pa ko rito? Anong oras na? My God, Clyde, mag-aalas dos na! Kung hindi ako nagkakamali ay trenta minuto lang ang byahe mula sa inyo hanggang dito," sigaw niya sa akin nang bumaba ako ng kotse. Sinalubong na niya ako sa parking lot pa lang at dito binungangaan. Namumula na anf buo niyang mukha sa galit."I'm sorry. Natraffic ako, e," paliwanag ko. Lumapit siya sa akin saka mas nilakasan ang boses."Na traffic? Oh come on, Clyde. Napakasinungaling mo na yata ngayon? Ang sabihin mo nambabae ka na naman," turan niya na dinuro pa ko sa dibdib.Hindi ko siya pinansin. Napako ang mga mata ko sa mga bato sa lupa."Mas inuuna mo ang ibang babae kaysa sa'kin na girlfriend mo! I hate you, I h
CHAPTER 6 — NOT A BIG DEALCLYDE's POVTuwing araw ng biyernes ay nakasanayan ko ng mag-ehersisyo rito sa bahay. May isang kwarto kasi sa ground floor ang ginawang exercise area na nilagyan ng iba't ibang klase ng equipment na makikita sa totoong gym.Nakasuot ako ng boxer at puting sando na basang-basa na ng pawis dahil tatlong oras na ako rito. Kasabay ng pagbibilang ko sa pagpupush-ups ay mayroon din malakas na musika ang bumabalot sa loob ng kwartong ito."Sir Clyde, may bisita po kayo." Napatingin ako sa isa naming kasambahay na nasa pinto. May hawak siyang basahan saka walis tambo.Tumayo ako at laking gulat ko nang alanganing sumilip si Angel sa likod ng katulong namin."Angel, what are you doing here?" tanong ko agad habang nagpupunas ng pawis. Napatingin naman ako sa dala niyang paper bag.Nagtaka naman ako sa biglaan niyang pagtalikod. Napapikit ako ng mariin nang mapagtanto kong naka-boxer at sando nga lang pala ako."Gi
CHAPTER 5 — UNEXPECTED KISSLOISHA's POVKanina ko pa napansin na wala sa mood sa Clyde hanggang sa makarating kami sa restaurant. Ramdam ko na ayaw sa akin ni Clyde pero alam kong matututuhan niya rin akong mahalin. Basta magtiyaga lang ako.Matalik na magkaibigan sina Kuya Lux at Clyde mula pa noong highschool sila. Madalas siya noon sa bahay namin pero dumalang iyon ng magkasakit si kuya. Nasa States siya ngayon at nagpapagamot. Kasama niya roon sina mommy at daddy kaya ako lang ang naiwan dito dahil nag-aaral ako. Si Kuya Lux mismo ang nagsabi kay Clyde na tingnan ako habang wala sila."Doon tayo sa dulo," wika ko nang makapasok kami.Hindi siya kumibo. Sumunod lang siya sa akin hanggang sa makapwesto na kami."Anong gusto mong kainin?" tanong ko.Tiningnan niya ang menu list. Mayamaya pa ay tumawag ng waiter at sinabi ang sariling order.Nakagat ko ang gilid ng labi ko saka napayuko."Sa inyo po, Ma'm?" tanong ng waiter sa akin.
CHAPTER 4 — GENTLEMANANGEL's POVAraw ng myerkules, nag-anunsyo ang instructor namin na wala kaming pasok kaya naisipan ko na lang na magpunta sa mall. Wala rin naman akong ginagawa sa bahay. Iniiwasan ko rin sina mommy at daddy dahil hindi pa ako handang pag-usapan ang tungkol sa amin ni Clyde.Sinubukan kong tawagan si Trisha para sana samahan ako kaya lang may pasok daw siya.Nasa second floor na ako at abala sa mga pagtingin ng mga libro dito sa National Book Store. May hinahanap kasi akong libro kaso ay wala na raw silang stock. Lumabas ako upang maglibot pa nang may madaanan akong Salon.May iilan na mga myembro ng LGBT Community ang nandoon sa labas kung saan namimigay sila ng mga flyers."Hello, Miss Pretty! Baka po gusto ninyong subukan ang aming new hair treatment. Discounted na po 'yan kasama ang rebond at cellophane." Biglang sabi ng isang bading na mahaba ang buhok.Mabilis na gumapang ang hiya sa aking katawan. Mas mukha pa s
CHAPTER 3 — ARRANGEMENTCLYDE's POVKanina pa ko nakikinig sa usapan nila daddy at Tito Aga. Kahit nakatutok ako sa phone ko ay nalikinig pa rin ako. Ayaw kong mapahiya mamaya kapag tinanong ako. Mapapahiya ako kapag hindi ako nakasagot.Paminsan-minsan ay nalilingunan ko ang babaeng anak nila Tito Aga. Angel daw ang pangalan niya. Iniiwasan kong matawa pero nakakatawa talaga ang paraan niya ng pananamit. Ang simple. Sobrang simple niya. Walang make-up. Pulbos lang yata ang mayroon siya sa mukha.Maganda sana kaso ang pangit ng taste sa pananamit.Naramdaman kong nag-vibrate iyong cellphone ko na nasa mesa.From: KylaHoney, I'm here outside of Guilbert's Place. I saw you earlier with your dad. Can I come inside and join to your dinner?Mabilis akong nag-type ng reply ko.To: KylaNope. This is family matters. I'm sorry but you can'tPagka-send ko noon ay bigla akong tinanong ni dad."Clyde, hijo may nobya ka ba ngayon?" tanong niy
CHAPTER 2 — HE'S TAKENCLYDE's POVNaiinis kong nilapag sa mesa ang aking cellphone nang mabasa ko ang mga texts galing sa daddy ko.From: DadSon, we have a dinner with one of our business partner at Guilbert's Place at 8pm. YOU NEED TO BE THERE with me. I can't take NO for an answer. Ok? See you.Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan na kasama pa ako? Alam naman niya na wala akong hilig para sa ganitong meeting o dinner-with-the-business-partners na iyan.Ilang sandali pa ay muling tumunog ang gadget ko at may isa pa na text galing ulit dito.From: DadDon't be late, Clyde.Napahawak na lang ako sa aking batok saka muling binasa ang text. Nilapag ko na lang muli ang phone ko sa mesa.Lalo akong nakaramdam ng inis sa ama ko. Edad bente-singko-anyos na ako pero kung makapag-utos at mando sa buhay ko ay animo siya ang amo ko.Noon pa lang, sinusunod ko na siya sa lahat ng gusto niya. Nung sinabi niyang mag-aral ako ng kursong Busi
CHAPTER 1 — OLD FRIENDANGEL's POVNatuon ang pansin ko sa aking cellular phone na minsan lang kung tumunog. Kung hindi lang kasi alarm ay timer lang ang silbi nito sa'kin. Wala akong ideya kung sino ang tumatawag sa akin dahil ang mga magulang ko ay abala sa kanilang mga negosyo.Nag-iisa akong anak nila Agathon at Eugene Monteverde. Second year college na ako ngayon sa kursong Computer Science sa isang unibersidad dito sa Marikina."Hello, who's this?" tanong ko pagkasagot."Angel!" Napangiwi ako nang marinig ang matinis na boses na iyon mula sa kabilang linya. Nagtataka naman ako dahil kilala niya ko."Hey, wait... Sino ka ba? Pasensya na, ha? Unregistered kasi ang num—""Ano ka ba naman bestfriend, katampo ka naman. Kinalimutan mo na 'ko, naku!" Putol niya sa sasabihin ko. Pinilit kong alalahanin kung kaninong number ba iyong nasa screen pero hindi ko talaga kilala.Hindi naman kasi ako nakikipagkaibigan."Hoy! Ano na?" tanong niya. Hal
Comments