Kung nasaan si Emma, inilalayo ako ng lahat. Batas na siguro iyon sa bahay. Kagaya ko rin noon, iniiwasan ng lahat si Emma. Isang tanong, isang sagot lang silang lahat sa kanya. Nakita ko nang mga sumunod na araw na nababagot na ito lalo na gabi na rin kung dumadating ang kanyang asawa na asawa ko. Minsan, dumidiretso pa rin si Jason sa kuwarto ko at nagkukunwarian akong tulog. Hinahaplos niya ang tiyan ko. Ibig sabihin mahal na mahal niya ang anak ko. Hindi niya ako sinasaktan dahil sa pinagbubuntis ko. Hanggang isang umaga nakita ko muling puno nang pasa ang mukha at katawan ni Emma. May mga parang paso pa ng sigarilyo sa kanyang makinis at maputing pisngi. Nagsisimula na ngang mangyari ang kinatatakutan ko. Ito na ang simula ng kalbaryo ni Emma.Maagang umalis noon si Jason. Naabutan na niya kasi ako noon sa kusina na pinapakain ng private nurse ko. Naramdaman kong palapit na si Emma sa akin nang bigla na lang akong kinuha ng nurse ko at inilayo sa kanya
Hanggang sa naramdaman ko na lamang na bumulwak na ang panubigan ko. Umagos iyon sa aking hita at nakita iyon ni Emma. “Oh Dyos ko. Nabasag na ang panubigan mo, Ate! Manganganak ka na! Ate Nadine, manganganak ka na! Tulong! Tulungan ninyo kami! Manganganak na si Nadine!” Mangyayari na nga. Ito na ang pinakakahihintay kong pagkakataon. Sana sa pagkakataong ito, makakatakas na ako nang tuluyan at sa tulong ni Emma, we can pull this out! Tinawagan muna ng private nurse ko si Jason. May kaba kami ni Emma nab aka hindi siya pasamahin sa hospital at hindi niya matulungan ngunit buo na ang plano ko. With or without Emma, I know that I can pull this off. Sobrang sakit na ng aking tiyan. Humihilab na hindi ko maintindihan. Sumasakit na rin ang aking likuran at balakang. Hanggang sa nagwawala na ko para makakuha ng atensiyon. Pwede ko namang pigilan ang sakit ngunit nangangailang ng mas matinding drama ang arte ko. Baliw eh kaya kailangan panindiga
“Emma! Saan ka pupunta! Emma!” boses iyon ni Jason. Hindi ko siya nilingon.Mabilis na akong pumasok sa loob.Pilit kong pinindot-pindot ang close ng elevator bago pa siya makarating at makapasok. Nang pasara na ang elevator ay nakita niya ang mukha ko. Nakita ko rin ang mukha niyang gulat na gulat. Alam na niyang hindi ako si Emma.Hindi siya nakahabol. Oh my God. Salamat at mukhang makakatakas na ako. Hindi bumukas ang elevator sa 4th floor at ako pa lang ang laman nito. Alam na ni Jason na ako ito. Hindi nakakatulong ang Hat at shades. Magagamit lang nila iyong palatandaan sa akin. Pero magagamit ko ito sa basement kaya tinupi ko ang hat at hinawakan. Inilagay ko sa ulo ko ang shades.Kinakabahan ako na baka paghinto ng elevator sa ibang floors ay naroon si Jason na nag-aabang. Tama, pwede siyang gumamit ng hagdan pababa at habulin ako. Patay! Huminto nga ang elevator sa 3rd floor. Kinakabahan ako. Sinasabi ng utak kong naroon na si Jason. Pagbukas ng elevator papasok
“Dali Neng! Sumakay ka na. Bilis!” sigaw sa akin ng matandang nakausap ko kanina. Mabilis akong sumakay at agad na isinara ang pintuan. Pinaharurot ng driver ang sasakyan. Paakyat ang bahaging iyon. Nakita kong malayo-malayo na ang humahangos na si Jason. BIgla akong kinabahan nang sa taas, sa exit ng mga sasakyan. Kailangan pa palang huminto doon para magbayad ng parking fee. “Oh my God! Maabutan niya ako. Maaabutan niya tayo!” sigaw ko na hindi mapakali. Alam ko kasi ang tagal ng mga babaeng kahera sa mga singilan ng parking fee at may card ka pang ibibigay. Nang matapat kami sa bayaran ng parking fee ay binuksan ng matanda ang bintana. Kumaway lang siya. Agad na nagbukas ang harang. “Thank you Mrs. Delacerna.” “Oh God mabuti kilala siya.” Tatlong dipa na lang si Jason. Kita ko ang galit at ngitngit sa kanyang mukha at dahil gabi na, maluwag na maluwag na ang daan. Mabilis na pinaharurot ng driver ni
“Well, tignan natin ang result ng MRI niya muna. Kapag naman maliit lang ang damage, curable. Kapag may nakikita na siya na makapagpapaalala sa kanya sa dati niyang mga karanasan o taong bahagi ng kanyang buhay, madali na niyang mabalikan ang lahat. This is not permanent. Huwag lang nating biglain ang biktima at piliting aalahanin lahat. Kusang babalik ang kanyang alaala. Let’s just take care of her na lang muna at pakainin ng masustansiya.”“Okey, Dok. Salamat po.”“Bisitahin ko lang muli siya. Good thing, nagising na siya after few weeks of coma.”“Oo nga Dok. Well, I presume kailangan mo nang mag-isip na muna ang ipangalan sa kanya until her memory comes back?”Tumango ang lalaki.Nang lumabas ang doctor at nurse ay nilapitan ako ng lalaki. Huminga siya nang malalim. Nang hawakan niya ang kamay ko ay agad ko iyong inilayo. May naramdaman akong pag-aalinlangan at takot na hindi ko alam kung saan nagmumula basta ayaw ko sa lalaki. Ayaw kong mahawakan ng lalaki.“I’m Russel.” Inilahad
“Dali Neng! Sumakay ka na. Bilis!” sigaw sa akin ng matandang nakausap ko kanina. Mabilis akong sumakay at agad na isinara ang pintuan. Pinaharurot ng driver ang sasakyan. Paakyat ang bahaging iyon. Nakita kong malayo-malayo na ang humahangos na si Jason. BIgla akong kinabahan nang sa taas, sa exit ng mga sasakyan. Kailangan pa palang huminto doon para magbayad ng parking fee. “Oh my God! Maabutan niya ako. Maaabutan niya tayo!” sigaw ko na hindi mapakali. Alam ko kasi ang tagal ng mga babaeng kahera sa mga singilan ng parking fee at may card ka pang ibibigay. Nang matapat kami sa bayaran ng parking fee ay binuksan ng matanda ang bintana. Kumaway lang siya. Agad na nagbukas ang harang. “Thank you Mrs. Delacerna.” “Oh God mabuti kilala siya.” Tatlong dipa na lang si Jason. Kita ko ang galit at ngitngit sa kanyang mukha at dahil gabi na, maluwag na maluwag na ang daan. Mabilis na pinaharurot ng driver ni
Nahihilo ako. Nawawalan na ng pag-asa. Pero hindi dapat ako patalo. Hindi pa ako dapat mawalan ng malay. Mas gusto ko pang mamatay na lang kaysa bumalik kay Jason. Natanaw kong pababa na sina Diego at Berto para siguro siguraduhin kaming patay lahat. Wala si Dennis. Maaring si Emma ang binantayan niya. Kailangan kong makatakas bago pa sila tuluyang makababa. Binuksan ko ang pintuan sa atapat ko. Pero nanlumo ako. Naka-lock. Hindi ko mabuksan ang pintuan. Oh my God! Anong gagawa ko. Gusto kong makatakas. Nakikita ko na silang malapit na sa amin ang dalawa. Kahit sa bahaging kay Belen ay hindi ko rin mabuksan. Naka-lock din ito. Hanggang sa malapit na malapit na sila sa amin. Wala na akong kawala pa. Wala na sa mga kasama ko ang may malay dahil sa lakas ng impact ng aming pagkakahulog at tama sa kanila ng baril. Dahil tinted ang sasakyan hindi rin kami makita sa loob pero kitang kita ko sila mula sa loob ng sasakyan. Nanatili si Jason sa taas. Nakatanaw sa amin. Sinisiguro na mamatay la
Dumating ang araw na burol ni Mommy Mhie. Binuksan na Russel ang bahay niya para sa mga kaibigan ng mommy niya, kasama sa negosyo at kamag-anak at sa kahit sinong gustong makiramay. Hindi niya sinabi sa lahat kung ano ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang Mommy. Ang alam ng mga pumuntang nakiramay ay namatay ang matanda dahil sa matagal nitong karamdaman na breast cancer. Sa ilang gabing burol ng Mommy ni Russel ay doon naman ako gabi-gabi dinadalaw ng mga hindi ko maintindihang nakakapaghilakbot na panaginip. Hindi ko alam kung totoo ang mga bangungot na sinasaktan ako at pinahihirapan ng isang lalaking hindi ko mamukhaan. Lalaking humahabol sa akin at gusto akong patayin sa kakahuyan. May kaganapang pagpatay ng lalaking iyon sa isang babae at matanda. Malinaw sa panaginip ko ang isang pamilyar na malaking bahay at minsan ko ring naisip habang paantok na ako at nasa bingit ng pagtulog ang isang duguang sanggol na hinugot sa aking sinapupunan. Doon